AP9- QRT4- Week 1 PDF: Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Document Details

Uploaded by BestSellingSchrodinger
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng isang aralin sa Araling Panlipunan 9, na may fokus sa konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran. Tinatalakay nito ang mga salik at proyektong may kinalaman sa pagsulong ng ekonomiya ng Pilipinas. Kasama rin sa aralin ang mga tanong at gawain na naglalayong linangin ang pag-unawa sa isyung ito.
Full Transcript
1 ARALING PANLIPUNAN 9- IKAPAT NA MARKAHAN Pangalan________________________________________________________________ Pangkat ________ Guro ___________________________________________________ Aralin Konsepto at Palatandaan ng 1 Pamba...
1 ARALING PANLIPUNAN 9- IKAPAT NA MARKAHAN Pangalan________________________________________________________________ Pangkat ________ Guro ___________________________________________________ Aralin Konsepto at Palatandaan ng 1 Pambansang Kaunlaran I. Layunin: MELC/ Kasanayan Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran. II. Inaasahan Sa aralin na ito malalaman ng bawat mag - aaral ang konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran. Sa pagtalakay ng pambansang kaunlaran, mahalaga ang maayos na ugnayan ng lahat ng sektor ng ekonomiya upang ganap na matamo ang tunguhing ito. Sa pagsiyasat ng pambansang kaunlaran, ang mga mag - aaral ay haharap sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong gawain na sadyang pupukaw ng iyong interes at magbibigay sa iyo ng kaalaman at magagamit mo sa pang araw- araw na pamumuhay. Ang modyul na ito ay nakapokus sa pag-aaral ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran at pagsiyasat sa mga palatandaan nito. Inaasahan din ang pagkatukoy sa iba’t ibang gampanin ng bawat mamamayan tungo sa sama-samang pagkilos at pagplano kung paano makapag- aambag sa mithiing pag-unlad. Sa modyul na ito, gagabayan ang bawat mag – aaral upang matutunan ang mga sumusunod: 1. Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran. 2. Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran. 3. Natutukoy ang mga salik na makatutulong sa pambansang kaunlaran. I. Pagpili. Piliin sa loob ng kahon ang salitang katambal sa bawat bilang at isulat sa patlang ang iyong sagot. 8-Point Economic Agenda Pagsulong likas na yaman Human Development Index Pag-unlad kaunlarang pangkabuhayan MSMEs pagbabayad ng tamang buwis Rodrigo R. Duterte UNCTAD (United Nations Conference On Trade And Development) 1. Bunga ng proseso na nagpapakita ng pagbabago ng ekonomiya. 2. Tumutukoy sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya, pangkalahatang pagbuti ng antas ng pamumuhay. 3. Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas ng pamumuhay o kabuoang proseso. 4. Nag-ulat noong 2012 na mas malaki ang bilang ng mga dayuhang mamumuhunan (FDI) sa mga papaunlad na bansa kaysa sa mauunlad na bansa. 5. Isa sa mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. 6. Micro, small, and medium enterprises 7. Isa sa mga bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa pagtamo ng pambansang kaunlaran. 8. Naging pangulo noong Hunyo 30, 2016 at unang pangulo mula sa Mindanao na may planong pang ekonomiyang tinaguriang “Build, Build, Build Program.”. 9. Nilahad ng administrasyon ni Pangulong Duterte ukol sa proyektong pang- ekonomiya ng Pilipinas. 10. Ginagamit upang masukat ang kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao. AP9- QRT4- Week 1 2 ARALING PANLIPUNAN 9- IKAPAT NA MARKAHAN Panuto: Basahing mabuti ang katanungan at pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno. 1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya? A. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya B. Kita at gastusin ng pamahalaan C. Kalakalan sa loob at labas ng bansa D. Transaksiyon ng mga intitusyong pampinansyal 2. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa? A. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho. B. Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal. C. Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa. D. Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa. 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income? A. Expenditure Approach B. Economic Freedom Approach C. Industrial Origin/Value Added Approach D. Income Approach 4. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuoang presyo sa ekonomiya? A. Deplasyon B. Depresyon C.Implasyon D. Resesyon 5. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa? A. Magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal. B. Magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya. C. Repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksiyon. D. Makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya. Basahin ang teksto sa ibaba. Nais ko na ilaan mo ang lahat ng iyong oras at pag-iisip sa mga paksang ating tatalakayin. Basahing mabuti at unawain ang mga panuto sa mga gawain upang matamo natin ang ating layunin sa paksang ito. Isulat sa iyong kwaderno ang mahahalagang paksa at iyong natutuhan sa aralin, ang pag-susulat ay nakakatulong upang lalong mabigyan ng diin ang mga konsepto. Sagutin ang lahat ng mga Gawain sa abot ng iyong makakaya upang mas maunawaan ang kahalagahan nito sa pagkatuto. PAKSA #1: KONSEPTO NG PAG-UNLAD AT PAGSULONG Reference: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Araling Panlipunan Ano ang Pag-unlad? Ano ang Pagsulong? 1. Ang pag-unlad ay pagbabago mula sa 1. Isa itong kaisipang maaaring may mababa tungo sa mataas na antas ng kaugnayan din sa salitang pagsulong. pamumuhay. Source: Merriam-Webster Source: Merriam-Webster 2. Ang pag-unlad ay isang progresibo at 2. Ang pagsulong ay ang bunga ng prosesong aktibong proseso. Ang Pagsulong ay ito. Ibig sabihin, ang pagsulong ay produkto resulta ng pag-unlad. Subalit hindi doon ng pag-unlad. Halimbawa, ang makabagong nagtatapos ang pag-unlad. Dapat itong pamamaraan ng pagtatanim ng palay ay makalikha ng mas marami at lalong kinapapalooban ng isang proseso, at ito ang mabuting produkto at serbisyo. Dagdag pag-unlad. Ang pagsulong ay nakikita at pa niya, ang pag-unlad ay isang nasusukat. Ang mga halimbawa nito ay mga AP9- QRT4- Week 1 3 ARALING PANLIPUNAN 9- IKAPAT NA MARKAHAN progresibong proseso ng pagpapabuti ng daan, sasakyan, kabahayan, gusali, kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa pagamutan, bangko, paaralan, at marami ng antas ng kahirapan, kawalan ng pang iba. trabaho, kamangmangan, di- Source: Feliciano R. Fajardo na Economic Development pagkakapantay-pantay, at (1994) pananamantala. Source: Feliciano R. Fajardo, Economic Development (1994) 3. May dalawang magkaibang konsepto 3. Bunga ng proseso na nagpapakita ng ng pag-unlad: ang tradisyonal na pagbabago ng ekonomiya. pananaw at makabagong pananaw. Source: Michael P. Todaro at Stephen C. Smith , Economic 3.1 Sa tradisyonal na pananaw, ang pag- Development (2012) unlad ay matatamo sa patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita na may layuning maparami ng bansa ang kaniyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon nito. 3.2 Sa makabagong pananaw naman, isinasaad na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan Source: Michael P. Todaro at Stephen C. Smith , Economic Development (2012) Sa talahanayan, ipinaliwanag ang kahulugan ng Pag-unlad at Pagsulong. Dapat na ituon ang pansin sa iba’t ibang pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao at grupo sa nasabing sistema upang masiguro rin ang paglayo mula sa di-kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay tungo sa kondisyon na mas kasiya-siya. Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”. Upang matamo ito, mahalagang bigyang pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan tulad ng kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay at ng iba pang salik na naglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan. Sa larangan naman ng ekonomiya ng Pilipinas, tumaas sa 6.7% ang gross domestic product (GDP) ng bansa noong 2018 na nangangahulugang isa ang Pilipinas sa may fastest growing economy sa Asya. Ito ay bunga ng 8-Point Economic Agenda ng pamahalaan. Naging malaking tulong ang mga pagpupulong ng pangulo kasama ang iba pang mga lider na magbibigay ng investment at trabaho para sa libu-libong mga Pilipino. Target ng pamahalaan noon na tumaas pa sa 7% hanggang 8% ang GDP sa sunod na tatlong taon. Ngunit sa kasulukuyang nararanasang pandaigdigang krisis dulot ng pandemyang Covid- 19 ay tila bumagal ang takbo ng ekonomiya ito man ay Pambansa o Pandaigidang kaunlaran. Gawain 1 : L.S.S. (LISTA, SURI, SOLUSYON) Magbasa at magsaliksik. Suriin at isulat sa ibaba ang mga ideyang nakalap mo at iugnay ito batay sa kasalukuyang estadong pang - ekonomiya ng ating bansa. Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang gabay sa iyong pagsagot. AP9- QRT4- Week 1 4 ARALING PANLIPUNAN 9- IKAPAT NA MARKAHAN Ano-ano ang mga proyektong ginagawa ng pamahalaan na Lista maaaring maging dahilan ng Pambansang Kaunlaran? Ano-ano ang mga nagiging balakid sa pagkamit ng Pambansang Suri Kaunlaran? Sa iyong palagay, ano-ano ang maaring maging solusyon sa mga Solusyon balakid na iyong nailista upang makamit ang Pambansang Kaunlaran? Paksa #2: Palatandaan ng Pag-unlad Sa puntong ito ay natutuhan mo na ang pag - unlad ng isang bansa ay tumutukoy sa pagkakaroon ng maayos at mainam na pamumuhay ng mga mamamayan. Walang tiyak na kahulugan ito subalit may mga tanda, tulad ng nabanggit sa unang bahagi, na maaari nating gamitin upang masabi na maunlad ang isang bansa. Maaari kayang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad? Maraming bansa sa kasalukuyan, tulad ng China at Malaysia, ang sinasabing progresibo. Maraming modernong gusali ang naitatayo sa mga nasabing bansa. Maraming mga korporasyon ang kumikita nang malaki subalit karamihan sa mga ito ay pagmamay-ari at pinamamahalaan ng mga dayuhang mamumuhunan. Sa katunayan, sa kauna-unahang pagkakataon ay naiulat ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) na noong 2012 ay mas malaki ang bilang ng mga dayuhang mamumuhunan (FDI) sa mga papaunlad na bansa kompara sa mauunlad na bansa. Ano-ano ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong? 1. Likas na Yaman. Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa. 2. Yamang-Tao. Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas-paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ng mga manggagawa nito. 3. Kapital. Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo. 4. Teknolohiya at Inobasyon. Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas maparami ang mga nalilikhang produkto at serbisyo. Sa kabuoan, masasabing ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Sa pagsulong, sinusukat ang halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa loob ng isang panahon. Sa pagsukat nito, ginagamit ang Gross Domestic Product (GDP), Gross National Product (GNP), GDP/ GNP per capita at real GDP/ GNP. Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang Human Development Index bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa. Ang Human Development Index (HDI) ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay. Ang Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao o Human Development Index (HDI) ay isang talatuntunan o indeks na ginagamit upang sukatin o iranggo ang mga bansa ayon sa antas ng kaunlarang panlipunan at ekonomiya ng isang bansa at karaniwang nagpapahiwatig kung ang isang bansa ay maunlad, umuunlad, o kulang sa pag-unlad. AP9- QRT4- Week 1 5 ARALING PANLIPUNAN 9- IKAPAT NA MARKAHAN Ang HDI ay binubuo ng: 1. Indeks ng inaasahang panahon ng buhay 2. Indeks ng edukasyon 3. Indeks ng Sahod Kahalagahan ng HDI. Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag- unlad ng isang bansa, hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya nito. Ang Human Development Report ay pinasimulan ni Mahbub ul Haq noong 1990. Ayon sa kaniya, ang pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang pamimilian (choices) ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Ang Human Development Report Office (HRDO) ng United Nations Development Programme (UNDP) ay gumagamit ng mga karagdagang palatandaan upang masukat ang hindi pagkakapantay-pantay (Inequality-adjusted HDI), kahirapan (Multidimensional Poverty Index) at gender disparity (Gender Inequality Index). Ang Inequality-adjusted HDI ay ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagi ang kita, kalusugan, at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa. Ang Multidimensional Poverty Index naman ay ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay samantalang ang Gender Development Index ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae. Ang pagbibigay pansin sa kaunlarang pantao ay lubhang mahalaga sa paghahanap ng pamamaraan upang mas mapabuti pa ang kalagayan ng mga tao. Ang human development ay hindi nakapako sa iisang konsepto lamang. Bagkus, habang nagbabago ang mundo ay patuloy ring nagbabago ang pamamaraan at konseptong nakapaloob dito. Tanging ang katotohanang ang pagunlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto nito sa pamumuhay ng mga tao. Gawain 2 : INSTA-PIC Sa bahaging ito, matutunghayan mo ang ilan sa mga halimbawang palatandaan ng pag- unlad. Pumili lamang ng tatlo sa mga palatandaan ng pag-unlad at iyong pagnilayan. Isulat ang napiling palatandaan sa Insta-box A at magdikit ng larawan na may maikling paliwanag na naaangkop dito sa Insta-box B. Insta-box A Insta-box B Mga halimbawa ng palatandaan ng pag-unlad: 1. Pagkakaroon ng pagsulong ng isang bansa 2. Mga pagbabago sa lipunan gaya nag pagtatayo ng mga bagong istruktura 3. Pag unlad ng pamumuhay ng mga tao o ang pagbawas sa mga iskwater 4. Hindi makikita ang pag kakaroon ng hindi pagkakapantay pantay na antas ng pamumuhay ng mga tao 5. Mayroong kaayusang panlipunan ang isang bansa 6. Mayroong kalayaan ang mga tao na umalis sa kahirapan 7. Mababa ang bilang ng mga krimen na nagaganap 8. Ang lahat o marami sa mga tao ang may disenteng pinagkukuhaan ng pangkabuhayan 9. Pagbawas o pagkawala ng mga batang lansangan na makikita sa mga kalsada 10. Marami sa mga Pilipino ang may sariling trabaho 11. Ang edukasyon ay ipinagkakaloob ng libre sa lahat ng kabataan 12. Mataas ang literacy rate ng bansa 13. Walang korapsyon na nagaganap sa pamahalaan AP9- QRT4- Week 1 6 ARALING PANLIPUNAN 9- IKAPAT NA MARKAHAN Pamprosesong tanong: 1. Bilang isang Pilipino, paano pa mapagbubuti ng Pilipinas ang pagsulong ng ekonomiya nito gamit ang mga salik na nakatutulong sa pambansang kaunlaran? 2. Ano ang maaari mong maging bahagi sa pagtatamo ng pambansang kaunlaran? 3. Ano ang tatlong aspektong sinusukat ng Human Development Index? 4. Sa iyong palagay, sapat na kaya ang mga aspekto at pananda ng HDI upang ganap na masukat ang antas ng pag-unlad ng isang bansa? Patunayan. 5. Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng mga pamahalaan ng iba’t ibang bansa ang mga aspekto at indicators ginagamit sa HDI? Gawain 3: Pagtulong sa bayan, I-hashtag na yan! A. Bilang isang Pilipino, papaano mo magagamit ang mga salik ng pambansang kaunlaran sa iyong komunidad? Ilahad ang iyong kasagutan gamit ang isang hashtag o isulat ang iyong paliwanag ang iyong sagot sa hashtag box sa ibaba. Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mo napiling gawing hashtag ang nasabing gampanin? 2. Ano-ano ang nakahanda mong gawin para sa ikauunlad ng ating bayan? Pangatwiranan. 