Pagsulat ng Memorandum (Akademik) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagsulat ng isang Memorandum, kabilang ang mga bahagi, layunin, at mga bagay na dapat isaalang-alang, batay sa isang aklat. Isinasama sa dokumentong ito ang iba't ibang mga sanggunian.
Full Transcript
Akademikon g Sulatin: Pagsulat ng Memorandum MAGAGAWA KONG... makasulat nang maayos na memorandum makasunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat ng memorandum Isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing o...
Akademikon g Sulatin: Pagsulat ng Memorandum MAGAGAWA KONG... makasulat nang maayos na memorandum makasunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat ng memorandum Isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing o ra n d pulong o paalala tungkol Me m um o sa isang mahalagang memo impormasyon, gawain, —Prof. tungkulin, o Ma Rovilla utos. Sudaprasert English for the Workplace 3 (2014) Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining. Dapat tandaan na ang memo ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang. LAYUNIN Pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong, pagsasagawa, o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya. LAYUNIN Maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya. Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The Discipline (2014), ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod: ROSAS PUTI ginagamit naman para Dilaw o Luntian sa request o order na ginagamit sa mga nanggagaling sa ginagamit naman para sa mga memo na pangkalahatang purchasing department nanggagaling sa kautusan, marketing at direktiba, o accounting impormasyon department Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito. Memorandum para sa kahilingan Memorandum para sa Memorandum para sa kabatiran pagtugon Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo ay dapat magtaglay ng sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni Sudaprasert na English for the Workplace 3 (2014). 1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng telepono. 2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinag-uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatutulong kung ilalagay rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb., at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa. 3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Isulat ang buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang ginawang memo. Gayundin, mahalagang ilagay ang pangalan ng departamento kung ang memo ay galing sa ibang seksyon at tanggapan. Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb., at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa. 4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob. Kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito. 5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid nito. 6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod: Paggalang o Sitwasyon pasasalamat Problema Solusyon 7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng kanyang pangalan sa bahaging Mula kay … MGA SANGGUNIAN: Aklat Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik )Phoenix Publishing 2016 Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book Store 2016 Edition Module DepEd CDO SHARED Options Learning Activities