Araling Panlipunan 8 - Ikalawang Markahan - AP-8-Q2-Week-1-1 PDF

Summary

This document is an 8th-grade social studies exam in the second marking period. It covers the rise and progress of the ancient Greek civilizations, particularly the Minoan and Mycenaean civilizations. The document contains multiple-choice questions related to this theme.

Full Transcript

1 ARALING PANLIPUNAN 8- IKALAWANG MARKAHAN Pangalan______________________________________________________________ Pangkat _______ Guro__________________________________________________ Aralin PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG KABIHASNANG 1...

1 ARALING PANLIPUNAN 8- IKALAWANG MARKAHAN Pangalan______________________________________________________________ Pangkat _______ Guro__________________________________________________ Aralin PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG KABIHASNANG 1 KLASIKO NG GREECE Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pang-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig. Pamantayang Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. KASANAYAN: Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenaean at kabihasnang klasiko ng Greece (AP8DKT-IIa-1) Inaasahan Ang modyul na ito ay nilikha upang talakayin at ilarawan ang pag-usbong at pag- unlad ng Kabihasnang Klasiko ng Greece. Ang mga mahahalagang pangyayari at mga kontribusyon ng kanilang panahon sa kasaysayan ng mundo. Layunin matulungan ka na mas mapa-unlad ang iyong kaalaman tungkol sa kung papaano umusbong at umunlad ang kabihasnang klasiko ng Greece. Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang: 1. Nailalarawan ang pag-usbong at pag-unlad ng kabihasnang Minoan at Mycenaean; 2. Naihahalintulad at napag-iiba ang mga mahahalagang pangyayari at naiambag ng Kabihasnang Minoan at Mycenaean; 3. Naipaliliwanag ang politikal at sosyo-ekonomikong aspeto ng pamumuhay ng Athens at Sparta; at 4. Naiisa-isa mo ang mga natatanging kontribusyon ng kabihasnang Greece sa iba’t ibang larangan. 8-AP- Qrt2- Week 1 2 ARALING PANLIPUNAN 8- IKALAWANG MARKAHAN Paunang Pagsusulit Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang. ______1. Ang unang sibilisasyon na umusbong sa bansang Gresya partikular sa isla ng Crete. A. Dorian B. Ionian C.Minoan D. Mycenean ______2. Itinuturing siya bilang tagapagtatag ng Kabihasnang Minoan. A. Agamemnon B. Homer C. Illiad D. Minos ______3. Ito ang sistema ng pagsulat ng mga Minoan. A. Linear A B. Linear B C. Linear C D. Linear D ______4. Ito ang kontinente kung saan ang kabihasnang Greek ay sumibol. A. Afrika B. Asya C. Europa D. Oceania ______5. Isang lungsod-estado sa Greece na may layuning bumuo ng hukbong sandatahan. A. Athens B. Corinth C. Megara D. Sparta Balik Tanaw Panuto: Sa anong larangan nakapag-ambag sa kasaysayan ang mga kabihasnang (1) Mesopotamia, (2) Indus, (3) Egypt, at (4) Tsina. Ibigay ang maging ambag nila. Sundin ang format: Larangan - Ambag.Mesopotamia Indus. Egypt. Tsina Maikling Pagpapakilala sa Aralin KABIHASNANG MINOAN AT MYCENAEAN KILALANIN ANG MGA MINOANS Ayon sa mga arkeologo, ang unang sibilisyon sa bansang Gresya ay umusbong sa isla ng Crete sa pagitan ng 3100 BCE o Before the Common Era. Ang sibilisasyon na ito ay binansagan na Minoan batay sa pangalan ng isang maalamat na haring sinasabing naging pinuno at nagtatag nito na si Haring Minos. Ang mga Minoan ay tanyag sa kahusayan sa paggamit ng metal at iba pang teknolohiya, itinuturing din sila na mga magagaling na mandaragat. 8-AP- Qrt2- Week 1 3 ARALING PANLIPUNAN 8- IKALAWANG MARKAHAN Ang punong lungsod o kabisera ng Minoan ay ang Knossos na makikita sa hilagang bahagi ng pulo, itinuturing ito bilang makapangyarihang lungsod na sumakop sa kabuuan ng Crete. Makikita dito ang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektaryang sukat ng lupa at napapalibutan ng mga bahay na gawa sa bato. Larawan hango sa: https://en.wikipedia.org/wiki/Minoan_civilization#/ Sistema ng Pagsulat media/File:Map_Minoan_Crete-en.svg Arthur Evans isang English na arkeologo, sa kaniyang paghuhukay sa palasyo ng Knossos ay kaniyang natuklasan ang mga lapida na gawa sa luwad. Dalawang uri ng sistema ng pagsulat ang kaniyang nakita na tinawag niya bilang Linear A at Linear B. Samantalang sina Michael Ventris (cryptologist) at John Chadwick (classical scholar) ang nakapagpatunay na Linear A ang sistema ng pagsulat ng mga Minoan. Larawan: Linear A Sir Arthur Evans: Scripta Minoa: The Written Documents of Minoan Crete. With Special Reference to the Archives of Knossos. Vol. 1, Oxford 1909, p. 29 Ipinagmamalaking Sining at Libangan ng mga Minoan Ang pangunahing sining ng mga Minoan ay ang pagpipinta na mayroong dalawang larangan – sa mga palayok at Fresco. Ang Fresco ay mga larawang mabilisan subalit bihasang ipininta sa mga dinding na basa ng plaster upang kumapit ng husto sa pader ang mga pigment ng metal at mineral oxide. Maging sa aspekto ng pampalakasan ay hindi pahuhuli ang mga Minoan dahil itiuturing sila na FRESCO of Three Women unang nakagawa ng arena sa buong daigdig na https://www.flickr.com/photos/cavorite/98591365/in/set-1011009/th Special nagsasagawa ng mga labanan sa boksing. Reference to the Archives of Knossos. Vol. 1, Oxford 1909, p. 29 KILALANIN ANG MGA MYCENAEAN Masisilayan ang mga Mycenae 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Agean na kung saan ito ang naging sentro ng Kabishasnang Mycenean. Ang mga lungsod dito ay pinag-dugtungan ng mga magagarang daanan at tulay. Napapalibutan ang lungsod ng mga nagsisikapalang mga pader bilang proteksiyon sa mga nagbabalak lumusob sa kanilang lungsod. Itinuturing din ang mga Mycenean bilang mga bihasa at malalakas na mandaragat. Ang pinaka-tanyag na Hari ng Mycenean ay si Haring Agamemnon. Sa paglipas ng mga panahon mas naging mapusok ang mga mananakop na sumalakay sa iba’t ibang panig ng Greece kaya hindi na naging ligtas ang pader na tinayo ng mga Mycenean bilang proteksyon sa mga Lokasyon ng Kabihasnang Mycenaean mananalakay. https://en.wikipedia.org/wiki/Mycenaean_Greece#/media/File:Mycenaean_World_en.png 8-AP- Qrt2- Week 1 4 ARALING PANLIPUNAN 8- IKALAWANG MARKAHAN Ang mga Dorian ay isang pangkat ng tao na nanggaling sa hilaga na pumasok sa Greece noong 1100 BCE na tinalo ng mga Mycenean. Samantala nakilala naman ang mga Ionia na tinawag na Ionian, isang pangkat ng tao na may kaugnayan sa Mycenean na tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean upang magtatag ng pamayanan doon. Dark Ages o Madilim Na Panahon ang itinawag sa mga pangyayaring ito na tumagal ng halos 300 taon na naging dahilan ng mas matagalang digmaan sa iba’t ibang panig ng kaharian, paghinto ng mga kalakalan, pagsasaka at iba pang pangkabuhayan na gawain gayundin ang pagudlot ng paglago ng sining at pagsulat. Sistema ng Pagsulat Sina Michael Ventris (cryptologist) at John Chadwick (classical scholar) din ang nakapagpatunay na Linear B ang sistema ng pagsulat ng mga Mycenean. Larawan: Linear B https://en.wikipedia.org/wiki/Linear_B#/media/File:NAMA_ Linear_B_tablet_of_Pylos.jpg Sining ng mga Mycenaean Sinasabi na mayaman at maunlad ang sining ng kabihasnang Mycenaean, patunay nito ang mga nagagandahang mga maskara, palamuti at sandata na yari sa ginto. Nakilala rin ang kanilang panahon bilang “Panahong Homer” batay sa tanyag na manunulat na si Homer na may akda na sikat na epikong “Illiad at Odyssey”. Mycenaean Pottery The Golden Mask of Agamemnon https://www.kobo.com/ww/en/eboo https://www.metmuseum.org/art/coll https://www.greeka.com/peloponnese/mycenae/history k/the-iliad-and-the-odyssey-13 ection/search/240554 /agamemnon-mask/ Gawain NATUTUHAN MO! ITALA MO! Ayon sa binasang datos o impormasyon tungkol sa Kabihasnang Minoan at Mycenean, isulat sa mga kahon ang mahahalagang kaganapan at kanilang mga naging ambag sa kasaysayan ng daigdig. (10 puntos sa kumpletong tugon sa bawat kabihasnan) KABIHASNANG MINOAN KABIHASNANG MYCENAEAN Mahalagang Mahalagang Mahalagang Mahalagang Kaganapan Kaganapan Kaganapan Kaganapan Ambag Ambag 8-AP- Qrt2- Week 1 5 ARALING PANLIPUNAN 8- IKALAWANG MARKAHAN Ang Kabihasnang Greek: Athens at Sparta Ang kabihasnan g Greek ang nagpasimula ng kabihasnang Klasikal sa kasaysayan. Tinawag na Klasikal ang kabihasnan ng Greece, kasama na ang kabihasnang Rome, sapagkat ang kanilang kontribusyon sa kasaysayan sa larangan ng agham, sining, at mga kaisipan ay tinitingala at siyang naging batayan ng mga sumunod na kabihasnan Ang kabuuan ng lupain ng Greece ay tinatawag na Hellas, isang salita kung saan hinango ang katawagang Hellenes sa mga Griyego na naninirahan dito. Larawan hango sa eidolon.pubg Ang pagsisimula ng pagkakakilala sa kabihasnang ito ay ang kanilang pagtatanghal ng paligsahan ng mga laro bilang parangal sa kanilang diyos na si Zeus. Ang paligsahang ito ay naganap sa Olympia noong 776 BC, na ang mga kalahok ay mga lalaking manlalaro sa iba’t ibang paligsahan tulad ng takbuhan, boksing, wrestling, paghahagis ng javelin at discus. Ang pagtatanghal na ito ay naging inspirasyon ng makabagong Olympic Games na nagsimula noong 1896. Ang Polis Ang mga polis o lungsod-estado ay mga pamayanan sa Greece na malaya at may sariling pamahalaan at uri ng pamumuhay. Ang bahaging pinakamataas sa isang lungsod na karaniwang pinagtatayuan ng templo ay tinatawag na acropolis, at sa sentro ng naturang lungsod matatagpuan ang isang malaking pamilihan na tinatawag na agora. Ang mga polis ay napalilibutan ng pader bilang proteksiyon sa mga banta ng pananalakay. Dalawang malakas na polis ang naging tanyag sa buong Gresya – ang Athens, na siyang sentro ng kalakalan at kultura ng Greece, at ang Sparta na siyang may pinaka-magagaling na mandirigma. Athens: Isang Demokratikong Polis Isa sa pinakamahalagang ambag ng Athens sa kasaysayan ay ang pamamahalang demokratiko – ang pamahalaan ng nakararami. Direct democracy ang ipinatupad ng Athens na kung saan ang mga mamamayan ay tuwirang nakikibahagi sa kanilang pamahalaan. Larawan hango sa: lonelyplanet.com Ang pangunahing istruktura ng pamahalaang demokratiko ay binubuo ng konseho at ng asembleya, at ang mga ito ay makikita sa panunungkulan ng mga sumusunod na pinuno: Solon Binuo ang Council na may tig-100 kinatawan mula sa tribo ng Athens at binigyan ng karapatan ng pagiging mamamayan ang mga manggagawa kasama ang kanilang pamilya, kahit hindi sila ipinanganak sa Athens. Larawan hango sa: https://www.google.com/search?q=solon+image&tbm=isch&source=iu&ictx =1&fir=X8BrtObFQviRSM%253A%252CqlxZpLnBbzgkAM%252C_&vet= 1&usg=AI4_- kR7uy4NroSvEsaIalcgAw9f5_YrDQ&sa=X&ved=2ahUKEwjX8smr- IrqAhUDfXAKHe6NAcUQ9QEwB3oECAUQPg&biw=1301&bih=635#img rc=X8BrtObFQviRSM 8-AP- Qrt2- Week 1 6 ARALING PANLIPUNAN 8- IKALAWANG MARKAHAN Cleisthenes Ipinanukala ang ostracism, isang sistema na nagpapahintulot sa mga mamamayan na patalsikin ang sinumang mapanganib para sa Athens. Nabigyan ng pagkakataong maluklok sa pamahalaan ang mga tao; binuo ang Asembly na siyang bumoboto sa pagpapanukala ng isang batas. Larawan hango sa: en.wikipedia.org Pisistratus Ipinagtanggol ang karapatan ng mahihirap at nagpamahagi ng mga lupain at ari-arian ng mga mayayaman sa mahihirap. Larawan hango sa: sutori.com Pericles Bumuo ng Sampung Heneral na siyang namamahala sa Athens at gumagabay sa Assembly sapagkat ang Assembly ay binubuo ng mga karaniwang magsasaka, artisan o simpleng manggagawa na walang karanasan sa pamamahala. Ang Assembly ay repleksiyon na kahit mahihirap ay maaaring maglingkod sa pamahalaan. Sa panahon niya namayagpag ang demokrasya at nakamit ng Athens ang kagandahan nito mula sa pagpapatayo ng magagandag gusali tulad ng Parthenon. Larawan hango sa: tes.com Bukod sa kahusayan sa pamamahala, ang Athens ay kilala rin sa pagiging sentro ng kalakalan sa Greece at ito ang itinuturing nilang pangunahing kabuhayan. Lumikha ang Athens ng mga malalakas na plota sa Dagat Mediterrenean upang mag silbing tanggulan nito. Sparta: Isang Mandrigmang Polis Ang uri ng pamahalaan ng Sparta ay kaiba sa Athens. Pinanatili ng Sparta ang oligarkiya at ang estadong militar nito. Ang layunin ng Sparta ay bumuo ng isang sandatahang lakas na may magagaling na mandirigma. Ang pagbuo ng isang malakas na militar ay nagsisimula sa paghubog ng magagaling na mandirigma. Sinisimulan ito sa pagsasanay ng mga batang lalaki na pitong taong gulang sa isang kampo militar. Larawan hango sa: https://www.google.com/search?q=sparta&tb m=isch&ved=2ahUKEwjPp6uuh4vqAhWBxI sBHT12CHEQ2- Sa ika-20 taong gulang, sila ay itinuturing na isang ganap na sundalo, pinahihintulutang magpakasal ngunit mananatili pa rin na naninirahan sa mga kampo militar. Sa gulang na ito, maaari na silang maging kasapi ng Assembly at manungkulan sa pamahalaan. Bukod sa pagbuo ng magaling na hukbong sandatahan, ang Sparta ay mahusay din sa pagsasaka, at helot ang tawag sa mga tao na naninilbihan sa kanila sa bukid. 8-AP- Qrt2- Week 1 7 ARALING PANLIPUNAN 8- IKALAWANG MARKAHAN Mga Digmaang Kinasangkutan ng Greece Digmaang Graeco-Persia Digmaang Pelopponesian (492-449 BCE) (431-404 BCE) Sinalakay ng Persia (ngayon ay bansang Sa pagnanais ni Pericles na Iran) ang Greece noong 490 BCE. magbuklod-buklod ang mga Sa ilalim ng pamumuno ni Darius the lungsod-estado ng Greece, binuo Great, tinawid ng Persia ang Aegean Sea at ang Delian League na isang bumaba sa Marathon, Athens. Tinalo ng malawak na pedersayon. 10,000 pwersa ng Athens ang 25,000 pwersa Kalaunan, hindi nagkasundo- ng Persia. sundo ang mga lungsod-estado at Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius, sa kabilang banda, naghangad ang ang pananalakay sa Athens. Sa Battle of Athens ng sukdulang Thermopylae, 300 na sundalo ni Leonidas kapangyarihan na nauwi sa ng Sparta ang lumaban kay Xerxes. Isang paggamit ng salapi ng pederasyon Greek ang nagkanulo sa tropa ni Leonidas upang makapagtatag ng malakas kung kaya’t maraming namatay sa kanila. na plota at magagandang gusali. Nang magpatuloy ang pananalakay ni Nang maging imperyo ng Athens, Xerxes, dinala ni Themistocles ang labanan pinangambahan ito ng ibang sa dalampasigan ng Salamis at binangga ng lungsod estado at bumuo ng kanilang maliliit na barko ang malalaking sariling pederasyon, ang barko ng kalaban hanggang sa isa-isang Peloponnesian League laban sa lumubog ng plota ng Persia. Tuluyang Athens. Nauwi ang hidwaan sa nagapi ang Persia nang binuo ang alyansa isang digmaan, na kung saan ng lahat ng lungsod-estado sa Greece tinalo ng Sparta ang Athens noong (kabilang ang Athens, Sparta, Corinth, at 404 BCE. Sa huli, iniwan ng Megara) sa pamumuno ni Pausanias ng digmaang Peloponnesian ang mga Sparta. Greek na mahina at hati. Imperyong Macedonian (336-263 BCE) hinangad ni Philip (hari ng Macedonia) na pag-isahin ang Greece sa ilalim ng kaniyang pamamahala. Kahit na pinagsanib ang pwersa ng Athens at Thebes, nagapi ito ng Macedonia at dito nagtapos ang kapangyarihan ng mga lungsod-estado sa Greece, maliban sa Sparta. Naging tanyag na pinuno ng Macedonia ang anak ni Philip na si Alexander the Great. Sinalakay ni Alexander ang Persia at Egypt, tumungo sa Afghanistan at hilagang India at nagtatag ng isang imperyo nang masakop ang mga ito. Ngunit sa gulang na 32 taon, namatay si Alexander sa Babylon sa di matiyak na karamdaman. Kontribusyon ng Kabihasnang Greek Umunlad ang kabihasnang Greece sa dalawang yugto: una, yaong napapaloob lamang sa Greece na tumutukoy sa Panahong Hellenic; at ikalawa, yaong paghahalo ng kulturang silangan at kanluran na tinatawag na Panahong Hellenistic. Ang pag-unlad na ito ay makikita sa iba’t-ibang larangan: Arkitektura – Mga gusali o templo para sa diyos tulad ng Parthenon para kay Athena, stadium at mga pamilihan; tatlong estilo ng haligi: Doric, Ionic, at Corinthian. Parthenon Greek Column Pinagkunan: en. wikipedia.rg Pinagkunan: dreamstime.com 8-AP- Qrt2- Week 1 8 ARALING PANLIPUNAN 8- IKALAWANG MARKAHAN Eskultura – pag-ukit ng mga Pagpipinta – Karaniwang Dula at Panitikan – mga palabas pigura na ganap at eksakto ang disenyo ng mga pinta ay sa entablado na mayroong aktor at hubog. Ang pinakatanyag na pagkanta, pagsayaw, koro na mayroong diyalogo tulad eskultor ay si Phidias na siyang pagtugtog ng intrumentong ng drama. Mga uri ng drama: humubog sa higanteng estatwa ni pangmusika at iba pa. tragedy at comedy. Athena sa Parthenon. Pinagkunan: en.wikipedia.org Pinagkunan: en.wikipedia.org Pinagkunan: en.wikipedia.org Pilosopiya – Tatlo sa pinakamatatalinong tao sa Greece ang nagpalaganap ng karunungan at katuruan sa mga Griyego, sina Socrates, Plato, at Aristotle. Relihiyon o paniniwala – tradisyunal na paniniwala sa Greece ay ang pagsamba sa iba’t ibang diyos tulad ni Zeus (hari ng mga diyos), Hera (diyosa ng pag-aasawa, asawa ni Zeus), Hestia (diyosa ng hearth), Hades (diyos ng underworld at mga patay), Poseidon (diyos ng karagatan), Apollo (diyos ng araw), Aphrodite (diyosa ng pag-ibig), Ares (diyos ng digmaan), Athena (diyosa ng karunungan), at iba pa. Agham – Magaling ang mga Greek sa matematika. Pinaunlad ni Pythagoras aprinsipyo sa geometry, ang Pythagorean Theorem. Si Archimedes naman ang nagbigay ng paraan ng pagsukat ng bilog sa pamamagitan ng circumeference nito, at sa kabilang banda ay natuklasan din niya ang prinsipyo ng specific gravity. Si Euclid naman ang tinaguriang “Ama ng Geometry.” Si Democritus naman ang nagpanukala ng ideya na ang lahat ng bagay ay bunubuo ng maliit na sangkap na tinatawag na atom. Pagsulat ng Kasaysayan – Ang salitang history ay unang ginamit ni Herodotus nang isulat niya noong 440 BCE ang History of the Persian Wars bilang isangng ulat ng mga kaganapan sa digmaan ng Greece at ng Persia. Medisina – Si Hippocrates ang nagtatag ng isang paaralan para sa medisina, at gumamit siya ng siyentipikong paraan ng panggagamot sa may sakit. Si Herophilus (Ama ng Anatomy) at si Erasistratus (Ama ng Physiology) ang nagpaunlad ng kaalaman ukol sa katawan ng tao. Natutuhan sa Aralin Isagawa: Venn Diagram. Punan ng diagram ng mahahalagang datos ukol sa pagkakahalintulad at pagkakaiba ng lungsod-estado ng Athens at Sparta. 