3. Paano mo maihahanda ang iyong sarili para maging isang mapanagutan, maabilidad, makabansa, at maalam na mamamayan ng Pilipinas sa hinaharap? AP9- QRT4- Week 1 7 ARALING PANLIPUNAN 9- IKAPAT NA MARKAHAN MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain para sa module na ito. Ngayon naman ay iyong balikan ang iyong mga natutuhan: Ang pag-unlad ay isang aktibo at progresibong proseso mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay Ang pagsulong ay bunga ng proseso ng pag-unlad. Ang pagsulong ay Kailangan ng sama- nakikita at nasusukat samang pagkilos ng gamit ang Gross lahat ng mamamayan Domestic Product upang makamit ang (GDP), Gross National pambansang kaunlaran Product (GNP), GDP/ GNP per capita at real GDP/ GNP Ang Human Capital Index ay May mga salik na ginagamit din bilang panukat nakatutulong sa sa antas ng pag-unlad ng pagsulong ng isang bansa. Ang HDI ay ekonomiya tulad ng binubuo ng :(1.) Indeks ng likas na yaman, inaasahang panahon ng yamang tao, kapital, buhay;( 2.) Indeks ng teknolohiya at edukasyon at (3.)Indeks ng inobasyon Sahod. Binabati kita! Natapos mo na ang mga pangunahing nilalaman at mga gawain para sa modyul na ito. Upang tuluyan mong mailahat ang iyong pagkatuto. Kompletuhin mo ang flow chart sa ibaba. Mga Konsepto ng Pag-unlad _________________ _________________ May mga salik na Mga Palatandaan ng _________________ nakatutulong sa Pag-unlad pagsulong ng ekonomiya _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ Human Capital Index _________________ (HDI) Indicators _________________ _________________ _________________ AP9- QRT4- Week 1 8 ARALING PANLIPUNAN 9- IKAPAT NA MARKAHAN Pagpili. Hanapin sa kolum B ang tamang sagot sa kolum A ukol sa mga konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran Hanay A Hanay B 1. Isa sa mga bahaging ginagampanan ng mga A. 8-Point Economic mamamayan sa pagtamo ng pambansang Agenda kaunlaran 2. Naging pangulo noong Hunyo 30, 2016, B. Pagsulong unang pangulo mula sa Mindanao at may C. likas na yaman planong pang ekonomiyang tinaguriang “Build, Build, and Build.”. D. Human Development 3. Nilahad ng administrasyon ni pangulong Index Duterte ukol sa proyektong pangekonomiya ng Pilipinas. E. Pag-unlad 4. Bunga ng proseso na nagpapakita ng F. kaunlarang pagbabago ng ekonomiya. pangkabuhayan 5. Tumutukoy sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya, pangkalahatang pagbuti ng G. MSMEs antas ng pamumuhay. 6. Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas H. pagbabayad ng ng pamumuhay o kabuuang proseso. tamang buwis 7. Nag-ulat noong 2012 na mas malaki ang bilang ng mga dayuhang mamumuhunan I. Rodrigo R. Duterte (FDI) sa mga papaunlad na bansa kaysa sa J. UNCTAD (United mauunlad na bansa. Nations Conference 8. Isa sa mga salik na maaaring makatulong sa On Trade And pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Development) 9. Micro, small, medium enterprises 10. Ginagamit upang masukat ang kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao. Sinusubok ng kasalukuyang panahon ang ating katatagan bilang Pilipino. Habang kumakalat ang pandemyang COVID-19 sa mundo, mayroon tayong napansin na kagila-gilalas na pangyayari tulad ng katatagan. Sa patuloy na epekto ng pandemya ng COVID-19 sa ating komunidad, maraming pakikibaka na hinaharap ng ating lipunan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong Sa loob ng dalawa o tatlong talata, isulat ang iyong saloobin sa box. 1.) Sa iyong palagay, paano ka 2.) Magbigay ng isang polisiyang 3.) Sa nagaganap na pandemya makatutulong sa ating pambarangay at ipaliwanag ngayon, paano nakakatulong pamahalaan upang matuloy kung paano ito makatutulong sa ang iyong pamilya sa pagkamit ang pambansang kaunlaran? pambansang pangkaunlaran. ng pambansang kaunlaran? AP9- QRT4- Week 1 9 ARALING PANLIPUNAN 9- IKAPAT NA MARKAHAN SAGUTANG PAPEL- Qrt.4- Week 1 PANGALAN: _________________________________________________________ PANGKAT: ____________________________ Guro: _______________________ PAUNANG PAGSUSULIT: 1. 