Aralin 2: Kahulugan ng Salita (Tagalog) PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng mga salita sa Tagalog, partikular na ang mga panlapi at ang epekto nito sa kahulugan. Ipinapakita kung paano nagbabago ang kahulugan ng mga salita batay sa paggamit ng iba't ibang panlapi. May mga tanong at gawain para pag-aralan ang paksa.

Full Transcript

**ARALIN 2 :** **KAHULUGAN NG SALITA: GAMIT NG PANLAPI** **LAYUNIN:** Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang napapatunayang nagbabago ang kahulugan ng mga salitang naglalarawan batay sa ginagamit na Panlapi. Ang **panlapi** ay isang morpema o pinakamaliit na yunit ng salita, maa...

**ARALIN 2 :** **KAHULUGAN NG SALITA: GAMIT NG PANLAPI** **LAYUNIN:** Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang napapatunayang nagbabago ang kahulugan ng mga salitang naglalarawan batay sa ginagamit na Panlapi. Ang **panlapi** ay isang morpema o pinakamaliit na yunit ng salita, maaari ding sabihing isang **kataga**. Ang **paglalapi** ay tumutukoy sa kayarian o pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama ng salitang-ugat at panlapi. Sa paggamit at paglalagay ng iba't ibang panlapi sa salitang-ugat nagkakaroon ito ng iba-ibang kahulugan. Ang **salitang-ugat** naman ay ang salitang buo ang kilos, diwa, o kahulugan. Ito ang pinagmumulan o pinanggagalingan ng mga salitang maylapi. Ang salitang bait ay nangangahulugang katinuan. Nang nilagyan ng panlaping ma- ay naging maylaping salita na nangangahulugang mayroong katinuan o nagtataglay ng katinuan. Ang katinuan ay tumutukoy sa katinuan ng pag-iisip upang maging tama ang mga iniisip, sinasalita, at ginagawa. Nagkaroon ba ng ibang kahulugan? Patunayan pa nating maaaring magbago ng kahulugan ang isang salitang naglalarawan dahil sa panlapi. Iba pang halimbawa ng pagbagong ito ay ang nasa ibaba. Suriin ang pag-iiba ng kahulugan sa pamamagitan ng paggamit ng panlapi. ![](media/image2.png) **Panlaping makauri** ang tawag sa mga panlaping ikinakabit sa mga salitang naglalarawan o pang-uri. Nagkakaroon ito ng kahulugan sa tuwing isinasama sa salitang-ugat. ![](media/image4.png) Ang salitang bigay ay nangangahulugang iniabot, nagkaloob. Nang nilapian ng mapag- ay nagbago ito ng kahulugan, naging paglalarawan sa ugaling taglay, ang pagiging laging nagbibigay. Ang salitang buwaya ay isang *reptile* o reptilya. Nang ikinabit ang panlaping mala- ay nagkaroon ito ng bagong kahulugan. Hindi na ito tumutukoy sa mismong hayop. Ibinatay na sa katangian ng buwaya ang kahulugan ng salita, ang pagiging ganid ng buwaya. Samakatuwid, ang kahulugan ng salitang malabuwaya ay labis na ganid. Natuklasan nating malaki pala ang nagagawa ng mga panlapi upang mabago ang kahulugan ng isang salita. Bagaman walang kahulugan ang mga kataga o panlapi sa tuwing ito ay hindi pa isinasama sa salitang-ugat, nagkakaroon pala ito ng sarili niyang kahulugan at naiimpluwensyahang mabago ang kahulugan ng salita pati na rin ang buong kaisipan ng pahayag. **SAGUTIN NATIN:** 1. Ano ang Panlapi? 2. Ano ang Paglalapi? 3. Ano ang Panlaping makauri? **SUBUKAN NATIN!** Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1\. Ano ang nagagawa ng mga panlapi sa tiyak o literal na kahulugan ng isang salita? 2\. Ano ang gampanin ng mga panlaping makauri? **ISAISIP NATIN!** Paano nakatutulong ang tamang paggamit ng mga panlapi at panlaping makauri sa pagpapahayag ng ating mga saloobin?

Use Quizgecko on...
Browser
Browser