AP7 Q3 Week 1 - Kahulugan ng Nasyonalismo, Kasarinlan at Pagkabansa PDF
Document Details
Uploaded by AffluentEpiphany1963
Tags
Summary
This document is a past paper, containing questions and answers regarding the meaning of nationalism, independence, and nationhood in the Philippines. It examines various aspects of nationalism, including its motivations, impacts, and different forms.
Full Transcript
Kahulugan ng NASYONALISMO, KASARINLAN, AT PAGKABANSA ARALING PANLIPUNAN 7 QUARTER 3 - WEEK 1 Magkakaiba ang naging pagtanggap ng mga taga-Timog-Silangang Asya sa pamahalaang kolonyal ng Hapon. Puspusang nilabanan ng mga Pilipino ang bagong mananakop, sam...
Kahulugan ng NASYONALISMO, KASARINLAN, AT PAGKABANSA ARALING PANLIPUNAN 7 QUARTER 3 - WEEK 1 Magkakaiba ang naging pagtanggap ng mga taga-Timog-Silangang Asya sa pamahalaang kolonyal ng Hapon. Puspusang nilabanan ng mga Pilipino ang bagong mananakop, samantalang sa Indonesia, Myanmar at Vietnam – bunsod ng kanilang karanasan sa ilalim ng kolonyalismong Europeo, maraming sumuporta sa pagdating ng mga Hapones. Ngunit panandalian lamang ang mga ito dahil sa tatlong taong pananakop ng imperyong Hapones, mas lalong umigting ang kagustuhang makapagsarili at maging tunay na malaya ng mga bansa sa rehiyon. Aral ng Nakaraan, Ating Balikan Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Ano ang pangunahing motibasyon ng Hapon sa pananakop ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya noong ikadalawampung siglo? A. Upang ipalaganap ang kanilang relihiyon sa buong rehiyon. B. Upang makakuha ng mga likas na yaman at estratehikong lokasyon para sa kanilang lumalagong ekonomiya at militar. C. Upang lumikha ng isang pang-Asyanong imperyo na malaya mula sa impluwensya ng mga Kanluranin. D. Upang magtatag ng mga base militar na makakapagpatibay sa kanilang depensa laban sa Tsina. Piliin ang letra ng tamang sagot. 2. Bakit naisipan ng mga Hapones ang ideyang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere? A. Nais ng Japan na mapangibabawan ang lahat ng bansa sa Asya. B. Nais ng Japan na maisaayos ang kalagayang pang-ekonomiya ng mga bansang Asyano. C. Nais ng Japan na maipakita sa mga Kanluranin na kaya ng mga Asyanong mamuhay nang wala sila. D. Nais ng Japan na makalikha ng nag-iisang pang-ekonomiya, pampolitikal, at pangmilitar na imperyong Asyano. Piliin ang letra ng tamang sagot. 3. Paano nakaapekto ang imperyalismong Hapon sa mga lokal na kultura at pamumuhay sa mga bansang sinakop nila sa Timog-Silangang Asya? A. Pinayaman nito ang mga lokal na kultura sa pamamagitan ng integrasyon ng mga Hapong tradisyon. B. Naging dahilan ito ng pagbagsak ng mga tradisyunal na pamumuhay at kultura dahil sa pagpapatupad ng mga patakarang Hapon. C. Walang naging epekto dahil iniwan ng Hapon ang mga lokal na kultura sa kanilang orihinal na estado. D. Pinahintulutan nito ang pagsibol ng mga bagong uri ng sining at panitikan na may halong impluwensyang Kanluranin. Piliin ang letra ng tamang sagot. 4. Ang ambisyon ng Japan na pagpapalawak ng teritoryo sa ikadalawampung siglo ay masasabing kombinasyon ng mga salik pampolitika, pang- ekonomiya, panlipunan at mga dahilang estratehiko. Ilan sa mga sumusunod ay sanhi ng Imperyalismo ng Japan noong ikadalawampung siglo MALIBAN sa: A. Industriyalisasyon, modernesasyon at pagpapaunlad ng ekonomiya B. Militarisasyon, seguridad at dahilang estratehiko C. Kawalan ng tiwala sa mga bansang kanluranin D. Pakikipagkaibigan sa mga bansang Asyano at palaganapin ang kanilang relihiyon Piliin ang letra ng tamang sagot. 