PDF Abstrak: Mga Uri ng Abstrak at Pananaliksik
Document Details
![CompactMagnesium](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-6.webp)
Uploaded by CompactMagnesium
Tarlac National High School
Madilene E. Supan
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga abstrak, pananaliksik tungkol sa mga batang ina, at ang mga kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon. Tinalakay rin dito ang iba't ibang uri ng abstrak at mga elemento ng isang pananaliksik.
Full Transcript
ABSTRAK MADILENE E. SUPAN ABSTRAK Buod ng nilalaman ng isang saliksik o sulatin KATANGIAN NG ABSTRAK Nakabatay ang pagsulat nito ayon sa pagkakasunod-sunod ng saliksik KATANGIAN NG ABSTRAK Nakasulat sa ikatlong panauhan KATANGIAN NG ABSTRAK Pawang...
ABSTRAK MADILENE E. SUPAN ABSTRAK Buod ng nilalaman ng isang saliksik o sulatin KATANGIAN NG ABSTRAK Nakabatay ang pagsulat nito ayon sa pagkakasunod-sunod ng saliksik KATANGIAN NG ABSTRAK Nakasulat sa ikatlong panauhan KATANGIAN NG ABSTRAK Pawang katotohanan ang mga detalye ayon sa ginawang saliksik KATANGIAN NG ABSTRAK Karaniwang hindi lalagpas sa isang pahina KATANGIAN NG ABSTRAK Hindi ito nararapat na mapuno ng mga salitang mahirap unawain Kadalasan itong binubuo ng mga sumusunod na pangunahing detalye: Rasyonale ng pag-aaral Pangkalahatang Suliranin Metodolohiya Resulta Kongklusyon at implikasyon Mga uri ng Abstrak: 1. Kritikal na Abstrak- Ito ay lagom na bukod sa paglalarawan at pagbibigay impormasyon tungkol sa nilalaman ng pag- aaral, naglalahad din ito ng palagay o komento sa katapatan, kawastuhan at kabuuan ng resulta ng naging pag-aaral. Sinusuri ng mananaliksik ang resulta ng pag-aaral at ikinukumpara ito sa iba pang pag-aaral na may magkatulad na paksa. Mga uri ng Abstrak: 2. Deskriptibong abstrak- Ito ay buod ng pag-aaral na naglalarawan lamang sa pangunahing ideya ng isinagawang pananaliksik. Ang ganitong uri ng abstrak ay naglalaman ng layunin ng pag-aaral, metodolohiyang ginamit at ang saklaw ng mismong pag-aaral.. Mga uri ng Abstrak: 3. Impormatibong Abstrak- Kadalasan, ito ang abstrak na isinasagawa ng mga mananaliksik. Ito ay naglalaman ng mga detalyeng katulad ng sa deskriptibong abstrak maging ang resulta at kongklusyon ng isinagawang pag-aaral. Mga uri ng Abstrak: 4. Pamukaw- Atensyon o Highlight Abstrak- Ito ay abstrak na ang layunin ay pukawin ang atensyon ng mga mambabasa na basahin ang pag-aaral. Hindi ito tahasang nagdedetalye sa nilalaman ng ginawang pag-aaral kung kaya hindi gaanong ginagamit sa pagsulat ng akademikong abstrak. Basahin at suriin ang mga sumusunod na teksto at sagutin ang mga gabay na tanong. KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaanan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng non random convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labindalawa hanggang labingwalo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pagpasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital. Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015 Unang Talata: Rasyunale Ikalawang Talata: Metodolohiyang ginamit Ikatlong Talata: Saklaw at Delimitasyon Ikaapat na Talata: Resulta ng pananaliksik at Konklusyon KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKAAPAT NA TAON Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Talavera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pantanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labinlimang (15) mga mag-aaral na magrebyu sa ikaapat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstemperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na may kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag- aaral. Unang Talata: Rasyunal Ikalawang Talata: Saklaw at Delimitasyon Ikatlong Talata: Metodolohiyang ginamit Ikaapat na Talata: Resulta ng pananaliksik at Konklusyon