Mga Hamon sa Kasarinlan ng Pilipinas (Araling Panlipunan 6) PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga katanungan at impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas at ang mga hamon sa kasarinlan nito, partikular na sa panahon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinalakay ang mga hamon pang-ekonomiya, pangkapayapaan, at pangkultura. Kasama din ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos at ang mga batas na naapektuhan nito.

Full Transcript

ANG HAMON SA KASARINLAN Araling Panlipunan 6 Martson Mat - gawa sa bakal at ginamit ng mga Amerikanong sundalo upang maging mga pasamantalang paliparan at daanan ng mga sasakyan -Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Pilipinas ay nasa ilalim parin ng pamahalaang Komonwelt. ...

ANG HAMON SA KASARINLAN Araling Panlipunan 6 Martson Mat - gawa sa bakal at ginamit ng mga Amerikanong sundalo upang maging mga pasamantalang paliparan at daanan ng mga sasakyan -Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Pilipinas ay nasa ilalim parin ng pamahalaang Komonwelt. Nang namatay si Pangulong Manuel L. Quezon dahil sa tuberculosis, humalili sa kanya si Sergio Osmena Oktubre 20, 1944 -naibalik sa Pilipinas ang pamahalaang Komonwelt nang dumating si Osmena sa Tacloban, Leyte Philippine Civil Affairs Unit (PCAU) -ahensiyang naatasan na manguna sa pamamahagi ng mga pagkain at kagamitan sa mga Pilipino. Ang Paggawad ng Kasarinlan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos Ayon sa Batas Tydings McDuffie, matatapos sa loob ng sampung taon ang transisyonal na pamahalaang Komonwelt Hulyo 4, 1946 -pormal na iginawad ang kasarinlan ng Pilipinas sa isang seremonya sa Luneta High Commissioner Paul V. McNutt -ipinahayag ang proklamasyon ni Pangulong Harry S. Truman na kinikilala ng Estados Unidos ang kasarinlan at soberaniya ng Pilipinas Mga Hamon at Suliranin sa Kasarinlan Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Mga Hamong Pang- ekonomiya o Pangkabuhayan Maraming mamamayan ang nawalan ng trabaho Nagsara ang mga bangko at iba pang institusyong pinansiyal Mga Hamong Pang- ekonomiya o Pangkabuhayan Malaking bahagi ng mga lupang pang-agrikultura tulad ng mga taniman at hayupan ang nasira Mga Hamong Pang- ekonomiya o Pangkabuhayan Maraming kalsada, tulay at gusali ang napinsala o tuluyang nasira. Mga Hamong Pang- ekonomiya o Pangkabuhayan Maraming taga lalawigan ang nagtungo sa Maynila upang maghanap ng trabaho Mga Hamong Pangkapayapaan at Pangkaayusan HUKBALAHAP- isa sa mga pangkat ng gerilya na nabuo sa Gitnang Luzon na lumaban noong Ikalawang digmaang Pandaigdig na pinamunuan ni Luis Taruc Mga Hamong Pangkapayapaan at Pangkaayusan Parity Rights- batas na nagbibigay ng karapatan sa mga Amerikano upang gamitin ang mga likas na yaman ng bansa. Mga Hamong Pangkapayapaan at Pangkaayusan Ang mga Huk ay naging malaking hamong pangkapayapaan ng pamahalaan Mga Hamong Pangkultura halos lahat ng gusali sa Maynila ay nasira at nasunog maraming teatro, sinehan, silid aklatan at gusali para sa sining ang nasira at nasunog Mga Hamong Pampulitika Collaboration- pakikipagtulungan ng ilang mga Pilipino sa mga mananakop na Hapones. Maraming politico ang tinawag na kolaboreytor 1. Sino ang humalili kay Manuel L. Quezon nang mamatay ito dahil sa sakit na tuberculosis SERGIO OSMEÑA 2. Kailan pormal na iginawad ang kasarinlan ng Pilipinas sa isang seremonya sa Luneta. HULYO 4, 1946 3. Kailan naibalik sa Pilipinas ang pamahalaang Komonwelt nang dumating si Osmena sa Tacloban, Leyte. OKTUBRE 20, 1944 4. Ito ay batas na nagbibigay ng karapatan sa mga Amerikano upang gamitin ang mga likas na yaman ng bansa.. PARITY RIGHTS 5. Ito ay tawag sa pakikipagtulungan ng ilang mga Pilipino sa mga mananakop na Hapones. COLLABORATION Ugnayang Pilipino- Amerikano Ayon kay Samuel K. Tan, isang historyador, ang pamahalaan ng Estados Unidos ay pumasok sa bagong pamamaraan ng pananakop na tinatawag na neocolonialism. Neocolonialism-ang hindi direktang pagsakop sa isang bansa gamit ang puwersa, kundi sa pamamagitan ng pagkontrol sa ekonomiya, politika at pamumuhay ng mga mamamayan. Noong Abril 30, 1946, pinagtibay ng Kongreso ng Estados Unidos ang Tydings Rehabilitation Act o kilala rin bilang Philippine Rehabilitation Act. Philippine Rehabilitation Act -Ayon sa batas na ito, magkakaroon ng isang tanggapan, ang Philippine War Damage Commission. Philippine Damage Commission- mamumuno sa pagbibigay ng danyos o bayad sa mga Pilipinong naapektuhan ng digmaan. Bell Act o Philippine Trade Act -ipinanukala ni Congressman C. Jasper Bell. Bell Act o Philippine Trade Act -naglalayon na magkaroon ng malayang palitan ng mga produkto sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas mula 1946 hanggang 1954. Nakasaad rito ang mga sumusunod na probisyon: 1. Kanais- nais na kondisyon ng pagbubuwis sa mga produkto mula sa Estados Unidos 2. Pagkakaroon ng fixed exchange rate ng piso sa dolyar: USD 1.00 ay katumbas ng Php 2.00 3. Walang restriksyon sa pagpasok ng pera sa Estados Unidos mula sa Pilipinas 4. Parity rights MARAMING SALAMAT

Use Quizgecko on...
Browser
Browser