Lipunang Ekonomiya PDF

Summary

Ang dokumento ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa lipunang ekonomiya. Tinatalakay ang mga konsepto tulad ng produksiyon, distribusiyon, at pagkonsumo. Ipinapakita rin ang mga prinsipyo ng supply at demand at ang pag-unlad ng ekonomiya.

Full Transcript

ano ang Lipunang Ekonomiya? Pagpapaunlad ng Ekonomiya ng Lipunan Atin munang unawain ang kahulugan ng lipunang ekonomiya. Tulad ng lipunang politikal at lipunang sibil, ito ay kasinghalagang bahagi ng buong lipunan sa pananagutang magtamo ng kabutihan para sa lahat. Sa simpleng kahulugan, ang lipuna...

ano ang Lipunang Ekonomiya? Pagpapaunlad ng Ekonomiya ng Lipunan Atin munang unawain ang kahulugan ng lipunang ekonomiya. Tulad ng lipunang politikal at lipunang sibil, ito ay kasinghalagang bahagi ng buong lipunan sa pananagutang magtamo ng kabutihan para sa lahat. Sa simpleng kahulugan, ang lipunang ekonomiya ay tumutukoy sa mga gumagawa ng mga alituntunin o polisiya para sa pang-angat ng pangkabuhayan. Kabilang din ang mga pangkat na nagsusulong ng patuloy at nagkakaisang sistema at kilos para sa pagpapaunlad ng kalidad ng buhay at kalusugang pang-ekonomiya. Sakop nito ang produksiyon, distribusiyon, at pagkonsumo na bunga ng paggawa at serbisyo ng mga tao. Kasama din nito ang iba\'t ibang proseso na naaayon sa: pag-organisa at pagganyak ng paggawa serbisyo ng mga tao mga bagay-bagay na nabibili at ginagamit makina, kagamitan at ibang teknolohiya na ginagamit para sa gagawing mga produkto, at mga impraestruktura na ginagawa ang produksyon, distibusyon at sirkulasyon ng mga produkto Mga Pangunahing Konsepto sa Ekonomiya Bago mo maunawaan ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng ekonomiya ng lipunan, unawain muna ang mga pangunahing kaalaman tungkol sa ekonomiya. Marahil napag-aralan mo na sa Araling Panlipunan ang tungkol dito. Ang Economics ay pag- aaral ng produksiyon, distribusiyon, at pagkonsumo ng mga bunga ng paggawa at serbisyo ng mga tao. May dalawang pangunahing bahagi ng economics: (a) Microeconomics at (b) Macroeconomics. ang Ang Microeconomics ay tumutukoy sa mga pangangailangan ng mga taong gumagamit, mga namimili, at nagtitinda ng mga pag-aari at mga bagay-bagay. Ang Macroeconomics ay tumutukoy sa pangkalahatang ekonomiya ng lipunan, kasama nito ang pagbaba o pagtaas ng halaga ng pera o pagtaas ng presyo, kawalan ng trabaho, at polisiya gobyerno kaugnay sa kaperahan at pangangalakal. ng Upang lalong maunawaan ang konsepto ng ekonomiyang lipunan, narito ang mga pangunahing konsepto tungkol dito: Produksiyon. May iba\'t ibang uri ng produkto o kalakal at ito ay natataya kung gaano ang nagawa sa isang panahon ito man ay bagay o serbisyo ng tao. Ito ang mga bagay-bagay na kailangan o di-kailangan ng tao upang mabuhay. Ang mga halimbawa nito ay ang sumusunod: mga kinakain o ginagamit tulad ng pagkain, damit, gamot, pamasahe mga kinakailangan sa negosyo tulad ng mga gusali o makina mga pribado o personal na gamit tulad ng mga kompyuter, cellphone, gadgets 2\. Prinsipiyo ng Supply and Demand. Ito ay tumutukoy sa pagbabago ng mga presyo, depende sa dami ng mamimili at gaano karami ang maaaring mabili. May apat na pangunahing prinsipyo ng \'imbak at pangangailangan\': Kapag dumadami ang nangangailangan at ang imbak ay pareho lang, tumataas ang presyo ng produkto o serbisyo. Kapag kumakaunti ang nangangailangan at ang imbak ay pareho lang. bumababa ang presyo ng produkto o serbisyo. Kapag dumadami ang imbak at ang pangangailangan ay pareho lang. bumababa ang presyo ng produkto o serbisyo. Kapag kakaunti ang imbak at ang pangangailangan ay pareho lang, tumataas ang presyo ng produkto o serbisyo. 