Filipino Notes PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
These notes provide an overview of Filipino poetry and literature, including elements like figures of speech, and different types of poems. It explains the different forms of poetry, and literary devices. It explains the historical context of the evolution of Filipino poetry.
Full Transcript
FILIPINO NOTES TULA Tula Uri ng sining na may wikang nagsasaad ng higit pa kaysa sa ordinaryong pamamahayag. Karaniwang paraan ng pagsasabi nito sa higit na kaunting salita at higit na kaunting espasyo. Wikang Matalinghaga Nagpapahayag ng ideya o damdamin sa isang wikang mat...
FILIPINO NOTES TULA Tula Uri ng sining na may wikang nagsasaad ng higit pa kaysa sa ordinaryong pamamahayag. Karaniwang paraan ng pagsasabi nito sa higit na kaunting salita at higit na kaunting espasyo. Wikang Matalinghaga Nagpapahayag ng ideya o damdamin sa isang wikang matalinghaga Halimbawa: ○ “Kumukulo ang dugo ko sayo.” ○ “Hindi ka na sisikatan ng araw.” Defamiliarization/Ostranenie Gawing di-pamilyar ang pamilyar “Ostranenie” making it strange Viktor Shklovsky ○ Russian ○ Siya ang nag-coin ng terminong defamiliarization Mga Termino/Estruktura ng Tula Saknong (stanza) Taludtod (line) 4 Klasipikasyon ng Tula Tradisyunal Moderno Prosa Kongkreto Comedy - good ending Tragedy - bad ending Epic - heroic Tradisyunal May ispesipikong pamantayan na kinakailangang punan: ○ Sukat ○ Tugma ○ Saknong ○ Paksa 1st saknong = 4 taludtod = 12 pantig Sa pagbibilang ng sukat ng bawat taludtod kinakailangang bilangan ang pantig Moderno Free verse May modernong damdamin at temper. Gumagamit ang makata ng talinghaga, paksa, at tema na hindi gagamitin ng tradisyunal na makata Prosa Prose in English May estruktura ang prosa subalit ang estilo ay tulad ng tula. Itinuturing na alanganin at may dugong “French” ni Virgilio Almario Charles Bauldiere Ama ng pandaigdig Modernismo Poemes en Prose (1855) Ika-18 na siglo sa Pransiya Kongkreto Tulang Moderno na eksperimental hindi lamang sa nilalaman kundi’t lalo na sa anyo. Nagiging hugis ng taludtod ng tula ang paksang tinatalakay. Pre-Kolonyal Ang tula at sining ay kaisa ng kanilang buhay. Isa itong ritwal ng buhay na nagpapagaan ng kanilang trabaho o suliranin. Mga halimbawa: ○ Compendio de la Lengua Tagala (1703) ni Fr. Gasper de San Agustin ○ Vocabulario de la Lengua Tagala (1754) ni Fr. Juan Noceda at Pedro de Sancular ○ Palihan ni Eugene Evasco Kolonyalismong Kastila Paglaganap ng paksang panrelihiyon. Pangunahin ang pagsasa-kristiyano ng mga kolonyalista sa Pilipinas. Tradisyunal Kolonyalismong Amerikano Panahon pagpapalaganap ng impluwensiya ng mga Amerikano sa Pilipinas at pagsisikil sa kalayaan nito gamit ang iba’t ibang batas. Free Verse Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Panahong modernista at pag-igting ng nasyonalistang pananaw sa panulaan ng Pilipinas Ang kasaysayan ng panulaan ng Pilipinas ay kasaysayan ng pagtindig at reklamasyon ng diwang Pilipino. ELEMENTO NG TULA Talinghaga Persona Tono Sukat Tugma Imahen Persona Tawag sa nagsasalita sa loob ng tula ○ Wika ○ Katangian Tono Nagpapakita ng emosyon o damdamin ng persona sa tula Diksyon: Maingat ng pagpili na gagamitin sa loob ng tula Sukat Bilang ng pantig sa bawat taludtod at saknong ng tula Bilang ng kabuuang linya ng tula ○ Pantig ○ Linya ○ Anyo Cardinal Rule Ng Sukat Mayroong sinusunod na bilang ng pantig base sa tradisyunal na anyo. Mayroong sinusunod na bilang ng linya base sa tradisyunal na anyo. Gansal (pare-parehas) ang mga linya ng saknong. Pares ang mga linya ng saknong. Eksperimental ngunit may konsistent na sukat. Tugma Himig na nakahahalina sa nakakarinig Paulit-ulit na tunog TUGMANG KATINIG Malakas B, K, D, G, P, S, T Lakad / alab Mahina L, M, N, NG, W, R, Y Dahon / suhol Kinakailangang tugma ang patinig bago ang katinig. Halimbawa: Paksa, laba, pusa Paksa, bakla, pusa Anapora Repetition / pag-uulit Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang saknong/sugnay Imahen Hindi lamang detalye ng larawan sa loob ng tula kundi ito ay anumang