Parsyal na Deskripsyon ng Ponemang Segmental at Varayti ng Wikang Taubuid Mangyan PDF

Document Details

BoomingJupiter7508

Uploaded by BoomingJupiter7508

Occidental Mindoro State College

Jovina G. Lazo

Tags

wika ponemang segmental etnolinggwistika pag-aaral

Summary

This document is a partial description of the segmental phonemes and varieties of the Taubuid Mangyan language. It is an ethnographic linguistic study conducted through immersion in the Taubuid community. The study details the number and description of segmental phonemes, unique characteristics, and varieties based on age.

Full Transcript

Revisiting Cultures through History and Religion Parsyal na Deskripsyon ng Ponemang Segmental at Varayti ng Wikang Taubuid Mangyan: Isang Etnolinggwistikong Pag-aaral Jovina G...

Revisiting Cultures through History and Religion Parsyal na Deskripsyon ng Ponemang Segmental at Varayti ng Wikang Taubuid Mangyan: Isang Etnolinggwistikong Pag-aaral Jovina G. Lazo 62 Master ng Sining sa Pagtuturo ng Filipino Occidental Mindoro State College [email protected]. Abstrak Ang kwalitatibong pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa ponemang segmental ng wikang Taubuid. Naglayong makamit ang mga sumusunod na layunin: una, malaman ang bilang ng ponemang segmental mayroon ang wikang Taubuid ikalawa, mailarawan ang deskripsyon ng bawat ponemang segmental nito; ikatlo, maipaliwanag ang natatanging katangian ng mga ponemang segmental ng wikang Taubuid; at ikaapat, matukoy ang varayti ang makikita sa paraan ng pagbigkas ng wikang Taubuid ayon sa edad. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng disenyong pagsusuring palarawan. Isinagawa ito sa pamamagitan ng pakikipamuhay o imersyon sa komunidad ng mga katutubong Taubuid sa loob ng sampung araw sa Tamisan, Poypoy, Calintaan. Ang instrumentong ginamit ay purposive sampling sa pakikipanayam, pagtatala ng mga obserbasyon, pakikipagsalamuha at pagrerekord ng audio at video. Sa pagsusuri, sinunod ang klasikal na paraan ng paglalarawan ng mga ponema at ayon rin sa Distinctive Feature Theory nina Jakobson at ang Speech Accommodation Theory nina Giles (1979) para sa varayti ng wika. Napag-alamang may 21 ponema ang wikang Taubuid, anim na patinig at labinlimang (15) katinig. Natuklasan din ang wikang ito ay may tunog na /f/ ngunit walang tunog na /h/ o glottal, bukod dito na may natatanging taglay na kambal katinig na na gs,gf, at gt na hindi karaniwan sa wikang Filipino. Natukoy rin ang varayti ng wikang Taubuid sa paraan ng pagbigkas sa ikatlong kapanahunan na may edad 29 pababa na kinabibilangan ng mga kabataang katutubong Taobuid, kung saan nawawala ang tunog /ë/ ay nagiging tunog na /u/, gayundin ang mga kambal-katinig na /gs/,/gf/, at /gt/ na nagiging /ks/,/kf/, at /kt/ sa kasalukuyan. Susing salita: Mangyan, Wika, Taubuid, ponemang segmental, deskripsiyon, ponema Panimula Ayon sa mga dalubwika na binanggit sa sulatin nina Garcia et. al. (2013), “ang wika at kultura ay magkaagapay kaya nga nararapat na kapwa ito mahalin at linangin bilang simbolo ng katatagan at pinagmulan ng isang bansa.” Sa wika at kultura nag-uugat ang lahing gumaganap ng malaking tungkulin sa lipunang ginagalawan. Ayon kay Leonor Oralde-Quintayo, Tagapangulo ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), sa tantya nila humigit-kumulang labing-apat (14) na milyon ang mga katutubo sa Pilipinas, at kadalasan, nakatira sila sa kabundukan at malalayong lugar. Binanggit din niya na upang maiwasan ang tuluyang pagkamatay ng mga wika, iginiit ni Quintayo ang kahalagahan hindi lang ng paggamit ng wikang katutubo bilang paraan ng komunikasyon, kundi pati 4. Matukoy ang varayti ng paraan ng pagbigkas ng rin ng patuloy na pananaliksik at pagdodokumento wikang Taubuid batay sa edad ng mga wikang ito (Rappler.com, 2015). Balangkas Teoretikal Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang makatugon sa pangambang pagkawala ng Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa 63 katutubong mga wika bagaman ito ay parsiyal pa ponemang segmental. Kung kaya ang pag-aaral na ito lamang o panimulang pag-aaral. Magaganap ito isa sa ay nakabatay sa klasikal na teorya ng ponolohiya mga katutubong tribo sa probinsiya ng Occidental (Classical Phonology). Ayon kay Tatham (1999), ang Mindoro sa bayan ng Calintaan, Barangay Poypoy, teoryang ito ay gumagamit ng paraan at punto ng Sitio Tamisan. artikulasyon sa pagklasifika ng mga katinig at mataas- mababa o harap at likod na sistema naman sa patinig. Mga Layunin Ang layunin nito ay matukoy ang mga tunog at paano ito binibigkas ayon sa kanilang artikulasyon. Batay Narito ang layunin ng pag-aaral na ito ukol sa naman kay Sommerstein (1977), ito ay imbestigasyon deskripsyon ng ponema at varayti ng wikang ukol sa katangian ng pagbigkas ng tunog ng isang Taubuid; partikular na wikang pinag-aaralan. 1. Malaman ang bilang ang ponemang segmental na Bukod dito pinapanaligan din ng pananaliksik taglay ng wikang Taubuid. na ito ang teoryang Speech Accommodation Theory ni Howard Giles na binanggit sa pananaliksik nina 2. Mailarawan ang deskripsyon ng mga ponema ng Macatabon et.al (2016), na nagpapaliwanag sa wikang Taubuid motibasyon at kinalabasan ng mga pangyayari kung bakit ang ispiker ay nagbabago ng istilo o paraan sa 3. Maipaliwanag and katangian ng ponemang pakikipagkomunikasyon. Nahahati sa dalawa ang segmental batay sa aktuwal na gamit ng mga Speech Accommodation Theory- ang linguistic nagsasalita nito batay sa malilikom na mga convergence at linguistic divergence. katutubong salita. Balangkas Konseptwal Ang dayagram na ito ay nagpapakita ng kabuuang konsepto ng pag-aaral ng mananaliksik. Natatanging Ponemang Katangian Segmental ng Varayti ng wika ngWikang Wikang Taubuid Taubuid Figyur 1. Paradaym ng Pag-aaral Revisiting Cultures through History and Religion PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK Instrumento ng Pananaliksik Disenyo ng Pananaliksik Ang mananaliksik ay nakipanayam at nakipagkuwentuhan sa mga katutubong Taubuid Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay deskriptib Mangyan at nagmasid sa mga obserbasyon na kalakip 64 o palarawang pagsusuri o descriptive analytic. Ayon ng isinagawang imersiyon sa Poypoy, Calintaan. Sa sa binanggit ni Restifiza (2012), sa kanyang pag-aaral pakikikipanayam gumamit at isasaalang-alang ang batay kay Mahsun (2005) ang pag-aaral ng wika sa ang mga kriteryang itinakda para sa mga magiging paraang palarawan ay isinasagawa sa pamamagitan respondenteng makakapagbigay ng sapat na ng pag-oobserba sa wika sa loob ng mahabang impormasyon ukol sa wika. Ginamit rin ang ibinigay panahon. Ito ay paglalarawan at pag-uunawa ng mga ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) na pangyayari o kasalukuyang mga sitwasyon. Ang mga minodifikang wordlist ni Jesus Peralta na isinulat sa mapagkukunan ng datos ay maaring tao, mga transkripsyong ponemiko batay sa pagkakabigkas ng dokumento, nairecord na awdyo ng datos. Gumamit mga respondente. Ang mananaliksik habang din si Restifiza (2012) ng istruktural na dulog sa nakipanayam at nagtala, at sinigurong may video/ pagsusuri ng mga nakuhang korpus o datos na audio recorder at camera. Bago makipanayam ay pinabigkas sa mga respondente, ito rin ang magiging nagpakilala ang mananaliksik at ilalahad ang pag- batayan sa pagsusuri sa pag-aaral na ito. uusapang paksa ngunit sisikaping maging kaswal lamang. Panahon at Lugar ng Pag-aaral Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Sitio Tamisan, Barangay Poypoy, bayan ng Calintaan, sa Ang mananaliksik ay siniguradong may lalawigan ng Occidental Mindoro. Ang panahon ng nahinging pahintulot at suporta ng mga lider ng pamamalagi ng mananaliksik sa pamayanan ng mga pamayanan, mga gatekeeper ng komunidad tulad ng katutubo ay binubuo ng sampung araw: Hunyo 30, NCIP, nakipag-ugnayan din ang mananaliksik sa mga 2018, Hulyo 20-23, 2018, Agosto 3-5, 2018 at pinuno ng barangay ng Poypoy Calintaan, kung kaya Nobyembre 7,2018. sa bawat pagpasok ay magkakaroon ng entrance fee. Sa pagpasok sa komunidad, upang makaalinsunod sa protocol ng etika ng pananaliksik, ang mga Mga Respondente mananaliksik ay kukuha ng Free Prior and Informed Consent (FPIC) mula sa mga lider at gatekeeper ng Ang kabuoang bilang ng pananaliksik na ito ay komunidad. Gumawa ng liham ng mga pagpapabatid binubuo ng 15 respondente at isinaalang-alang ang at nagbigay-pugay sa Kapitan ng Barangay na si G. mga itinakdang pamantayan sa pagpili ng mga Freddie Aglipay noong Hulyo 23, 2018, sa lider ng respondente o languageresource person (lrp). Ginamit komunidad at Punong-tribong si Ginoong Fausto ng kwalitatibong pananaliksik na ito ang purposive Noveloso bago ang imersiyon. Sa pamamagitan nito, sampling sa pakikipanayam upang makakuha ng naisaalang-alang ang kaligtasan ng mga mananaliksik datos na kinakailangan mula sa mga respondente. at mapangalagaan ang kultura ng mga katutubong Ang mananaliksik ang pumili ng kakapanayamin na Taubuid. nagtataglay ng sapat na impormasyon at karanasan ukol sa paksa. Ang mga mananaliksik ay nakipamuhay o Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos nagsagawa ng imersiyon. Ang isinagawang