AP Reviewer 3rd Q (INC) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document reviews the Medieval period in Europe, covering the rise of the Catholic Church, Feudalism, and the Crusades. It includes details about the societal structures and organization of the church, highlighting the roles of different positions within the hierarchy.
Full Transcript
ANG PAG USBONG NG EUROPA SA PANAHONG MEDYIBAL Noong 476 C.E., tuluyang bumagsak ang Imperyong Romano sa kamay ng mga barbaro. Ang pagbagsak ng kapangyarihan ng mga Romano ang nagbigay-daan sa bagong pamumuhay. Ito ang naghudyat sa pagsisimula ng Gitnang Panahon (Medieval...
ANG PAG USBONG NG EUROPA SA PANAHONG MEDYIBAL Noong 476 C.E., tuluyang bumagsak ang Imperyong Romano sa kamay ng mga barbaro. Ang pagbagsak ng kapangyarihan ng mga Romano ang nagbigay-daan sa bagong pamumuhay. Ito ang naghudyat sa pagsisimula ng Gitnang Panahon (Medieval/Middle Ages). Naging bunga ng pagbagsak ng imperyong Romano: Ang paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusyon Ang Holy Roman Empire Ang paglunsad ng krusada Ang pag-iral ng piyudalismo, manoryalismo, at ang pag-usbong ng mga bayan at lungsod. SIMBAHAN Ito ang tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga barbaro. Dito umikot ang lipunan, pamilya, at maging ang pamahalaan, at ang naging sandigan ito ng paniniwala. Ito ang naging pangunahing institusyon sa Gitnang Panahon. Ang Organisasyon ng Simbahan SANTO PAPA Ang pinakamataas na pinuno ng simbahan KARDINAL Pinili ng Santo Papa. Siyang pangkat na naghahalal sa Papa. ARSOBISPO Pinakamataas na obispo. Pinamamahalaan ang mga malalaking dayosis (archdiocese). OBISPO Pinuno ng mga dayosis sa mga lalawigan. PARI (KURA-PAROKO) Pinuno ng isang parokya. Ang Organisasyon ng Simbahang Katoliko MGA GAWAIN NG SANTO PAPA Mga kautusan tungkol sa doktrinang Kristiyano Nagtatakda ng banal na araw, araw ng pangilin at pagsasaayos sa mga rital ng Simbahan Kumukontrol sa mga ordeng panrelihiyon Nagtatatag at nangangasiwa ng mga unibersidad Nagkakaloob ng indulhensiya INDULHENSIYA Ito ay isang anyo ng kapatawaran sa kasalanan kapalit ng isang mabuting gawain. Nagpapatupad ng mga regulasyon sa pagsamba. ESKOMULGASYON Isang parusang pag-aalis sa karapatan at pribilehiyo ng isang tao bilang kasapi ng Simbahan. INTERDICT Pagtigil sa pagganap ng Simbahan sa mga sakramento sa isang kaharian. Bunga ng Paglakas ng Simbahang Katoliko MGA AMBAG NG SIMBAHAN Nagkaroon ng kaayusan sa lipunan. Niyakap ng mga barbarong Aleman ang Kristiyanismo. Umunlad ang ekonomiya. Ang Simbahan din ay tumulong sa pagkakaroon ng tamang presyo. Nagsilbing mga guro ang mga pari. Dagdag pa rito, naitago nila ang mga kaalamang klasikal. Ang mga paaralan noong panahong iyon ay itinatag din ng mga monghe. Naging bahagi ang Simbahan sa pangangalaga ng kultura. Ang mga monghe ang nagtiyagang magbasa, kumopya, isinulat, at muling binuo ang mga aklat na sinira ng mga barbaro. Bumalangkas ang Simbahan ng mga batas at nagtatag ng sariling hukuman. Sa pamamagitan ng mga misyonaryo, naisapuso at naitanim sa mga tao ang mga aral at salita ng Diyos ANG PIYUDALISMO AT MANORYALISMO Ang Piyudalismo Dahil sa walang lakas na pamahalaan, bumuo ng sistema ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain upang ipagtanggol ang mamamayan at ang kanilang lupa. Ang kapangyarihan ay nasa panginoong may lupa na may sariling hukbo na magtatanggol sa kanila. PIYUDALISMO Isang sistemang pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoong may lupa ay ibabahagi sa vassal at bibigyan ng proteksyon bilang kapalit manunungkulan ang vassal ng tapat at pagsisilbihan ang kanyang hari. Ang sistemang ito ay pulitikal, sosyo-ekonomiko at militar na sago sa panahon ng kaguluhan. Nakasalalay sa basalyo ang mga gawaing pampulitika at pangkabuhayan. SISTEMANG PIYUDAL HARI/PANGINOONG MAY LUPA Pinakamataas sa lipunan ng piyudalismo. Siya ang nag mamayari ng lupa at nagbibigay siya ng lupa sa mga sumusuporta sa kanya. LORDS/NOBLES Sila ay mga nobles o dugong bughaw na nagiging vassal ng hari dahil sila ay nagbibigay ng suporta, pera at payo. KNIGHTS Sila ay tinuturing din na vassals, at nagbibigay proteksyon sa Hari at mga nasasakupan nito. PEASANTS/SERFS Sila ang pinakamababang uri ng lipunan, sila ay mga magsasaka at nagtatrabaho sa bukid. Sila rin ang may pinakamaraming bilang sa lipunan. FIEF Ito ang tawag sa mga lupa na ipinagkakaloob ng hari. VASSAL (BASALYO) Ito ang tawag sa mga tumanggap ng fief. HOMAGE Ito ang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng Lord at mangangako na siya ay magiging tapat na tauhan LIPUNAN SA PANAHON NG PIYUDALISMO —-- PARI Sila ay hindi tinuturing na natatanging sector ng lipunan. —----- KABALYERO Sila ay matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa hari. —---- MGA SERFS / ALIPIN Sila ay nananatili sa kanilang lupang sinasaka, napilitan silang magtrabaho sa lupain ng kanilang mga panginoon ng walang bayad. Ang Manoryalismo MANOR Ito ay isang malaking lupang sinasaka. Ang malaking bahagi ng manor ay pagmamay-ari ng mga Lord at ilan lamang sa mga magsasaka ang nagmamay-ari ng kanilang lupa. MANORYALISMO Ito ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang magbubukid ay nagbibigay serbisyo sa isang pyudal na hari o nagmamay-ari ng lupa kapalit ang proteksyon. Sa ilalim ng manoryalismo, tungkulin ng isang panginoong may lupa na bigyan ng pabahay, lupang sakahan at proteksiyon ang mga naninirahan sa manor. Kapalit nito ang paglilingkod ng mga tao sa pangangailangan ng kanilang panginoong may lupa. THREE-FIELD SYSTEM Sa sistemang ito, ang bukirin ay hinati sa tatlong bahagi: taniman sa pagsibol, taniman sa taglagas, at ang lupang tiwangwang. Ang taniman ay pinaiikot sa bawat taon upang mapanatili ang fertility ng lupa. Mahirap ang buhay sa manor. Wala silang ugnayan sa ibang pamayanan dahil limitado lamang ang nagaganap na kalakalan. Ang karamihan sa mga industriya ay ginagawa ng mga nakatira sa manor. MGA KABABAIHAN Siya ang nagtuturo sa mga batang babae ng pagluluto, paglalaba, pananahi, at pagbuburda. Limitado naman ang kaniyang karapatan. Magkakaroon lamang ng lupain ang mga babae kung siya ang natitirang tagapagmana o kaya ay naging balo ang asawa ng panginoong maylupa. PAGHINA NG PIYUDALISMO Karamihan sa mga panginoong sumama sa krusada ay hindi na nakabalik. Lumakas ang kapangyarihan ng mga hari sa panahong ito at kanilang binuwag ang pamamahala ng mga panginoong may lupa. Ang krusada ay nagbukas sa kalakalan. Ang nakasisindak na salot, na tinawag na black death, ay nakapagpabago sa pamumuhay sa bukid. ANG PAG-USBONG NG EUROPE SA PANAHONG MEDYIBAL FRANKS (oceon)- mga barbarong sumakop sa Rome ay bumubuo ng maliliit na kaharian at namayani mula ika-5 siglo hanggang ika-7 siglo - kaharian ANG KAHARIAN NG FRANKS TAONG 481 - si CLOVIS I ay pinag-isa ang mga tribo ng mga franks at sinugod ang mga Romano TAONG 496 - si CLOVIS I at ang kanyang buong sandatahan ay naging kristiyano TAONG 511 - Matapos mamatay si CLOVIS I ang kanyang kaharian ay hinati sa kanyang mga anak. TAONG 687 - Ang tribung franks ay pinamunuan ni Pepin II TAONG 717 - Humalili kay Pepin II ang kanyang anak na si Charles Martel Charles Martel - siya ang nagsikap na pag-isahin ang franks - tinalo niya ang mga mananalakay na muslim Pepin the short - Siya ay anak ni Charles Martel -Pinatalsik niya ang huling hari ng Merovingian at tinanghal siyang hari ng Franks CHARLEMAGNE (charles the great) - siya ang humalili sa kanyang ama na si Pepin the short - naging pinakamahusay na pinuno sa panahong ito sa europa -Hinarang siya ni Pope Leo II bilang emerador ng banal na imperyong romano (holy roman empire) Nang namatay si charlemagne noong 814, pumalit si Louis the Pious (778-8400 - Nabigo siyang mapanatili ang imperyo dahal sa paglaban ng mga maharlika. - Hinati ng kanyang tatlong anak ang imperyo KASUNDUAN SA VERDUN - ang kasunduan na ang imperyo ay hinati sa tatlong anak ni Louis the PIous Charles the Bald- France Louis the German- Germany Lothair- Italy ANG KRUSADA KRUSADA- isang ekspedisyong militar na inilunsad ng kristiyanong europeo dahil sa panagawan ni Pope Urban II noong 1095. - Ito ay tinaguriang banal na labanan sa pagitan ng mga relihiyosong europeo at mga muslim na sumakop sa jerusalem. Unang krusada - Binuo ito ng 3,000 na kabalyero at 12,000 na mandirigma sa pamumuno ng mga prinsipe at pranses. -NOONG 1099 matagumpay nilang nabawi ang jerusalem, natatag ng estadong krusador malapiy sa mediterranean. -Sila ay nanatili ng 50 taon sa jerusalem subalit sinalakay ulit ng mga muslim. Ikalawang krusada - Hinikayat ni St. Bernard ng Clairvaux sina Haring Luis VII ng france, at emperor Conrad III ng germany upang pumunta sa silangan. - Matagumpay nilang nasakop ang Damascus - Nagkasagupaan si Richard at Saladin na pinuno ng mga Turko at nagkasundo itigil na ang laban. Ikatlong krusada -Nakuha nila Cyprus at lungsod ng Acre. - sa isag kasunduan, pinayagan ang mga kristiyano na dumalaw sa jerusalem KRUSADA NG MGA BATA - Noong 1212, isang bata (12) na si Stephan - naniniwala na tinawag siya ni Kristo upang mamuno ng krusada. -Libo-libong mga bata sa kanya ay sumunod subalit karamihan sa kanila ay dinapuan ng sakit, nasawa sa karagatan, at binili na alipin. Ikaapat na krusada - Ang krusadang ito ay naging isang iskandalo - Krusador: mangangalakal ng venetra (kristiyanong bayan sa zara) - Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay idineklarang excomunicado - Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang imperyong Byzantine -Ang huling kuta ng mga kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga muslim at ito ay naging simula ng paghina ng krusada. Aralin 8: Ang Paglakas ng Monarkiya Pagtatatag ng National Monarchy Malaki ang naitulong sa pagtatatag ng national monarchy o pambansang monarkiya sa paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo, walang sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing panginoong maylupa. Absolute na Monarkiya Ito ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang monarko (hari o reyna) ay may ganap at hindi nasasakupan na kapangyarihan sa lahat ng aspeto ng pamahalaan at buhay ng mga mamamayan. Sa ilalim ng ganitong sistema, ang monarko ay may hindi napapalitang awtoridad at hindi siya limitado ng mga batas, parliyamento, o iba pang mga institusyon ng pamahalaan. Konstitusyonal na Monarkiya Sa ganitong pamamahala, ang kapangyarihan ng hari at reyna ay nililimitahan ng Parlamento. Ang Parlamento ay itinatag upang limitahan ang kapangyarihan ng hari at reyna at pangalagaan ang karapatan ng mamamayan. Monarkiya sa Spain Reyna Isabella at Haring Ferdinand Upang mapalakas ang monarkiya, inalis ni Reyna Isabella at Haring Ferdinand ang ilang aristokrata sa katungkulan. Pinayagan nila ang ibang aristokrata na mag-asawa ng mga kasapi ng pamilya sa kaharian at inilagay sila sa mataas na posisyon sa pamahalaan. Si Ferdinand at Isabella ay naging mga tagapagtanggol ng Katolisismo. Sinikap nina Ferdinand at Isabella na makuha ang suporta ng Simbahan. Binago nila ang patakaran ng Simbahan at ginamit ang pondo nito sa mga pambansang proyekto. Pagpapalaganap ng Katolisismo Isinagawa nila ang Inquisition ng Espanya noong 1478, isang serye ng mga religious tribunal na naglalayong paalisin ang mga hindi Katoliko mula sa bansa, partikular na ang mga Hudyo at Muslim. Nagdulot ito ng malupit na mga pag-uusig at pagpapatalsik ng mga hindi Katoliko sa Espanya. Charles V Nanungkulan si Charles V mula 1364 hanggang 1380. ○ Sa panahon ng kaniyang panunungkulan, nasakop ng Spain ang Mexico at Peru. ○ Nagalugad din nila ang katimugang bahagi ng United States. Philip II Nanungkulan siya mula 1556 hanggang 1598, at sa kanyang pamumuno ay napalakas niya ang kapangyarihan ng Spain at ng Simbahang Katoliko. Si Philip II ay isang tapat na Katoliko at naging pangunahing tagapagtanggol ng Katolisismo sa Europa. Pinangunahan niya ang paglaban sa Reformation, isang kilusang Protestanteng nagkaroon ng malawakang epekto sa Europa. Labanan sa Lepanto Binigyang-pansin niya ang mga piratang Ottoman na umaatake sa mga barkong Espanyol sa Dagat Mediterranean. Nagsanib lakas sina Philip II, ang Santo Papa, at ang Republika ng Venice laban sa Imperyong Ottoman upang hadlangan ang Ottoman sa pagpapalawak ng teritoryo sa Silangang Mediterranean. Pagpapalawak ng Teritoryo Siya ay nakapamahala sa isang malawak na imperyo na sumasaklaw mula sa mga teritoryo sa Europa (tulad ng mga teritoryo sa Italy, Netherlands, at Portugal) hanggang sa mga kolonya sa Amerika at Asya. Monarkiya sa England Elizabeth I Noong 1558, umupo bilang reyna ng England si Elizabeth I. Itinuring siyang isa sa pinakamagaling na pinuno sa kasaysayan ng bansa. Natamo ng bansa ang Ginuntuang Panahon sa kaniyang panunungkulan. Sa panahon ng kanyang paghahari, pinagtibay ni Elizabeth I ang kanyang kapangyarihan at awtoridad bilang monarko, ngunit siya rin ay nagtaguyod ng parlamento at mga halal na kinatawan upang tumulong sa paggawa