Document Details

BlamelessClimax317

Uploaded by BlamelessClimax317

Bb. April Lyn M. Borras LPT

Tags

Filipino research methodology data analysis research methods Filipino studies

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga materyales tungkol sa pag-aayos ng datos at mga hakbang sa pananaliksik gamit ang mga halimbawa mula sa kultura ng Pilipinas. Saklaw nito ang kahalagahan ng awtentikong datos, pamamaraan ng pananaliksik, at pagbuo ng resulta.

Full Transcript

Pag-aayos ng Datos Magbigay ng isa sa hakbang sa pananaliksik. Pag-aayos ng Datos Panuto: Magbigay ng iyong sariling pag-unawa o kaalaman kapag sinabing “awtentikong datos”. Bakit mahalagang pag-aralan ang pananaliksik? Bakit mahalagang pag- aralan ang pananaliksik? Bakit kailangan...

Pag-aayos ng Datos Magbigay ng isa sa hakbang sa pananaliksik. Pag-aayos ng Datos Panuto: Magbigay ng iyong sariling pag-unawa o kaalaman kapag sinabing “awtentikong datos”. Bakit mahalagang pag-aralan ang pananaliksik? Bakit mahalagang pag- aralan ang pananaliksik? Bakit kailangan isaalang- alang ang paggamit ng pahayag sa pag-aayos ng datos? Karamihan sa mga naisusulat o pag-aaral na bunga ng pananaliksik ay tao ang malimit gamiting paksa. Dahil dito, kung gagamit ang mananaliksik para makakuha o makapangalap ng mahahalagang impormasyon ay dapat siyang makapaghanda ng mga tanong para sa kaniyang isasagawang pag-aaral. Ngunit bago siya maghanda ng mga tanong ay dapat tanungin muna niya ang kaniyang sarili: 1. Ano ang layunin ng pag-aaral? 2. Ano ang inaasahan kong matutuklasan sa aking pag-aaral? 3. Gaano kalaki ang kapakinabangang makukuha ko sa aking pag-aaral? Ang isang matagal na gawain sa paghahanda ng pananaliksik ay ang pangangalap ng datos. Ito`y nangangailangan ng sapat na panahon para makakuha ng datos na gagamitin sa pag- aaral. Bago isagawa ang pananaliksik, dapat na nakabuo na ng ideya ang mananaliksik kung saan at paano siya makapangangalap ng mga datos. Isinasaalang-alang dito ang mga natapos ng tesis at disertasyon, mga aklat, manwal, brochure, pamphlet, dyaryo, magasin, teyp, video, at iba pa. Maaari rin namang tuwirang interbyu sa mga taong malaki ang naiaambag sa ikahuhusay ng isinasagawang pananaliksik. Ang isang pananaliksik ay nangangailangan din ng estadistika o haypotesis na patutunayan at kaugnay na mga pag-aaral, dapat itong ipaliwanag sa pamamagitan ng pagsusuri at pag- iinterpret ng mga datos. Kailangang makapangalap ng maraming datos ang isang manunulat kaugnay ng paksang kaniyang isusulat. Magiging kapani-paniwala ang isang akda o sulatin kung ito ay nakabatay sa mga awtentikong datos. Ipinahahayag sa bahaging ito ang kongkretong ibinunga at mga natuklasan sa pag-aaral batay sa mga impormasyon o datos na nakalap sa pananaliksik nang sa ganoon ay makapagmungkahi at makagawa pa ng mas malalim na pag-aaral. Halimbawa: Ang mag-aaral, bagamat wala sa hilig nila ang pagbabasa ng mga aklat pampanitikan, ay napipilitan silang magbasa sapagkat ito ay kasama sa kanilang kurikulum. Lumalabas sa pag-aaral, maraming salik kung bakit hindi nahihilig ang mga mag-aaral na pahalagahan ang mga pampanitikang akda sa Filipino ay dahil sa sumusunod: gurong nagtuturo pamamaraang ginagamit sa pagtuturo kagamitang angkop sa lebel ng mga tinuturuan iba pang salik Sa pagsusulat ng resulta ng pananaliksik, dapat ding tandaan at isaalang- alang ang paggamit ng pahayag sa pag-aayos ng datos. May mga panandang naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba`t ibang bahagi ng pagpapahayag. Ilan sa mga panandang magagamit sa pag- aayos ng mga datos ay ang una, sunod/sumunod, saka, bilang pagtatapos, wakas o sa dakong