Summary

Ang papel na ito ay nagbibigay ng pangkalahatang-ideya sa mga anyo ng globalisasyon, na nakatuon sa mga implikasyon pang-ekonomiya, sosyo-kultural, at politikal ng mga multinasyunal na kompanya. Tinatalakay nito ang mga pakinabang at suliraning nauugnay sa pag-unlad ng negosyo at nagpapakita ng mga halimbawa mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Full Transcript

**Paksa: Anyo ng Globalisasyon** **GLOBALISASYONG EKONOMIKO** Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang paraan ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang siglo. Kinakitaan ito...

**Paksa: Anyo ng Globalisasyon** **GLOBALISASYONG EKONOMIKO** Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang paraan ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang siglo. Kinakitaan ito ng pag-usbong ng malalaking korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi lamang sa bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa. **Multinational at Transnational Companies** Kilala ang mga ito bilang multinational companies (MNCs) at transnational companies (TNCs). Ayon sa United Nations Commission on Transnational Corporations and Investment, ang TNC ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal. Binibigyang kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito ayon na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang lokal. Marami sa kanila ay kompanyang petrolyo, I.T. consulting, pharmaceutical, at mga kauri nito. Halimbawa nito ang kompanyang Shell, Accenture, TELUS International Phils., at Glaxo-Smith Klein (halimbawang produkto ay sensodyne at Panadol) Samantala, ang MNC ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan. Ilang halimbawa nito ay ang Unilever, Proctor & Gamble, Mc Donald's, Coca-Cola, Google, UBER, Starbucks, Seven-Eleven, Toyota Motor, Dutch Shell, at iba pa. Matatagpuan ang mga nasabing kompanya o korporasyon sa iba't ibang panig ng daigdig. Marami sa mga ito ay pag-aari ng mga lokal at dayuhang namumuhunan na nagtataglay ng malaking kapital. Sa katunayan, batay sa datos ng International Monetary Fund, ang ilan sa mga MNCs at TNCs ay higit pa ang kinikita sa Gross Domestic Product (GDP) ng ilang mga bansa. ![](media/image2.png) Ayon sa artikulong pinamagatang Top Filipino firms building Asean empires ng Philippine Daily Inquirer na nailathala noong Pebrero 9, 2017, ilan sa mga MNCs at TNCs sa Vietnam, Thailand at Malaysia ay pag-aari ng mga Pilipino tulad ng Jollibee, URC, Unilab, International Container Terminal Services Inc. at San Miguel Corporation. Binigyang pansin dito ang halaga ng mga nasabing korporasyon sa pamilihan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Malaki ang implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at transnational corporations sa isang bansa. Ilan sa mga ito ay ang pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili na nagtutulak naman sa pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na sa kalaunan ay nagpapababa ng halaga ng mga nabanggit na produkto. Maituturing itong pakinabang sa mga mamimili. Bukod dito, nakalilikha rin ito ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino. Ngunit kaakibat ng magandang epekto nito ay ang mga suliraning nakaaapekto sa maraming bilang ng mga Pilipino. Isa na rito ang pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na kompetisyong dala ng mga multinational at transnational corporations na may napakalaking puhunan. Sa kalaunan, maraming namumuhunang lokal ang tuluyang nagsasara. Malaki rin ang kakayahan ng mga ito na impluwensyahan ang polisiya na ipinatutupad ng pamahalaan ng iba't ibang bansa tulad ng pagpapababa ng buwis, pagbibigay ng tulong-pinansyal, at maging ang pagpapagaan ng mga batas patungkol sa paggawa at isyung pangkapaligiran. Nakukuha ang mga nasabing pabor sa pamamagitan ng pananakot na ilipat ang kanilang pamumuhunan patungo sa ibang bansa. Nagbubunga ito sa kalaunan ng higit na pagyaman at paglakas ng mga nasabing MNCs and TNCs nagdudulot naman ng paglaki ng agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap. Maliwanag itong natukoy sa pag-aaral ng Oxfam International sa taong 2017. Ayon sa kanilang pananaliksik, ang kinita ng sampung pinakamalalaking korporasyon sa buong mundo sa taong 2015-2016 ay higit pa sa kita ng 180 bansa. Tinukoy din sa nasabing ulat na ang yaman ng nangungunang walong bilyonaryo ay katumbas ng pinagsamasamang yaman ng 3.6 bilyong tao sa daigdig! **Paano kaya matutugunan ang mga suliraning kaakibat ng** **paglakas ng MNCs at TNCs?** **Outsourcing** Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga**.** Isang halimbawa nito ay ang paniningil ng utang ng isang institusyong pinansyal sa mga credit card holders nito. Sa halip na sila ang direktang maningil, minabuti ng ilang kompanya na i-outsource mulasa ibang kompanya ang paniningil sa mga kliyente sa kanilang pagkakautang. Dahil dito mas napagtutuunan nila ng pansin ang higit na mahahalagang bagay tulad ng agresibong pagbebenta (aggressive marketing) ng kanilang produkto at serbisyo na nagbibigay naman ng malaking kita. Maaaring uriin ang outsourcing **batay sa uri ng ibinibigay na serbisyo tulad ng Business Process Outsourcing na tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang** **kompanya**. Nariyan din ang **Knowledge Process Outsourcing na nakatuon sa mga gawaing** **nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri** **ng impormasyon at serbisyong legal**. Kung gagawin namang batayan ang layo o distansya na pagmumulan ngkompanyang siyang magbibigay ng serbisyo o produkto, maaaring uriin ito sa mga sumusunod: 1. Offshoring- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na 2. Nearshoring- Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa. Layunin nitong iwasan ang mga suliraning kaakibat ng offshoring sapagkat inaasahan na ang kalapit bansang pagmumulan ng serbisyo ay may pagkakahawig kung di man pagkakatulad sa wika at kultura ng bansang nakikinabang sa paglilingkod nito. 3. Onshoring- Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon. **OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon** 3. **Pagtulong sa 'Bottom Billion'** EKONOMIKO TEKNOLOHIKAL SOSYO-KULTURAL POLITIKAL ----------- -------------- ---------------- ----------- Multi National Corp Produkto TransNational Corp Produkto --------------------- ---------- -------------------- ---------- 1. 1. 2. 2. 3. 3. 4. 4. 5. 5. 6. 6. 7. 7. 8. 8. 9. 9. 10. 10.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser