Aralin 5: Heograpiya ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- SINAUNANG KABIHASNANG PDF
- Mga Sinaunang Kabihasnan (PDF)
- Mga Sinaunang Kabihasnan (PDF)
- Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon AFRICA AT PULO SA PACIFIC (October 21-22, 2024) PDF
- Araling Panlipunan 8: Sinaunang Kabihasnan sa Greece at Rome (PDF)
- Grade 8 Aralin 3: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Meso-Egypt, Indus, at Tsina (PDF)
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa heograpiya at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Saklaw nito ang mga kabihasnan ng Mesopotamia, Indus, Tsino, at Ehipto. Tinatalakay ang impluwensya ng heograpiya sa pag-usbong at pag-unlad ng mga nasabing kabihasnan.
Full Transcript
Ang salitang MESOPOTAMIA ay nagmula sa salitang Griyego na “MESO” o “PAGITAN” at “POTAMOS” o “ILOG”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang “Lupain sa pagitan ng dalawang ilog” na pinaniniwalaang sentro ng unang sibilisasyon. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan...
Ang salitang MESOPOTAMIA ay nagmula sa salitang Griyego na “MESO” o “PAGITAN” at “POTAMOS” o “ILOG”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang “Lupain sa pagitan ng dalawang ilog” na pinaniniwalaang sentro ng unang sibilisasyon. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig. Magkakaibang grupo ang umangkin at naninirahan dito, ang mga halimbawa ng umagaw sa lupaing ito ay ang lipunang Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite. Samu’t saring siyudad ang sumibol at naglaho sa Mesopotamia at di naglaon ay napalitan naman ng iba pang mga sibilisasyon. Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ILOG TIGRIS at EUPHRATES ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig, Tinatawag na Mesopotamia ang lupaing matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. Sa kasalukuyan, ito ay matatagpuan sa IRAQ at bahagi ng SYRIA AT TURKEY. Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng FERTILE CRESCENT (isang paarkong matabang lupain na nagsisimula sa PERSIAN GULF hanggang sa silangang baybayin ng MEDITERRANEAN SEA) Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng BANLIK (SILT) na nagiging dahilan ng pagtaba ng lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil rin sa ugnayang pangkalakalan. Sa mga 5500 BCE, daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag ugnay ugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Nagkaroon ng pagbabago sa aspektong panlipunan, pampolitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan. Isang halimbawa ang URUK na itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig. Isang malapad na peninsula na pormang tatsulok ang rehiyon ng Timog Asya. Sa kasalukuyan, binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives. Ang kalagayang heograpikal at kultural ay naiiba kung ikukumpara sa ibang lugar ng Asya. Dahil ibinukod ito ng mga bundok, kaya masasabing ito ay isang malaking dibisyon na lupain. Sa hilaga ay makikita ang mga dalusdos na kabundukan tulad ng Hindu Kush, Himalayas at Karakuran habang napaliligiran ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa timog, at sa silangan ay Bay of Bengal. Iba’t iba ang lengguwaheng mayroon dito, kagaya ng ibang kontinente. Nag simula ang kabihasnan sa India sa paligid ng INDUS RIVER. Ang mga lungsod ng HARAPPA at MOHENJO-DARO sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Katulad ng mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan sa sinaunang India. Dumanas pa rin ng mga pag-atake at migrasyon ng taga-labas ang lugar na ito kahit na ito ay ibinukod ng maraming bundok. Umunlad at yumabong ang mga lengguwahe at kaugaliang Indian noong napasok ito ng mga dayuhan na lumusot sa