5. Magkahalo ang naging reaksyon ng mga Vietnamese sa pagpasok ng imperyalismong Hapon sa kanilang bansa. Ang mga sumusunod ay mga pamamaraang ginamit ng mga Hapon upang mapasunod ang mga Vietnamese MALIBAN sa A. Pinaniwala nila na mas mainam na makolonisa ng kapuwa Asyano kaysa Kanluranin B. Inihayag ng mga Hapones na ang kanilang pagdating bilang mga tagapagpalaya sa halip na mga mananakop C. Inorganisa ng mga Hapones ang pagtuturo ng wikang Hapones sa bansa. D. Nakipagsandugo sila sa mga katutubong lider para mas mapaniwala nila ang mga ito Sa loob ng daang taon ay nakaranas ng pananakop ng mga taga-Kanluranin ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Iba-iba man ang kanilang naging mananakop ay malaki ang pagkakatulad ng kanilang mga karanasan. Malimit na ang mga patakarang kolonyal ay pabor sa mga Kanluranin, dahilan upang sila lamang ang umunlad at maabuso ang kanilang mga sinakop. Ito ang naging dahilan upang umusbong ang kamalayang N A S Y O N A L I S M O 1. 2. 3. 4. 5. G A B R I E EL A T E R E S A M A C A R I E O J OS E ANDRE S S I L ANE G MAG B A N U A S A K A Y R IZAL AC I O BON I FE Bayaning Maipagmamalaki Nasyonalismo Ito ay tumutugon sa malakas o matibay na pakiramdam ng katapatan at debosyon sa sariling nasyon o estado na karaniwang may kasamang paniniwala sa kahigitan o kaibahan ng sariling nasyon sa iba. Ito rin ay tumutukoy sa matibay na ugnayan ng isang pangkat ng taong may iisang kasaysayan, wika, relihiyon, at kultura. Elementong Bumubuo sa Ideya ng Nasyonalismo Pagkakakilanlan at pagiging miyembro o kasapi ng isang pangkat Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa damdamin ng isang indibidwal na siya ay kasapi ng isang pangkat na may iisang katangian, wika, kultura, etnisidad, at kasaysayan. Pambansang pagmamalaki Ito ay nakapagpapatibay sa pagkakaisa at patuloy na nakagaganyak sa isang indibidwal na makapag-ambag sa kagalingan ng isang bansa. Kahalagahan ng NASYONALISMO Ang damdaming nasyonalismo ay nahuhubog sa kalooban ng isang indibidwal sa pamamagitan ng pagkakalantad nito sa pambansang awit, pambansang bandila, at mga pambansang lugar na may kinalaman sa mahahalagang kasaysayan ng bansa. Mahalaga ang pagtatamo ng damdaming nasyonalismo. Ito ay bunsod ng sumusunod na dahilan: Nagbibigay ito ng inspirasyon 1. sa pagiging MAKABAYAN Ito ang pinakamahalagang epekto ng nasyonalismo. Itinatanim nito sa isipan ng isang tao ang damdaming pagkakaisa at pagsisikap na magsakripisyo sa panahong kailangan ito. Nagbibigay ito ng inspirasyon 1. sa pagiging MAKABAYAN Ito rin ang nagbibigay-inspirasyon sa mga mandirigma para sa kalayaan na manindigan para sa karapatan ng kanilang bansa at kababayan laban sa paniniil ng mga dayuhang puwersa. Ito rin ang dahilan kung bakit sinisikap pangibababawan ng isang bansa ang ibang bansa, at maprotektahan ang kanilang hangganan. Nagdudulot ito ng PAGKAKAISA 2. sa gitna ng pagkakaiba Pinag-iisa ng nasyonalismo ang mga tao. Sa panahon ng globalisasyon, ang karamihan ng mga bansa ay multicultural – nagkakaiba ng relihiyon, paniniwala, kulay, at gawi na naninirahan sa iisang teritoryo. Ang pagkakaibang ito ay nagiging mapayapa bunsod ng damdaming nasyonalismo. Itinataguyod nito ang 3. PAGSASARILI Ang damdaming nasyonalismo ang nagsusulong sa mga tao na pagsikapang maging malaya at libre mula sa impluwensiya at dominasyon ng ibang kultura. Itinataguyod nito ang 3. PAGSASARILI Binubuhay nito ang damdamin ng mga taong magtrabaho para sa kanilang bansa, at tanggihan ang puwersahang pagbabago na nagmumula sa panlabas na impluwensiya. Itinataguyod nito ang 3. PAGSASARILI Ito ay nagbibigay ng sigla sa mga tao na panatilihing sapat ang mga pangangailangan sa kanilang bansa sa pamamagitan ng paggamit ng sariling yaman sa pagpoprodyus ng mga industriya. Itinitimo nito sa isipan ng mamamayan ang 4. PAGMAMALAKI sa kanilang pambansang pamana. Ito ay nakatutulong sa pag-unlad ng kultura ng isang bansa. Nagtutulak ito ng PAGPAPABUTI 5. at PAG-UNLAD Inuudyukan ng damdaming nasyonalismo ang mga mamamayan na tratuhin nang mabuti ang kanilang bansa. Kumpletuhin Natin! 1. 2. 3. 4. 5. Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Bakit dapat kabisado ng isang Pilipino ang pambansang awit at panunumpa sa watawat? A. Dahil ito ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan B. Makatutulong ito upang tumatak sa puso’t isipan ng mga Pilipino ang kagitingan at kabayanihan ng ating mga bayani. C. Ang panunumpa sa watawat ay magsisilbing pangako ng isang Pilipino para sa bansa at magpapaalala na maging maka-Diyos, makakalikasan at makatao. D. Lahat ng nabanggit Piliin ang letra ng tamang sagot. 2. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng nasyonalismo? A. Pagtangkilik ng sariling produkto B. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas C. Pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa D. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa Piliin ang letra ng tamang sagot. 3. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay-daan ito upang ang mga Asyano ay matutong ________________. A. maging mapagmahal sa kapwa. B. maging laging handa sa panganib. C. makisalamuha sa mga mananakop. D. pigilin ang paglaganap ng Imperyalismong Kanluranin. Piliin ang letra ng tamang sagot. 4. Ang mga sumusunod ay paglalarawan ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahong dagsa ang mga dayuhang produkto mula sa kasangkapan, damit at pagkain MALIBAN sa isa. A. Hindi lamang sa pagtangkilik ng produktong Pilipino maipakikita ang pagmamahal sa bayan. B. Maaaring sa ibang bagay hindi natin matangkilik ang produktong Pilipino, pero ang pagpapatuloy ng ating mga putahe sa ulam ay tiyak na nasyonalismo. C. Hindi maiiwasan ang pagbili ng mga dayuhang produkto kaya patuloy natin itong gawin. D. Suportahan ang mga produktong Pilipino sa pagbabahagi ng mga larawan o video ng ipinagmamalaki nating produkto. Piliin ang letra ng tamang sagot. 5. Bilang isang mag-aaral at mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pananakop, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa bayan bilang hakbang tungo sa paglaya? 1. Pagtangkilik sa mga produktong banyaga 2. Hindi pagtangkilik sa mga produktong banyaga 3. Pakikiisa sa mga Pilipinong pinuno na nagsusulong ng paglaya 4. Pagsunod sa mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop A. 1 at 2 C. 3 at 4 B. 2 at 3 D. 1 at 4 Iginigiit ng mga paniniwala at kilusang nasyonalismo na ang estado at bansa ay kinakailangang magkasama sa ideyang nasyonalismo. Uri ng NASYONALISMO S P I K E D Sibiko Pan-nationalis Ideolohikal Kultural Etniko Diaspora m Nasyonalismong Sibiko Nasyonalismong nakabatay sa pag-angkop ng mga pagpapahalagang nagmumula sa mamamayan ng isang bansa. Ang pananatili ng isang bansa ay nagmumula sa pakikiisa ng mamamayan nito. Nasyonalismong Sibiko Inilalarawan nito ang ideya na kinakatawan ng pamahalaan ng bansa ang kagustuhan