Araling Panlipunan 7 Ikalawang Markahan - Modyul 1 PDF
Document Details
Uploaded by ImpartialLitotes
Pres. Quirino Treasured Child School Inc.
2020
Edna Casa-Nueva Ecija, Angelo C. Bombita, Ma. Nelia O. Eque, Cecilia A. Leong, Shanni Lou R. Castardo
Tags
Related
- Araling Panlipunan 5 Review Slides PDF
- Philippine Territory Based on Historical Treaties (Social Studies 6)
- Gender and Sexuality Across Time PDF
- G7 AP Q2 - Sinaunang Kabihasnan sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya PDF
- Philippine History & Constitution PDF
- Modyul sa Araling Panlipunan: Kabihasnang Greek (PDF)
Summary
This document is a learning module for Grade 7 Araling Panlipunan (Social Studies) covering the topic of ancient civilizations and their characteristics. It aims to guide students in learning relevant knowledge and skills in a self-paced manner.
Full Transcript
7 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 1 Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian Nito Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang Ikalawang Markahan – Modyul 1: Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian Nito Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 17...
7 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 1 Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian Nito Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang Ikalawang Markahan – Modyul 1: Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian Nito Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Edna Casa-Nueva Ecija, Angelo C. Bombita, Ma. Nelia O. Eque, Cecilia A. Leong, Shanni Lou R. Castardo Editor: April G. Formentera, Noralyn Joy O. Ramos, Arlan S. Ravanera, Emily E. Baculi, Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca Tagasuri: April G. Formentera, Noralyn Joy O. Ramos, Arlan S. Ravanera, Emily E. Baculi, Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca Tagaguhit: Nica Marie Pama Tagalapat: April G. Formentera Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director Romelito G. Flores - Schools Division Superintendent Mario M. Bermudes - Assistant Schools Division Superintendent Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM Johnny A. Sumugat – REPS, Araling Panlipunan Juliet F. Lastimosa - CID Chief, Sally A. Palomo – Division EPS In-Charge of LRMS Gregorio O. Ruales - Division ADM Coordinator Pampaaralang Editor: Christian Jade G. Quijano Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian Nito Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon at minodipika ng Pres. Quirino Treasured Child School, Inc., upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag- aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian Nito Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Pangkalahatang Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Ideya Layunin Sa bahaging ito, makikita mo ang mga inaasahang matamo mula sayo nang iyong guro ukol sa mga araling iyong pag-aaralan. Panimulang Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga gawain na naglalayong alamin angiyong Pagtataya mga nalalaman sa topikong aaralin. Aralin Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga talakayan o presentasyon ng mga konsepto ng mga aralin na tatalakayin. Ebalwasyon Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Aralin Konsepto ng Kabihasnan at mga 1 Katangian Nito Pangkalahatang Ideya Ang kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay maraming tanong sa ating isipan tungkol dito at sa mga pangyayaring nagbigay- daan sa pagsibol ng Kabihasnan sa Asya. Saan nagmula ang mga unang tao sa Asya? Paano sila namumuhay? Paano nabuo ang sinaunang kabihasnan sa Asya? Ang modyul na ito may isang paksa: Paksa 1 – Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian Nito Paksa 2 – Kabihasnang Sumer Paksa3 - Kabihasnag Shang Layunin Pagkatapos ng mga gawain ay kaya kong: 1. matutukoy ang pinagmulan ng mga unang tao sa Asya; at 2. mapapahalagahan ang bawat yugto ng pamumuhay at pag-unlad ng sinaunang tao sa Asya Panimulang Pagtataya Gawain I. Tama o Mali Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang letrang T kung tama ang nakasaad sa pangungusap at M naman kung mali. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. ________ 1. Sa larangan ng siyensya, ang Teorya ng Ebolusyon ng biologist na si Milford Wolpoff ay ang pangunahing pinagbabatayan ng paliwanag sa pinagmulan ng unang tao sa daigdig. ________ 2. Ang fossils ay ang anumang mga kasangkapang ginagamit ng sinaunang tao na siyang isa sa mga ginagamit na pangunahing ebidensya sa ebolusyon ng tao. ________ 3. Hominid ang pangkalahatang katawagang ibinigay ng mga siyentipiko sa sinaunang tao at iba pang nilalang na malatao (humanlike creatures) na naglalakad ng tuwid sa panahong prehistoriko. ________ 4. Ang Australopithecine ay hindi kabilang sa pamilyang Hominid. ________ 5. Ang Homo Habilis ay pangkat ng Homo species na may kakayahang gumawa ng mga kasangkapan. ________ 6. Ang Homo Sapiens na nagmula sa Africa ay ang unang pangkat ng Homo species na nagtungo sa ibat-ibang panig ng daigdig at nakarating sa Asya at Europa. ________ 7. Sa panahong Paleolitiko ang mga tao ay natutong manirahan sa isang lugar. ________ 8. Sa panahong Neolitiko ang mga tao ay natutong magsaka at mag-alaga ng hayop. ________ 9. Natuklasan ang paggamit ng apoy sa panahong Paleolitiko. ________ 10. Sa panahong Paleolitiko ang sinaunang tao ay umaasa sa kalikasan. ________ 11. Ang terminong kabihasnan at sibilisasyon ay may iisang kahulugan. ________ 12. Ang sibilisasyon ay nag-ugat sa salitang Griyego na “Civitas” na ang ibig sabihin ay “siyudad” at “civilis” na nangangahulugang “ng mga mamamayan”. ________ 13. Ang Uruk ay isa sa mga kinilalang unang lungsod-estado na nabuo sa Asya. ________ 14. Ang mga sinaunang kabihasnan ay nabuo malapit sa mga lambak- ilog. ________ 15. Ang kabihasnan ay nagmula sa salitang-ugat na “hasa” sa wikang Filipino na ang ibig sabihin ay sanay o ang pagsasanay upang maging bihasa. Aralin Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Asya at Daigdig Ayon sa mga arkeologo, ang mga nahukay na fossils at artifacts sa iba’t- ibang bahagi ng mundo ang siyang ginamit na pangunahing ebidensya sa pag-aaral sa ebolusyon ng tao. Ang fossils ay ang anumang tumigas na labi ng mga halaman, hayop at tao samantalang ang artifacts ay anumang mga kasangkapang ginagamit ng tao. Ganunpaman, mayroon ding dalawang aspektong pinagbatayan ang pinagmulan ng unang tao – ang bayolohikal at kultural. Ayon sa ebolusyong bayolohikal, ang pagbabago sa pisikal ng tao tulad ng paglaki ng bungo at maging ang paglalakad at posisyon ng katawan ay ang siyang pangunahing ginamit na batayan sa pag- unlad. Batay naman sa ebolusyong kultural, ang mga kasangkapang ginamit ng mga sinaunang tao ay ang pinagbatayan sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao. Fossils Artifacts Ang kuwento ng pinagmulan ng tao ay nagsimula sa Teorya ng Ebolusyon ng Tao ng isang French naturalist na si Jean Baptiste Lamarck (1809) subalit kulang ang kanyang mga makaagham na pagpapaliwanag hanggang sa nagpalabas ng isa pang teorya sina Charles Darwin at A.R. Wallace noong 1858. Pinag- ibayo ni Darwin ang pagpapaliwanang sa kanyang aklat na Origin of Species noong 1859. Ayon sa teoryang ito, tila isang hagdanan (ladder) ang pinagdaanang ebolusyon ng tao, kung saan ang nagsilbing pundasyon ay ang ninunong malabakulaw (apelike ancestors) at ang mga modernong tao (Homo sapiens) ang nasa pinakatuktok. Tinawag na hominid ang mga kabilang sa pamilya (hominidae) ng bipedal primate mammal na kinabibilangan ng pinakamodernong tao. Ang silangang bahagi ng Africa ay pinaninirahan ng iba’t- ibang uri ng mga hominid. Ang mga ito ay hinati ng mga dalubhasa sa tatlong pangkat- ang Ardipithecus Ramidus, Australopithecine at Homo. Ang Ardipithecus ramidus ay hango sa wika ng Afar, Ethiopia na ardi na nangangahulugang ground floor at ramid na ang ibig sabihin ay root. Tinatayang sila ay may taglay na katangian ng chimpanzee (dahil sa ngipin) at tao (dahil sa pagiging bipedal). Ardipithecus Ramidus Ang Australopithecine ay hango sa wikang Latin na nangangahulugang Southern Ape. Ito ay nagtataglay ng magkaparehong katangiang tao at bakulaw. Sila ang sinasabing mga ninuno ng makabagong tao. Gayunpaman, ang Homo naman ay nagmula sa salitang Latin na nangangahulugang “tao”. Sila ay may mas malalaking utak at may kakayahang makalikha ng mga kagamitan. Homo Ang Homo ay nahahati sa tatlong species Homo Habilis (handy man), Homo Erectus (upright man), at Homo Sapiens (wise man). Ang mga Homo Erectus ay ang unang pangkat na lumabas sa kontinenteng Africa at nagpunta sa iba’t ibang kontinente kasama na ang Asya. Homo Habilis Homo Erectus Homo Sapiens Yugto ng Pag-unlad ng Pamumuhay ng mga Unang Asyano Ang Panahon ng Bato ay ang panahon ng paglilinang ng tao na nahahati sa dalawa: Paleolitiko (Lumang Bato) at Neolitiko (Bagong Bato) A. Panahong Paleolitiko ang mga tao ay: Nomadiko (walang permanenteng tirahan) nangangaso at namumulot ng pagkain gumagamit na ng kamay di kagaya ng hayop nakapagsalita at nakatanggap ng Panahong Paleolitiko anumang impormasyon mas malaki ang utak bunga ng pagiging mas matalino sa mga hayop nakakalakad na ng maayos at may pisikal na katangian mga gamit na yari sa matatalim na bato at graba gumagamit ng apoy B. Panahong Neolitiko ang mga tao ay: napag-aralang gumamit ng matalas, makinis at matulis na kasangkapang yari sa bato natutong magsaka at mag-alaga ng hayop namuhay sa permanenteng lugar naging malikhain gaya ng paghahabi ng tela, paggawa ng lutuan, basket, palayok at gamit sa bahay namuhay na magkasama na naging sanhi sa Panahong Neolitiko pagkabuo ng isang pamayanan, pagkaroon ng lider, at pagtatag ng organisadong pamahalaan C. Panahon ng Metal ang mga tao ay: gumamit ng mga bagay na yari sa metal (tanso o copper) gumawa ng mga mamahaling bagay gaya ng alahas at kagamitang pandigma nakaimbento ng bronze, pinaghalong metal na tanso at metal na tin nakalikha ng mga kagamitang pansaka at kagamitang panlaban o mga armas na may matatalim na bahagi sa China, gumawa sila ng mga gamit na pang- alay sa mga diyos at mga bariles na mula sa bronse nadiskubre din ang iron o bakal gumawa ng kagamitang yari sa bakal na siyang panlaban sa mababangis na hayop natutong maghabi at mag-ukit sa mga kahoy mangalakal gamit ang sistemang barter at barya gumawa ng mga sasakyang pandagat para sa kanilang kalakalan Konsepto ng Kabihasnan at Sibilisasyon Nang dumating ang mga sinaunang tao mula sa Kontinenteng Africa sa Asya ay nabuo ang mga uri ng pamayanan na kalaunan ay tinawag na “SIBILISASYON”. Ang salitang ito ay nanggaling sa salitang Latin na “civitas” na ang ibig sabihin ay “siyudad” at “civilis” na nangangahulugan namang “ng mga mamamayan”. Kung gayon, ang sibilisasyon ay ang masalimuot na pamumuhay sa lungsod. Sa kabilang banda, ang “KABIHASNAN” naman ay isang terminolohiya ng mga Pilipino sa higit na mataas na antas ng pamumuhay. Batay ito sa salitang ugat na “bihasa” na ang kahulugan ay eksperto o magaling. Kung gayon ang kabihasnan ay pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao. Sakop nito ang mga pamumuhay batay sa lungsod at maging hindi batay sa lungsod. Maliban sa pamumuhay, kasama rito ang wika, kaugalian, paniniwala at sining. May batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Ito ay ang pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon, espesyalisyon sa gawaing pang- ekonomiya at uring panlipunan, mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining, at arkitektura, at Sistema ng pagsusulat. Saan nabuo ang mga unang kabihasnan? Ang mga unang panirahan sa daigdig at maging sa Asya ay nagsimula sa mga mataas na lambak na nasa tabi ng pinagmumulan ng mga anyong tubig gaya ng ilog. Ilan sa mga unang lungsod estado na nabuo sa Sumer o Mesopotamia na Iraq sa kasalukuyan ay ang Uruk, Catal Huyuk, Jericho, Ur, Lagash at Umma. Ebalwasyon Ebalwasyon 1: PICK IT UP! Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita na angkop sa bawat yugto ng pag-unlad at pamumuhay ng sinaunang tao. Ilagay ito sa angkop na kolum. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel]. apoy nomadiko pagsasaka kariton alahas permanenteng tirahan organisadong kweba magaspang na bato pangangaso barter barya pamahalaan makinis na kasangkapang yari sa bakal na kasangkapan na sasakyang panlaban sa mga mababangis na yari sa bato pandagat hayop PANAHONG PALEOLITIKO PANAHONG NEOLITIKO PANAHONG METAL 1. 6. 11. 2. 7. 12. 3. 8. 13. 4. 9. 14. 5. 10. 15. Aralin Kabihasnang Sumer 2 Pangkalahatang Ideya Matapos mong matutuhan ang mga lugar na naging panirahan ng Unang Asyano ay tuklasin mo naman ang naging kasaysayan at katayuan ng mga kabihasnang itinatag o nabuo ng mga Unang Asyano. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan na magbibigay sa iyo ng malawak na kaalaman. Panimulang Pagtataya Gawain 1: Tama O Mali Basahing mabuti ang mga pangugusap. Isulat ang TAMA kung tama ang inilalahad ng pangungusap at MALI kung hindi wasto ang inilalahad ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. _________1. Sumerian ang tawag sa mga sinaunang taong nagmula sa Tsina. _________2. Ang Kabihasnang Indus ay kabihasnang umusbong sa lambak malapit sa Ilog Indus. _________3. Ang kabihasnang Shang ay umusbong sa Tsina. _________4. Ang mga Sinaunang Kabihasnang Asyano ay may mahahalagangambag sa kasaysayan ng Asya at ng buong mundo. _________5. Ang mga kabihasnan ay nagsimulang umusbong sa mga lugar na malapit sa ilog. _________6. Ang isang kabihasnan ay bumabagsak dahil sa kawalan ng pagkakaisa ng mga tao. _________7. Patuloy na namamayagpag ang Kabihasnang Sumer sa kabila ng tunggalian ng mga lungsod-estado. _________8. Ang Ziggurat ay matatagpuan sa kabihasnang Indus. _________9. Sinasabing mahiwaga ang Kabihasnang Indus. _________10. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal lamang. _________11. Ang Cuneiform ay ang sistema ng pagsulat ng Kabihasnang Shang. _________12. Maraming nakitang artifact sa Kabihasnang Shang na nagpapakita na masayahin at malikhain ang mga tao sa kabihasnang ito. _________13. Pictograph ay isang sistema ng pagsulat sa Kabihasnang Sumer. _________14. Paring-hari ang tawag sa pinuno ng mga Sumerian. _________15. Bumagsak ang kabihasnang Shang dahil walang pagkakaisa. Aralin Ang Kabihasnang Sumer Ang Mesopotamia ang kinilala bilang “cradle of civilization’’ dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao. Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinawag na Fertile Crescent, (Iraq) isang arko ng matabang lupa na naging tagpuan ng iba’t ibang grupo ng tao mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng Ilog Tigis at Euprates Mediterranean Sea. Sa lugar na ito matatagpuan ang Ilog ng Tigris at Euprates kung saan umusbong ang kabihasnan. Noong panahong Neolitiko natatag ang pamayanang Jericho sa Israel at Catal Huyuk sa Anatolia at mga kalat-kalat na pamayanan sa Zagros. Subalit hindi naglaon nangibabaw ang Sumer na naging sentro ng kabihasnang Mesopotamia. Pagsasaka ang uri ng pamumuhay ng mga mamayan ng Sumer. Nagtayo ng mga kanal at dike para sa sistema ng irigasyon. Nagtatag din sila ng mga lungsod-estado sa tabi ng ilog at sa mga tributaryo at namuhay ng pangkat–pangkat at magkakahiwalay.Tinatawag na Teokrasya (Theocracy) ang sistema ng pamahalaan na kung saan ang hari ay ang pari (patesi) ng bawat lungsod-estado at walang iisang pinuno. Nakapangkat sa mga malayang lungsod–estado. Madalas ang alitan dahil sa hangganan ng nasasakupan at pinunong sinusunod ng bawat estado. Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur at Kish. Sa katunayan, isang pinakamahalagang gusali ang itinayo sa Ur na tinawag na Ziggurat bilang pagbibigay karangalan sa kanilang mga diyos na nagsisilbing panirahan nito. Nagkaroon sila ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform na binubuo ng 500 pictograph at mga simbolong sinusulat sa tabletang luwad (clay tablet) gamit ang stylus. Kasunod nito ang pagkakaroon ng mga scribe na tagatala o tagasulat ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pag ukit sa mga clay tablet na naging basehan ng mga historyador ng eksaktong petsa kung kailan naganap ang isang pangyayari. Sa pag-unlad ng sining natala ang mga ito gaya ng mahahalagang tradisyon,epiko na naging katibayan ng kanilang kabihasnan. Isang patunay nito ang Epiko ng Gilgamesh. Ilan sa mga ambag at kontribusyon ng Sinaunang Sumer ay ang pagkalikha ng unang sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform, pagkaimbento ng gulong, sentralisadong pamahalaan ng mga lungsod-estado, paggamit ng Kalendaryong lunar, paggamit ng mga kasangkapan na gawa sa bronze. Umunlad ang mga pamayanan at naging lungsod- estado na malaya at nagsasarili, subalit hindi naglaon nagkaroon ng mga pag-aaway na siyang dahilan ng walang pagkakaisa ng mga mamayan. Sinamantala ng ibang lungsod tulad ng Akkadian ang mga pangyayaring ito at tuluyang nasakop ang mga ito. Bumagsak ang Kabihasnang Sumer dahil sa kawalan ng pagkakaisa, walang natural na depensa sa mga mananakop, mahinang pamahalaan dahil sa nag-aalitang mga pinuno at mga tagasunod. Mga kasangkapang Ziggurat Cuneiform Clay tablet gulong gawa sa alloy bronze Ebalwasyon Ebalwasyon 1: Hanapin at Kulayan Mo! Kopyahin ang puzzle at ilagay sa isang buong papel o maari din itong iphotocopy. Sagutan ang mga katanungan sa ibaba sa pamamagitan ng pagkulay sa tamang sagot mula sa puzzle. C D H O L A V I R A T O T R A I M U D B R I C K S A T I S R T A L A M A N A T H A Y O P T L U P A N G S A K A H A N N I D P I C T O G R A P H E L L F E A T N I S E V E R D E E N A L L A N K W A T E R C R A F C I N D U S A T G A N G E S S T E R T W D R A V I D I A N W E 1.Ano ang tawag sa mga bagay na nahukay mula sa Kabihasnang Indus? (pula) 2.Ano ang pangalan ng ilog na siyang pinagmulan ng Kabihasnang Indus? (dilaw) 3.Ano ang tawag sa mataas na moog ng Kabihasnang Indus? (berde) 4.Ano ang tawag sa kanilang sistema ng pagsulat? (kayumangi) 5. Anong pangkat ang bumuo sa Kabihasnang Indus? (asul) Aralin Kabihasnang Shang 3 Panimulang Pagtataya Gawain 1: Alamin mo! 1. Anong bansa ang isinasaad ng larawan? ____ _____ _____ ______ ______ Aralin Kabihasnang Shang Ang Kabihasnang Shang ay umusbong sa lambak sa pagitan ng mga Ilog Huang Ho at Yangtze sa Sinaunang Tsina.Nagsimula ito noong 1500 B.C. nang maitatag ang mga Dinastiyang Shang at Zhou. Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag ding Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag iiwan ng dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito. Ang taunang pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming buhay ay pinaghandaan ng mga tao dito sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig pati na ang paglalagay ng mga dike. Pinamumunuan ng mga paring-hari na naging organisado sa pag- aayos ng kanilang lungsod na napapalibutan ng mga matataas na pader na naging pa ghahanda sa mga madalas na digmaan sa kanilang lupain. Piyudalismo ang sistemang panlipunan at politika sa Kabihasnang Shang at laganap ang sistema ng pang-aalipin. Nagtatamasa ang mga aristokrata ng karangyaan samantalang namumuhay na parang aso ang mga alipin. Naniniwala sa animism o naniniwalang lahat ng bagay sa kalikasan ay may kaluluwa, mayroon silang mga oracle bone o bahay ng pawikan na sinusulatan ng pakikipag-usap sa kanilang diyos at namatay na ninuno, sumasamba at nag-aalay sa mga ninuno para magdala ng suwerte sa pamilya. Ang pagsusulat ang naging importanteng bahagi ng kulturang Tsino. Calligraphy ang sistema ng kanilang pagsulat na nagsilbing taga pag- isa sa mga Tsino. Ginamit na simbolo ng pagsulat ang mga oracle bones. Ilan sa mga ambag ng Kabihasnang Shang ay ang paggamit ng barya at chopsticks, paghahabi at pagbuburda ng seda mula sa silkworm, paggamit ng bronze, paggamit lunar calender, potters wheel, karwaheng pandigma at paglilimbag ng unang aklat. Dahil sa sunod sunod na pamumuno ng mga mahihinang hari ay bumagsak ang Shang at dito nabuo ang paghahari ng mga dinastiya. Ipinalagay ng mga Tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa Huang Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa daigdig. Ang pananaw nilang ito ay nagpatuloy tungo sa pagtatatag ng mga imperyo. Panuto: Punan ng titik ang bawat patlang upang mabuo ang tamang salita na tinutukoy sa bawat pahayag. Ebalwasyon Ebalwasyon 1: Collage Maghanap ng mga larawang pangkultura ng mga sinaunang kabihasnan sa lumang magazine o newspaper at gawin itong collage. Ilagay ito sa isang short bond paper. Rubriks: Pagkamalikhain - 10 Organisasyon - 15 Kalinisan - 5 Nilalaman - 10 Kabuuan 40 puntos Binabati kita! Matagumpay mong nasagutan ang lahat ng gawain, sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi ng Paglinang.. Magaling! Ikaw ay handing-handa na para sa susunod na Modyul.