Mga Suliraning Pangkabuhayan Pagkatapos ng Digmaan (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- GR 6PPT L 3.2-The 3rd PHIL Republic and Martial Law PDF
- The Nineteenth Century Philippine Economy, Society, and the Chinese Mestizos PDF
- HISTO 11 Final LT Notes PDF
- Gochian's Annotations of the Notas del Examen de Historia PDF
- Agrarian Reform Policies in the Philippines PDF
- Selected Writings of Rizal PDF
Summary
A historical overview of the Philippine economy following World War II and the responses to these challenges. The document addresses the administrative periods of key Filipino presidents, including significant economic, social, and political changes. It focuses on the period starting from 1946-1972.
Full Transcript
Mga Suliraning Pangkabuhayan Pagkatapos ng Digmaan at Naging Pagtugon sa mga Suliranin mula 1946-1972 Manuel Roxas (1946-1948) Si Manuel Roxas ang nagsimulang magtayo ng ekonomiya ng isang bansang winasak ng digmaan. Ipinatupad niya ang ibang pangunahing mga prayoridad ng kanyang administrasyo...
Mga Suliraning Pangkabuhayan Pagkatapos ng Digmaan at Naging Pagtugon sa mga Suliranin mula 1946-1972 Manuel Roxas (1946-1948) Si Manuel Roxas ang nagsimulang magtayo ng ekonomiya ng isang bansang winasak ng digmaan. Ipinatupad niya ang ibang pangunahing mga prayoridad ng kanyang administrasyon gaya ng: industriyalisasyon ng Pilipinas, pagpapatagal ng malapit na kooperasyon at ispesyal na relasyon sa Estados Unidos, pagpapanatili ng batas at kaayusan at pagpasa sa Kongreso ng batas na magbibigay sa mga magsasaka ng 70% ng kabuoang kinitang ani. Elpidio Quirino ( 1948-1953) Sa kaniyang administrasyon pinakamalaki niyang pinagtuunan ng pansin ang pagpapatuloy ng pagbabago at rehabilitasyon ng ekonomiya at pagpapanumbalik ng tiwala at kooperasyon ng marami sa pamahalaan. Kinaharap ng kaniyang administrasyon ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang HUKBALAHAP (Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon) isang pulang komunista. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk, at bilang pangulo nagawa niya ang mga sumusunod: ang paglikha ng PACSA (President's Action Committee on Social Amelioration), na layuning tulungan sa pagbagsak ng ekonomiya, pangalawa ay ang paglikha ng ACCFA (Agricultural Credit Cooperative Financing Administration) para tulungan ang magsasaka na magamit ang pautang na may mababang interes mula sa pamahalaan. At ang panghuli ay ang pagtatayo ng mga bangkong rural at Labor Management Advisory Board, isang pampangulong lupong tagapayo. Ramon Magsaysay (1953- 1957) Siya ay tinaguriang "Tagapagligtas ng Demokrasya" dahil iniligtas niya ang demokrasya sa Pilipinas sa kaniyang administrasyon. Ilan sa kaniyang mga nakamit ay ang sumusunod: ang pagpapabuti ng pamantayan ng pamumuhay sa pamamagitan ng paggawa ng mga sistemang patubig, tulay, balon, at kalsada; pagsasakatuparan ng paggamit ng Barong Tagalog, pagtatatag ng SEATO (Southeast Asia Treaty Organization) isang panrehiyon na politico-militar na agregasyon at negosasyon sa Hapon ukol sa kasunduan ng bayad pinsala sa digmaan. Carlos Garcia (1957- 1961) Sa kaniyang administrasyon tinutukan niya ang sumusunod: ang pagpapatupad ng patakarang "Pilipino Muna" (First Filipino Policy) para magtaguyod at maprotektahan ang produktong Pilipino; ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mabuting pakikisama ng Bayanihan Dance Troupe sa ibang bansa; pagrespeto sa karapatang pantao at pagpapanatili ng malayang halalan; ang paggawa ng Komisyong Sentenaryo ni Dr. Jose Rizal at ang pagtaguyod ng pandaigdigang kapayapaan at pagkakasundo sa pamamagitan ng opisyal na mga pagbisita. Diosdado Macapagal (1961-1965) Ipinangako ni Pangulong Macapagal ang "Bagong Panahon" sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng sumusunod: paggamit ng Pambansang Wika sa mga pasaporte, selyo, palatandaan ng trapiko, pangalan ng mga bagyo, diplomang pampaaralan, at iba pang mga katibayang diplomatiko; paglipat ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12 mula Hulyo 4; paghahain ng opisyal na pag-aari ng Pilipinas sa Sabah noong Hulyo 22, 1962; pagkakalikha ng samahag MAPILINDO (Malaysia, Pilipinas, Indonesia) na isang pagkakaisang pang-ekonomiya at ang pagpasa sa kongreso ng Agricultural Land Reform Code noong 1963. Ferdinand Marcos (1965-1986) Sa kaniyang paglilingkod bilang pangulo sa unang termino, nakapagpagawa siya ng mga kalsada, tulay, paaralan, gusali ng pamahalaan, sistemang patubig at marami sa mga ito ay nananatiling nakatayo pa sa kasalukuyan. Dagdag pa rito ang pinansyal at teknikal na pagtulong sa mga magsasaka, ang epektibong pangongolekta ng buwis, ang malawakang pagtataboy sa mga mamumuslit at ang matagumpay na pagdaos ng Manila Summit Conference noong Oktubre 24-25 na dinaluhan ng maraming pinuno ng estado. Ngunit sa kabila ng kaniyang magandang unang termino, dumanas ng malubhang krisis na pang-ekonomiya ang Pilipinas dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Ito ang naging sanhi upang tumaas ang presyo ng pangunahing bilihin at maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho. Ang floating peso ay patuloy na bumaba laban sa dolyar. Ang kaniyang pangalawang hakbang na makakapagpabago ng lahat. Para kay Marcos, ang tanging paraan para manumbalik ang tiwala ng marami sa pamahalaan ay ang pagdedeklara ng Batas Militar. Si Marcos ay nagpahayag ng Proklamasyon Blg. 1081 o Batas Militar noong Setyembre 21, 1972.