ng mga mamamayan nito. Karaniwan itong iniuugnay sa progresibong mithiin tulad ng pagpaparaya, demokrasya, at karapatan ng isang indibidwal. Pan-nationalism Uri ng nasyonalismo na lagpas sa hangganan at pangunahing pagkakakilanlan ng isang bansa upang makalikha ng higit na mataas na pagkakakilanlan batay sa pagkakahawig ng mga kasaping pangkat. Pan-nationalism Ito ay nagbibigay-diin sa pag-iisa ng isang heograpikal na rehiyon, pangkat lingguwistiko, lahi, o rehiyon. Ang ilang halimbawa nito ay ang Pan-Slav Movement at Pan-Islam o Pan-Islamic Movement na nananawagan sa pagkakaisa ng mga Muslim sa daigdig. Nasyonalismong Ideolohikal Ito ang paniniwala na kailangan ng isang bansa na pamahalaan ang sarili nang hindi pinanghihimasukan ng ibang bansa. Nasyonalismong Kultural Mga kilusang nagbibigay-diin o halaga sa pagpapanatili at pagsusulong ng kakaibang kultura, tradisyon, wika, at pamana ng isang bansa. Karaniwang binibigyang-proteksiyon nito ang kultura at pamana ng bansa sa halip na lahi, etnisidad, Nasyonalismong Etniko Ang nasyon at nasyonalidad ay nakabatay sa etnisidad na nagbibigay-diin sa kaisipang ethnocentrism, na may kinalaman sa mga usaping politikal na may kaugnayan sa pambansang paninindigan tungkol sa isang pangkat etniko. Nasyonalismong Etniko Ang ethnocentrism ay tumutukoy sa paniniwala na nakatataas o nakahihigit ang kalagayan ng isang lahi kaysa iba pa. Sa ideyang ito, hindi malayong husgahan ng isang pangkat etniko ang iba pang pangkat na maaaring isama sa isang katutubong pangkat. MAAARING MAGING SULIRANING PAMPOLITIKAL O PANLIPUNAN Nasyonalismong Diaspora Higit na kilala sa tawag na nasyonalismong "long distance." Ito ay tumutukoy sa damdaming nasyonalismo ng mga diaspora tulad ng mga Irish na nasa Estados Unidos, mga Jew na naninirahan sa maraming bahagi ng daigdig matapos mapaalis sa Jerusalem, mga Lebanese sa Estados Unidos at Africa, at pati na mga Armenian na naninirahan sa Europe. Ano-ano ang mga Uri ng NASYONALISMO? S P I K E D Sibiko Pan-nationalis Ideolohikal Kultural Etniko Diaspora m PAGKAKAIBA ng Damdaming Patriyotismo Nasyonalismo o Makabayan Ang salitang patriyotismo Ang nasyonalismo ay ay nagmula sa salitang Griyego paniniwala na ang bansa ng na patrios na ang kahulugan isang indibidwal ay nakahihigit ay ”of one’s father." sa ibang bansa. Ibig sabihin, ang patriyotismo Naniniwala na ang interes ay pagmamahal at katapatan ng sariling bansa ay ng isang indibidwal higit na mahalaga kaysa interes sa bansang pinagmulan kasama ng ibang bansa. ang pangkat ng mga taong naninirahan dito. Damdaming Patriyotismo Nasyonalismo o Makabayan Ang salitang patriyotismo Kung kaya't ang mga ay nagmula sa salitang Griyego pamahalaang nasyonalista na patrios na ang kahulugan ay atubiling makiisa sa ay ”of one’s father." pandaigdigang pagtutulungan Ibig sabihin, ang patriyotismo dahil para sa kanila, ang ay pagmamahal at katapatan anumang usaping may ng isang indibidwal kinalaman sa geopolitics sa bansang pinagmulan kasama ay hindi kinakailangang ang pangkat ng mga taong pag-usapan pa. naninirahan dito. Damdaming Patriyotismo Nasyonalismo o Makabayan Ang salitang patriyotismo Ibig sabihin, ay nagmula sa salitang Griyego kailangang angkinin na patrios na ang kahulugan ng isang bansa ang tinataya ay ”of one’s father." o inaakalang pag-aari Ibig sabihin, ang patriyotismo ng kaniyang bansa nang ay pagmamahal at katapatan hindi na pinag-iisipan pa ng isang indibidwal sa bansang pinagmulan kasama ang interes ng