Pagbibigay-puna sa Pagbigkas ng Elehiya o Awit - PDF
Document Details
![PromisedNovaculite8570](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-5.webp)
Uploaded by PromisedNovaculite8570
Tags
Summary
Ang dokumento ay nagbibigay ng mga patnubay sa tamang pagbigkas ng tula, partikular na sa mga uri ng tula tulad ng elehiya at awit. Tinalakay ang mga mahahalagang elemento gaya ng himig, pagbigkas, pagkumpas, hikayat, tindig, tinig, at tingin. Inaasahan na magiging gabay ito sa mga mag-aaral sa pag-unawa at pagsasagawa ng pagbigkas ng tula.
Full Transcript
# Pagbibigay-puna sa Pagbigkas ng Elehiya o Awit ## Module 3 - Group 2 ## Mga Patnubay sa Tamang Pagbigkas ng Tula ### Himig Sa pagbigkas ng tula, dapat iwasan ang mistulang ibong umaawit. Kinakailangan na ang himig ng manunula ay kahali-halina sa pandinig. ### Pagbigkas Ito ay pagpapahayag ng...
# Pagbibigay-puna sa Pagbigkas ng Elehiya o Awit ## Module 3 - Group 2 ## Mga Patnubay sa Tamang Pagbigkas ng Tula ### Himig Sa pagbigkas ng tula, dapat iwasan ang mistulang ibong umaawit. Kinakailangan na ang himig ng manunula ay kahali-halina sa pandinig. ### Pagbigkas Ito ay pagpapahayag ng tula kung saan gumagamit ng wastong diin sa pagbigkas. Malinaw ang pagsasalita at gumagamit ng wastong pagputol. ### Pagkumpas Sa bawat pagkumpas ng kamay ay dapat may layunin at kinakailangang damhin ang nais ipahayag ng tula. ### Hikayat Masasabing malakas ang hikayat o dating sa mga manonood kung nagawa niyang patawanin o paiyakin ang mga tagapakinig o manonood. ### Tindig Ito ay ang impresyong ibinibigay ng bumibigkas sa kanyang mga tagapakinig. Bahagi pa rin nito ay ang tindigan ng bibigkas ng tula. ### Tinig Isa sa mahalagang elemento sa pagbigkas ng tula ay ang kalidad ng boses. Dapat buo, swabe, at maganda ang dating sa nakikinig. ### Tingin Isa sa mga dapat tandaan sa tuwing bumibigkas ng tula ay ang pagkakaroon ng eye-to-eye contact sa mga manonood o tagapakinig. ## Pagkakaiba ng Elehiya at Awit Ang kanilang pagkakaiba ay ang pinapaksang tinatalakay dito. * Ang elehiya ay tungkol sa pagkawala ng isang mahal sa buhay. * Samantalang ang dalit o awit naman ay ang pagpupuri, luwalhati, kaligayahan, pasasalamat at pagpaparangal sa Diyos. ## Ano nga ba ang pagkakatulad ng elehiya at awit? Ang elehiya at dalit ay parehong uri ng tulang liriko na nagpapahayag ng damdamin ng makata sa mambabasa ang kaniyang sariling damdamin, iniisip at persepsyon. ## Ano naman kaya ang kanilang pagkakaiba?