imersiyon ay nagtagal nang sampung araw sa pamayanang Ang pagsusuri sa pag-aaral na ito ay ang mga Taubuid sa Sitio Tamisan, Poypoy, Calintaan. sumusunod: Kinakailangang ito upang makita, maunawaan, mapahalagahan at maiangkop ang sarili sa pamilyang (1) Ang mananaliksik ay nangolekta ng datos 65 Taubuid kaugnay ng kanilang kultura at wika. (audio o video), idinokumento, at inilarawan ang mga nakuhang impormasyon mula sa Kasabay nito ang pakikipanayam, pagrerekord mga respondente; ng mga salita at obserbasyong partisipant ang (2) Ang mga panayam ay isinalin sa anyong gagamitin sa pagkalap ng impormasyon. Bago ang pasulat pagkatapos na ito’y maisagawa; interbyu, tiniyak ang taong kakapanayamin ay talagang makasasagot sa paksa. Habang nag- (3) Ang mga obserbasyon at panayam ay iinterbyu, sinikap na kaswal lamang at iniangkop ang isinusulat at isinaayos ayon sa layunin; mga tanong sa daloy ng usapan. Pagkatapos ay (4) Ang wordlist na ipinabigkas ay ginawan ng magpapasalamat sa pagpapaunlak sa panayam. transkripsyong ponemiko upang malaman Habang isinagawa naman ang pagmamasid ay may ang wastong bigkas ng mga salita. field notes na ginamit upang itala ang mahahalagang (5) Sinuri ang mga salita at pahayag na nakalap gawi ng mga katutubo nakatulong sa pagpapaliwanag matapos ay ikinaklasifika ayon sa tema na sa pag-aaral ng kanilang wika. Kukuha ng mga video at larawan nang may pahintulot ng mga miyembro ng nakalapat batay sa layunin ng pananaliksik na ito. komunidad na kasangkot. Ang ginawang pagkuha ng larawan, audio at video ay nakasalalay sa pahintulot ng mga miyembro ng komunidad. Matapos nito ay isinaayos ayon sa layuning dapat matamo. Sa pamamagitan ng mga talahanayan upang maging mas mainam ang pagpapaliwanag ng Matapos ang isinagawang imersiyon ay lubos na mga datos. Pag-uugnayin ang paksa at paglalarawan. nagpasalamat ang mananaliksik sa mga katutubo sa At huli, ang bumalik sa lugar kung saan naganap ang kanilang matiyagang pakikiisa sa pag-aaral. imersiyon upang ibalida ang mga datos at muling Sinimulang isaayos ang mga datos upang masuri ang isinagawa ang pinal na kinalabasan ng pag- aaral. mga tunog na taglay ng wikang katutubo. Matapos ay ibinalida o kinumpirmang muli sa mga katutubo upang matiyak na wasto ang mga datos. Revisiting Cultures through History and Religion PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Tala ng mga Nalikom na Ponema silang dalawampu’t isang (21) ponema, anim na patinig a,e,i,o,u at ë at may labinlimang (15) bilang ng Batay sa nakalap na mga salita at nairekord na katinig na kinabibilangan ng mga letrang b,d, 66 f,g,k,l,m,n, ng ,p,r,s,t,w, at y, makikita sa baba nito ang tunog sa ng wikang Taubuid at sampung araw na pakikipamuhay sa kanila napag-alamang mayroon tala ng ponema. Talahanayan 1. Tala ng mga Ponemang Wikang Taubuid. INDIKEYTOR HALIMBAWA BILANG Patinig a,e,i,o,u at ë 6 Katinig b,d,f,g,k,l,m,n, ng ,p,r,s,t,w, at y 15 Kabuoan 21 Talahanayan 2. Mga Pares Minimal ng Patinig ng Wikang Taubuid. Pares Minimal Salitang Taubuid Kahulugan sa wikang Filipino /o/ at /u/ bíu uri ng shell bío agila sóso nami súsu susu físo gulok físu away /u/ at /i/ lúlu ari ng lalaki líli pagkiliti sa baboy /a/ at /u/ Fúfu lolo fáfa kanin /u/ at /e/ lúlu ari ng lalaki léle dila /i/ at /e/ líli pagkiliti sa baboy líle dila líplip pikit mata léplep dila /e/ at /a/ ngénge sanggol ngánga mapulang bagay na nginunguya /o/ at /a/ báybay marami bóyboy bulak /ë/ at /o/ sábo sabaw sábë oo Nabuo ang talahanayan batay sa ibinigay na mga tunog ang bawat ponemang patinig, sapagkat salita at kahulugan ng mga respondenteng katutubo. nakapagdudulot ito ng pagbabago ng kahulugan, Makikita sa talahanayan 2 na makabuluhang gayunpaman walang nakitang patinig na malayang nagpapalitan. Samakatuwid, ang wikang Javanese at Ang bilang ng diptonggo ng wikang Taubuid ay wikang Taubuid ay magkatulad ng patinig na ponema lima (5) ito ay ang mga aw,ay,oy, uy at ow. Ngunit (u,i, e,ə,o at a). Hindi ito nakapagtataka sapagkat ang pinakalimitado ang diptonggong ow at wala silang wikang Javanese ay kabilang din sa Malayo- taglay na diptonggong uw. Polynesian na nasa pamilya ng wikang Austronesyo. 67 Talahanayan 3. Mga Diptonggong Wikang Taubuid. HALIMBAWA SALITA aw méyaw (pusa), karábaw (kalabaw), faw (damo), áraw (gubat), bilíyaw (bumili), ngétaw (bisita), ngáaw (ano), duláw (luyang dilaw), magálaw (panget), sángdaw(silo) ow row (pupunta) ay búkay (kamote), gwaywáy (iyak), álay (maliit) , magánway (magaan), fadúksay (kapatid), bay (tiya) sáyay (sayaw), taygelédan (nakahiga), kaylat (gusto) oy sisdaygúyoy (palikuran), bóyboy (bulak), daygúyoy (likod), nanguroy, (tawagin) uy mómuy (tamad), ráwuy (prutas), balínguy (kamoteng kahoy), fúyfurit (paniki) Sa huling paksa naman para sa unang layunin ay Sa pagsusuri halos lahat ng kambal patinig na ang kambal-katinig. Ang mga kambal katinig naman nagsisimula sa letrang g ay mga pandiwa, tanging na mayroon ay gl,gr, gw, at ts na karaniwan sa ibang glúlo (maluwag) lamang ang pang-uri. Ngunit kung wika, ngunit bukod dito may natatanging kambal- minsan ang letrang g na ito ay panlapi lamang upang katinig na gs,gf, at gt ang wikang ito. Ang mga ipakita ang pawatas o pautos at aspektong kambal-katinig sa wikang Taubuid ay makikita pangkasalukuyan. lamang sa unahan. Talahanayan 4. Mga Kambal-katinig ng Wikang Taubuid. HALIMBAWA MGA SALITA gl glúlo (pu. maluwag), glínog (png.lindol)gláyog(pd. lakad) , glángfe (pd.makikiraan) , glúkwan (pd.paalam), glágas ( pd.habol), glowátam (pd.lakad) , glo (pd. papunta), gb gbul (pd.pagkuha) gf gfábat (pd. itinataas), gfánya(pd.maghintay) , gfíli (pd.pumili), gfafíya(pd.pagalingin) gt gtúdan(pd. luhod),gtánum(pd.nagtatanim) gr gránggot (pd.hilahin), grírok (pd.nagsusulat) gw gwáyway (pd.iyak) gs , gsiúk,gseg(sinasamba), gsúso (pd. sumuso) ts tsuy(ph.dito) ,tsigon( ph. doon) *pu.-pang-uri *ph-panghalip *pd.-pandiwa *pg.-pangngalan Revisiting Cultures through History and Religion Deskripsyon ng Bawat Ponema Ang paglalarawan ng patinig ay ayon kung saan nabubuo ang tunog batay sa bahagi ng dila at ayos ng dila kapag binigkas ang mga patinig. Nauna nang nabanggit na ang patinig ng wikang Taubuid ay anim. 68 Talahanayan 5. Tsart ng Patinig ng Wikang Taubuid. BAHAGI NG DILA AYOS NG DILA Harap Sentral Likod Mataas i u Gitna e o Mababa a Ang pagtukoy ng ponotaktika ng tunog ay ginamit din sa paglalarawan ng tunog, upang malaman kung saang kaligiran ito ng salita maaaring makita. Talahanayan 6. Mga Patinig at Posisyon ng mga ito sa Salitang Taubuid. HALIMBAWA POSISYON Unahan Gitna Hulihan a arasyo sadi lima e emad meyaw fare i ifag lifak sadi ë ëtë setëngëd sabë o o boyboy sumyo u utok unum linyabu Talahanayan 7. Tsart ng Ponemang Katinig ng Wikang Taubuid. PARAAN NG PUNTO NG ARTIKULASYON ARTIKULASYON Panlabi Pagitang labi Pang-gilagid Pangipin Pangalangala Palalamunan at ngipin (Glottal) Pasara (w.t) /p/ /t/ /k/ (m.t) /b. /d/ /g/ Prikatib /f/ Pasutsot /s/ Pailong (w.t) (m.t) /m/ /n/ /ƞ/ PARAAN NG PUNTO NG ARTIKULASYON ARTIKULASYON Pagilid(m.t) /l/ Pangatal(m.t) /r/ Malapatinig(m.t) /w/ /y/ 69 Katulad ng paglalarawan ng patinig, bukod sa paraan at punto ng artikulasyon, kasama rin sa paglalarawan ng katinig ang pagtukoy kung saan ito makikita sa bahagi ng salita. Talahanayan 8. Mga Ponemang Katinig at Posisyon ng mga ito sa Salitang Taubuid. KINALALAGYAN INDIKEYTOR Posisyon Unahan Gitna Hulihan /p/ cpap upa leplep /t/ tulo fito but /k/ kalunus iklog buk /b/ biras lagbe dobdob /d/ duwa fadgaloan emad /g/ galeme dayguyoy iyug /f/ fito ufat /s/ suso lusong yamas /l/ lingsi guli nasafol /m/ mani namatang unum /n/ natofe mena talanan /r/ rawuy maraska mermer /w/ wekwa buswak faw /y/ yakat alfuyo faduksay /η/ ngetaw ngenge takamuyong Batay sa Talahanayan 7 at 8, makikita ang mga katinig na taglay ng wikang Taubuid at ang mga sumusunod ang deskripsyon ng mga ito. Revisiting Cultures through History and Religion Natatanging Katangian ng Ponema ng tunog na /g/ kapag ginamit na ito sa pangungusap. Wikang Taubuid Isa pang katangian ng wikang ito ay pagkakaroon Ang unang mapapansing katangian ng wikang ng patinig pëpët o schwa sa Ingles may simbolong ito ay ang pagkakaroon ng ponemang /f/. Sa /ǝ/. Ito ay tunog na tila pinagsamang /e/ at /u/ na 70 panayam binanggit ng katutubo na “mahilig po kasi tunog. Ang tunog na ito. Maihahalintulad ito sa pag- kami sa f.” Ibig sabihin karaniwan sa mga salita nila ng aaral ni Lobel (2011) na ang tunog na /ë/ sa Maranao. tunog na /f/. Sumasang-ayon ang pag-aaral na ito sa tala ni Austronesier (2018) na mayroong tunog na Sa kambal-katinig, limitado lamang ang mga /f/ ang wikang ito. Gayundin sa tala ng magasing The salitang mayroon sa wikang ito ngunit matitiyak na Augustinian Mirror (2009), na ang wikang ito ay nag- ito ay likas na taglay ng kanilang wika. Ang mga iisang katutubong wika sa Pilipinas na gumagamit ng kambal katinig ay makikita lamang sa unahang pantig ponemang /f/ at walang binibigkas na /h/. ng salita. Samantala ang mga diptonggo ay maaaring makikita sa inisyal, midyal at pinal na pantig ng salita. Batay sa talahanayan 4 sa itaas, wala sa wikang ito ang letrang h, kung tatanungin ang mga katutubo Varayting