ibang bansa. ang pangkat ng mga taong naninirahan dito. Damdaming Patriyotismo Nasyonalismo o Makabayan Ibig sabihin, Ang patriyotismo kailangang angkinin ay pagmamahal sa bansa at kultura. Naniniwala ang mga ng isang bansa ang tinataya makabayan (patriots) o inaakalang pag-aari na maaaring mahalin ng kaniyang bansa nang ang sariling bansa nang hindi hindi na pinag-iisipan pa pinag-iisipang nakahihigit ito ang interes ng ibang bansa. sa ibang bansa. Damdaming Patriyotismo Nasyonalismo o Makabayan Higit sa lahat, ang pagiging Ibig sabihin, makabayan ay karaniwang nakapokus sa positibong aspekto ng bansa nang kailangang angkinin hindi binabalewala ang ibang bansa. ng isang bansa ang tinataya Ang mga makabayan ay karaniwang o inaakalang pag-aari nakikiisa sa pandaigdigang pagtutulungan bunsod ng ng kaniyang bansa nang paniniwalang ang pagtutulungan, hindi na pinag-iisipan pa kasunduang pangkalakalan, at ang interes ng ibang bansa. pandaigdigang pagpapalaganap ng mga ideya ay may malaking kapakinabangan para sa lahat. Alin sa palagay mo ang nakahihigit o may mas malalim na pagmamalasakit sa bansa: ang makabayan o ang nasyonalista? Bakit? Patunayan. Konsepto ng KASARINLAN Ang kasarinlan ay tumutugon sa kondisyon ng isang estado, bansa, o nasyon na pinamamahalaan ang sarili at malaya mula sa anumang impluwensiya o panghihimasok ng ibang bansa. Ibig sabihin, ang kasarinlan ay tumutugon sa kalayaan mula sa pagkontrol, pag-impluwensiya, at pagsuporta ng ibang bansa. ng kasarinlan Mahalaga sa pagtatamo ang sumusunod na aspekto: KALAYAANG POLITIKAL OLKTIPIAL Ito ang pangunahing elemento ng pagkabansa sa modernong sistema ng pandaigdigang batas. Isa sa tradisyonal na kailangan sa pagkabansa ay ang kakayahan ng isang nasyon na pamahalaan ang sarili. KALAYAANG POLITIKAL Ito rin ay kasarinlan sa panloob at panlabas na usapin. Ito ay tumutugon sa pinakamahalagang katangian ng demokratikong lipunan. PANSARILING AYAPAIPSAGP PAGPAPASIYA Ito ay tumutukoy sa prinsipyong ang lahat ng nasyon o tao ay may karapatang pumili ng kanilang kalagayang pampolitikal, uring pamahalaan, at kahihinatnan nang hindi pinanghihimasukan ninoman. PANSARILING PAGPAPASIYA Karapatan ng lahat ng mga teritoryong kolonyal na maging malaya at mapagtibay ang anumang uri ng estadong malayang pinili ng mga PANG-EOIKMYANO KALAYAANG PANG-EKONOMIYA Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang nasyon na mapanatili at mapaunlad ang sariling ekonomiya nang hindi gaanong umaasa sa tulong panlabas upang makaiwas na mapangibabawan ng ibang nasyon. KALAYAANG PANG-EKONOMIYA Ito ay maaaring matamo sa pamamagitan ng industriyalisasyon, pakikipagkalakalan, at mga alituntuning pang-ekonomiya na makatutulong sa pagsasarili. KALAYAANG KRGUTULNLAPA PANGKULTURAL Ito ay tumutukoy sa kakanyahang mapanatili at mapaunlad ang pagkakakilanlan, tradisyon, at pagpapahalaga ng isang nasyon, bagama’t ito ay bukas sa pakikipag-interaksiyon sa KALAYAANG PANGKULTURAL Ang pagkakakilanlan ng isang pangkat ng tao ay mahalagang instrumentong gamit sa pagtanggi sa prosesong asimilasyon. Asimilasyon: Proseso ng pagtanggap sa kultura ng iba. DEKLARASYON NG KRAANILASN KASARINLAN Ito ay pormal na dokumento na naghahayag sa dahilan ng isang pangkat ng tao o nasyon sa paghahangad ng kalayaan. Mahalaga sa pagtatamo ng kasarinlan ang sumusunod na aspekto” 1. Kalayaang Politikal 2. Pansariling Pagpapasiya 3. Kalayaang Pang-ekonomiya 4. Kalayaang Pangkultural 5. Deklarasyon ng Kasarinlan 1. A S P N I E K O P D N A B A N S A T A A Ito ay tumutukoy S M O S S T L A Y P sa pangkat ng mga tao A A L Y M A A G M I na may iisang kasaysayan, R N I O O D Y K A N relihiyon, o iba pang S A L N A O A A G G kombinasyon P A G K A B A N S A na bumubuo E S L I K D N T V A sa isang pangkat. 