huli. Narito ang mga pananda na nagpapahiwatig sa pag-aayos ng datos: sa pagsisimula : sa una, sa umpisa, noong una, unang-una ikalawa, ikatlo, gitna :..., sumunod, pagkatapos, saka sa dakong huli, sa huli, sa wakas : wakas Pagbabagong-lahad : sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita bigyang- pansin ang, Pagbibigay-pokus : pansinin na, tungkol sa kasunod, din/rin Pagdaragdag muli Paglalahat : bilang paglalahat, sa kabuoan, samakatawid Pagtitiyak o pagpapasidhi: siyang tunay, walang duda, talaga Panuto: Basahin ang sumusunod na mga awtentikong datos. Batay dito, bumuo ng maikling resulta ng pananaliksik. Gamitin ang mga pahayag sa pagsasaayos ng mga datos. 1. Ayon sa mga cultural anthropologist, tumutukoy ang kultura sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao kung saan ito‟y binubuo ng mga tinatawag na kinagawiang kaugalian ng mga tao at mga bagay-bagay na naaayon sa kanilang paniniwala. Kasama rito ang iba‟t ibang tradisyon ng mga Pilipino katulad ng pamamanhikan, pagmamano o paghalik sa pisngi o kamay ng mga matatandang kamag-anak, pagdiriwang tuwing pista, pagsagot ng „po‟ sa nakatatanda at marami pang iba kung saan tumutukoy lamang ito sa mga kaugaliang Pinoy na ipinapasa sa bawat susunod na henerasyon. Rubin,et al.Retorika,Wikang Filipino at Sulating Pananaliksik. Manila,Philippines.Rex Books Store,Inc.2006 2. Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan- mananakop o kaibigan na may naiibang kultura - ang wikang ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay ay yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na ganap nang inangkin. Sa paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na may kayarian o kaanyuang katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay nagkaroon na rin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino, at naging kasangkapan na sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino. Bisa,Simplicio R. “Wika at Kultura: Pagsasaling Nagpapakahulugan”. Home Malay. vol.9 no.1 1991 3. Ang sistema ng kaugaliang Pilipino ay tumutukoy sa mga kaugalian na ipinapahalaga ng karamihan ng mga Pilipino. Itong sistema ng kaugaliang Pilipino ay may katangi-tanging katipunan ng mga ideyolohiya, moralidad, kabutihang asal, wastong kagawian, at kahalagahang personal at kultural na itinatakda ng lipunan. https://tl.wikipedia.org/wiki/Kaugaliang_Pilipino 4. Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay hindi maitatangging marami tayong namana sa ating mga ninuno na mga kaugalian. Isa na rito ang paggalang sa mga nakakatanda sa pamamagitan ng pagsabi ng “po” at “opo” at pagmamano sa kanila. Ang isa pang halimbawa ay ang pagbabayanihan ng mga Pilipino. https://lazygeen.wordpress.com/2016/08/22/kulturang- pilipino -salamin-ng-kasaysayan-ng-bansa/ A.Panuto: Magsurbey sa iyong 20 kaibigan sa labas ng iyong silid-aralan tungkol sa kanilang piniling pamamaraan ng pag-aaral noong panahon ng pandemya. Bumuo rin ng tatlong tanong kung bakit ito ang kanilang pinili. Mula rito, bumuo ng isang maikling resulta ng iyong pananaliksik at gamitin ang mga pahayag sa pagsasaayos ng datos. Rubriks Kaangkopan sa paksa 10% Pagkabuo ng mga salita 10% Orihinalidad 10% Kabuuan 30% Panuto: Magsaliksik ng mga awtentikong datos kaugnay sa katutubong kulturang Pilipino. Gamit ang mga nasaliksik, bumuo ng talata na naglalahad ng resulta ng pananaliksik. Gamitin ang mga pahayag sa pagsasaayos ng mga datos. Ipagpapareha sa tatlo ang buong klase. Isulat ito sa buong papel. Paksa: Katutubong Kulturang Pilipino Rubriks Kaangkopan sa paksa 10% Pagkabuo ng mga salita 10% Pagkamalikhain 10% Kabuuan 30%

Use Quizgecko on...
Browser
Browser