Makikita sa Paraan ng kung bakit wala ito,dahilan nila ay sadyang hindi Pagbigkas ng Mga Ponema ng Wikang lamang likas sa kanilang wika ang letrang ito. Ngunit Taubuid hindi sa lahat ng pagkakataon ay mayroong patinig ang mga salita kung kaya nagkakaroon ng mga kambal Ang mga sumusunod ang napansing pagbabago o patinig na gs,gf, at gt na kambal-katinig marahil ay varayti na naklasifika ayon sa kanilang kapanahunan, dulot na rin ng pagbabagong morpoponemikong ito ay batay sa obserbasyon at pahayag ng mga pagkakaltas kapag ginamit na sa pangungusap. May respondente: mga pagkakataong ding tila hirap nang marinig ang Talahanayan 10. Pagbabago sa Pagbigkas ng Tunog sa Wikang Taubuid. UNANG KAPANAHUNAN AT IKALAWANG KAPANAHUNAN IKATLONG KAPANAHUNAN Pagkakaroon ng schwa /ǝ/ o ë /setë.ngud/ - magkano /setu.ηud/ /rawëy/ - ipinagbabawal na salita /ra.wuy/ /sa.bë/ - oo /ya.pës/ - pigsa /sa.bu/ /daru.ηën/ - isang uri ng halaman /yapus/ /matu.ηëd/ - importante /daru.ηun/ /faη.kë/ - pag-iri /mak.sën/ - totoo /matu.ηud/ /fang.ku/ /mak.sun/ gs tungo sa ks /gseudi/ (magluto), /gseg/(pagpupuri) /kse.udi/,/ kseg/ gt tungo sa kt gted( hawak) , /gtudan/ (luhod) /kted/,/ktudan/ gf tungo sa kf /gfafiya/ (pagalingin, /gfaning/ (mana) /kfafi.ya/, /kfa.ning/ Makikita sa talahanayan na nagkaroon ng varayti 2. Ang namamayani ang ponemang /f/ sa inisyal at sa ikatlong kapanahunan. Ibig sabihin ang varayting midyal na mga salita sa wikang ito ay hindi naman makikita ay pagpapalit ng /ë/ tungo sa tunog na /u/. ito matatagpuan sa hulihan ng salita. Ang pagkawala ng tunog na /ë/ ay katulad sa pag- Pinakamarami ang mga tunog na panggilagid at aaral ni Pasion (2015) sa wikang Mandaya, batay sa panlabing punto ng artikulasyon at pasarang kanya nawawala na ito o hindi na naririnig sa mga paraan ng artikulasyon; Mandaya sa munisipalidad ng Cateel. 3. Ang wikang Taubuid ay may ponemang /f/ at / ë/ Ikalawang varayti ay ang mga kambal-katinig na na hindi karaniwan sa namamayaning wika sa gs,gf, at gt, na napapalitan kung minsan ng tunog na ating bansa, kabaligtaran naman nito ang kawalan /k/ ang unahang tunog na /g/, ito ayon sa pahayag na ng ponemang /h/ at glottal na pasara “nawawala mam (sa ikatlong kanahunan) ang /g/ at /ˀ/. Natatangi rin ang pagkakaroon ng kakaibang napapalitan ng letrang k, mas madali kasing bigkasin kambal katinig ng Taubuid tulad ng gs,gf, at gt; ang k kaysa sa g,” ang varayting ito ay nagmula sa ikatlong kapanahunan. Ang ilang pagkakaltas at 4. Ang mga katutubong ponemang ë sa wikang ito ay pagpapalit ng ponema ay makikita sa pagbigkas ng di namamalayang nawawala na sapagkat hindi na nasa ikatlong henerasyon, batay na rin sa pahayag ng ito madalas na naririnig sa mga kabataang nasa mga katutubo. ikatlong kapanahunan. Gayundin ang mga kambal-katinig na gs,gf, at gt ay nawawala na ang Sa pag-aaral ni Pasion (2015) ang tungkol sa tunog na /g/ dahil sa impluwensiya ng Tagalog sa varayti ng wika na ayon kay Fermin (Peregrino, mga batang nag-aaral sa labas ng komunidad. 