Komunikasyon 2nd Quarter Reviewer (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- FILIPINO: Wikang Pambansa PDF
- KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO PRELIM REVIEWER PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Module 1 PDF
- Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino: Lecture Notes PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura (Tagalog) PDF
- 001.11-KPWKP.pdf - Centro Escolar Integrated School - Tagalog Document (PDF)
Summary
This reviewer discusses communication in Tagalog. It covers various aspects, such as the components of discourse, text structure and rhetorical elements. It then provides steps for creating research papers, covering topics from formulating good research questions, planning and executing the study in a systematic way and then presenting the final paper, including research methodology.
Full Transcript
Ang Pagpapahayag o DISIKURSO ay tawag sa pagkakaroon ng makahulugang pagpapalitan ng mga pangungusap ng tao. Nakabubuo ng pagpapakahulugan sa kakayahang diskurso ang isang tao mula sa ipinapahayag ng mga sitwasyon ayon sa isang konteksto. Ang bawat salita sa pangungusap ay may ugnayan kaya nakapagbi...
Ang Pagpapahayag o DISIKURSO ay tawag sa pagkakaroon ng makahulugang pagpapalitan ng mga pangungusap ng tao. Nakabubuo ng pagpapakahulugan sa kakayahang diskurso ang isang tao mula sa ipinapahayag ng mga sitwasyon ayon sa isang konteksto. Ang bawat salita sa pangungusap ay may ugnayan kaya nakapagbibigay ng makabuluhang serye ng usapan/pahayag. Ang kakakayahang diskurso ay pangkalahatang tumutukoy sa kakayahang maunuwaan at maipahayag ang sarili gamit ang sariling wika. Ang pagsusuri ng paksa ay nakikita sa kung gaano kahusay ang isang indibiduwal na makipagtalastasan gamit ang isang konteksto. Dalawang Kakayahang Pandiskurso: 1.Tekstuwal – sinusukat ang kakayahan ng isang indibiduwal kung paano magbasa at umunawa ng iba’t ibang teksto. Mahalagang isaalang-alang ang kohesiyon at ang koherens. Ang Kohesiyon ay kung paano ang aktuwal na salita sa isang teksto ay nakaugnay at umayos sa isa’t isa upang makabuo ng isang kahulugan sa antas ng sintaks. Isang ring internal na elemento ay ang Kohirens, paano ang pangungusap ay pinagsasama-sama upang makabuo ng makahulugang teksto. 2. Retorikal – masining na pagpapahayag na nagtatawid ng kahulugan mula sa epektibong paggamit ng wika. Binubuo ito ng tatlong komponent: una, kung paano naunuwaan ng isang indibiduwal ang sinabi sa hanay ng isipiker; ikalawa, ang paraan ng pagpasok ng kaniyang opinyon sa usapan at; ikatlo, kung gaano katatas naipahayag ng indibiduwal ang kaniyang ideya sa awdyens sa nagaganap na senaryo. Wastong gamit ng mga salita Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik 1. Pagpili ng Mabuting Paksa - Mahalagang piliing Mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang isang sulating pananaliksik. Nararapat na ang paksa ay pinag-iisipang Mabuti at dumadaan sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak na makabuo ng isang makabuluhang sulatin. - Mga tanong na maarong gamitin sa pagbuo ng paksa. - 1. Interesado bas a paksa? - 2. Angkop, Makabuluhan at interesado ba ang paksa? - 3. Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? - 4. Kaya bang taopusin ang paksa? - 5. Marami kayang sanggunian na masusulat ukol dito? 2. Pagbuo ng Pahayag na Tesis - Ito ang pahayag na nagsasaad ngposisyong sasagutin o papatunayan ng iyong bubuoing pananaliksik. Mga tanong na maaring gumabay sa direksyon sa pagbuo ng pahayag ng tesis. - 1. Ano ang layunin ng pananaliksik? - 2. Sino ang mambabasa? - 3. Ano ang kagamitan ang kakailanganin? 3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliograpiya - Maaring makakuha ng sanggunian sa aklatan o internet. Maging maingat at suriing Mabuti ang ang mga talang makukuha sa internet sapagkat maraming impormasyon mula rito ang kaduda-duda o minsan ay walang katotohanan. 4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas. - Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang magbigay direksyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy kung ano-anongmateryal pa ang kailangan hanapin. 5. Pangangalap ng Tala o Note Taking - Isulat ng mgaayos ang iyong mga tala maaring gumamit ng Index Card na naglalaman ng Paksa na hango sa iyong balangkas, Pangalan ng Awtor o su,mulat. Pamagat ng Aklat at pahina; at isulat ang iyong tala. - Maaring gumamit ng tuwirang sipi o buod 6. Paghahanda nng Sitwasyong Balangkas - Sinusuring Mabuti ang ang inihandang tentatibong balangkas upang tiyak ang mga bagay na kailangan pang baguhin o ayusin. 7. Pagsulat ng Burador - Mula sa iwinastong balangkas ay maaring magsimulang sumulat ng burador. Kinakailangn naglalaman ng Introduksyon, katawan at Kongklusyon. 8. Pagwawasto at Pagrerebisa. - Basahing Mabuti at iwasto ang isinagawang sulatin sa burador. 9. Pagsulat ng Pinal na Sulatin Mananaliksik