8-AP- Qrt2- Week 1 9 ARALING PANLIPUNAN 8- IKALAWANG MARKAHAN A- B- Bilog A – katangian at ambag ATHENS SPARTA ng Athens 1. 1. 1. Bilog B – katangian at ambag 2. 2. 2. ng Sparta 3. 3. 4. 3. 4. Gitnang bilog – ang pagkakahalintulad ng 5. 5. Athens at ng Sparta Tandaan ✓ Ang kabihasnang Minoan ay sumibol sa pulo ng Crete sa Agean Sea. Sila ay may sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na Linear A, at ang kanilang kabisera ay ang Knossos. ✓ Sinalakay ng mga Mycenaean ang Minoan at sila ay naging hari ng komersiyo sa Agean Sea. Ang kanilang kabisera ay Mycenaea at ang pinakatanyag na hari nito ay si Agamemnon. Linear B ang kanilang sistema ng pagsulat. ✓ Ang panahong Hellenic ay panahon ng pag-unlad ng kabihasnang Greek. ✓ Ang yunit ng samahang pampolitika ng Greece ay polis o lungsod-estado. Ang Athens at Sparta ang pinakatanyag sa polis sa Greece. Ang Athens ang nagpasimula ng ideolohiyang demokrasya. Ang Sparta naman ay nakatuon sa pagpapalakas ng hukbong sandatahan, at nagpasimula ng oligarkiya. ✓ Ipinamalas ng Greece ang kagalingan ng kabihasnan nito sa larangan ng agham, arkitektura, drama, eskultura, medisina, pagpipinta, kasaysayan, paniniwala, at pilosopiya. Panghuling Pagsusulit Panuto: Punan ang tabulasyon ng kontribusyon ng mga lungsod estado ng Gresya at epekto nito sa kasalukuyan. (2 puntos sa bawat kasagutan) LARANGAN ATHENIANS SPARTANS EPEKTO 1. Medisina 2. Politika 3. Arkitektura 4. Pilosopiya 5. Kasaysayan Pagninilay Binabati kita! Ikaw ay naging matagumpay sa pagsagot sa bawat gawain ng modyul na ito. Atin namang pagnilayan ang bawat ideya at konsepto na iyong natutunan upang magkaroon ng malalim na saysay ang mga ito sa iyong buhay. Bumuo ng isang maikling sanaysay o essay bilang iyong repleksiyon sa kabuuan ng paksa. 1. Para sa iyo, ano ang 3 pinakamahalagang ambag ng Gresya sa sangkatauhan na umiiral o kapansin-pansin pa rin sa kasalukuyan? Magbigay ng mga halimbawa o pangyayari na magsisilbing ebidensya sa iyong kasagutan. 2. Sa kasalukuyang panahon ano ang maaari nating tularan sa mga pilosopiyang natutunan na maaari nating maging gabay sa paglaban at pagbangon na dala ng pandemiya. Ipaliwanag ang iyong sagot. SUNDIN ANG PANUNTUNAN SA PAGMAMARKA NA IBIBIGAY NG GURO 8-AP- Qrt2- Week 1 10 ARALING PANLIPUNAN 8- IKALAWANG MARKAHAN SAGUTANG PAPEL- Week 1 Pangalan________________________________________________________________ Pangkat __________ Guro __________________________________________ 1. 2. 3. 4. 5. Panuto: Ibigay ang mga ambag sa kasaysayan ng mga kabihasnang (1) Mesopotamia , (2) Indus, (3) Egypt, at (4) Tsina. Sundin ang format: GAWAIN NATUTUHAN MO! GAWIN MO! ILAGAY SA PORTFOLIO Panuto: Isagawa: Venn Diagram. Punan ng diagram ng mahahalagang datos ukol sa pagkakahalintulad at pagkakaiba ng lungsod-estado ng Athens at Sparta. Panuto: Punan ang tabulasyon ng kontribusyon ng mga lungsod estado ng Gresya at epekto nito sa kasalukuyan. ILAGAY SA MALINIS NA PAPEL LARANGAN ATHENIANS SPARTANS EPEKTO PAGNINILAY: ILAGAY ANG SAGOT SA PORTFOLIO 8-AP- Qrt2- Week 1

Use Quizgecko on...
Browser
Browser