Araling Panlipunan 6 Past Exam Paper PDF

Summary

This is a sample first quarter examination paper for Araling Panlipunan Grade 6. It includes questions about world geography and Philippine history. The paper appears to be a Philippine educational resource aiming to educate future geographers and historians.

Full Transcript

Score First Quarter Examination ARALING PANLIPUNAN 6 Name Date Grade Level & Section Panuto: Suriing mabuti ang larawan tungkol sa...

Score First Quarter Examination ARALING PANLIPUNAN 6 Name Date Grade Level & Section Panuto: Suriing mabuti ang larawan tungkol sa globo at sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Anong bansa ang nasa 30oS Latitud at 30oH Longhitud? A. E B. P C. T D. R 2. Makikita ang titik R sa pagitan ng ___________ at ___________Hilagang Latitud. A. 30oT Latitud at 0oH Longhitud B. 15oH Latitud at 15o Longhitud C. 60oT Latitud at 9 0o Hilagang Longhitud D. Walang sagot 3. Anong bansa ang nasa pagitan ng 45oH Latitud at 0oH Longhitud? A. A B. D C. B D. P Panuto: Ipagpalagay natin na ang nasa ibaba ay larawan ng mga bansa. Sagutin ang mga tanong at pillin ang titik ng tamang sagot. 1 4. Anong bansa ang nasa pagitan ng 2°:-25° K Latitud at 4°-15°K Longhitud A. FAT B. BET C. ALA D. CAT 5. Saan matatagpuan ang bansang YES? A. Pagitan ng 8°: at 54°:H Latitud at 4°: at 57°:S Longhitud B. Pagitan ng 20°: at 50°:H Latitud at 15°: at 60°:K Longhitud C. Pagitan ng 0° at 45°:H Latitud at 15°: at 45:S Longhitud D. Pagitan ng 30:S Latitud at 60:S Latitud at 30:S Longhitud at 45:H Lon 6. Ang pahalang na guhit sa gitna ng globo ay tinatawag na: A. Hating globo B. Ekwador C. Digri D. Globo 7. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit napukaw ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino noong panahon ng kolonyalismo? A. Pag-unlad ng turismo B. Paglawak ng pamilihan C. Pagpasok ng mga dayuhan sa ating bansa D. Pagbubukas ng Maynila sa kalakalang pandaigdig 8. Paano nakapunta ang mga dayuhan sa Pilipinas noong unang panahon? A. Paglalakbay sa himpapawid B. Pagsakay ng sasakyang pandagat C. Paggamit ng bus D. Pagsakay ng van 9. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa ating bansa sa harap ng pagpasok ng maraming produktong banyaga? A. Tangkilikin ang produktong atin B. Bibili ng produktong dayuhan at produktong Pilipino C. Piliing bilhin ang produktong galing sa ibang bansa D. Mas marami ang bibilhing produktong dayuhan at kakaunti ang produktong Pilipino 10. Ano ang naging positibong epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdigang kalakalan? A. Napadali ang pakikipagkalakalan B. Naging madali ang pagpasok ng mga dayuhang mananakop C. Naging maikli ang paglalakbay mula sa Maynila patungo sa ibang bansa D. Napadali ang komunikasyon ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino 11. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Kilusang Propaganda? A. Maging alipin ang mga Pilipino sa mga Kastila B. Matamo ang pantay-pantay na pakikitungo sa Pilipino C. Magkaroon ng malaking buwis ang mga Pilipino para sa pamahalaan D. Ang mga Kastilang pari lamang ang may karapatan na magsilbi sa simbahan 12. Sino ang mga paring Pilipino na naging bahagi ng sekularisasyon at Cavite Mutiny noong panahon ng mga Espanyol? A. Regular B. Sekular C. Misyonero D. Obispo 13. Ano ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda na unang inilathala sa Barcelona, Spain noong Pebrero 15, 1889? A. Philippine Star B. La Liga Filipina C. La Solidaridad D. Propaganda 14. Ano ang layunin ng La Liga Filipina na itinatag ni Rizal noong Hulyo 3, 1892? A. Magkaisa ang mga Pilipino para humingi ng reporma sa mapayapang paraan B. Magsulong ng rebolusyon laban sa mga Espanyol C. Paglawak ng monopolyo sa tabako D. Palitan ang pamahalaang Espanyol ng mga Pilipino 15. Ano ang pangunahing layunin ng mga propagandista sa Kilusang Propaganda? A. Pagkawatak-watak ng monopolyo sa tabako B. Para marami ang mag-aklas laban sa gobyerno C. Pagsusulong ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan D. Pagbuo ng sariling kolonya para sa mga Pilipino 16. Paano nakatulong ang Kilusang Propaganda sa pagpukaw ng damdaming makabayan ng mga Pilipino? A. Sa pagtataguyod ng pambansang wika B. Sa pagpapalaganap ng mga ideya sa pamamagitan ng pahayagan at panitikan C. Sa pagtuturo ng kasaysayan sa mga paaralan D. Sa pagpapalakas ng puwersa militar 17. Paano lumaganap ang Katipunan? A. Sa isang pagtitipon B. Maraming miyembro ay kumuha ng dalawang bagong kasapi C. Sa pamamagitan ng isang pahayagan D. Sa paraang Triyanggulo 18. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng kahirapan ng mga Katipunero? A. Pagkakapatay kay Bonifacio B. Paghina ng mga Katipunero C. Pagkapanalo ng mga Espanyol sa labanan D. A at B 18. Siya ang “Ama ng Katipunan”, na tinatawag nilang Supremo. A. Andres Bonifacio B. Jose Rizal C. Graciano Lopez D. Procopio Bonifacio 20. Ano ang pangunahing dahilan ng pagpunit ni Bonifacio at ng kanyang mga kasama ng kanilang sedula? A. Upang maipakita na sisimulaan na nila ang pakikipaglaban sa mga Espanyol B. Kasama ito sa mga dokumento ng Katipunan at ayaw ipabasa sa iba C. Hindi na nila ito kailangan at ito ay luma na at papalitan D. Naglalaman ng listahan ng mga kalaban ng Katipunan 21. Alin dito ang HINDI kasali sa kasunduan sa Biak-na-Bato? A. Sekularisasyon ng mga parokya at pagtatanggol sa mga organisasyon ng mga paring Espanyol B. Pagtatalaga ng mga Pilipinong kinatawan sa pamahalaan C. Pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas D. Nagbabayad ng P900,000.00 sa mga pamilyang napinsala sa labanan 22. Bakit lumubha ang kalagayan ng mga Katipunero? A. Pagkakapatay kay Bonifacio B. Paghina ng mga Katipunero C. Nagwagi ang mga Espanyol sa labanan D. A at B 23. Bakit hindi nagtagumpay ang Himagsikang 1896? A. Hindi malinaw ang layunin nito B. Wala itong mahusay na pinuno C. Kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino D. Kaunti ang bilang ng mga mamamayang Pilipino 24. Ano ang layunin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato? A. Itigil ang labanan para sa ikatatahimik ng bansa B. Ibigay na ang kalayaang hinihingi ng Pilipinas C. Itago sa lahat ang mga anomalya sa pamahalaan D. Ituloy ang labanan kahit may kasunduan 25. Bakit muling pinunit ni Bonifacio at ng kanyang mga kasama ang kanilang sedula? A. Upang maipakita na sisimulan na nila ang pakikipaglaban sa mga Espanyol B. Kasama ito sa mga dokumento ng Katipunan at ayaw ipabasa sa iba C. Hindi na nila ito kailangan at ito ay luma na at papalitan D. Naglalaman ng listahan ng mga kalaban ng Katipunan 26. Nagdesisyon ang mga Katipunero na ituloy ang himagsikan sa kabila ng maraming kakulangan nang: A. Mabulgar ang samahang ito B. Matantong wala silang magagawa C. Matuklasang mananalo sila sa laban D. Magbigay ng suporta ang ibang lalawigan 27. Alin ang naglalarawan sa walong sinag ng ating watawat? A. Walong bansa na nakipag-ugnayan sa Pilipinas B. Kauna-unahang walong pangulo ng Pilipinas C. Walong lalawigan ng bansa na lumalaban sa mga Espanyol D. Walong rebolusyonaryong namatay sa pakikipaglaban para sa Kalayaan 28. Ano ang isinasaad ng patakarang Makataong Asimilasyon o Benevolent Assimilation ng mga Amerikano? A. Tutulong sa pakikipaglaban sa mga Espanyol B. Magsisilbing tulay sa pagkakaibigan ng mga Pilipino at Espanyol C. Tutulong sa pagkamit ng kalayaan ng mga mamamayang Pilipino D. Magsisilbing kaibigang mangangalaga sa kaligtasan, kapayapaan at kaunlaran ng mga mamamayang Pilipino 29. Alin ang wastong pagkasunod sunod sa mga pangyayari? 