Paikot na Daloy ng Ekonomiya PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa konsepto ng paikot na daloy ng ekonomiya. Tinatalakay nito ang mga pangunahing sektor tulad ng sambahayan at bahay-kalakal, at mga modelo na naglalarawan ng ugnayan ng mga ito sa produksyon at pagkonsumo. Tinalakay din ang importansya ng pag-iimpok at pamumuhunan sa pag-unlad ng ekonomiya.

Full Transcript

ARALING PANLIPUNAN 9 IKATLONG MARKAHAN Aralin 1: Paikot na Daloy ng Ekonomiya Talahulugan: Sambahayan- ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon at mga kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo. Bahay – Kalakal-...

ARALING PANLIPUNAN 9 IKATLONG MARKAHAN Aralin 1: Paikot na Daloy ng Ekonomiya Talahulugan: Sambahayan- ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon at mga kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo. Bahay – Kalakal- ang sector ng ekonomiya na bumibili at gumagasta ng mga produkto at serbisyong nililikha ng sambahayan. Pamilihan ng mga Produkto at Serbisyo- uri ng pamilihan na kung saan bumibili ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa pangangailangan at kagustuhan ng mamimili. Pamilihan ng mga salik ng produksyon- uri ng pamilihan para sa kapital, produkto, lupa, at pagnenegosyo. Pamilihang Pinansyal – uri ng pamilihan kung saan nakikipagkalakalan ng ibat ibang pinansyal na ari-arian o assets, kabilang ang dividends, stocks, bonds at forex exchange Pamahalaan- sektor ng ekonomiya na bumubuo at nagpapatupad ng ibat ibang patakaran para sa pag-unlad ng ekonomiya Panlabas na Sektor –sektor ng ekonomiya na tumutugon ugnayan sa ibang bansa sa pamamagitan ng pag-aangkat at pagluwas ng produkto. Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay denisenyo ng isang ekonimista sa katauhan ni Francois Quensay sa kaniyang aklat na Tableau Economique, inilathala noong 1758. Mula sa orihinal na zigzag diagram, ipinakita ni Quensay sa modelong ito kung sino ang gumagawa ng mga produkto at kung sino ang gumagasta bilang paraan para mas maunawaan at maipaliwanag ang dahilan ng paglaki nito. Bilang batayan, ang kasalukuyang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng mga interaksiyon sa mga mahahahagang sektor na kabilang sa isang market economy. Nakaangkla sa dalawang pangunahing gawain- ang produksiyon at pagkonsumo. Mga Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya 1. Unang Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya Inilalarawan ng unang modelo ng ekonomiya ang isang simpleng ekonomiya. Sa modelong ito na ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa dahil ang gumagawa ng produkto ay siya ring komokonsumo nito. Ang suplay ng bahay kalakal ay ayon sa demand o pangangailangan ng sambahayan. Ang halaga ng produksyon sa isang takdang panahon ay itinuturing na kita sa isang simpleng ekonomiya. Ang halaga ng produksiyong inaasahan ay siya ring inaasahang dami ng produktong ikokonsumo. Sa ganitong uri ng daloy ng ekonomiya, kailangan ng aktor na maitaas ang kaukulang produksyon at pagkonsumo nito. 2. Ikalawang Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya Ang ikalawang modelo ay nagpapakita ng bahay-kalakal at sambahayan bilang pangunahing sektor ng paikot na daloy ng ekonomiya. Sa modelong ito ay magkaiba ang sambahayan at bahay- kalakal. Ang sambahayan ang pinagmumulan ng mga salik ng produksyon subalit walang kakayahan na gumawa ng tapos na produkto at serbisyo. Sa kabilang dako, ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha ng mga produkto at serbisyo subalit kinakailangan niya ang salik ng produksyon na nagmumula sa sambahayan. May dalawang uri ng pamilihan ang makikita sa ikalawang modelo. Una ay ang pamilihan ng salik na produksyon o factor markets. Dito inilagak ng sambahayan ang mga salik ng produksiyon gaya ng kapital, lupa, paggawa at pagnenegosyo. Ang pangalawa ay ang pamilihan ng tapos na produkto o commodity markets. Dito dinadala ang tapos na produkto at serbisyo mula sa bahay-kalakal para ibenta sa sambahayan. Makikita sa modelong ito ang ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal kung saan sila ay magkaiba subalit kinakailangan nila ang isa’t isa. Tinatawag ang ugnayang ito na interdependence. 3. Ikatlong Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya Sa ikatlong modelo, ipinapakita ang presensiya ng dalawang pangunahing sektor- ang sambahayan at bahay-kalakal kung saan isinaalang-alang ng dalawang sektor na ito ang mga desisyon sa hinaharap. Ang sambahayan ay ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon at mga kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo. Mula sa kita na halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay maari ang buong kita ay hindi ginagamit. Maaari itong itabi o itago bilang savings o ipon. Ang savings ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos (Farmer, 2002). Ang investment naman ay paggasta ng bahay kalakal sa mga kapital upang mapalago ang produksyon. Nagkakaroon ng investment kapag ang ipon ay inilalagak para sa negosyo. Ang isang indibidwal o sambahayan ay maaari din isalin ang kanyang ipon bilang financial asset katulad ng stocks, bonds, o mutual funds. Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay naging mahalagang gawaing pang-ekonomiya na nagaganap sa pamilihang pinansiyal o financial market. Habang ang bahay kalakal ay may pagnanais na magpalawak ng negosyo sa iba’t ibang panig ng bansa at hindi lamang nakatuon sa tubo. Ang pagpapalawak ng sakop ng produksiyon ay magbibigay daan sa pagbuti ng kalagayan ng negosyo subalit maaring hindi sapat ang puhunan para gawin ito. Mula rito, maaring manghiram ang bahay kalakal ng karagdagang salapi na gagamiting puhunan para maisakatuparan ang nasabing plano. Hihiram ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansiyal. May kapalit na kabayaran ang panghihiram ng puhunan ng bahaykalakal. Ito ay sa pamamagitan ng pagbabayad na may interes sa hiniram na puhunan kapalit ng kapakinabangang natamo ng bahay-kalakal. Samakatuwid, ang pagkakaroon ng malaking ipon ng sambahayan ay isang paraan para mapatatag ang ekonomiya gayun din ang sapat na dami ng bahay-kalakal na handang mamuhuhan. Sa ganitong pamamaraan, tataas ang produksiyon ng mga kapital na produkto na magbibigay daan sa pagbubukas ng maraming trabaho para sa paggawa. Ang pagkakaroon ng balanseng pag-iimpok at pamumuhunan ay binibigyang halaga sa ganitong modelo ng ekonomiya. 4. Ikaapat Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya Sa ikaapat na modelo, makikita ang presensiya ng pamahalaan na lumalahok sa sistema ng pamilihan. Bukod sa pagpapatupad ng mga batas, programa at mga polisiya sa bansa, tungkulin ng pamahalaan ang pangongolekta ng buwis mula sa sambahayan at bahay-kalakal. Ang kita mula dito ay tinatawag na public revenue. Ito ay ginagamit para makalikha ng pampublikong serbisyo at proyekto na tumutugon sa pangangailangan ng sambahayan at bahay-kalakal. Sa modelong ito, naitatakda ang kita ng ekonomiya batay sa kabuuang gastusin ng sambahayan, bahay-kalakal, at pamahalaan. Ang positibong motibasyon ng pamahalaan gaya ng paghahatid ng pampubikong paglilingkod na ipinapangakong isasakatuparan sa pagsingil ng buwis ay isa sa mga paraan para mapatatag ang ekonomiya ng bansa. Sa paraang ito, makikita ng bawat sektor ang kinahihinatnan ng buwis na kanilang binabayad. Hindi man maiwasan ang pagtaas ng buwis na sinisingil, ang mahalaga ay hindi maramdaman ng mga sektor ang pagtataguyod ng mga pangangailangan at kagustuhan nito. Importanteng siguraduhin ng pamahalaan na hindi makakabawas sa produktibidad ng sambahayan at bahay-kalakal ang pagbabayad nito ng buwis. Sa kabilang banda, hindi rin dapat maging palaasa ang mga tao at negosyo sa tulong na ibibigay ng pamahalaan. 5. Ikalimang Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya Ang ikalimang modelo ay tinatawag na open economy dahil sa presensiya ng panlabas na sektor na nangangasiwa ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo. Ang perspektiba ng mga naunang apat na modelo ng paikot na daloy ng pambansang ekonomiya ay sarado o domestic. Sa modelong ito, nagaganap ang kalakalang panlabas kung saan may mga gawain ng pagluluwas (export) at pag-aangkat (import) ng mga produkto at serbisyo sa loob at labas ng bansa. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at mga salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya. Maaring may sambahayan at bahay-kalakal ang mga dayuhang ekonomiya at maaring may pagkakapareho ng pinagkukunang-yaman subalit maari din na magkaiba ang kaayusan at dami ng mga ito. Ang pakikipagkalakalan ay nagaganap base sa pangangailangan ng pinagkukunayang-yaman. May mga sangkap na mahalaga sa produksiyon sa pambansang ekonomiya na kinakailangang angkatin mula sa ibang bansa. Gayundin ang kalagayan ng mga dayuhang ekonomiya. Magkapareho man ang mga produkto o magkaiba, nakikipagpalitan ng produkto ang mga bansa sa isa’t isa. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng panlabas na sektor dahil iniuugnay nito ang ating pamilihan sa pakikipagkalakan sa ibang bansa. Nabibigyan ng pagkakataon ang ating lokal na mga produkto na makilala at maibenta sa ibang bansa na maaring magdulot ng mas malaking kita sa ating ekonomiya. Sa kabilang banda, ang mga dayuhang produkto ay nakakapasok sa ating bansa na maaring tutugon sa kakulangan ng mga hilaw na materyales na mahalaga sa pagbuo ng bagong produkto at serbisyo.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser