Pananaliksik PDF
Document Details
Uploaded by UndisputedCornett
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang gabay sa pagpili at pagbuo ng paksa sa pananaliksik. Inilalahad nito ang mga hakbang sa pagpili ng angkop na paksa, mga mapagkukunan ng paksa, at kung paano makilala ang mga suliranin sa pananaliksik. May mga halimbawa ng paksa gaya ng internet, social media, telebisyon, at dyaryo.
Full Transcript
DAYAGRAM NA NAGPAPAKITA NG KABUUANG PROSESO NG PANANALIKSIK MGA HAKBANG SA PAGPILI AT PAGBUO NG PAKSA SA PANANALIKSIK 1. **Alamin ang interes**. Tukuyin kung anong paksa ang tumatawag sa iyong pansin. 2. **Gawing partikular o ispesipiko ang paksang napili**. Iwasan ang malawak na paksa....
DAYAGRAM NA NAGPAPAKITA NG KABUUANG PROSESO NG PANANALIKSIK MGA HAKBANG SA PAGPILI AT PAGBUO NG PAKSA SA PANANALIKSIK 1. **Alamin ang interes**. Tukuyin kung anong paksa ang tumatawag sa iyong pansin. 2. **Gawing partikular o ispesipiko ang paksang napili**. Iwasan ang malawak na paksa. 3. Iangkop ang paksang napili ayon sa panahon o timeframe na inilaan upang matapos ang pananaliksik. 4. Suriin kung ang paksang napili ay napapanahon. 5. Tukuyin kung may makakalap na sapat na datos at sanggunian upang maisagawa ang pananaliksik. **Iba't Ibang Maaaring Mapagkunan ng Paksa** 1. Sa kasalukuyang panahon, ang **Internet at social media** ay bahagi na ng buhay ng tao. Napakaraming taglay na impormasyon ang internet at kung magiging mapanuri ka baka nandiyan lang at naghihintay ang isang kakaiba at bagong paksang maaari mong gamitin para sa iyong pananaliksik. 2. Ang **Telebisyon** ay isa pa sa mga uri ng media na laganap lalo na sa panahon ng cable at digital television. Sa panonood mo ng mga balita, mga programang pangtanghali, teleserye, talk shows at iba pa. 3. **Dyaryo at Magasin**. Mula sa mga ito'y pag-uukulan ng pansin ang mga nangungunang balita, maging ang mga opinyon, editoryal, at mga artikulo. Suriin at baka naririto lang ang paksang aakit sa iyong atensyon. 4. Mga **Pangyayari** sa iyong paligid. Kung maging mapanuri ka ay maaaring may mga pangyayari o mga bagong kalakaran sa paligid na mapagtutuunan mo ng pansin at maaaring maging paksa sa pananaliksik. 5. Sa **sarili**. Ang paksang nagmula sa bagay na interesado ang mananaliksik ay karaniwang humahantong sa isang matagumpay na sulating pananaliksik sapagkat nalalagay niya hindi lamang ang kanyang isipan kundi ang buong puso at damdamin para sa gawaing sa una pa lang ay gusto niya o interesado siya. Ano ang Suliranin sa Pananaliksik? - Ang paghahanap natin ng suliranin sa ating pananaliksik ang isa sa pinakamahirap gawin (pinakasentrong bahagi). - Walang magaganap na pananaliksik kung walang suliraning hahanapan ng sulosyon sa pananaliksik. - Bilang mananaliksik, kailangan magkaroon ka ng malalim na kaalaman hinggil sa hakbang at kalikasan ng suliranin upang mapadali ang paghahanap mo ng suliranin iyong pag-aaralan. - Ang agham at pananaliksik ay parehong tumutukoy sa sining ng sistematikong pagdulog sa agham an nasa ilalim ng pagsasagawa ng pananaliksik. - Kahit maraming pagpapakahulugan sa pananaliksik, isang napakahalagang bagay ang hayagang naipapakita rito: isinasagawa ang pananaliksik upang masagot ang isang tanong, o upang masolusyonan ang isang suliranin. - Dito sa kontekstong ito nagagamit ang sistematikong pagdulog upang marating anng pangkalahatang kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga paniniwala tungkol sa ugnayan ng mga baryabol. - Kailangang maging makahulugan o mahalaga sa pagsusuri at pag-aanalisa sa suliraning napili dahil bagkus nagagamit ang resulta nito sa makabuluhang paraan Ano nga ba ang suliranin sa pananaliksik? - Nagiging makabuluhan ang pagpili mo ng suliranin sa pananaliksik kung alam mo ang kalikasan nito at kung alam mo ang mga katangiang kasangkot dito. - Bilang isang nagsisimulang mananaliksik, pinakamahirap na bahagi ang pagkilala ng suliranin sa isang pananaliksik upang imbestigahan o suriin. - Ito ang pinakaunang prosesong dapat mong gawin sa pananaliksik - Ang suliranin sa pananaliksik ay napakahalaga, napakakritikal, at