1. Mock Battle 2. Labanan sa Look ng Maynila 3. Kasunduan sa Paris A. 1-2-3 B. 2-1-3 C. 1-3-2 D. 3-2-1 30. Ano ang pangunahing layunin ng pagbuo ng Kongreso ng Malolos? A. Magtatag ng gobyernong Pilipino B. Makipag-alyansa sa ibang bansa C. Lumikha ng bagong sistema ng edukasyon D. Magbigay ng pondo para sa rebolusyon 31. Ano ang mahalagang nangyari noong Enero 23, 1899? A. Pinasinayaan ang unang Republika ng Pilipinas B. Pinili ang pinuno ng Kongreso ng Malolos C. Inihanda ang Saligang Batas ng Malolos D. Ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas 32. Bakit mahalaga ang pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos? A. Nabuwag ang mga katiwalian B. Nahalal na pangulo si Emilio Aguinaldo C. Nabuo ang kasunduan sa mga Amerikano D. Napagtibay ang Saligang Batas ng Malolos 33. Ang mga sumusunod ay laman ng kasulatan ni Felipe Agoncillo na iniharap sa Senado ng Estados Unidos upang hindi mapagtibay ang Kasunduan sa Paris, maliban sa isa. Alin dito? A. Ang Espanya ay may malaking karapatan sa Pilipinas dahil nasakop nito ang bansa ng tatlong daan at tatlumpu’t tatlong taon (333). B. Ang Espanya ay napatalsik na ng mga Pilipino sa Pilipinas. C. Mga paliwanag kung bakit walang karapatan ang Espanya na ipagbili ang Pilipinas sa Estados Unidos. D. Ang Pilipinas ay nagsarili na at may sariling pamahalaan kaya walang kapangyarihan ang Espanya na ibigay ang Pilipinas sa Amerika. 34. Bilang isang batang Pilipino, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa nangyaring digmaan ng mga Pilipino at Amerikano sa kasalukuyan? A. Magtrabaho habang nag-aaral B. Makisama sa mga kamag-aral C. Babatiin ang guro tuwing nakakasalubong D. Ibahagi ang iyong kaalaman sa iba ukol sa mga nagawa ng mga bayani 35. Ano ang layunin ng misyon ni Felipe Agoncillo sa Paris upang makilahok sa talakayan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya? A. Ipahayag ang damdaming makabayan ng mga Pilipino B. Magmakaawa sa Espanya na palayain na ang Pilipinas C. Ipahayag ang naisin ng mga Pilipinong kilalanin ang Pilipinas bilang bansang malaya D. Pakiusapan ang Estados Unidos na tulungan ang Pilipinas sa pagwasak sa Espanya 36. Bakit itinuring na bayani si Miguel Malvar sa pakikipaglaban para sa kalayaan? A. Naging pinunong heneral siya ng Batangas B. Lumaban siya sa himagsikan laban sa Espanya C. Lumaban siya sa Digmaang Pilipino-Amerikano D. Ipinatapon siya sa Guam dahil ayaw niyang kilalanin ang kapangyarihan ng Estados Unidos 37. Ang matagal na pagsuko ni Miguel Malvar sa mga Amerikano ay nagpapakita ng damdaming makabayan. Sa iyong palagay, ano ang epekto nito sa mga Pilipino hanggang ngayon? A. Pagmamatigas ng mga Pilipino sa usapin tungkol sa Spratlys Island B. Ang pagkakaroon ng rally sa tuwing napag-uusapan ang mga Amerikano C. Ang hindi pagpayag ng mga Pilipino na tapakan at apihin ng mga dayuhan D. Naging dahilan ito ng paghingi natin ng tulong sa mga Amerikano kapag may sigalot 38. Bakit madaling nagapi ang mga sundalong Pilipino at naging sanhi ng pagkasawi ni Heneral Gregorio del Pilar? A. Nagkaroon ng kunwaring labanan B. Sumuko si Aguinaldo sa mga Amerikano C. Nagsagawa ng kontra-opensiba ang mga Amerikano D. Itinuro ni Januario Galut ang lihim na daan patungo sa tuktok ng paso 39. Hindi lamang ang mga bayaning Pilipino ang naglingkod nang matapat sa bayan. Paano ka maaaring maglingkod? A. Magsundalo lalo’t sa oras ng digmaan B. Mamasyal palagi sa mga pook pasyalan C. Sumama sa barkada sa paggamit ng bawal na gamot D. Kusang-loob na makilahok sa mga programa ng pamahalaan 40. Paano lumaban ang mga manunulat sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano? A. Nagsulat sila ng iba't ibang uri ng panitikan upang maipahayag ang kanilang pagtutol sa patakaran at pamamalakad ng mga Amerikano B. Nagsulat sila ng mga aklat na naglalahad ng mga paraan ng pakikidigma ng mga Amerikano upang mapantayan ito C. Sumapi sila sa iba’t ibang kilusan para maghatid ng impormasyon tungkol sa pananakop ng mga Amerikano D. Sumanib sila sa mga sundalong Pilipino at nakipaglaban sa digmaan

Use Quizgecko on...
Browser
Browser