KHYBER PASS sa hilagang-kanluran. Taong 1920, natuklasan ang bakas ng mga siyudad ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus. Pagdating ng 3000 BCE, halos magkatugma ang pagsibol ng mga pamayanang umunlad sa rehiyong ito sa Sumer. Kung ikukumpara ang Indus sa Ehipto at Mesopotamia, mas malapad ang nasasakupan ng Indus. Matatagpuan ang malawak na lupain nito na noon ay sakop ng INDIA sa may parteng hilagang-kanluran, at ang kinalalagyan ngayon ng bansang PAKISTAN. Sa bahaging ILOG INDUS, makikita ang pambihirang dami ng mga siyudad at paninirahan dito. Sa gilid ng Ilog Indus nag-umpisa ang sibilisasyon sa India. Ang tubig na umaagos sa Ilog Indus ay may distansyang 2 900 km (1800 milya). Ito ay nanggaling sa natutunaw na malalaking yelo sa ibabaw ng kabundukang Himalaya at dinaanan nito ang Kashmir hanggang ang kapatagan ng Pakistan. Makabuluhan ang pagkamit ng masaganang lupa sa rehiyong ito na naging dahilan ng pag-umpisa ng mga pamayanan at pamamahala sa sinaunang India kagaya ng kabihasnan sa Mesopotamia. Ang labis na pag-agos ng ilog ay nagdala ng banlik sa lupa at nagpabuti sa halaga ng lupain, taunan itong nagaganap sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo at Setyembre. Pagdating ng 3000 BCE, marami na ang nanahanan sa lambak ng Indus at kadalasan ay mga munting komunidad na may muog at sistematikong daan. Nakapagtayo rin ito ng mga paagusan ng tubig at mga proyekto sa pagkontrol sa pag-apaw ng ilog. Kinilala ang sibilisasyong Tsino sa buong mundo na pinakamatanda at nagpatuloy pa rin hanggang ngayon. Tinatayang nagsimula ito apat na milenyo na ang nakaraan. Hinahangad na ng mga Tsino sa mga nakalipas na panahon ang pagiging magaling sa pangangasiwa. Lalo pang pinalakas ang sibilisasyong Tsino dahil sa pagyakap ng pamahalaan sa ideololohiyang Confucianism at Taoism. Nalasap ng China ang pagkakasundo at paghihiwalay dahilan ng politikal na antas. Bunga ng mga kaganapang ito ang kultura at lipunan ng rehiyon ay nalinang hanggang sa ngayon. Ang sibilisasyon sa China ay nagsimula sa gilid ng Yellow River o Huang Ho. Ang kahabaan ng ilog na ito ay tinatayang 3 000 milya na nanggaling sa kabundukan ng kanlurang China. Umaagos ito hanggang sa Yellow Sea. Naging bunga nito ang North China Plain, kung saan sa paglipas ng ilang taon, maraming beses na nagpaiba-iba ang binabagtasan ng ilog hanggang sa nakalikha ito ng isang malapad na kapatagan. Nag-iwan ng banlik (silt) ang pagbaha ng Huang Ho at naging suliranin din ang labis na pag-apaw dahil sa ang North China Plain ay isang kapatagan. Pinaniniwalaan na sa kapanahunan ng pamamahala ni Yu ay nakaisip ito ng sistema upang makontrol ang labis na pag-apaw ng Huang Ho. Hatid ng kaganapang ito ang paninirahan ng mga magsasaka sa lambak Sa parteng hilagang-silangan ng Africa ay makikita ang lambak ng Ilog Nile sa Ehipto na naging lunduyan ng sibilisasyon. Sinasabing mas matibay ang sibilisasyong sumibol sa Ehipto kung ikukumpara sa Mesopotamia na mas unang nag- umpisa. Pagdating ng 3100 BCE, ang sinaunang Ehipto ay naging ganap na estado at nagpatuloy sa loob ng tatlong milenyo. Paiba-iba ang paliwanag ng mga dalubhasa sa sibilisasyong Ehipto hinggil sa simulain nito, resulta ng mga pagpapatunay na natagpuan ng mga arkeologo sa lupainng Ehipto. Isinasaad ng mga katibayang ito na bago pa man nag-umpisa ang sibilisasyon sa Lambak ng Nile ay may nauna ng mga pamayanan sa Ehipto. Sa katimugang bahagi ng Kanlurang Ehipto ay natagpuan ang mga ebidensyang arkeolohikal na isang tahanan ng mga sinaunang tao. Bago pa dumating ang 8000 BCE ay pinaniniwalaang mayroon ng namumuhay dito. Naging pananaw na posibleng nanggaling ang sibilisasyong Ehipto sa Lambak ng Nile sa mga kaangkan o ninuno ng lipunang ito. Upang maintindihan ang