Aralin 1 - Ang Kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo - AP 5 - 1st Quarter.PDF
Document Details
Uploaded by FancierSunflower
Tags
Summary
This document contains information about the location of the Philippines in the world. It discusses concepts like latitude, longitude, continents, and oceans. It's a study guide pertaining to a geography lesson.
Full Transcript
Aralin 1 -- Ang kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo Ang Pilipinas -- ay may isang maliit na bahagi ng Mundo (Earth). Ang Mundo -- ay ang pangatlong planeta mula sa Araw (Sun). Ang Mundo -- ay ang nag-iisang planetang may buhay. Ang hugis ng mundo -- ay Oblate Spheroid ayon kay Sir Isaan Newton....
Aralin 1 -- Ang kinalalagyan ng Pilipinas sa Mundo Ang Pilipinas -- ay may isang maliit na bahagi ng Mundo (Earth). Ang Mundo -- ay ang pangatlong planeta mula sa Araw (Sun). Ang Mundo -- ay ang nag-iisang planetang may buhay. Ang hugis ng mundo -- ay Oblate Spheroid ayon kay Sir Isaan Newton. Ang tatlong-kapat (3/4) ng mundo -- ay binubuo ng katubigan (bodies of water). Ang isang kapat ng (1/4) ng mundo -- ay binubuo ng kalupaan (land). Kontinente -- ang tawag sa malaking masa ng lupa. Karagatang Pasipiko -- ang pinakamalawak at pinakamalalim na karagatan sa mundo. Asya -- pinakamalaking kontinente sa mundo Mga Karagatan sa Mundo: 1. Pasipiko 2. Atlantiko 3. India 4. Arctic 5. Southern Mga Kontinente sa Mundo: 1. Asya 2. Aprika 3. Hilagang Amerika 4. Timog Amerika 5. Antarctica 6. Europa 7. Australia Absolute location -- eksaktong kinalalagyan ng isang lugar Parallel -- mga linyang pahiga o mga linyang tumatawid sa pasilangan-kanlurang direktion paikot sa mundo Meridian -- mga linyang patayo o mga linyang tumatawid mula sa isang polo(pole) patngo sa isa pang polo Latitud(Latitude) -- distansiya sa pagitan ng dalawang parallel Longhitud(Longhitude) -- distansiya sa pagitan ng dalawang meridian Prime Meridian: - Ito ang simula ng mga guhit longhitud na nasa 0° longhitud at may sukat na 180° - Hinahati nito ang mundo sa Kanlurang Emisperyo (Western Hemisphere) at Silangang Emisperyo (Eastern Hemisphere) International Date Line (IDL): - guhit na nasa 180° longhitud at katapat ng guhit Prime Meridian - mahalaga sa pag-alam ng oras at araw sa iba't-ibang panig ng Mundo Ekwador: - isang malaking parallel na guhit pangkaisipan na nasa 0° lalitud at may sukat na 180° - hinahati nito ang Mundo sa Hilagang Emisperyo (Northern Hemisphere) at Timog Emisperyo (Southern Hemisphere) Polong Hilaga(North Pole) -- matatagpuan sa pinakamataas na bahagi ng mundo Polong Timog(South Pole) -- matatagpuan sa pinakamababang bahagi ng mundo Tropiko ng Kanser -- parallel na nasa 23.5° hilaga ng ekwador Tropiko ng Kaprikorniyo -- parallel na nasa 23.5° timog ng ekwador Kabilugang Arktiko -- parallel na nasa 66.5° hilaga ng ekwador Kabilugang Antartiko - parallel na nasa 66.5° timog ng ekwador Grid -- ang pinagsamang guhit latitud at longhitud Relatibong Lokasyon o Lokasyong Vicinal - maaaring itakda sa pamamagitan ng mga kalupaan at katubigang nakapalibot sa isang lugar - upang maintindihan ang uri ng pamumuhay, likas na yaman, hanapbuhay at klima mayroon ang isang lugar Relatibong Lokasyong Kontinental -- kinalalagyan ng lugar na napapalibutan ng lupain Relatibong Lokasyong Maritime -- kinalalayan ng lugar na napapalibutan ng katubigan Relatibong lokasyon ng Pilipinas sa Mundo - sa hilaga ng Pilipinas ay matatagpuan ang Kipot Bashi ant Taiwan - sa kanluran ng Pilinas ay matatagpuan ang Dagat Kanlurang Pilipinas at mga bansang Laos, Cambodia at Vietnam - sa timog ng Pilipinas ay matatagpuan ang Dagat Celebes at pulo ng Sulawesi - sa silangan ng Pilipinas ay matatapuan ang Karagatang Pasipiko Aralin 2 -- Ang Pilipinas Bilang Bansang Tropikal Panahon -- pansamantalang kalagayan ng atmospera ng isang lugar na maaaring magbago anumang oras Klima -- pangmatagalang kalagayan ng panahon sa isang lugar na maaraing magtagal ng 3 hanggang 6 na buwan Lokasyon ng Pilipinas - nasa pagitan ng mga latitud 4°23´ at 21°25´ hilaga - ito ay nasa mababang latitud kaya ito ay may klimang tropikal - nasa pagitan ng mga longhitud 116°00´ at 127°00´ silangan Dalawang Klima ng Pilipinas (Klimang Tropikal): 1. Tag-init -- Disyembre hanggang Abril 2. Tag-ulan -- Mayo hanggang Nobyembre Climate Change -- dahilan kung bakit nagbabago rin ang buwan kung kelan nangyayari ang mga klima ng isang lugar Klimang Tropikal -- mainam para sa pag-aalaga ng mga hayop at halaman Mga Salik na may kinalaman sa klima ng Pilipinas: 1. Lokasyon, Katangiang Pisikial at Temperatura - ang mga mababang lugar ay nakakaranas ng mainit o mataas temperatura - ang mga matataas na lugar ay nakakaranas ng malamig o mababang temperatura 2\. Halumigmig (Humidity) \- tumutukoy sa dmi ng water vapor sa atmospera 3\. Pag-ihip ng Hangin (Windflow) 4\. Dami ng Ulan \- Ang dami ng ulan ang pinakamahalang elemento ng klima sa Pilipinas 2 galaw ng Mundo na Nagpagbabago ng Panahon: 1. Rebolusyon (revolution) -- ito ay nangyayari dahil sa pag-ikot ng Mundo sa Araw sa kanyang orbit sa loob ng 365 araw o isang taon (1 year) Summer Soltice - ang Polong Hilaga (North Pole) ay tuwirang nakahilig paharap sa araw tuwing Hunyo 21 o 22 - ang mga lugar dito ay nakakaranas ng pinakamahabang araw at pinakamaikling gabi - ang mga lugar sa hilagang Kabilugan Artiko sa 66.5 ay nakakaranas ng 24 oras na araw - Ang Norway ay nakakaranas ng 24 oras na araw sa panahon ng Summer Soltice kaya ito ay tinatawag na "Land of the Midnight Sun" Fall o Autumnal Equinox - Nangyayari tuwing Setyembre 22 or 23 sa hilagang emisperyo - Ang bawat lugar sa ibabaw ng mundo ay nakakaranas ng 12 oras ng araw a 12 oras ng gabi Spring o Vernal Equinox - Nangyayari tuwing Marso 20 or 21 - Ang bawat lugar sa ibabaw ng mundo ay nakakaranas ng 12 oras ng araw a 12 oras ng gabi Winter Soltice - Nangyayari tuwing Disyembre - Ang hilagang emisperyo ay nakakaranas ng pinakamaiksing araw at pinakamahabang gabi Paghilig (Tilt) ng Mundo - nagdudulot ng pagbabago ng panahon sa mga lugar sa ibabaw ng Mundo - nakahilig (tilted) ito nang 23.5 ° sa axis nito. Mga Klima sa Mundo: 1. Klima sa Mababang Latitud -- ang mga bansang nasa pagitan ng Tropiko Kanser at Tropiko Kaprikorniyo ay nakakaranas ng klimang mainit o klimang tropikal (Pilipinas, Hawaii, Thailand) 2. Klima sa Gitnang Latitud -- tinatawag itong temperate zone kung saan ang mga bansa ay nakakaranas ng kilmang tagsibol, taglamig, taglagas at tag-init (USA, Japan, Australia) 3. Klima sa Mataas na Latitud -- ang mga bansang nasa mataas na latitud o rehiuong Polar (Frigid Zone) ay nakakaranas 6 na buwan na may araw at anim na buwan na hindi nasisilayan ang araw. Ang mga lugar dito ay nabablutan ng yelo kaya kaunti lang ang mga nakatira sa mga lugar na ito. (Antartiko, Alaska, itaas na bahagi ng Canada) Aralin 3 - Ang pinagmulan ng Pilipinas at ng Lahing Pilipino Ang Pilipinas bilang isang bansang Arkipelago - Ito ay napapaligiran ng mga anyong tubig - Ito ay isang kapuluan dahil ito ay binubuo ng 7,641 malalaki at maliit na pulo - Ito ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya at may lupaing may lawak na 300,000 km ² Scarborough Shoal - Ang Pilipinas ay nasa estratehikong lokasyon sapagkat ito ay nasa pinakamahalagang rutang pangkalakalan - Ang lokasyon ng Pilipinas ay maganda rin para pagtayuan ng kampo militar panghimpapawid at pandagat - Maraming magagandang pangisdaan ang matatagpuan sa Pilipinas Teorya ng Pagkakabuo ng Kapuluan at Pinagmulan ng Pilipinas: 1. Teoryang Bulkanismo - teorya ni Bailey Willis - ang Pilipinas ay nabuo sa pamamagitan ng pagtaas ng magma mula sa ilalim patungo sa ibabaw ng lupa dahil sa pagsabog ng mga aktibong bulkan - ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire kung saan maraming aktibong bulkan 2. Teoryang Continental Drift - ang kontinente ng daigdig ay nabuo sanhi ng diyastropismo (diastrophism) o paggalaw ng solidong bahagi ng mundo - ang mundo noon ay binubuo lamang ng isang kontinente ngunit dahil sa matinding paggalaw ng panlabas na mabatong bahagi ng kalupaan (earth's crust) dahil sa centrifugal force, naging mabilis ang paggalaw ng mundo na naging sanhi upang mahati ang malaking kontinente ang magkaroon ng maliliit na pulo Teorya ng Pinag-mulan ng lahing Pilipino: 1.Teorya ng pandarayuhan ng mga Austrnesyano \- ang mga Pilipino ay mula sa lahi ng mg taong gumamit ng Austronesian 2.Teorya ng Tulay na Lupa 3.Teorya ng Pandarayuhan o Wave Migration Theory Iba pang Teorya ng Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Pilipinas: - Ang pagkadiskubre ni Robert B. Fox sa mga bahagi ng bungo at isang buto ng panga sa mga yungib ng Tabon sa Palawan ay nagpapahiwatig na may nauna pang taong dumating sa Pilipinas kaysa sa mga Malay - May natagpuan din si Arman Mijares na mga buto ng paa ng tao sa kuweba ng Callao, Cagayan na sinasabing mas matanda pa sa natagpuan sa Tabon sa Palawan Aralin 4 -- Lipunan at Kabuhayan ng Sinaunang Pilipino Barangay - isang pamayanang binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya na pinamumunuan ng isang datu o rajah - batayang yunit ng pamahalaan ng ating mga ninuno - datu ang pinuno ng maliit na barangay - raja o lakan ang pinuno ng malalakiiing barangay Datu o Raja/lakan - tagapagbatas, tagapagpagana at tagahukom - sa pagpili ng datu ay tinitigna ang kanyang lakas, tapang at tatag - maaring mamana ang pagiging datu - kapag namatay ang datu na walang anak, ang mga tao ang pipili ng bagong datu na pinakamayaman, pinakamakisig, pinakamatapang at pinakamatalino Council of Elder -- katulong ng datu sa paghuhukom, paggawa ng batas at pagpapasya para sa barangay Sanduguan - isang ritwal na ginagawa ng dalawang pinuno sa isang lugar kasama ang kanilang mga nassakupan - hihiwain ng dalawang pinuno ang kanilang bisig at ang dugong aagos sa kanilang sugat ay ilalagay sa isang lagayan o kaya ay ihahalo sa isang alak at ito ay iinumin bilang simbolo ng kanilang pag-iisa Pamahalaang Sultanato - uri ng pamahalaan na itinatag ng mga muslim sa Mindanao - sa Sulu itinatag ang unag Sultanato - higit na malaki kaysa barangay - binubuo ng sampu hanggang labindalawang nayon o higit pa - napagbuklod-buklod nito ang hiwa-hiwalay na mga lugar sa Mindanao - tumibay ang ugnayang panrelihiyon, pampulitika, pangkabuhayan at pangmilitar Sultan - pinuno ng Sultanato - tagapagbatas, tagapagpaganap at tagahuko - namamana ang pagiging Sultan - ang isang sultan ay dapat magmula sa lahi ng propetang si Mohammed - maaari din maginf sultan ang pinakamayaman sa lugar Ruma Bichara - ang konseho na katulong ng sultan sa usapin ng pananalapi, pagpaplano at paggawa ng batas - karaniwang binubuo ng pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang mga datu Qadi(hukom) at Ulema(iskolar) -- gumagabay sa sultan upang magampanan ang mga gawaing panrelihiyon Raja Muda -- tagapagmana ng trono Wazir -- punong ministro Mulik Bandarasa -- kalihim ng sultan Mukik Cajal -- kalihim sa pakikidigma Antas ng Katayuan sa Lipunan: 1.Maharlika -- pinakmataas na antas kabilang ang mga datu, raja at sultan at kanilang mga asawa na tinatawag na lakambini o dayang 2.Timawa o Malaya -- pangalawang pinakamataas na antas kabilang ang mga mangangalakas, mandirigma at iba pang mamayan na isinilang na malaya 3.Alipin -- pinakamababang antas kabilang ang mga nabihag sa labanan, hindi nakabayad ng utang, naparusahang dahil sa kasalan at mga nagmana ng pagiging alipin ng magulang Dalawang uri ng Alipin: 1. Aliping Namamahay - mas mataas na uri ng alipin sapagkat siya ay nagmamay-ari ng sariling pamamahay - siya ay nagsisilbi lamang sa datu kapag kailangan lamang siya 2. Aliping Sagigilid - walang ari-arian - siya ay itinuturing na pag-aari ng kamyang pinagsisilbihan o panginoon Batas -- maaring nasusulat o nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga tao mula sa mga naunang henerasyon Umalokohan o Tagapagbalita -- lumilibot sa buong barangay para iparating sa mga tao ang isang bagong batas Luwaran ng mga Muslim -- isa sa mga nasusulat na batas ng mga Muslim Kabuhayan ng Sinaunang Pilipino: 1.Pagsasaka -- pagtatanim ng mga pangunahing tanim ay palay, mais, niyog, tubo, saging at mga punongkahoy Dalawang Sistema ng Pagsasaka: a.Paglilinang -- pagbungkal ng lupa upang ito ay matamnan 2.Pangingisda -- panghuhuli ng mga yamang dagat 3.Pangagaso -- panghuhuli ng mga hayop sa gubat gaya ng usa, baboy-ramo at iba pa gamit ang mga pana, sibat, punyal at bitag 4.Magmina -- pagmimina ng mga ginto, pilak, tanso at iba pang yamang mineral 5.Industriyang Pantahanan -- paggawa ng palayok, banga at iba pang kagamitang pantahanan, paggawa ng alak at suka, paghabi ng tela at basket Nomadic - ang tawag sa mga sinaunang tao na walang permanenteng tirahan kaya nagpalipat-lipat sila kung saan may pagkain silang makukuha at angkop na klima para sa kanilang pangangailangan Pagmamay-ari ng lupa noon: - Nang matutong maghanapbuhay ang mga ninuno ay nanatili na sila sa isang lugar. - Ang lupain ay itinuturing na pagmamay-ari ng tao kapag siya ang naglilinis at lumilinang nito. - Maaring ipagbili o ipamana sa mga kalahi ang isang lupain. - Sistema ng pagmamay-ari ng lupa nang magkaroon ng Barangay: - Pag-aari ng barangay ang lahat ng lupain subalit ang paggamit ay pansarili at pribado sa mga tao. - Ang datu ang may pinakamalaki at pinakamagandang bahagi ng lupa. - Ang datu ang naghahati sa mga lupang pansakahan sa mga pamilya ng barangay