PDF Modyul 5: Ang Pagsulat ng Talumpati
Document Details
![AppreciatedJasper7317](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-10.webp)
Uploaded by AppreciatedJasper7317
Tags
Summary
Ang modyul na ito ay nagbibigay ng gabay sa pagsulat ng talumpati sa Filipino. Tinatalakay nito ang iba\'t ibang uri ng talumpati, mga bahagi nito, at mga dapat isaalang-alang sa pagsulat. Sa pagkumpleto ng modyul, inaasahang mas malawak ang iyong kaalaman sa talumpati.
Full Transcript
Modyul 5 Ang Pagsulat ng Talumpati PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK PANIMULA KONSEPT-DUNONG AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- TALUMPATI AKADEMIK PAGSULAT SA FILIP...
Modyul 5 Ang Pagsulat ng Talumpati PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK PANIMULA KONSEPT-DUNONG AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- TALUMPATI AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- Talumpati Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig o audience. Ito ay isang uri ng pagdidiskurso sa harap ng publiko na may layuning magbigay ng impormasyon o manghikayat kaugnay ng isang partikular na paksa o isyu. (Bernales, 2017) AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- Talumpati Ang pagtatalumpati ay isang proseso ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ito ay karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla. AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin De la Cruz (2016) AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- Impormatibong talumpati - talumpati na naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa isang partikular na paksa. Halimbawa: talumpati tungkol sa mga epekto ng schizophrenia katangian ng isang mabuting mamamayang Pilipino AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- Nanghihikayat na Talumpati - talumpati na ang layunin ay hikayatin ang tagapakinig na magsagawa ng isang partikular na kilos o kaya hikayatin na panigan ang opinyon o paniniwala ng tagapagsalita. Halimbawa: talumpati tungkol sa kasamaang maaring idulot ng kontrasepsiyon sa kababaihan AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- Nang-aaliw na talumpati - Pagpapatawa sa mga comedy bar o pagbibigay-puri sa isang mahalagang tao sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga nakakatawang karanasan. AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- Okasyonal na Talumpati- - Talumpati na isinusulat at binibigkas para sa isang partikular na okasyon katulad ng kasal, kaarawan, despedida, parangal, at iba pa. AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- Uri ng Talumpati Ayon sa Kahandaan AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- Biglaang Talumpati (Impromptu) Ang talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita. AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- Maluwag (Extemporaneous) Sa talumpating ito, nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinibigay bago ito ipahayag. AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- Manuskrito Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pag-aaralan ito nang mabuti ang kanyang sasabihin. AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- Isinaulong Talumpati – Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinagaralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. May oportunidad na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita. AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- Proseso ng Talumpati AKADEMIK PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- Paghahanda Kaiilangang ihanda ang nakikinig at isama sa paglalakbay. Kailangan nilang malaman ang pupuntahan, kung interesante ba ang paglalakbay at kung bakit kailangan nilang sumama. PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK Pag-unlad Sa pagsulat, siguraduhing nakatutok ang atensiyon nila. Lumikha ng tensiyon, magkuwento, magbigay ng mga halimbawa, maghambing at magtambis, o gumamit ng mga tayutay at mga talinghagang bukambibig. PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK Kasukdulan Ito ang pagkakataong narating na kasama ang tagapakinig ang tuktok ng bundok. Sa bahaging ito, inilalahad ang pinakamahalagang mensahe ng talumpati. Ito rin ang bahaging pinakamatindi ang emosyon. PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK Pagbaba Isa ito sa pinakamahirap na bahagi ng pagsulat ng talumpati. Paano ba itotatapusin? Maaaring ibuod ang mahahalagang puntong tinalakay sa talumpati. Maari din namang mag-iwan ng mga tanong. PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK Mga Gabay sa Pagsulat ng Talumpati PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK Tuon ·Bakit ako magsusulat ng talumpati ·Ani ang paksa? ·Ano ang mensaheng nais kong ipahayag? ·Ano ang gusto kong mangyari sa aking mga tagapakinig? ·Ano ang kahalagahan ng paksang tatalakayin ko? PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK Tagapakinig Sino ang aking mga tagapakinig? Bakit sila makikinig sa talumpati? Anong mahahalagang bagay ang nais kong baunin ng tagapakinig? PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK Pagsulat Paano ko pupukawin ang atensiyon ng tagapakinig? Anong lengguwahe ang gagamitin ko? Ano ang tono ng aking talumpati? Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng talumpati? Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK Pagsasanay Basahin mo nang malakas ang iyong talumpati upang malaman kung natural at madulas ang daloy ng wika. Basahin mo sa harap ng isang kakilala o kaibigan ang talumpati upang matukoy ang mga kalakasan at kahinaan nito. PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK Gawain (Modyul 5_Talumpati) Bilang pagpapatibay sa iyong kaalaman sa anyo ng sulating ito, ang Pagsulat ng Talumpati, kayo ay inaatasang bubuo ng talumpati ayon sa temang “Bayanihan sa Panahon ng Pandemya”. Tatayain ng guro ang isinulat mong talumpati ayon sa kaangkupan sa tema, gamit ng lengguwahe, organisasyon at grammar. saalang-alang din ang mga dapat tandaan sa Pagsulat ng Talumpati. PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK Maraming Salamat!