_Aralin_9_Kakayahang_Lingguwistiko.pptx.pdf
Document Details
Uploaded by GodGivenHedgehog8297
TUP
Full Transcript
Yunit III Ang May Kakayahang Komunikatibo, Panalo! Aralin 9 Kakayahang Lingguwistiko Layunin ng Talakayan maipaliwanag ang kahulugan ng kakayahang lingguwistiko; matukoy ang mga bahagi ng pananalita sa wikang Filipino; at magamit ang wastong gramatika ng wika sa pagpapahayag. Daloy ng...
Yunit III Ang May Kakayahang Komunikatibo, Panalo! Aralin 9 Kakayahang Lingguwistiko Layunin ng Talakayan maipaliwanag ang kahulugan ng kakayahang lingguwistiko; matukoy ang mga bahagi ng pananalita sa wikang Filipino; at magamit ang wastong gramatika ng wika sa pagpapahayag. Daloy ng Talakayan ◆ Kahulugan ng kakayahang lingguwistiko at kakayahang komunikatibo; at ◆ Kakayahang lingguwistiko sa wikang Filipino. Kahulugan ng Kakayahang Lingguwistiko at Kakayahan Komunikatibo Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap. Pinag-iiba ng mga lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata ang nasabing kakayahan sa tinatawag na kakayahang komunikatibo, na nangangahulugan namang abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal (Hymes 1972). Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na sa maraming pagbabago at reoryentasyon ang ating wikang pambansa na nagbunga ng pagbabago sa matandang balarila. Bahagi ng Pananalita sa Makabagong Gramatika A. Mga Salitang Pangnilalaman: 1. Mga nominal a. Pangngalan – nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, at iba pa b. Panghalip – pamalit o panghalili sa pangngalan 2. Pandiwa – nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita 3. Mga panuring a. Pang-uri – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip b. Pang-abay – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino B. Mga Salitang Pangkayarian: 1. Mga Pang-ugnay a. Pangatnig – nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay (halimbawa: at, pati, ni, subalit, ngunit) b. Pang-angkop – katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (halimbawa: na, -ng) c. Pang-ukol – nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita (halimbawa: sa, ng) 2. Mga Pananda a. Pantukoy – salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip (halimbawa: si, ang, ang mga) b. Pangawing o Pangawil – salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri (halimbawa: ay) Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Ortograpiya ng Wikang Filipino A. Pasalitang Pagbaybay Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog-Ingles ng mga titik, maliban sa Ñ (enye) na tunog-Espanyol. Ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga titik na bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, inisyal, akronim, simbolong pang-agham, at iba pa. Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino B. Pasulat na Pagbaybay Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikular sa paggamit ng walong dagdag na titik (c, f, j, ñ, q, v, x, z) para sa: 1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas. Halimbawa: palavvun (Ibanag) bugtong kazzing (Itawes) kambing jambangán (Tausug) halaman safot (Ibaloy) sapot ng gagamba masjid (Tausug, Mëranaw) gusaling samabahan ng mga Muslim 2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating hiram na salitang lumaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay hindi na saklaw ng panuntunang ito. Halimbawa: selfie digital detox Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Pagpapalit ng D Tungo Sa R; ❖ Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan nitong salita ay nagtatapos sa patinig o sa malapatinig na W at Y halimbawa: malaya rin mababaw raw ❖ Nanatili ito sa D kung sa katinig naman nagtatapos ang sinusundang salita (halimbawa: aalis din, malalim daw). Gayundin, nananatili ang D kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa –ra, -ri, -raw, o –ray halimbawa: maaari din, araw-araw daw Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Paggamit ng “Ng” At “Nang” May limang tiyak na paggamit ng nang: a. bilang kasingkahulugan ng noong halimbawa: “Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, kaagad silang nagpatayo ng mga paaralan.” b. bilang kasingkahulugan ng upang o para halimbawa: “Ikinulong ni Ana ang aso nang hindi na ito makakagat pa.” c. katumbas ng pinagsamang na at ng halimbawa: “Malapit nang makauwi ang kaniyang tatay mula sa Saudi Arabia.” Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Paggamit ng “Ng” At “Nang” d. pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano halimbawa: “Iniabot nang palihim ni Carl ang liham kay Christine.” “Tumaas nang sobra ang presyo ng langis.” e. bilang pang-angkop ng inuulit na salita halimbawa: “Pabilis nang pabilis ang ikot ng elisi ng eroplano.” Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Wastong Gamit ng Gitling (-) a. sa inuulit na salita, ganap man o hindi halimbawa: araw-araw gabi-gabi para-paraan b. sa isahang pantig na tunog o onomatopeya halimbawa: tik-tak brum-brum c. sa paghihiwalay ng katinig at patinig halimbawa: pag-aaral mag-asawa d. sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi halimbawa: pa-Marikina maka-Pilipino e. sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na Baybay halimbawa: mag-compute pa-encode Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino f. sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular sa sinaunang Tagalog at sa iba pang wika sa Pilipinas halimbawa: gab-i, mus-ing lab-ong g. sa bagong tambalang salita halimbawa: lipat-bahay amoy-pawis h. sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika- halimbawa: ika-12 ng tanghali ika-23 ng Mayo i. at sa pagbilang ng oras, numero man o salita, na ikinakabit sa alas- halimbawa: alas-2 ng hapon alas-dos ng hapon Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino i. sa kasunod ng “de” halimbawa: de-lata de-kolor j. sa kasunod ng “di” halimbawa: di-mahawakan di-kalakihan k. sa apelyido ng babaeng nag-asawa upang maipakita ang orihinal na apelyido noong dalaga pa halimbawa: Genoveva Edroza-Matute