ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUSULAT AT ANG AKADEMIKONG PAGSULAT.pptx
Document Details
Uploaded by FervidKoala
PHINMA University of Pangasinan
Tags
Full Transcript
ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUSULAT AT ANG SLIDESMANIA.CO AKADEMIKONG Sagutin nang may katotohanan, wasto, mabisa at kawili- wili ang katanungan na may kaugnayan na pagsusulat...
ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUSULAT AT ANG SLIDESMANIA.CO AKADEMIKONG Sagutin nang may katotohanan, wasto, mabisa at kawili- wili ang katanungan na may kaugnayan na pagsusulat. Kailan ka pinakahuling sumulat? Anong uri ng sulatin ito? Anong paksa ang madalas mong sulatin? Bakit nagustuhan mo itong sulatin? Ano-anong kabutihanang idinudulot ng pagsusulat? SLIDESMANIA.CO Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral. Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009) ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinaka- epektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ito ay isang SLIDESMANIA.CO pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba ,ito ay nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. Anuman ang dahilan ng pagsusulat , ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat,sa mga taong nakabasa nito,at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga sinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na SLIDESMANIA.CO magsisilbing tulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon. Ayon kay Mabilin (2012) ang pagsusulat ay isang pagpapahayag hindi naglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay manatiling kaalaman. Kaya naman,sa limang makrong kasanayang pangwika , ang pagsusulat ay isa rin sa mga dapat pagtuunan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral sapagkat dito masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina. Sa mga makrong kasanayang tulad ng SLIDESMANIA.CO pakikinig ,pagbabasa, panonood,madalas ang isang indibidwal LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT SLIDESMANIA.CO Ayon kay Royo , na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga ,Jr. na Pagbasa , Pagsulat at Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin ,pangarap , agam-agam, bungang-isip at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat , nakikilala ng tao ang kanyang sarili,ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang isipan, at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga SLIDESMANIA.CO tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman , napakahalaga na bukod sa Ayon naman kay Mabilin ,sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. Una ,ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw,karanasan,naiisip o nadarama ng manunulat.Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,kalungkutan , pagkatakot , SLIDESMANIA.CO o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito ay ang ginagawa ng mga Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham ,balita, korespondensya , pananaliksik ,sulating panteknikal ,tesis, disertasyon at iba pa. Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Sa kabilang dako, maaari rin naming magkasabay na maisagawa ang layuning personal at SLIDESMANIA.CO panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang naisulat bunga ng sariling pananaw ng may-akda na Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat. 1.Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan. 2.Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa SLIDESMANIA.CO isinasagawang imbestigasyon o 4.Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat. 5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. SLIDESMANIA.CO 6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda GAMIT AT URI NG PAGSULAT SLIDESMANIA.CO Subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay. Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang katotohanan. Halimbawa, kung ang lugar na inilarawan ng isang manunulat ay isa sa magagandang lugar sa bansa na kilala rin ng SLIDESMANIA.CO kanyang mga mambabasa, gagamit parin siya ng sarili niyang mga salitang maglalarawan sa lugar MGA GAMIT AT PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT SLIDESMANIA.CO Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang lumikha ng isang makabuluhang akda o komposisyon. Kaya naman upang makabuo tayo ng isang magandang sulatin ay kailangang mapukaw ang ating interes. Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan sa pagsusulat partikular ng akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan: 1. Wika- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang SLIDESMANIA.CO mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong 2. Paksa- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin. 3. Layunin- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. SLIDESMANIA.CO 4. Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at a. Paraang Impormatibo- Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. b. Paraang Ekspresibo- Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang SLIDESMANIA.CO sariling karanasan o pag-aaral. d. Pamaraang Deskriptibo- Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo. e. Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong SLIDESMANIA.CO manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan. 5. Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at SLIDESMANIA.CO mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa 6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat- Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang SLIDESMANIA.CO mahusay na sulatin. 7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin- Ito ay PAGSULAT URI NG SLIDESMANIA.CO SLIDESMANIA.CO M 1.Teknikal na Pagsulat – Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o larangan. Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t ibang uri ng mambabasa. Karaniwang nagtataglay ito ng mga paksang teknikal. Halimbawa: Feasibility Study ,manwal, Proyekto sa pag-aayos ng kompyuter, at iba pa. SLIDESMANIA.CO 2.Reperensyal na Pagsulat – Layunin ng sulating ito na bigyang- pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa at batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinagawang pananaliksik. 3. Dyornalistik na Pagsulat – May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita ,editoryal, lathalain,artikulo at iba pa. Ito ay isinusulat ng mga mamamahayag, journalist, reporter at iba pang bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isinusulat sa mga pahayagan , magasin, o kaya’y iniuulat sa radyo at SLIDESMANIA.CO telebisyon. 4. Akademikong Pagsulat – Isa itong intelektwal na pagsulat. 5. Malikhaing Pagsulat – Layunin nitong maghatid ng aliw,makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mabibilang sa uring ito 13 ang maikling kwento , dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks ,iskrip ng teleserye ,kalyeserye, musika ,pelikula at iba pa. 6. Propesyonal na Pagsulat - Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng SLIDESMANIA.CO kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical report , narrative report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba AKADEMIKONG PAGSULAT SLIDESMANIA.CO SLIDESMANIA.CO M Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga katangiang dapat taglayin ng akademikong sulatin. May Pananagutan Obhetibo Maliwanag at Organisado Pormal May Paninindigan 1.Hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa. Mahalagang mapanindigan ng sumulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat ng napiling paksa. 2. Ang mga talata ay may kaisahan, pagkakaugnay at pagkakasunod ng ideya ayon sa pagkakasulat ng mga pangungusap at talata na naaayon sa punong kaisipan o (main topic). 3..Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal.Gumamit ng pormal na salita , tono at himig ng paglalahad na madaling maunawaan ng mambabasa. 4.Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. SLIDESMANIA.CO Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas. Mga Gawaing Pampag-iisip sa Akademiya Ang salitang Akademiya ay mula sa salitang Pranses na academie, sa Latin academia , at sa Griyego na academeia. Ito ay isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar ,artista, at siyentista na ang layunin ay isulong ,paunlarin, palalimin,at palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan. Isa itong komunidad ng mga iskolar.Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng buhay na may kakayahang mag-isip nang kritikal o mapanuri ,maging mapanlikha at malikhain at malayang magbago at makapagbago. Ganito ang isang mag- aaral na lalo pang hinuhubog ng akademiya. Malikhain at Mapanuring Pag-iisip Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay -akademiko at maging sa gawaing di - akademiko. Nagtutulungan ang dalawang kakayahang ito upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at pagdedesisyon. SLIDESMANIA.CO Hindi kailangang maging henyo o talentado upang maging malikhain.Sa Akademiya ,ang mga katangiang ito ay nilinang at pinauunlad sa mga mag-aaral.Malaki ang maitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo , trabaho at araw-araw na pamumuhay. Akademiko vs Di-Akademiko Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo( Pranses :Academique ; Medieval Latin: Academicus noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon ,iskolarship , institusyon , o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat ,at pag- aaral kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.( www.oxforddictionaries.com) Tinatawag na mga larangang akademik,akademiko,akademiks, o akademikong disiplina ang mga kurso sa kolehiyo.Ang mga ito ang pagpipilian ng mga mag-aaral kapag dinesisyunan na magpatuloy sa kolehiyo. Sa Akademiya , nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang pinagkakadulubhasaan. Kasanayan sa pagbasa ,pakikinig, pagsasalita ,panonood ,at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis ,panunuring kritikal , pananaliksik , at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito. Ginagabayan ito ng etika ,pagpapahalaga , katotohanan , ebidensya , at balanseng pagsusuri.Sa kabilang dako , ang mga di-akademikong gawain ay ginagabayan ng karanasan , kasanayan , at common sense. Narito ang mga pagkakaiba sa katangian ng akademiko at di-akademiko. SLIDESMANIA.CO AKADEMIKO DI AKADEMIKO Pananaw Obhetibo ,hindi