3\. Pag-unlad ng Ekonomiya. Ang pag-unlad ng ekonomiya ay tinataya batay sa GDP (Growth or Gross Domestic Product). Kung ang GDP ay tumaas, ibig sabihin nito ay umunlad ang ekonomiya. Kapag ito ay bumaba, bansot ang ekonomiya. Ang GDP ay ang sukat na nagpapakita ng sumusunod. Magkano ang nagasta sa bansa? Magkano ang pumasok na pangangalakal sa bansa? Magkano ang naiwang pera sa bayan? 4\. Sistemang Pang-Ekonomiko. Ang lipunang ekonomiya ay kumikilos batay sa sistemang sinusunod ng isang bansa. Ang sistemang pang-ekonomiko ay maaring kapitalismo, sosyalismo, komunismo. O ekonomiyang halo. Ang mga ito ang apat na pangunahing sistemang nabanggit. Maipaliliwanag sa sumusunod: **Kapitalismo** Ang mga indibidwal ang nagmamay-ari ng yaman ng ekonomiya at industriya. Pansariling kabutihan at kompetisyon ang mahalaga sa sistemang ito. Ang mga indibidwal ay malaya sa pangangalakal at may pananagutang ipagtanggol ang kanilang sariling interes sa pangangalakal at sa kanilang komunidad. Ang sistema ay nahihikayat ang mga tao na gamitin ang kanilang talento sa sariling kapakinabangan tulad ng pagtayo ng negosyo o pagpasok sa isang propesyong mataas ang kapakinabangan. Silang may kapital ay maaaring magpaligsahan sa pag-aalok ng mga kalakal at serbisyo. Kung sinuman ang makagawa at makapag-alok ng mga ito sa panahong matindi ang pangangailangan sa katanggap-tanggap na presyo ay sila ang magtatagumpay. **Sosyalismo** Ang gobyerno ang nagpaplano sa halip na mga nasa kalakalan. Ang gobyerno ang gumagawa ng mga planong pang-ekonomiya at ito rin ang nagmamay- ari ng kalakal o ipinakakalat nito sa mga mamamayan. Ang mga tao ay maaari ding magmay-ari ng negosyo o mag-alok ng propesyonal na serbisyo mismo sa mga kliyente, ngunit malalaki ang buwis na ipinapataw sa kanilang kita. Maraming serbisyong pampubliko at ang mga ito ay suportado ng mga buwis mula sa mamamayan. Ang mga tao ay kinakailangang magtrabaho at ang gobyerno ay nagbibigay ng serbisyo tulad ng edukasyon, programang pangkalusugan, at transportasyon nang libre o sa mababang kabayaran. Bukod sa pagbayad ng buwis, ang mga negosyante ay dapat sumusunod sa mga istriktong batas na naglalayong ipagtanggol ang karapatan ng mga manggagawa. **Komunismo**-Lahat ng tao ang nagmamay-ari sa yaman. Walang gobyerno, o antas-ekonomikal at walang pera. Bawat indibidwal ay nagbabahagi sa lipunan ng lahat ng kanyang kakayahan at siya naman ay maaaring kumuha ng kanyang kailangan lamang mula sa lipunan. Ang mga kapasiyahan ng lipunan ay dapat para sa kapakinabangan ng mga tao sa pangkalahatan at hindi sa sinumang indibidwal. W **Ekonomiyang Halo** (Mixed Economics) Higit na marami ang mga bansa ang may mahigit na isang uri ng sistema. Pinaghahalo nila ang mga sangkap ng mga uring nabanggit sa itaas. Halimbawa, ang Pilipinas, ay maaaring may sistemang halo. Mayroon mga pagmamay-ari ng gobyerno at mayroon ding pribadong negosyanteng malayang magkaroon ng