2. A S P N I E K O P D N A B A N S A T A A Tinatawag ding S M O S S T L A Y P estado, A A L Y M A A G M I tumutukoy sa isang R N I O O D Y K A N S A L N A O A A G G lugar na may sariling P A G K A B A N S A pamahalaan. E S L I K D N T V A 3. A S P N I E K O P D N A B A N S A T A A Ang bansang-______ ay S M O S S T L A Y P isang malayang bansa na A A L Y M A A G M I binubuo ng mga tao mula R N I O O D Y K A N sa isang partikular na S A L N A O A A G G pambansang pangkat. P A G K A B A N S A Ito ang pinagmulan ng E S L I K D N T V A katagang pagkabansa. 4. A S P N I E K O P D N A B A N S A T A A Ito ay tumutugon S M O S S T L A Y P sa kalagayang estado A A L Y M A A G M I R N I O O D Y K A N bilang isang S A L N A O A A G G nahihiwalay at P A G K A B A N S A malayang bansa. E S L I K D N T V A 5. A S P N I E K O P D N A B A N S A T A A Ito ay kondisyon ng isang bansa, nasyon, o estado S M O S S T L A Y P kung saan ang mga A A L Y M A A G M I naninirahan o bahagi nito R N I O O D Y K A N ay nagsasarili ng S A L N A O A A G G pamamahala at karaniwang P A G K A B A N S A may kapangyarihan E S L I K D N T V A sa isang teritoryo. Kumpletuhin Natin! Itinuturing na pinakapayak na kahulugan ng nasyonalismo ang pagmamahal o pag-ibig sa bayan. Kasarinlan naman ang isa sa mga puwersang nagpapaigting sa nasyonalismo. Madalas itong nagagamit kapalit ng salitang “kalayaan” dahil pareho nitong tinutukoy ang pagkawala ng isang bansa mula sa pananakop. Binibigyang-diin ng kasarinlan ang kakayahang itaguyod ang sarili Kumpletuhin Natin! Kasunod ng pagtatamo ng kasarinlan ay ang pagsulong tungo sa pagkabansa. Tumutukoy naman ang pagkabansa sa katayuan o kalagayan ng isang lugar na nakitaan ng apat (4) na elemento nito: (1) tao o mamamayan; (2) teritoryo; (3) pamahalaan; at (4) kalayaan o soberaniya. Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Alin sa sumusunod ang tumutugon sa matibay na pakiramdam ng katapatan at debosyon sa sariling bansa? A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C. Kolonyalismo D. Neokolonyalismo Piliin ang letra ng tamang sagot. 2. Alin sa sumusunod ang tumutugon sa kondisyon ng isang estado, bansa, o nasyon na pinamamahalaan ang sarili at malaya sa anumang impluwensiya o panghihimasok mula sa labas ng bansa? A. Bansang-estado B. Ethnocentrism C. Kasarinlan D. Pagkabansa Piliin ang letra ng tamang sagot. 3. Alin sa sumusunod ang tumutugon sa kalagayan ng estado bilang isang nakahiwalay at malayang bansa? A. Bansa B. Pagkabansa C. Nasyon D. Bansang-estado Piliin ang letra ng tamang sagot. 4. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa paniniwala na nakatataas o nakahihigit ang kalagayan ng isang lahi kaysa iba pa? A. Nasyonalismo B. Ethnocentrism C. Patriyotismo D. Pagkabansa Piliin ang letra ng tamang sagot. 5. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagmamahal at katapatan ng isang indibidwal sa bansang pinagmulan nang hindi pinag-iisipang nakahihigit ito sa ibang bansa? A. Nasyonalismo B. Kasarinlan C. Patriyotismo D. Pagkabansa Simbolo, Iguhit Mo! Gumuhit ng isang simbolo na nais mong gawin upang maipakita ang pagmamahal sa bayan. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili. Salamat po! ~- Ma’am Eve