Subhetibo, sariling direktang opinyon , pamilya, tumutukoy sa tao at komunidad ang damdamin pagtukoy, tao at kundi sa mga damdamin ang bagay ,ideya at tinutukoy, nasa una katotohanan , ito’y nasa at pangalawang pangatlong panauhan panauhan ang ang pagkakasulat pagkakasulat Audience Iskolar,mag-aaral ,guro , Iba’t ibang publiko (akademikong komunidad Layunin Magbibigay ng ideya at Magbibigay ng sariling SLIDESMANIA.CO impormasyon opinyon Paraan o Batayan ng Obserbasyon,pananaliksi Sariling karanasan, Datos k,at pagbabasa pamilya ,at komunidad Kabilang sa mga halimbawa ng akademikong gawain ang sumusunod: pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase, pakikinig ng lektyur, panonood ng video o dokumentaryo,pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob ng klase o isang simposyum, at pagsulat ng sulatin sa mga akdang pampanitikan at posisyong -papel, panukalang proyekto, case studies , pamanahong papel o pananaliksik, pagsulat ng artikulo, lakbay-sanaynay ,larawang-sanaysay ,talumpati , pagbubuod, memorandum, adyenda at katitikan ng pulong at iba pa. Halimbawa naman ng mga di-akademikong gawain ang panonood ng pelikula o video upang maaliw o magpalipas-oras,pakikipag-usap sa sinoman ukol sa paksang di-akademiko, pagsulat sa isang kaibigan ,pakikinig sa radyo ,at pagbasa ng komiks ,magasin o diyaryo. SLIDESMANIA.CO Pinahahalagahan at pinatutunayan ang katangiang ito sa teoryang pangkomunikasyon ni Cummins(1979) kung saan pinag-iba niya ang kasanayang di- akademiko (ordinaryo ,pang-araw-araw) sa kasanayang akademiko (pang-eskwelahan, pang-institusyon). Tinawag niyang Basic Interpersonal Communication Skills (BICS)ang una at Cognitive Academic Language Profeciency (CALP) naman ang huli. Batay sa mga usapan, praktikal,personal at impormal na mga gawain ang BICS samantalang pormal at intelektwal ang CALP. Ang Paggamit ng Akademikong Filipino sa Paggawa ng Akademikong Pagsulat Madalas iniuugnay ang akademikong pagsulat sa akademiya. Ito ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. Ang mga elementong ito ay bumubuo ng mga guro, mag-aaral, administrador, gusali, kurikulum at iba pa. Hindi magaganap ang anumang adhikain ng SLIDESMANIA.CO isang akademiya kung wala ang wika. Sa pag-aaral ng kursong ito, ang Akademikong Filipino ang gagamitin sa akademiya. Sa paggamit nito , malinaw sa isip ng gumagamit nito ,ito man ay sa paraang pasalita o pasulat ang kahalagahan sa pagsunod sa mga alituntunin sa paggamit ng wikang Filipino upang ito’y maging istandard at magamit bilang wika ng intelektwalisasyon. Epektibong magagamit ang Filipino sa akademiya. Higit na magiging epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung sa wikang niya ito matatamo. Bilang pagtugon sa layunin ito, isinama sa kurikulum sa pag-aaral sa Senior High School ang Akademikong Pagsulat kung saan sa asignaturang ito ay lilinangin ,sasanayin, at huhubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino.Isa sa pinakamahahalagang awtput ng sinumang mag-aaral ang SLIDESMANIA.CO mga gawaing nauukol sa Akademikong Pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan. Ito rin ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon o paaralan kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin nito ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang. Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal (Arrogante et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag- organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng pilingpiling salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita SLIDESMANIA.CO dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman. MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKON SLIDESMANIA.CO G PAGSULAT 1. Obhetibo- Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon. 2. Pormal- Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madali ng maunawaan ng mga mambabasa. Ang tono o ang himig ng impormasyon ay dapat maging pormal din. 3. Maliwanag at Organisado- Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw at organisado ng mga kaisipan at datos. Nakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang pangunahing paksa ay dapat nabibigyang-diin sa sulatin. 4. May Paninindigan- Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang mapagbago-bago ng SLIDESMANIA.CO paksa. Ang layunin nito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat ng napiling paksa. 5. May Pananagutan- Ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay isang etika at pagbibigay galang sa awturidad na ginamit bilang sanggunian. Upang mabigyan ka ng pangkalahatang ideya hinggil sa kursong ito, narito ang iba’t ibang uri ng akademikong sulatin na isa-isang tatalakayin sa kabuoan ng inyong pag- aaral. Hindi mo lamang matutuhan ang mga ito, kundi magkakaroon ka rin ng sapat na kaalaman at kasanayan kung paano gawin o isulat ang mga ito. 1. Abstrak 9. Talumpati 2. Katitikan ng pulong 10.Lakbay-Sanaysay 3. Sintesis/Buod 11. Agenda/Memorandum 4. Posisyong Papel 5. Bionote 6. Replektibong Sanaysay 7. Panukalang Proyekto SLIDESMANIA.CO 8. Pictorial-Essay Thank you Presentation Template: SlidesMania Fonts used: Comfortaa and Baloo Bhai SLIDESMANIA.CO