ng mga batas. Pagpapayaman ng Bansa Sa ilalim ng kanyang pamumuno, umunlad ang ekonomiya ng Inglatera, na may pagtaas sa kalakalan at industriyang pang-ekonomiya. Naghanap sa buong daigdig ang mga mangangalakal na Ingles ng mga hilaw na materyales pangkalakal. Pagpapalakas ng Hukbo Pinagtibay ni Elizabeth I ang hukbong-dagat ng Inglatera (Royal Navy) at itinatag ang isang malakas na presensya sa dagat. Paglaganap ng Protestantismo Isa sa mga pinaka-kilalang nagawa ni Elizabeth I ay ang pagpapalaganap at pagpapatibay ng Protestantisismo sa Inglatera, isang mahalagang hakbang pagkatapos ng mga taon ng relihiyosong hidwaan sa bansa. Ginawa niyang opisyal na relihiyon ng bansa ang Anglikanismo. James I Naging haring pinagsamang England at Ireland mula 1603 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1625. Sa kawalan ng anak ni Elizabeth I, ang trono ng England ay napasakamay ni James I, anak ni Mary Stuart na Reyna ng Scotland at pinsan ni Elizabeth I. Unyon ng Korona Hindi ito nangangahulugang pinagsama ang mga bansa sa isang iisang gobyerno o parlamento. Naging simbolo ng unyon ang pagkakaroon ng isang monarko para sa dalawang kaharian, na nagbigay daan sa pagbubuo ng Great Britain sa susunod na mga siglo. Paniniwala sa Divine Right Naniniwala siya sa "Divine Right of Kings"—ang ideya na ang monarko ay may direktang awtoridad mula sa Diyos at walang karapatan ang mga tao o parliyamento na magtakda ng mga limitasyon sa kapangyarihan ng hari. King James Bible Siya ay nag-utos ng pagsasalin ng Bibliya mula sa orihinal na mga wika ng Hebreo, Aramaic, at Griyego patungo sa Ingles. Ang pagsasaling ito ay naging kilala bilang King James Version (KJV), at ito ay isa sa mga pinaka-maimpluwensyang salin ng Bibliya sa kasaysayan ng Ingles na wika. Kahulugan Renaissance: Panahon ng muling pagsilang at pagbabalik mula 1350 hanggang 1600 AD. Nakikilala sa muling interes sa mga klasikal na kultura ng Gresya at Roma. Mga Pangunahing Katangian Mga bagong pananaw na lumalabas pagkatapos ng Gitnang Kapanahunan na may mga pangako sa sining at kultura. Pagsibol ng humanismo na nakatuon sa mga interes ng tao at klasikal na panitikan. Kasaysayan ng Konteksto Pagtatapos ng Gitnang Kapanahunan: Karaniwang itinuturo sa mga digmaan, epidemya, at pang-ekonomiyang kaguluhan. Paglipat sa mga ideya ng Renaissance na nagtatampok ng muling buhay at pag-asa. Heograpikal na Pinagmulan Nagsimula sa Florence, Italya, na sinusuportahan ng mayamang pamilyang Medici. Mga Salik na Nagdulot sa Renaissance 1. Ang mga lungsod-estado sa Italy ang nagdominate sa daanang kalakalan sa pagitan ng Silangan at Kanlurang Europe at sa pagitan ng Europe at North Asia. 2. Nasa estratehikong lokasyon ang italy. Karamihan sa mga ruta ng kalakalan mula sa silangan ay nagsasalubong sa huling bahagi ng Mediterranean Sea. 3. Ang matatag na estrukuturang politikal ng Northern Italy ay nakatulong upang maikalat ang yaman ng kalakalan. Ang lumalaking kalakal ay nagdulot ng panibagong yaman sa mga lungsod tulad ng VEnice, Florence, Milan, at Genoa Venice - "Reyna ng Adriatiko", ang kapangyarihan ng Venice ay ang kaniyang lokasyon. Matatagpuan ito sa ruta ng kalakalang silangan at kanluran ng dagat. Humanismo Isang sistema na ineenhance ang talent ng tao. Mahahalagang Tauhan sa Humanismo Francisco Petrarch (Ama ng Humanismo) (Kilala bilang Petrarch): Pinanganak sa Florence sa isang pamilya ng mga abogado. Nagtaguyod ng klasikal na pag-aaral; nanindigan para sa mga akdang pampanitikan. Kilalang akda: "Sonnets to Laura." Niccolò Machiavelli: Kilala para sa pilosopiang pampulitika sa "The Prince." Binibigyang-diin ang mga praktikal na diskarte sa kapangyarihan. Johannes Gutenberg: Gumawa ng Movable Type Printing Press Mga Humanista Desiderius Erasmus: Sumulat ng "In Praise of Folly" na pumupuna sa mga pamantayang panlipunan. Thomas More: Sumulat ng "Utopia," na nag-iisip ng isang perpektong lipunan. Francois Rabelais: "Gargantua at Pantagruel" na tinalakay ang edukasyon at relihiyon. Miguel de Cervantes: "Don Quixote" na nagpakita ng kabalyero at modernidad. William Shakespeare: Kilala para sa mga dula na nag-aaral ng mga emosyon ng tao: "Macbeth," "Hamlet," "Romeo and Juliet." Sining Ang Renaissance ay nakakita ng pagsabog sa pagpipinta, iskulturo, at arkitektura. Binibigyang-diin ang klasikal na sining at sinusuportahan ng mga mayayamang patron. Mahahalagang Artist Giotto di Bondone: Nagpasimula ng mga lifelike na pigura ng tao. Raphael: Kilala para sa mga obra maestra tulad ng "School of Athens," na pinagsasama ang mga klasikal at Kristiyanong tema. Sofonisba Anguissola: Nanatili siya ng sampung taon bilang pintor sa tahanan ni Philip II ng spain. Michelangelo: Kilalang iskultor at pintor ng Sistine Chapel at "Pieta." Pinakabantog sa lahat, kayang mageskultura, magpinta, magarkitektura, at magaling rin siyang manunulat. Leonardo da Vinci: Gumawa ng "Mona Lisa". Aralin 9: Eksplorasyon – Ang Unang Yugto ng Eksplorasyon Imperyalismo sa Unang Bahagi ng ika-14 Siglo Noong ika-15 na siglo, ang mga Europeo ay naghanap ng panibagong ruta na maaari nilang gamitin upang makakuha ng mga spices o panlasa para sa kanilang pagkain at upang i-preserba ang mga karne. Ang mga produktong matatagpuan sa Silangan ay malaking motibasyon para sa mga Europeo na maghangad ng panibagong rutang pangkalakalan. Ano ang KOLONYALISMO? Ito ay ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Ano ang IMPERYALISMO? Ito ay ang panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Mga Dahilan ng Eksplorasyon 1. Paghahanap ng Kayamanan (Gold) ○ Dahil sa sistemang merkantilismo, ninais ng mga Europeo na magkaroon ng maraming ginto at pilak. ○ Maliban nito, hinangad din nila ang mga produkto mula sa Asya tulad ng mga pampalasa na ginamit bilang medisina at pampreserba ng pagkain. ○ Ang kalakalan ng mga produkto mula sa Asya ay nasa kamay ng taga-Venice, Italy. 2. Spice Island/Moluccas 3. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo (God) ○ Dulot ng maigting na mga labanan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano sa panahon ng Krusada, gayundin ang paniniwalang ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay isang banal na tungkulin, nakita ng mga bansa sa Europe ang pangangailangang galugarin ang mundo. 