Aralin 1: Mga Papel ng Kasarian sa Iba't ibang Lipunan (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga tungkulin ng kasarian sa iba't ibang kultura at lipunan, kabilang ang mga isyu ng Female Genital Mutilation at ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga kultura sa rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya. Ito rin ay nagpapakita ng mga gampanin ng mga lalaki at babae sa iba't ibang kultura, kabilang ang mga kultura sa Papua New Guinea.
Full Transcript
ARALIN 1 – GENDER ROLES SA IBA’T IBANG LIPUNAN SA DAIGDIG AFRICA AT KANLURANG ASYA Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal ang panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa...
ARALIN 1 – GENDER ROLES SA IBA’T IBANG LIPUNAN SA DAIGDIG AFRICA AT KANLURANG ASYA Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal ang panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto. Nito lamang ikalawang bahagi ng ika-20 siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang mga babae na makaboto. Ngunit nananatili ang kaharian ng Saudi Arabia sa paghihigpit sa mga kababaihan. Bukod sa hindi pagboto, may pagbabawal din sa mga babae na magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot sa kamag-anak na lalaki (asawa, magulang, o kapatid). TAON NG PAGBIBIGAY KARAPATANG BUMOTO SA KABABAIHAN Kanlurang Asya Africa Lebanon (1952) Egypt (1956) Syria (1949, 1953) Tunisia (1959) Yemen (1967) Mauritania (1961) Iraq (1980) Algeria (1962) Oman (1994) Morocco (1963) Kuwait (1985, 2005) Libya (1964) Sudan (1964) AFRICA AT KANLURANG ASYA Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napipigilan sapagkat may ilang bansa na hindi pinapayagan ang mga babae na maglakbay nang mag-isa o kung payagan man ay nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (seksuwal at pisikal). AFRICA AT KANLURANG ASYA Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagalawan. AFRICA AT KANLURANG ASYA Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (sanggol hanggang edad 15) nang walang anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang- panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan. FEMALE GENITAL MUTILATION AFRICA AT KANLURRANG ASYA Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United Nations Human Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBT. PANGKULTURANG PANGKAT SA NEW GUINEA Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kanyang asawa na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga pangkulturang pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang pananatili roon nakatagpo nila ang tatlong (3) pangkulturang pangkat; Arapesh, Mundugamur, at Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa mga pangkat na ito, nadiskubre nila ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa, at maging sa Estados Unidos. PANGKULTURANG PANGKAT SA NEW GUINEA Nang marating nina Mead at Fortune ang Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. Samantala sa kanilang namang pamamalagi sa pangkat ng Mundugumur (o kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. At sa huling pangkat, ang Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.