nakahahamong sitwasyon. - Hindi simple ang pagsagot sa suliranin dahil nangangailan ito ng mapanuring pag- iisip. - Kailangan nito ang nakahahamong sitwasyon pagkatapos nitong mailahad sa mga tanong na tumutulong upang matiyak ang tunguhin ng katanungan Paano mo makikilala ang suliran in sa pananaliksik? - Hindi sapat na malaman mo ang kalikasan ng suliranin sa pananaliksik upang makahanap ka o makilala mo ang suliraning hahanapan ng solusyon. - Bilang mananaliksik, hindi madaling proseso ang pagkilala sa isang suliranin sa pananaliksik. - Kinakailangan mong maging mapanuri, mapagmasid, at maging sensitibo sa mga pangyayari sa iyong paaralan, sa kapaligiran at sa lipunan. - Dapat marunong kang magtanong sa tamang katanungan at sa tamang pagkakataon upang makakuha ka ng isang suliranin sa pananalliksik. - Ang paghahanap at pagkilala mo ng suliranin sa pananaliksik ay tinitingnan bilang pinakaunang hakbang na dapat mong gawin sa lahat ng aspetong kaugnay sa pananaliksik. - Sumunod sa pagsusuri sa kapaligiran at ng kritikal na analisis, panghuli ang pagpili at pagsimula sa isang malinaw at tiyak na pagpapahayag. Kung gusto mo pang lalong mapadali ang pagkilala mo ng suliranin sa pananaliksik, makatutulong sa iyo ang mga sumusunod na esrahiya sa pagkilala ng mga suliranin sa pananaliksik: a. Magbasa ka ng mga Kaugnay na literatura b. Mag-surf ka sa internet c. Dumalo ka sa mga palihan/komperensiya d. Magtanong ka sa mga pantas o dalubhasa e. Makipanayam ka sa mga gumagawa ng polisiya/ batas/ tuntunin f. Magtanong ka sa mga may karanasan hinggil sa disiplinang ginagawan mo ng pananaliksik. Mahalaga ring malaman mo ang mga magandang indikasyon ng isang suliranin sa pananaliksik. Ilang magandang indikasyong maaaring pagmulan ng suliranin: 1\. Kung may kakulang o kawalan ng impormasyon na nagreresulta ng gap o ugnayan ng ating mga kaalama; 2\. Kung may mga nagkokontrang resulta ng pananaliksik at gustong mong masuri kung alin ang mas matimbang sa mga resulta o nais mong patunayan ito; 3\. Kung may nakatotohanang umiiral at gusto mong gumawa ng pananaliksik upang ipaliwanag ito. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL - bahagi ng pananaliksik kung saan sinusuri at pinag-aaralan ang mga umiiral nang kaalaman at pananaliksik na may kaugnayan sa iyong napiling paksa. Mga Layunin: \* Magbigay ng konteksto: Ipinapakita nito kung paano nakaugnay ang iyong pananaliksik sa mga naunang pag-aaral. \* Tukuyin ang mga teorya at konsepto: Nagbibigay ito ng teoretikal na pundasyon para sa iyong pananaliksik. \* Matukoy ang mga pagkukulang sa umiiral na pananaliksik: Tinutulungan kang matukoy ang mga gaps sa kaalaman at magbigay ng bagong kontribusyon. \* Magbigay ng direksyon sa pananaliksik: Nagsisilbing gabay sa pagbuo ng iyong metodolohiya at pagsusuri ng datos. Mga Sanggunian: \* Mga artikulo sa journal \* Mga aklat \* Mga tesis at disertasyon \* Mga ulat ng pananaliksik \* Mga dokumento mula sa mga organisasyon Paano magsulat: \* Pagpili ng mga kaugnay na literatura: Pumili ng mga sanggunian na may direktang kaugnayan sa iyong paksa. \* Pagbasa at pag-unawa: Basahin at unawain nang mabuti ang mga napiling sanggunian. \* Pag-oorganisa ng impormasyon: Ayusin ang impormasyon ayon sa tema o konsepto. \* Pagsusulat ng sintesis: Isulat ang buod at pagsusuri ng bawat sanggunian. \* Pagtukoy ng mga pagkakatulad at pagkakaiba: Ihambing at i-contrast ang mga natuklasan sa iba\'t ibang pag-aaral. \* Pagbuo ng mga konklusyon: Magbigay ng mga pangkalahatang konklusyon batay sa pagsusuri ng mga literatura. Halimbawa: Kung ang iyong paksa ay tungkol sa \"Epekto ng paggamit ng social media sa pag-aaral ng mga mag-aaral,\" maaari mong suriin ang mga sumusunod na kaugnay na literatura: \* Mga pag-aaral tungkol sa ugnayan ng social media at akademikong pagganap. \* Mga teorya tungkol sa pag-uugali ng mga kabataan at ang epekto ng teknolohiya. \* Mga pag-aaral tungkol sa mga benepisyo at panganib ng paggamit ng social media. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral, mas magiging matibay at makabuluhan ang iyong sariling pananaliksik