produkto at ipagtinda ito sa loob ng bansa o ilabas ang pangangalakal sa ibang bahagi ng mundo. Nagbabayad sila ng buwis at dapat sumusunod sa mga batas kaugnay sa ekonomiya. Katangian at Dulot ng Mabuting Lipunang Ekonomiya PROSPERITY ECONOMIC Ang Pilipinas ay may malayang sistema ng ekonomiya or free enterprise. Malayang nagkaroon ng negosyo ang mga bansa. Malaya silang magkaroon ng importasyon at eksportasyson. sa Ang mahalaga ay sumusunod sila sa mga batas kaugnay sa pagnenegosyong ganito. May mga batas na kinakailangan ng pamahalaan halimbawa sa pagtatanggol sa segurida o kalusugan SELF BUSINESS TREND FREEDOM QUALITY at karapatan ng mga mamamayan, o tungkol sa kanilang personal na pag-aari at hanapbuhay. Sa sistemang ito, ang mga mamamayan ay malayang magtrabaho nang mabuti at magtagumpay sa kanilang sariling pagsisikap. Ang kanilang tagumpay ay nagangahulugang bahagi sila sa isang malakas at mabuting lipunang ekonomiya para sa kabutihan ng lahat. Naniniwala si Van Andel (2013), pinuno ng Chamber Board of Directors ng America, na kung ang mga tao ay may kalayaan sa ekonomiya, mangyayari ang sumusunod: Ang mga tao ay magkakaroon ng tagumpay batay sa kanilang tiyaga at sipag. Kaya, ang malayang sistema ng ekonomiya ay nagdudulot ng sariling pagsisikap, motibasyon, dignidad, at kaligayahan. Ang mga tao ay nahihikayat na linangin ang kanilang kakahayan upang lalong magsipag, higitan ang kanilang sarili, at mapabuti ang kanilang sarili at kanilang pamilya. Magkakaroon ng malawakang kaunlaran. Kapag ang mga may-ari ng mga establisimyento ay matagumpay, naibabahagi nila ang kanilang kayamanan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang negosyo at pagbibigay ng trabaho sa ibang tao. Maraming mga negosyong nakapagbibigay ng suporta sa mga mahihirap, nakapagbibigay ng mga benebisyo sa kanilang manggagawa tulad ng retirement, health care, tulong sa mga biktima ng kalamidad, at nakatutulong din sila sa pag- unlad ng gobyerno. May malusog na kompetisyon. Ito ay nangangahulugang ang mga tao ay maaaring mamili ng pinakamahusay na produkto sa pinakamababang presyo. Kaya lalong pahuhusayin ng mga negosyo ang kanilang produkto. Dahil dito, lalo nilang pinapaunlad ang buhay sa pamamgitan ng mga bagong teknolohiya at pagbibigay ng produktong makakapagtipid ang tao. Ang mga tao ay may kalayaang magsalita kaugnay ng kanilang personal na paniniwala tungkol sa pamumuhay at kanilang mga negosyo ay may higit na malakas na boses sa gobyerno. Walang kalayaan ang ekonomiya kung ang mga namumuno ay nakikialam sa mga negosyo at mga taong nangangalakal sa pamamagitan ng masyadong paghihigpit at matataas na buwis. Ang mga tao ay nagkakaroon ng pantay na pagkakataon sa pagawa at pagnenegosyo. Nagkakaroon din sila ng gantimpala batay sa ipinakitang tiyaga at sipag. Ang Lipunang Ekonomiya na Makatao (Economic Society Driven by the Pursuit of Human Values), ay isinusulong ni Shinji Fukukawa (2014), dating Bise-Ministro ng Economy, Trade and Industry ng Japan. Ang sistemang ito ay naghahangad ng mga makataong pagpapahalaga upang maharap ang anim na takbo ng mundo sa kasalukuyan. Ang mga anim (6) na bagong takbo ng mundo na isinalaysay ni Fukukawa ay: 1. Globalismo Ang ugat nito ay ang paghangad ng kapayapaan sa mundo. Ang kapayapaan ang gumigising sa mga tao upang magkaroon