pandamang pisikal. Nagbibigay sa atin ng kamalayan tungkol sa karanasan sa isang bagay. Objective Correlative Nakakapagpadama ng emosyon sa mambabasa sa pamamagitan ng paggamit ng kongkretong bagay, literal na imahen o simbolismo. Talinghaga/Tayutay Buod ng pagtula. Ito ang utak ng paglikha at disiplinang pumapatnubay sa haraya (imagination) at pagpili ng salita habang isinasagawa ang tula Figure of speech Pagwawangis Simili Tahasang pagtutulad ng dalawang bagay sa pamamagitan ng mga pang-abay na kapara, kapares, katulad. “Parang,” “tila,” “katulad,” etc. Metapora Pagtutulad Naghahalintulad ng dalawang bagay na walang esensiyal na pagkakatulad. Metonomiya Pagpapalit-tawag Paggamit ng isang bagay para sa iba pang bagay na ipinahihiwatig, hindi sa layong paghambingin ito, kundi ipakatawan ang isa sa isa. Sinekdoke Pagpapalit-saklaw Ipinakakatawan sa kabuuan ang bahagi o ang bahagi sa kabuuan. Personipikasyon Nagbibigay ng katangian ng isang tao, isang bagay, o nilalang na hindi tao. Simbolo Anumang bagay, tao, sitwasyon, lunan, pangyayari na tumutukoy sa iba pang higit na abstrakto. Apostrope Pagtawag sa isang tao na wala o yumao na. Maaari ding pagtawag sa isang bagay na tila itinuturing na buhay o nasa tagpo. Karaniwan itong nagbibigay ng papuri o labis na paghanga. Pagmamalabis Hyperbole Hindi literal na naganap ngunit sinasabi upang idiin ang isang mensahe o paksa. Kabalintunaan Irony Nagpapahayag ng deklarasyon o sitwasyon na sa unang tingin ay tila kontradiksyon. MAIKLING KWENTO Maikling Kwento Ang isang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaring maganap. Katangian ng Mga Maikling Kwento Pinakabunsong anyong pampanitikan sa Pilipinas. Siyentipiko ang depiksyon ng realidad. Maikli lamang at kaya basahin ng isang upuan. May nilalayon para makalikha ng kakintalan. Elemento ng Maikling Kuwento Tauhan Tunggalian Banghay Tagpuan Tema Tauhan Tumutukoy sa personalidad na inilalarawan, kinakatawan, at inilalahad sa kuwento, nobela, o dula. Katumbas ito ng persona sa anyo ng tula. Karakterisasyon Representasyon o ang pagkakalikha ng mga tauhan o personalidad sa katha man o dulaan. Mga kriteria: ○ Sikolohikal ○ Biyolohikal ○ Sosyolohikal Arkepito ng Mga Tauhan Lapad Bilog One Dimensional o Two Three Dimensional Dimensional Nagtataglay ng masalimuot at Kulang sa kasalimuotan ang realistikong hulmahan personalidad. Dinamiko Estatiko E. M. Foster (Aspects of Novel) Uri ng Tauhan Protagonista Antagonista Pantulong na Tauhan Klasipikasyon ng Tauhan Bilog Lapad Punto De Bista Unang panauhan Ikalawang panauhan Ikatlong panauhan Tagpuan Setting Pinangayarihan ng naratibo at milieu (konteksto). Oras at lugar Poetikong Pahiwatig Maaaring nagiging simbolo o nagtatakda ng makasining na baha-bahaging pagsulong ng kuwento. Tunggalian Conflict Internal ○ Tao laban ang kaniyang sarili External ○ Tao laban sa tao/bagay/pangyayari/hayop Tema Controlling idea/concept Mensahe Pangkalahatang kaisipang nais palitawin ng manunulat Banghay Plot Tungkol ito sa iba’t ibang paraan ng kwento Linyar, di-linyar Gustav Freytag Eksposisyon Tumitinding galaw Rurok/kasukdulan Kakalasan (Falling Action) Resolusyon FORMALISMO Panunuring Pampanitikan Pagbasa ng akdang pampanitikan gamit ang ispesipikong lente (perspektibo) ng pagbasa “A disinterested endeavor to learn and propagate the best that is known and thought in the world” Isa itong displinang sumusubok na ilarawan, aralin, analisahin, kilatisin, at bigyang interpretasyon ang isang likhang sining Kritiko > Krino (Greek) Kasaysayan Philitas (Alexandria, 350 BCE) Ptolemy II Philadelphus (Alexandria, 308 BCE) Neo-Aristotelian Formalismo Ang panitikan bilang representasyon ng damas ng tao o imitation ng buhay ng tao Mimesis Kinakailangan na malaya ang kritiko sa anumang kritikal na framework Apat Na Hinahanap sa Formalismo Ano ang nirerepresenta? Paano ipinipresenta? Anong elemento o artistikong kasangkapan ang ginamit sa representasyon? Ano ang emosyonal na epekto ng representasyon? Ano Ang Nirerepresenta? Mimetic (representasyon ng danas ng isang tao) Didaktiko (mensahe o aral na makukuha) Paano Nirerepresenta? Dramatic Mode (Unang panauhan) Narrative Mode (Ikatlong panauhan) Mixed Mode (Una, ikalawa, ikatlong panauhan) Artistikong Kasangkapan Ang Ginamit Sa Representasyon? Epektibong paggamit ng mga elemento ng tula o maikling kwento Emosyonal Na Epekto Ng Representasyon? Nagbabago sa bawat mambabasa Seryoso Comic MARXISMO Karl Marx Isang pilosopo at rebolusyonaryo. Ang kanyang mga akda ay naging inspirasyon ng pagkakatatag ng iba’t ibang grupong komunista. Friedrich Engles Isang pilosopo at dalubhasa sa kasaysayan, ekonomiya, pilosopiya, at taktika. Ang katulong ni Marx sa pagbuo ng teoryang Marxismo Teoryang Marxismo Power struggle Sinakop ng Marxismo hindi lamang ang pagsusuri sa larang ng kultura kundi sa politika, ekonomiya, pilosopiya; at ito ang dahilan kung bakit ito ang itinuturing na isang kumpleto at ganap na paraan sa pag-iimbestiga sa karanasan ng tao. Naglalahad ng mga pag-aaral kung bakit labis ang pagkakaiba ng mga uri (o tunggalian ng mga uri) sa lipunan na nagbubunga ng alyenasyon ng mga tao sa kanilang sarili. Ang tunggalian ng mga puwersang ideolohikal at panlipunan, at ang pag-igting ng pakikisangkot ng maraming bahagi ng lipunan sa tagisan ng lakas ang ilan sa mga dahilan na nagtulak sa mga manunulat na usisain ang mga simulaing nagmula sa pananaw ng Marxismo-Leninismo-Maoismo Realismo Marxismo = Realismo Ang teoretikal na batayan ng realismo ay ang paniniwalang may taglay na kapangyarihan ang teksto, at ang manunulat ng akda na suriin ang masalimuot na realidad (mga empirikal na datos at impresyon na bumubuo sa karanasan) at gamitin ang mga ito sa paglikha ng kanyang mga akda na sa tingin niya ay representasyon ng realidad. Ang basehan ng lahat ng karanasan ay nakasalalay sa ganitong materyal at pangkabuhayang ugnayan (base). Mula rito ay nanganganak ang iba’t ibang anyong-panlipunan, ang tinatawag na “superstructure” na binubuo ng batas, relihiyon,pilosopiya,sining at panitikan. Teoryang Marxismo - Sa mga Marxista sa Rusya, matatagpuan ang konsepto na ang pantikan ay isang instrumentong politikal. - Naniniwala si Lenin na may kulturang proletaryo at may panitikang proletaryo na nagbibigay ng tining sa mga inaaping manggagawa. - Ipinahayag ni Lu Hsun ang dilemma ng mga maka-kaliwanang manunulat sa panahon niya na bagama’t lahat ng panitikan ay propaganda, hindi lahat ng propoganda ay panitikan. Talks of the Yenan Forum and Literature and Art (1942) (MAO) - PAGSULONG NG REBOLUSYONARYONG PAKIKIBAKA. Communist Party of the Philipines (CPP) 1968 (JOSE MARIA SISON) - Imperyalismong Amerikano, ang mga may-ari ng lupa at ang pasistang diktatura. FEMINISMO Bilang isang teoryang pampanitikan First Wave - Focuses on education and vote Second Wave - Vietnam War LAKAS PAGGAWA LIBERATION (Women doing jobs) Focuses on Work/Work Equality Racial Segregation Law Civil Disobedience Montgomery Bus Simone De Beauvoir - The second sex - na nagsusulong na ang babae ay hindi lamang sekondaryo sa isang lalaki. (Le Deuxieme Sexe) - 1972 Third Wave - Pag-resist sa focus ng feminismo sa middle-class heterosexual white women “Masculine and feminine roles are not biologically fixed, but socially constructed” GENDER IS SOCIAL CONSTRUCT Patriyarki - Maze Gaze - Male Dominance - Primary Power - Political Leadership - Moral Authority - Social Privilege - Control of Property Teorya ng politikal, ekonomiko, at panlipunang pagkapantay-pantay ng mga kasarian Organisadong aktibidad na nagsisilbing representasyon ng karapatan at interes ng kababaihan Laban o pagbalikwas sa anumang uri ng stereotype at ekspektasyon sa kasarian (genders) SEKSISMO - Diskirimination sa isang tao na nakabase sa kanyang kasarian at sekswal na orytentasyon. MGA GABAY NA TANONG NA MAARING GAWIN SA TEKSTO Ipinikati ba ng akda/panitikan ang kalakasan ng karakter na babae? (physically/mentally/spiritually) Inaanga ba nito ang pagtingin/persepsyon ng kababaihan sa lipunan? Makatotohanan ba ang pagsasalarawan (describe) ng mga karanasan ng mga babae? Malaya ba ang karakter na kumilos sa loob ng kwento/akda?