Akademikong Sulatin, Ating Alamin PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Sir Noel P. Trillana, LPT
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga tala sa akademikong pagsulat. Tinatalakay ang katangian, layunin, at paraan ng pagsulat, kasama ang mga sanggunian at mahahalagang puntos.
Full Transcript
Akademikong Sulatin, Ating Alamin. SIR NOEL P. TRILLANA, LPT LAYUNIN: a. Naipapamalas ang pang-unawa sa kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan. b. Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang...
Akademikong Sulatin, Ating Alamin. SIR NOEL P. TRILLANA, LPT LAYUNIN: a. Naipapamalas ang pang-unawa sa kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan. b. Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin. c. Nakakasulat ng isang tweet upang maipahayag ang natutunan sa aralin. PAGSULAT - Isa sa makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan. Ang wika ang pangunahing sangkap sa pagbuo ng isang sulatin na magluluwal ng ibat’ibang ideya na nagiging mensahe. - Malaki ang gampanin ng pagsulat sa pagpapahayag ng iyong saloobin, pananaw, opinion , ideya at anumang iniisip. - Inilalapat at isinasakonteksto ng pagsulat ang mga impormasyon na nais maipabatid mula sa sariling kaalaman at karanansan na sinangkapan ng komprehensibong pananaliksik upang magimg akademiko. Akademikong Pagsulat - Hindi maaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon. Ang isip ang pinagmumulan ng proseso ng kognisyon. - Magakatambal ang pagsulat at pagiisip. - Nakapaloob sa pag-iisip ang kalipunan ng mga kaalaman buhay sa biyolohikal at kaalamang idinulot ng karanasan. - Isang uri ng pagsulat ang akademikong sulatin.Ito ay makikilala sa layunin, katangian at anyo nito. PAGKATANDAAN! AKADEMIKON PAGSULAT IBA PANG G SULATIN SULATIN Kaugnay ng Kasanayan Personal akademikon dapat Malikhain g disiplina mapaunlad Propesyonal Isinusulat sa iskolarling Eksperimental pamamaraa n MGA KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN 1. Komprehensibong Paksa - Batay ito sa interes ng manunulat. Kung ang pagsulat naman ay itinakdang ipagawa, madalas nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon na may kaugnayan sa mga usaping panlipunan batay sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika at pangkultura at iba pa. 2. Angkop na layunin - Ang layunin ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng akademikong sulatin. 3. Gabay na Balangkas- Magsisilbing gabay ang balangkas ng akademikong sulatin. Gabay ito upang organisahin ang ideya at sulatin. MGA KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN 4. Halaga ng datos - Nakasalaylay ang tagumpay ng akademikong sulatin sa datos. Maituturing na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang datos ng anumang akda. PRIMARYANG SEKONDARYANG SANGGUNIAN SANGGUNIAN Talaarawan Reaksiyon sa isang Pakikipanayam Liham -aklat Orihinal na gawang sining - Palabas Orihinal na larawan - Manuskrito Orihinal na pananaliksik - Pahayag ng isang tao Mga isinulat na panitikan - Buod ng anumang akda. MGA KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN 5. Epektibong Pagsusuri - Bahagi rin ng isang komprehensibong akademikong sulatin ang pagsusuri. Upang maging epektibo, lohikal ang dapat na gawing pagsusuri. 6. Tugon ng Konklusyon - Taglay ng konklusyon ang pangkahalatang paliwanag sa nais na maipahayag ng akademikong sulatin. Makikita sa konklusyon ang kasagutan sa mga itinampok na katanungan sa isinulat na pag-aaral. DAPAT TANDAAN SA MGA SUSULAT 1. Huwag magpasok ng bagong material - Ang konklusyon ay iyong lugar upang tapusin ang iyong sulatin, hindi magtapon ng karagdagang puntos na hindi mo nagawa sa katawan ng mga talata. 2. Huwag pahinain ang iyong panindigan sa paghingi ng tawad sa isang bagay na napaliwanag mo na. 3. Huwag magtapos sa “cliff hanger” na iniiwang bitin ang mambabasa. PAGKATANDAAN!!! PAGSULAT Ideya Nararamdam Tugon konsepto an aksiyon saloobin ISIP DAMDAMIN KILOS