ng kamalayan sa mga makataong pagpapahalaga. Kasabay nito ang pagbabahaginan ng mga tao ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagkakapantay ng ng mga kalakalan at nagaganyak silang umasam ng mga bagay na naaangkop sa kalikasan ng tao. 2. Pagbago ng sitwasyon ng populasyon Sa mga mas maunlad na bansa, ang pagkakaroon ng numinipis at tumatandang populasyon ay nagtuturo sa taong magkaroon ng interes sa kanilang kalusugan at gawain. Sa mga umuunlad na bansa, nagiging politikal na layunin ang iangat ang antas pangkabuhayan. 3. Pagtaas ng mga sweldo - Habang tumataaas ang mga sweldo, nagkakaroon ang mga tao ng pag-asam na makilahok sa panlipunang gawain at layuning iangat ang kalidad ng buhay. Kasabay nito ang pag-iibaiba ng kanilang gusto at malamang na magkaroon ng mas mataas na antas ang kultural na pangangailangan. 4. Paglawak ng konsepto ng pagpapakatao - Ang pagkakaroon ng internasyonal na mga gawaing pagtutulungan ay nag-aangat ng antas ng kamalayan kaugnay ng makataong pagpapahalaga. Ang mga gawaing ito ay naglalayong maibsan ang kahirapan, mawala ang mga nakakahawang sakit at pagkalat ng edukasyon. ECONOMY 5. Pagiging aktibo ng mga gawaing pang-intelektuwal Ang pagdating ng mga electronic na teknolohiya para sa impormasyon at komunikasyon ay naangkop sa pagdating ng information society at pagkakaiba-iba ng mga pagbabago. Sa lipunan na ang mga tao ay madaling nagkakaugnay sa pamamagitan ng internet, kahit saan o kahit anong oras nakakukuha sila ng iba\'t ibang serbisyo. Ang sitwasyong ito ay pinabibilis ang pagbabahaginan ng mga bagay na pang-ekonomikal at nagbubukas ito ng mga bagong pagkakataon sa ekonomiya. 6. Pangangalalaga sa pangmundong kapaligiran Ang mga pangyayari sa mundo tulad ng global warming at polusyon ay nagbabadya ng panganib sa mga tao. Kaya ang mga pangyayaring ito ang nagbubunsod sa mga tao na gumawa ng mga paraan para mapangalagaan ang mundo. Ang mga mayayaman ang may maraming pantustos sa mga paraang ito at sila ay nagigising sa katotohanang dapat pahalagahan ang kanilang pamumuhay sa gitna ng kalikasan. Inulat ang Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022 ang mga pangunahing elementong isinusulong para mabuo ang isang lipunang ekonomiya na naglalayong isulong ng ating bansa. Pangunahing bahagi nito ang sumusunod: Pagpapabuti ng panlipunang sistema Kasama rito ang estratehiya para sa pagpapabuti ng pambublikong serbisyo at reporma, pangkatarungang reporma, at pagpapaunlad ng kultural na pamamahala. Ang layunin ay maibalik ang pagtitiwala ng mga tao sa mga pampublikong institusyon at malinang ang kultura ng tiwala sa mga mamamayang Pilipino. Paggamit ng bagong pamamaraan sa pagbabawas ng agwat - Ito ay para sa bawat sektor pang-ekonomiya, magkaroon ng pagkakataon para sa pag-angat ng produkto at pinagkakakitaan. Kasama rin ang mga pangkat na dating nahuhuli sa pagiging produktibo tulad ng mga magsasaka at mangingisda na kailangang pagbutihin ang ekonomiya. PHILIPPINE DEVELOPMENT PLAN Pag-angat ng mga potensiyal sa pagyabong: Kabilang dito ang pagpapayabong ng ekonomiya ng kaalaman. Kinakailangan dito ang mga tao bilang kapital, at mga institusyon at pasilidad para sa pananaliksik, mga pagbabagong kaparaanan, at paggamit ng teknolohiya. Pagsuporta sa Pang-ekonomiyang kaligiran: Ito ay pagsuporta