Aralin 1: Ang Ekonomiks at ang Kahalagahan Nito PDF

Summary

Ang araling ito ay tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks, pati na rin ang mga sangay nito, katulad ng maykroekonomiks at makroekonomiks. Tinatalakay din ang mga pundasyon ng ekonomiks, tulad ng Physiocrats, Classical, at Neo-classical schools of thought, at ang pagsusuri ng mga isyung pang-ekonomikong ginagamitan ng scientific method.

Full Transcript

Araling Ms. Merrill Lynch Jaqueca Panlipunan Aralin 1: Ang Ekonomiks at ang Kahalagahan Nito Kahulugan at kahalagahan ng Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa ekonomiks mga salitang Griyego na “oikos” na ang ibis sabihin ay ‘sambahayan’ at “nomos” na ang ibig sabihin ay ‘patakar...

Araling Ms. Merrill Lynch Jaqueca Panlipunan Aralin 1: Ang Ekonomiks at ang Kahalagahan Nito Kahulugan at kahalagahan ng Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa ekonomiks mga salitang Griyego na “oikos” na ang ibis sabihin ay ‘sambahayan’ at “nomos” na ang ibig sabihin ay ‘patakaran’. Pinagsama ang dalawa upang mabuo ang salitang “oikonomia’ ang ibig sabihin ay ‘management of household’ o ‘pamahalaan sa sambahayan’ Kahulugan at kahalagahan ng Tumutukoy ito sa pamamahala ng mga ekonomiks pangangailangan ng tao at sa pangangasiwa ng mga pinagkukunang - yaman. Ang ekonomiks ay nagsusuri sa mga salik ng produksyon, distribusyon, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks Pinag - aaralan din ng ekonomiks kung paano umiiral ang ugnayan sa pagitan ng mga mamimili o consumer at ng mga buhay - kalakal o nagbibili ng mga produkto at serbisyo. Ang ekonomiks at ang iba pang dispilina Ugnayan ng ekonomiks at agham ⚬ nagagamit ang ekonomiks sa pagsusuri at paglutas ng mga suliranin sa agham tulad ng pangangalaga sa kalikasan, mga makabagong paraan sa pagpapagaling sa mga sakit ng tao o kaya ang paghahanap sa mga alternatibong pinagkukunan ng mga likas na yamang madaling maubos. Ang ekonomiks at ang iba pang dispilina Ugnayan ng ekonomiks at Matematika ⚬ ang ekonomiks at matematika ay magkaugnay dahil ang pagpapasiya tungkol sa mga suliranin ng pagpapasya sa paggamit ng mga likas na yaman ay gumagamit ng pagbibilang tulad ng paghahati - hati ng mga mahahalagang yaman sa pagitan ng mga tao ayon sa kanilang kakayahan, yaman, at oras. Ang ekonomiks at ang iba pang dispilina Ugnayan ng ekonomiks at kasaysayan ⚬ ang ekonomiks at kasaysayan ay mga mahahalagang pag - aaral at magkaugnay ang mga ito. Isinasaad ng kasaysayan ang mahahalagang kasagutan sa mga suliranin sa pagpapasya kung kanino mapupunta ang mga mahahalagang likas na yaman, habang binabanggit at sinusuri sa ekonomiks ang mga kasagutan sa mga mahahalagang tao, lugar, pangyayari, batas, at bagay kaugnay ng kasaysayan. Ang sangay ng ekonomiks Maykroekonomiks ⚬ tinatalakay ang ugali ng isang indibidwal o kolektibong negosyo at samabahayan tungkol sa kanilang produksyon at pagkonsumo. Bahagi nito ang pag - aaral sa kaugalian ng mga mamimili at ang pagsusuri sa paggugol o pakinabang sa produksyon. Isinasagawa ang pag - aaral nito upang makita ang ugnayan ng mamimili at negosyo upang magkaroon ng tamang pagbabahagi ng mga pinagkukunan yaman ng dalawa. Ang sangay ng ekonomiks Makroekonomiks ⚬ tinatalakay ang pangkalahatang operasyon ng ekonomiya ng isang bansa sa ilalim ng pamahalaan at ang interaksyon ng mga pangunahing pangkat sa lipunan tulad ng pamahalaan, mga lokal at dayuhang negosyo at maging mga lokal at dayuhang mamumuhunan pagdating sa pagbabahagi ng mga pinagkukunang - yaman ng mga mamayan. Pagsusuri sa mga Isyu Pang-ekonomiya Gumagamit ang ekonomiks ng mga paraan upang masuri at matugunan ang mga isyung pang - ekonomiya, sa isang paraang siyentipiko at lohikal Ang pamamaraang ito ay kilala sa larangan ng agham bilang metodong siyentipiko o scentific method na unang naisip ng mga Griyego sa pangunguna ng pilosopong si Aristotle Sa ilalim ng mga scientific method matututuhang masuri at matugunan ang mga isyung ito. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na proseso: Pagsusuri sa mga Isyu Pang-ekonomiya 1.PAG-ALAM AT PAG-UNAWA SA SULIRANIN ito ang pinakauna at ang pinakamahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng metodong siyentipiko. Ito ay ang pagtukoy ng given o ng mga kaalaman tungkol sa nasabing suliranin. Kailangang sagutin ang mga katanungan dito tulad ng ‘ano’ , ‘alin’, ‘kailan’ at ‘sino’. Pagsusuri sa mga Isyu Pang-ekonomiya 2. PAGBUO NG PALAGAY O HYPOTHESIS nakabubuo ng isang palagay o hypothesis mula sa pagsusuri ng impormasyon na nakabatay din sa panahon, mga pinagkukunang - yaman, kakayahan at kasanayan, at kapaligiran. Pagsusuri sa mga Isyu Pang-ekonomiya 3. PANGANGALAP NG IMPORMASYON sa prosesong ito hinahanap ang mga paraan upang matugunan ang suliranin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na datos tungkol dito. Ito ay ang paggamit ng mga paraan o operation sa pagsagot sa katanungan Pagsusuri sa mga Isyu Pang-ekonomiya 4. PAGSUSURI SA MGA NAKALAP NA DATOS Pagkatapos makuha ang mga datos na nakalap ay sinusuri ito gamit ang iba - iabang paraan. Ito ay ang paglulutas sa katanungan gamit ang paraan o operation. Dito sinasagot ang mga katanungan tulad ng “paano’ at ‘bakit’. Pagsusuri sa mga Isyu Pang-ekonomiya 5.PAGSUBOK SA PALAGAY O HYPOTHESIS sinusubukan ang palagay o hypotheis para makita kung naging matiwasay ang mga nakaraang proseso ng pag - alam sa suliranin, pangangalap ng datos, at ang pagsusuri sa mga nakalap na datos. Ginagawa din ito upang mapatunayan ang hypothesis. Pagsusuri sa mga Isyu Pang-ekonomiya 6. PAGBUO NG KONKLUSYON MULA SA SINUBUKANG PALAGAY O HYPOTHESIS sa pagbuo ng isang kongklusyon, kailangang suriin at subukin ito upang makita kung maaari itong maging gabay sa pagtugon sa suliraning nabanggit. Kung ang resulta ng pagsusuri ay nakaayon sa hypothesis, io ay nagsisilbing kongklusyon at gagamiting paraan sa pagtugon ng suliranin. Kung ito naman ay hindi nakaayon, mahalagang balikan muli ang mga nakaraang kaalaman tungkol sa suliranin Ang mga pundasyon ng ekonomiks Physiocracy ⚬ isang teorya ng ekonomiya na naniniwalang matatamo ang kaunlaran sa isang pamayanan kung pauunlarin ang sektor ng agrikultura at aayusin ang pangangasiwa sa mga lupain. ⚬ sa ilalim ng paniniwalang ito isinasaad ng ang pagtatrabaho sa mga lupain at ang paglikha ng mga produkto mula rito ay sukatan ng pagsulong ng ekonomiya ng isang pamayanan. Ang mga pundasyon ng ekonomiks Physiocracy ⚬ ang pangunahing nagsulong ng teoryang ito ay isang ekonomistang Pranses na si Francois Quesnay. ⚬ matatagpuan sa kanyang akda na pinamagatang Tableau economique na inilathalat noong 1758 ang mga unang kaisipang physiocracy. Ang mga pundasyon ng ekonomiks Physiocracy ⚬ ang ekonomiya ay pinatatakbo ng tatlong pangunahing uri ng lipunan: ang uri ng mga panginnong may-lupa o mga proprietor; ang uri ng mga magsasaka at manggagawa sa mga lupain na tinatawag na mga productive; at ang uri ng mga taong manlilikha o artesano at ng mga mangangalakal o mga sterile Ang mga pundasyon ng ekonomiks Classical ⚬ ang kilusang classical ay yaong mga ekonomistang naimpluwensiyahan ng kaliwanagan o enlightenment sa Europa sa panahon ng ika-16 hanggang ika-18 na siglo. ⚬ ang pag-unlad ng isang ekonomiya ay nakabatay at nakasalalay sa isang malayang sistema ng pamilihan o free market na hindi pinakikialaman ng isang pamahalaan. Ang mga pundasyon ng ekonomiks Classical ⚬ pinaniniwalaan nilang dapat ipinapatupad an polisiya ng malayang daloy ng ekonomiya olaissez faire. Ito ay isang polisiya kung saan ang ekonomiya ay may limitado o walang pakikisangkot ang pamahalaan dahil nakasasasama ito diumano sa paglaganap ng kita ng bawat mamamayan. Ang mga pundasyon ng ekonomiks Classical ⚬ ang ekonomista at pilosopong Briton na si Adam Smith ay siyang responsable sa paglaganap at pagpaaunlad ng kaisipang ito. ⚬ matatagpuan ito sa kanyang aklat na An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations na inilimbag noong 1776. ⚬ Ayon sa kanyang akda, ang isang economies ay dapat hinahayaan upang makinabang ang lahat ng tao sa mga kayamanan ng isa’t-isa. Ang mga pundasyon ng ekonomiks Classical ⚬ makakamit ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng malayang daloy ng ekonomiya o laissez faire. ⚬ naipakilala niya ang konsepto ng lakas-paggawa, kapital, at komesiy bilang mga pangunahing puwersang nagpapatakbo sa isang ekonomiya. ⚬ ang isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng kanyang akda ay ang paghahati sa paggawa o division of labor. Ang mga pundasyon ng ekonomiks Neo-classical ⚬ ang neo-classical na paaralan ng pang-ekonomiyang pag-iisip ay pinangunahan ng mga ekonomistang naniniwala sa kahalagahan ng kaisipan kung saan matatamo ang benepisyo o pakinabang ng isang produkto o serbisyo o marginal thinking sa bawat karagdagang gastusin. ⚬ ipinapakita rito na ang mga mamimili ay may kakayahang magtakda ng kita o halaga ng isang produkto o serbisyo at hindi ang panahong ginugol sa paggawa nito. Ang mga pundasyon ng ekonomiks Neo-classical ⚬ para sa mga neo-classicist, ang tao ay may mapanuring pag-iisip at angking katuwiran na siyang nagpapasiya sa mga pakinabang ng isang produkto o serbisyo batay sa panahon, pinagkukunang-yaman, kakayahan at kasanayan, kapaligiran at maging ang sariling pagpapahalaga niya rito. Ang isang ekonomiya ay koleksiyon o lipon ng mga pangangailangan ng tao at ng mga gawaing tumutugon sa mga walang katapusang pangangailangan nila. Tumutukoy naman ang ekonomiks sa pagsusuri sa mga salik ng produksiyon, distribusyon at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo at an ugnayan sa pagitan ng mga mamimili at ng mga negosyong nagbebenta ng mga produkto at serbisyo. May dalawang sangay ang Ekonomiks ⚬ Maykroekonomiks - ■ tumatalakay sa produksiyon at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo ng mga mamimili at ng mga indibidwal o kolektibong negosyo ⚬ Makroekonomiks - ■ tumatalakay sa pangkalahatang operasyon ng isang ekonomiya at ang interaksiyon ng mga pangunahing pangkat sa lipunan pagdating sa pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng mga mamamayan. Nasusuri ang mga isyung pang-ekonomiya gamit ang scientific method na may sumusunod na proseso para sa pagsusuri at pagtugon nito: 1.Pag-alam at pag-unawa sa suliranin 2.Pagbuo ng palagay o hypothesis 3.Pangangalap ng impormasyon o datos na kaugnay sa suliranin 4.Pagsusuri sa mga nakalap na datos 5.Pagsusuri sa palagay na hypothesis 6.Pagbuo ng kongklusyon mula sa sinubukang palagay o hypothesis May tatlong schools of thought na nagsisilbing pundasyon sa pag-aaral ng ekonomiks: 1.Physiocracy - naniniwala na ang kaunlaran ay nakasalalay sa pagpapaunlad ng agrikultura at pangangasiwa sa mga lupain 2.Classical - naniniwala na ang isang malayang sistema ng pamilihan na hindi pinakikialaman ng isang pamahalaan ay makapagpapaunlad sa isang ekonomiya; naniniwala sa polisiyang likas at malayang daloy ng ekonomiya o laissez faire na malayo sa pakikialam ng pamahalaan 3.Neo-classical - naniniwala na hindi lang sa pagpapalawak ng kita nakakamit ang pag- unlad ng ekonomiya, kundi rin ang malaman ang tungkulin ng kita sa araw araw na pangangailangan ng isang tao at ang tamang pagbabahagi ng kita. Quiz #1 1/4 sheet of paper Thank

Use Quizgecko on...
Browser
Browser