Tekstong Deskriptibo - PDF
Document Details
![ComfortableNashville44](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-20.webp)
Uploaded by ComfortableNashville44
Gng. Gamido
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga aralin sa Tekstong Deskriptibo. May mga halimbawa, paliwanag, at mga gawain para sa mga estudyante. Nakatuon ito sa paglalarawan ng mga tao, bagay, lugar, at mga pangyayari.
Full Transcript
TEKSTONG DESKRIPTIBO Inihanda ni Gng. Gamido DESKRIPTIBO Nagbibigay katangian sa isang tao, bagay, pook, o pangyayari. Ang isang teksto ng naglalarawan ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng pandama na tumutukoy sa paningin, pang-amoy, pansalat, panlasa, at pandinig. DESKRI...
TEKSTONG DESKRIPTIBO Inihanda ni Gng. Gamido DESKRIPTIBO Nagbibigay katangian sa isang tao, bagay, pook, o pangyayari. Ang isang teksto ng naglalarawan ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng pandama na tumutukoy sa paningin, pang-amoy, pansalat, panlasa, at pandinig. DESKRIPTIBO Tinataglay rin nito ang pagkakaroon ng tono o damdaming nagingibabaw sa kabuuan ng isang akda. Kinakailangan na ang isang naglalarawan ay mabisang nakakagamit ng mga salitang nagpapalinaw ng kaisipan at nagbibigay tatak sa mga mababasa. (JAVIER, N., ET.AL 2016). SUBHETIBO Ayon kina Javier, N., et.al (2016), karaniwan itong ginagamit sa pagsulat ng mga tula, nobela, at maikling kuwento. Layunin nito na pakilusin at palawakin ang guni-guni ng mambabasa. Ito ay nakabatay lamang sa mayamang imahinasyon ng manunulat. Halimbawa: “Si Dante ay matipunong lalaki, may mapang-akit n ngiti, at mga matang may taglay na halina s sinumang makakakita. Ang maaliwalas na mukhan agad sinisilayan ng taos pusong pagbati pagbati “ Paliwanag: Walang pinagbatayang totoong tao ang paglalarawang ito subalit sa pagnanais ng manunulat na maikintal sa isipan ng mambabasa ang isang positibong tauhan sa kanyang akda ay ginamit niya ang ganitong paglalarawan sa kanyang pangunahing tauhan. OBHETIBO Ang paglalarawan ng manunulat ay may pinagbabatayang katotohanan. Ang lugar na ilalarawan ng manunulat ay isa sa mga magagandang tanawin sa ating bansa, gagamit pa rin siya ng sarili niyang mga salitang maglalarawan sa lugar ngunit hindi siya maaaring maglagay ng detalyeng hindi kaugnay sa paksa. “Nagtatagpo ang asul na karagatang humahalik sa paanan ng luntiang hagdan- hagdang palayan ng Banaue”. Halimba Paliwanag Hindi niya maaaring gamitin ang paglalarawang ito sapagkat wala naming kalapit na karagatan ang lugar na nabanggit. Sa halip, maaari niyang banggitin na… Paliwanag “Ang malilinaw na ilog na dumadaloy s ilang bahagi ng hagdan-hangdang palayan pinagmumulan din ng patubig sa mg nakatanim na palay”. Dito’y masasabin obhetibo ang paglalarawan sapagk nakabatay sa katotohanan. Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo ng magkakahiwalay na pangungusap, parirala, o sugnay, bagkus ang mga ito ay binubuo ng magkakaugnay na mga kaisipan kaya't kinakailangan ang mga salitang magbibigay ng kohesyon upang higit na lumitaw ang kabuluhan at kahulugan ng bawat bahagi nito. Kohesyong Mga salitang nagsisilbing pananda Gramatikal upang makaiwas sa pag-uulit ng pangngalan o mga salitang ginagamit sa pagpapahayag. Halimbawa: Ang mga dayuhang turista ay nais puntahan ang Siargao dahil sila ay tunay na namamangha sa ganda ng lugar.ito dito kami siya kaniya sina sila tayo Halimbawa: sa halip dagdag pa rito katulad ng samakatuwid lalo na gayunpaman ngunit bagamat datapwat marahil Gawain: Gumawa ng isang maikling tula na nakapagbibigay deskripsyon o naglalarawan sa iyong magulang. Ito ay binubuo lamang ng dalawang saktong at apat na taludtudturan. Maaaring maging malaya o may sukat ang gagawing tula. SALAMAT SA PAKIKINIG