6. 2. 7. 3. 8 4. 9. 5. 10. BALIK-TANAW 1. 2. 3. 4. 5 Gawain 1 : L.S.S. (LISTA, SURI, SOLUSYON) Lista _____________________________________________________ Suri ______________________________________________________ Solusyon _________________________________________________ Mga Gabay na Tanong: 1. May pagkakatulad ba ang pagsulong at pag-unlad? Ipaliwanag. ______________________________________________________________________________ 2. Kailan masasabing maunlad ang isang bansa? ______________________________________________________________________________ 3. Ano ang pagkakaiba ng tradisyonal na pananaw ng pag-unlad at makabagong pananaw nito? ______________________________________________________________________________ 4. Sang-ayon ka ba sa konsepto ni Todaro na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan? Pangatwiranan. ______________________________________________________________________________ 5. Sa iyong sariling pagtataya, maunlad na ba ang Pilipinas? Pagtibayin. ______________________________________________________________________________ Gawain #2: I-TWEET MO! Basahin mo ang mga tweeter messages sa ibaba na may kinalaman sa pag-unlad. Lagyan ng tsek (√) kung ikaw ay sumasangayon sa pahayag at ekis (x) kung hindi. 1. 6. 2. 7. 3. 8 4. 9. 5. 10. AP9- QRT4- Week 1 10 ARALING PANLIPUNAN 9- IKAPAT NA MARKAHAN Gawain #3: INSTA-PIC Sa bahaging ito, matutunghayan mo ang ilan sa mga halimbawang palatandaan ng pag- unlad. Pumili lamang ng tatlo sa mga palatandaan ng pag-unlad at iyong pagnilayan. Isulat ang napiling palatandaan sa Insta-box A at magdikit ng larawan na may maikling paliwanag na naaangkop dito sa Insta-box B. (gumamit ng malinis na papel) ______________________________________________________________________________ Gawain 4: Pagtulong sa bayan, I-hashtag na yan! A. Bilang isang Pilipino, papaano mo magagamit ang mga salik ng pambansang kaunlaran sa iyong komunidad? Ilahad ang iyong kasagutan gamit ang isang hashtag o isulat ang iyong paliwanag ang iyong sagot sa hashtag box sa ibaba. ______________________________________________________________________________ Pamprosesong Tanong: 1. Bilang isang Pilipino, paano mo pa mapagbubuti ng Pilipinas ang pagsulong ng ekonomiya nito gamit ang mga salik na nakatutulong sa pambansang kaunlaran? ______________________________________________________________________________ 2. Ano ang maaari mong maging bahagi sa pagtatamo ng pambansang kaunlaran? ______________________________________________________________________________ 3. Ano ang tatlong aspektong sinusukat ng Human Development Index? ______________________________________________________________________________ 4. Sa iyong palagay, sapat na kaya ang mga aspekto at pananda ng HDI upang ganap na masukat ang antas ng pag-unlad ng isang bansa? Patunayan. ______________________________________________________________________________ 5. Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng mga pamahalaan ng iba’t ibang bansa ang mga aspekto at indicators ginagamit sa HDI? ______________________________________________________________________________ PANGHULING PAGSUSULIT: 1. 6. 2. 7. 3. 8 4. 9. 5. 10. PAGNINILAY Sinusubok ng kasalukuyang panahon ang ating katatagan bilang Pilipino. Habang kumakalat ang pandemyang COVID-19 sa mundo, mayroon tayong napansin na kagilagilalas na pangyayari tulad ng katatagan. Sa patuloy na epekto ng pandemya ng COVID-19 sa ating komunidad, maraming pakikibaka na hinaharap ng ating lipunan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong Sa loob ng dalawa o tatlong talata, isulat ang iyong saloobin sa box 1 ______________________________________________________________________________ 2 ______________________________________________________________________________ 3.______________________________________________________________________________ AP9- QRT4- Week 1