4. Paghahangad ng Katanyagan at Karangalan (Glory) ○ Dahil sa Renaissance napukaw ang interes ng mga Europeo na tumuklas ng mga bagong lupain na may tiwala sa sariling kakayahan. ○ Ito ang nagbigay sa kanila ng pagkakataong patunayan ang kanilang angking galing. ○ Hangad nilang maging sanhi ito ng katanyagan at karangalan hindi lamang sa sarili kundi sa bansang kinabibilangan. Mga Kagamitang Ginamit sa Eksplorasyon Astrolabe: Isang instrumentong ginagamit upang masukat ang layo ng lokasyon batay sa mga bituin. Compass: Ito ay instrumentong gabay sa pagtukoy ng tamang direksiyon sa paglalayag. Mga Pangunahing Paglalakbay Paglalakbay ng Portugal Ang Portugal ay ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa paglalayag sa Karagatang Atlantiko. Layunin nilang makipag-ugnayan sa mga kahariang mayaman sa ginto sa Africa at mahanap ang daan tungo sa Indies. Prince Henry the Navigator Inanyayahan niya ang mga mahuhusay na mandaragat, tagagawa ng mapa, matematisyan, at astronomo na mag-aral ng siyensiya ng nabigasyon sa bansa. Siya ay patron ng mga manlalakbay. Bartolomeu Dias Noong Agosto 1488, narating na niya ang timog na bahagi ng Africa. Dahil sa malakas na bagyo, napadpad siya sa isang pook na tinawag niyang "Cape of Storms." Ito ay pinalitan ng pangalang "Cape of Good Hope." Vasco da Gama Ang pinakamahalagang tagumpay ng Portugal ay nang marating niya ang India noong 1498. Ang nasabing ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumigil sa ilang mga trading posts sa Africa upang makipagkalakalan hanggang narating ang Calicut, India. Bagama’t mahigpit ang kontrol ng mga Muslim sa kalakalan, nagawa ni da Gama na makuha ang kalakalan ng cinnamon at paminta. Sa pagputol niya sa monopolyo ng kalakalan ng Italy sa Silangan, mabilis na nakilala ang kapangyarihan ng Portugal. Paglalakbay ng Espanya Ang pagpapakasal at pagsasanib ng kaharian nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille ay naging hudyat sa Spain na maghangad ng kayamanan sa Silangan. Christopher Columbus Siya ay isang Italyanong nabigador. Siya ay sinuportahan ni Reyna Isabella I na ilunsad ang kanyang unang ekspedisyon noong 1492 sa pagnanais na mapalaganap ang Kristiyanismo sa Silangan. Ang hangarin ni Columbus ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay ang pakanluran ng Atlantiko. Nagkaroon ng apat na paglalakbay si Columbus sa tinaguriang New World gamit ang tatlo niyang barko: ang Nina, Pinta, at Santa Maria. Nagtagumpay si Columbus nang maabot niya ang mga lugar na ngayon ay kilala bilang Dominica, Antigua, Venezuela, at Panama. Sa kanyang pagbalik sa Spain, siya ay ipinagbunyi at binigyan ng titulong "Admiral of the Ocean Sea", "Viceroy", at "Gobernador ng mga isla" na kanyang natagpuan sa Indies. Narating niya ang mga isla sa Caribbean, at tatlo pang ekspedisyon ang kanyang pinamunuan bago siya namatay noong 1506. Amerigo Vespucci Isang Italyanong eksplorador na nagsagawa rin ng ekspedisyon sa South America. Isa siya sa mga unang nagsabi na ang mga lugar na natuklasan ng mga Europeo sa Amerika ay isang bagong kontinente at hindi bahagi ng Asya. Nagbigay-daan ito sa ideya ng "Bagong Mundo." Kasunduan sa Tordesillas (1494) Pinagtibay noong Hunyo 7, 1494 kung saan binago ang hanggahan ng pagkakahati ng Espanya at Portugal. Ang lahat ng mga lupaing matutuklasan sa silangan ng itinakdang hanggahan ay para sa Portugal at ang lahat naman ng matatagpuan sa kanluran ay para sa Espanya. NEXT PAGE NA KAYO MAG LAGAY