heograpiya ng sinaunang Ehipto, laging isipin na ang sinasabing LOWER EGYPT ay ang parteng norte ng rehiyon at dito umaagos ang Ilog Nile hanggang sa Mediterranean Sea. Habang ang UPPER EGYPT naman ay matatagpuan sa timog na bahagi mula sa Libyan Desert patungong Abu Simbel. Nanggaling sa katimugan hanggang hilaga ang pag-agos ng Ilog Nile na may kahabaang 6 694 kilometro (4 160 milya). Ang rehiyon ay lubos na sanang maging disyerto kung wala ang ilog na ito, kaya dati pa man tinagurian na bilang The Gift of the Nile ang Ehipto. Pinagbuklod ng ilog na ito ang parteng hilagang-silangan ng disyerto ng Africa. Noon pa man, sa pagsapit ng buwan ng Hunyo ay labis ang pagdaloy ng tubig sa ilog dahil sa sobrang ulan sa dakong pinanggalingan ng Nile. Noong 1970, natigil ang pag-apaw ng Nile nang dahil sa ipinagawang Aswan High Dam para makapagsuplay ng kuryente at mapahusay ang sistema ng patubig Ang taon-taon na pagbaha ng Nile ay nagkaloob ng biyaya sa mga magsasaka sa lambak-ilog noong panahong Neolitiko. Naghatid ng BANLIK sa lupa ang pag-apaw na nagpabuti sa pagsasaka. Kapag humupa na ang baha ay agarang isinagawa ang pagtatanim. Sa bukana ng Nile ay dahan-dahang kinokolekta ang mga putik na galing sa ilog at ito ay naging latian, tinagurian itong DELTA. Ang mga ibon at hayop ay nananahanan dito. Ang mga tubig naman rito ay kinasangkapan para sa bukirin. Sa layuning mapalago ang dami ng kanilang pananim bawat taon, nagtayo ng mga sisidlan ng tubig at gumawa ng mga daang patubigan para sa kanilang sakahan. Napagtanto sa mga planong ito ang bilang ng puwersa ng manggagawa, kasapatang teknolohiya, at mahusay na mga pamamaraan. Napagtagumpayan din ang pagkalkula ng pag- apaw sa panahong ito. Ang pakinabang ng Nile ay hindi lamang sa mga bukirin, nakatulong at napahusay din nito ang aspetong transportasyon. Naidugtong nito ang mga naninirahan sa tabing ilog. Naging proteksiyon naman ng Ehipto ang mga disyertong makikita sa silangan at kanlurang parte ng ilog dahil naging balakid ang kalagayang heograpikal nito para sa mga mananakop. Bunga nito ay naging matiwasay at maunlad ang paninirahan ng mga tao sa matagal na panahon. Libong taon na ang nakalipas, kumbinsido ang mga dalubhasa sa mga sibilisasyon na may migrasyong naganap ng mga grupo MANGANGASO o HUNTER sa Asya papuntang Hilagang America. Ang kanlurang dalampasigan ng Hilagang Amerika papuntang habagatan ay dahan-dahang binagtas ng grupo, at nakapagtayo ng hiwa-hiwalay na paninirahan sa malaking lupain ng Hilagang Amerika at Timog Amerika. Pagdating ng ika-13 siglo BCE, ang mga Olmec na nasa MEXICO ngayon ay ang pangunahing sibilisasyon na lumitaw. Ang ibang pamayanan sa ibang dako ng Amerika ay nabahagian ng mga pamamaraan ng mga OLMEC. Ang pangalang MESOAMERICA o Central America ay galing sa salitang “MESO” na ang ibig sabihin ay “GITNA”. Naging sentro ito ng mga unang sumibol na sibilisasyon sa Amerika. Matatagpuan ang lupaing ito sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa sentro ng Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Ang ilog ng Panuco at Santiago ay makikita sa hilagang dulo nito. Matatagpuan naman ang katimugang dulo mula sa dalampasigan ng Honduras sa Atlantic patungo sa tagaytay o slope ng Nicaragua sa Costa River. Saklaw ngayon ng rehiyong ito ang mga malawak na proporsyon ng bansang Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang parte ng Honduras Sa rehiyong ito, ang sobrang agwat sa taas ng lupa at palagiang pag-ulan ay nagbibigay ng mga klase ng klima at ekolohiya sa ibang lugar ng rehiyon. Ang panahon sa lugar na ito ay paiba-iba. Kagaya ng kanlurang Asya at China, sumibol ang unang pamayanan sa lugar na ito na naging lunduyan ng pagsasaka. Sa ngayon, tumaas ang dami ng mga tao sa lugar na ito.