sa mas matatag na macroecomics, na pagtatayo ng mga polisiya para sa pangangalakal at pagpapabuti ng kakayahang paggamit ng pampinansiyal na serbisyo. Mga pundasyon para sa likas-kayang pag-unlad: Ito ay pagkaroon ng balanse at maayos na pagkaroon ng impraestruktura o pagsasaayos, at siguradong integridad ng kapaligiran at isang malusog at malinis na kapaligiran. Kasama rin dito ang mga estratehiyang gagamitin para maprotektahan ang seguridad ng bayan at mamamayan sa mga panganib mula sa loob at labas ng bansa. Sa pangkalahatan, ano ang mabuting lipunang ekonomiya? Ang Kapitalismo ay may mga mabuting bahagi ngunit may masama ring naidudulot sa mga tao. Dehado dito ang mga hindi mayayaman. Kapag ang mga mayayaman ay binigyan ng kalayaan sa pagpapasunod ng mga kalakaran sa trabaho, lahat o halos lahat ng tubo ay sa kanila. Yayaman lalo ang mga mayayaman at hihirap lalo ang mga mahihirap. Ang sistemang ito ay hindi rin tumutugon sa mga pangangailangan ng ibang mamamayan lalo na ang mga walang kakayahang makipagpaligsahan sa pangangalakal. Kung walang suporta ng gobyerno sa kanilang panlipunang seguridad o kabutihan, ang mga hindi makakapagtrabaho ay lalong titindi ng hirap ang kalagayang pangkabuhayan. Kapitalismo? Sosyalismo? Komunismo? Eko- nomiyang Halo? EKONOMIYANG WALANG IWANAN ANG KAILANGAN Ang Sosyalismo naman ay hindi mabuti kapag masyadong mataas ang buwis na sinisingil para lamang masuportahan ang mga pampublikong serbisyo para sa mga tao. Ito rin ang dahilan ng mga negosyante na huminto sa pangangalakal dahil sa pagliit ng tubong matitira mula sa kanilang pagpapagod at pangangalakal. Dahil ang gobyerno ang gumagawa ng planong pang-ekonomiya, hindi naman nakakasiguradong marunong o may kakayahan ang mga opisyal at mga tagapayo na maunawaan ang pinakamabuti para sa bayan. Hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makapagpasiya kung ano talaga ang mabuting serbisyo para sa kanila. Sa mga mayayamang bayan na sosyalista, mayroon ding panganib na baka ang mga tao ay masanay na umasa sa ibibigay ng gobyerno. Hindi na sila magtatrabaho at mamamuhay na lang sila sa rasyon o benepisyong galing sa gobyerno. Kaya, ang mabuting ekonomiya ay naglalayong ang lahat ay umunlad sa kanilang pangkabuhayan. Ang sistemang pang-ekonomiya ay hindi nito pinababayaang lalong lalaki ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap. Ang mga maykayang mangangalakal ay dapat din nilang suportahan ang ibang maliliit na negosyante upang sila ay patuloy na umuunlad. Sa madaling salita, ang layunin nila sa pangangalakal ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat. Sa isang mabuting lipunang ekonomiya, ang mga negosyo ay dapat gumagawa lamang ng kapaki-pakinabang na kalakal at serbisyo. Gagawin nila ang mga ito sa paraang hindi nakasisira sa mga tao at kapaligiran. Magtatagumpay lamang ang mga negosyo kung sila ay mangangalakal HINDI sa pamamagitan ng suwerte, pandaraya, korapsiyon, panggigipit, o pagpapalala sa mga bisyo ng tao. Ang mga pasiya tungkol sa mga nagawang kalakal at paano nagawa ang mga ito ay dapat sa demokratikong pamamaraan. Ang tubo ng pangangalakal ay makatarungan at ibinabahagi nang pantay sa dapat makinabang. Sa ganitong paraan, sabay- sabay na uunlad ang bawat isa.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser