Mga Relihiyon sa Sinaunang Panahon (AP-8-Reviewer PDF)
Document Details
Uploaded by VividOxygen
Tags
Related
- AP Reviewer PDF - Aralin 1, Aralin 2
- Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya PDF
- Sinaunang Kasaysayan ng Timog-Silangang Asya PDF
- Sinaunang Kasaysayan ng Timog Silangang Asya PDF
- Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon AFRICA AT PULO SA PACIFIC (October 21-22, 2024) PDF
- Grade 8 Aralin 3: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Meso-Egypt, Indus, at Tsina (PDF)
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba't ibang sinaunang relihiyon sa buong mundo. Nagtatampok ito ng impormasyon tungkol sa mga pangunahing paniniwala, pinagmulan, at epekto ng mga relihiyong ito sa kasaysayan at kultura.
Full Transcript
Mga Relihiyon sa Sinaunang Panahon Relihiyon ✓ Isang sistema ng pananampalataya, pagsamba, at mga kaugalian na karaniwang nakabatay sa paniniwala sa isang espiritwal na kapangyarihan o mga diyos, at may kasamang mga ritwal, moralidad, at institusyon. Kahalagahan ng Relihiyon sa Sinau...
Mga Relihiyon sa Sinaunang Panahon Relihiyon ✓ Isang sistema ng pananampalataya, pagsamba, at mga kaugalian na karaniwang nakabatay sa paniniwala sa isang espiritwal na kapangyarihan o mga diyos, at may kasamang mga ritwal, moralidad, at institusyon. Kahalagahan ng Relihiyon sa Sinaunang Panahon 1. Nagbigay ng kaayusan at gabay sa pamumuhay ng mga tao. 2. Nagsilbing batayan ng mga batas, kultura, at pamahalaan. 3. Nagpalaganap ng pagkakaisa, pagkakakilanlan, at pagpapahalaga sa lipunan. Mga Relihiyon at Paniniwala Hinduismo Pinagmulan: Sinaunang India, c. 1500 BCE. Mga Pangunahing Paniniwala: Karma: Ang aksyon ng tao ay may direktang epekto sa kanyang kapalaran. Reinkarnasyon: Ang kaluluwa ay muling ipinapanganak sa iba’t ibang anyo. Moksha: Ang pagpapalaya mula sa siklo ng reinkarnasyon at pagkakamit ng kalayaang. Sistema ng Caste: Stratipikasyon ng lipunan batay sa karma at dharma Budismo Pinagmulan : Sinaunang India, c. 6th century BCE Buddh ( Siddhartha Gautama): Ang “Naliwanagan” na nagturo ng landas tungo sa kalayaang mula sa pagdurusa. Mga Pangunahing Aral: Apart na Dakilang Katotohanan: Ang Katotohanan ng pagdurusa, pinagmulan ng pagdurusa, pagwawakas ng pagdurusa, at landas tungo sa pagwawakas nito. Noble Eightfold Path: Gabay sa tamang pamumuhay at pagkamit ng nirvana. Paglaganap: Mula India patungo sa China, Japan, at iba pang bahagi ng Asya. Judaismo Pinagmulan: Sinaunang Mesopotamia, c.2000BCE. Monoteismo: Papniniwala sa nag-iiasng Diyos, Yahweh. Torah: Banal na kasulatan ng mga Hudyo, na naglalaman ng mga batas ni Moses. Kasaysayan: Ang Exodo ng mg Hereo mula sa Ehipto at ang pagtatatag ng Israel. Kristiyanismo Pinagmulan: Sinaunang Israel, c. 1st century CE. Hesus ng Nazareth: Itinuturing na Anak ng Diyos at tagapagligtas ng sangkatauhan. Banal na Bibliya: Binubuo ng lupang Tipan ( batayan ng Judaismo) at Bagong Tipan. Paglaganap: Unang lumaganap sa Imperyong Romano at naging pangunahing relihiyon sa Europa. Islam Pinagmulan: Saudi Arabia, c. 7th century CE. Propeta Muhammad: Ang hauling propeta na tumanggap ng rebelasyon mula kay Allah. Limang Haligi ng Islam: Shahada (Pananampalataya) Salha (Pananalangin) Zakat (Kawanggawa) Sawm (Pag-aayuno) Hajj (PAglalakbay sa Mecca) Kora: Banal na aklat ng Islam Paglaganap: Mabilis na lumaganap mula sa Arabian Peninsula patungo sa Asya, Africa, at Europa. Cunfucianismo Pinagmulan: Sinaunang Tsina, c. 5th century BCE Confucius (Kong Fuzi): Pilosopo na nagturo ng etika, moralidad, at tamang pamamahala. Mga Pangunahing Aral: Filial Piety: PAggalang at pagsunod sa magulang at nakatatanda. Li at Ren: Tamang asal (Li) at kagandahang-loob (Ren) Papel sa Pamahalaan: Ginamit bilang batayan ng civil service exams sa Tsina. Shintoismo Pinagmulan: Sinaunang Japan, walang tiyak na petsa ng pinagmulan. Pagsamba sa Kalikasan at Kami (Mga Espiritu): Naniniwala sa mga Espiritu ng kalikasan at mga ninuno. Mga Shrine at Ritwal: Espesyal na lugar para sa pagsamba at mga seremonyang naglalayong bigyan-galang Ang mga Kami. Papel sa Kultura: Mahigpit na kaugnay ng pagiging Hapones at kultura ng Japan. Papel ng Relihiyon sa Pamumuhay at Kultura ng Sinaunang Sibilisasyon A. Ritwal at Pagsamba o Mga Tradisyon at Seremonya (Halimbawa: Pagsamba, PAgdiriwang, at Sakripisyo) o Mga Templo, Simbahan, Moske, at Shrine bilang sentro ng komunidad. B. Arkitektura at Sining o Mga Relihiyosong Estruktura: Hindu Temples, Buddhist Stupas, Synagogues, Churches, Mosques,Confucian Temples, Shinto Shrines. o Simbolismo sa Sining: PAglalarawan ng mga diyos, Banal na kasaysayan, at mga espiritwal na konsepto. C. Epekto sa Pang-araw-araw na Pamumuhay o Relihiyon bilang gaba sa moralidad at asal. o Pagkakaroon ng mga relihoyosong batas at tuntunin na sinusunod ng komunidad. Impluwensiya ng Relihiyon saa Politika, Ekonomiya, at Lipunan A. Relihiyon at Pamahalaan o Theocracy at Divine Right: Halimbawa, ang kalipunan ng mga Islamis Caliphates at pagkamit ng Confucian ideals sa Pamahalaan ng Tsina. o Pagkakaroon ng pamahalaang nakatuon sa relihiyon tulad ng Hindu Kingdoms at Shinto-based governance sa Japan. B. Relihiyon at Ekonomiya o Mga Pilgrimage Sites at Kanilang Epekto sa Ekonomiya (Halimbawa: Hajj, Pagdaaw sa mga Shrines) o Pag-aalay at pagbibigay ng donasyon bilang bahagi ng Ekonomiya ng relihoyosong komunidad. C. Relihiyon at Lipunan o Estruktura ng Lipunan batay sa Relihiyon: Caste System sa Hinduismo, Stratipikasyon sa Confucianismo. o Relihiyon bilang Batayan ng Identidad, Tradisyon, at Kaugalian ng Lipunan. Pagsusuri ng Pangmatagalang Epekto ng Relihiyon sa mga Sinaunang Sibilisasyon. ✓ Ang relihiyon ay hindi lamang Isang aspeto ng espiritwal na Buhay; ito ay may malalim na impluwensya sa Pamahalaan, Ekonomiya, at kultura. ✓ Ang mga Sinaunang relihiyon ay nagbigay-daan sa pagbuo ng mga makabuluhang Sistema ng batas, panlipunang Estruktura, at pagpapahalaga na nananatili Hanggang sa kasalukuyang. Kahalagahan ng Pag-unawa sa Relihiyon sa Kasalukuyang Panahon ✓ Ang pag-unawa sa mga Sinaunang relihiyon ay nagbibigay-linaw sa ating kasalukuyang pananaw sa iba’t ibang kultura at Tradisyon. ✓ Mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan ng Relihiyon upang maunawaan ang mga pinagmulan ng modernong pananampalataya at ang kanilang epekto sa mga isyu sa lipunan ngayon.