2002:93), ang mga varayti ng wika ay nadebelop Mabilis na rin ang paraan ng pagbigkas ng mga dahil sa patuloy na pakikisalamuha ng tao sa kanyang salita dahil na rin sa nakasalamuhang mga wika sa kapwa—sa sariling pangkat at ibang pangkat sa ibang lahi. lipunan. Ang ideyang ito ay katulad ng sinabi ng mga katutubo. Bukod dito dahilan ng mga nakatatandang Konklusyon katutubo ay “ginagaya na nila ang mga salitang Tagalog.” 1. May 21 ponema ang wikang Taubuid: anim na ponemang patinig at 15 ponemang katinig; anim LAGOM NG NATUKLASAN na diptonggo at pitong kambal- katinig. Ang isinagawang pananaliksik na ito ay natukoy 2. Ang mga ponemang taglay ng wikang ito ay ang mga sumusunod na kaisipan ukol sa layunin ng pinakamarami ang mga panggilagid at palabing pag-aaral ng wikang Taubuid: punto ng artikulasyon at pasarang paraan ng artikulasyon. 1. Ang wikang Taubuid ay may anim na ponemang patinig (a,e,i,o,u & ë) at 15 ponemang katinig (b, d, 3. Napag-alaman din na ang wikang ito ay may f, g, k, l, m, n, ng ,p, r, s, t, at w). Nalaman rin na may ponemang /f/ at / ë/ ngunit walang ponemang na limang diptonggo na aw,ay,oy, uy at ow at pitong /h/ o glottal, gayundin ang kakaibang taglay na kambal katinig na, /gl/,/gr/, /gw/, at /ts/ na kambal katinig na na /gs/,/gf/, at /gt/. karaniwan sa wikang Filipino, at /gs/,/gf/, at / gt/ na sadyang kakaibang taglay ng wikang ito; Revisiting Cultures through History and Religion 4. Nagkaroon ng varayti ng wikang Taubuid sa Agoncillo, B., et al., (2015). What the ‘F’: Kung ikatlong kapanahunan o mga kabataan ng mga bakit Filipino, hindi Pilipino. Nakuha noong katutubong Taobuid, kung saan nawala ang tunog August 16, 2018 sa https://www.news.abs-cbn.com/ /ë/ ay nagiging tunog na /u/. focus/08/01/15/what-f-kung-bakit-filipino-hindi- pilipino Rekomendasyon Adventist Frontier Missions, (2015). Tawbuid. http://www.afmonline.org/serve/detail/tawbuid Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito ay Nakuha noong August 16, 2018. nagbubukas rin ng ga panibagong pag-aaral kung Komisyon ng Wikang Filipino (2016). Atlas ng mga kaya’t narito ang mga mungkahi upang mas makilala Wika sa Filipinas. San Miguel Maynila. Nakuha ang wikang Taubuid na hindi natugunan ng noong August 16, 2018. pananaliksik: Bagsit F. & Jimenez C. (2015). Aquatic Resource 1. Iminumungkahing magkaroon pa ng dagdag na Management Practices And Conservation listahan ng mga salitang katutubo na hindi Measures Of The Batangan Tau-Buid Mangyan naisama sa pananaliksik na ito upang matukoy pa In The Mts. Iglit-Baco National Park (MIBNP), at maipaliwanag ang ibang ponema ng wikang Occidental Mindoro, Philippines. https://www. Taubuid; researchgate.net/publication/282071297_Aquatic_ resource_management_practices_and_conservation_ 2. Gumamit ng angkop na kagamitan sa pagkilala ng measures_of_the_batangan_tau-buid_mangyan_ tunog maging sa deskripsyon nito sapagkat in_the_Mts_Iglit-baco_national_park_MIBNP_ maaaring may mga tunog na hindi gaanong occidental_mindoro_philippines Nakuha noong napagtuonan ng pansin sa pag-aaral na ito; August 16, 2018. Bautista, F. (2012). Komparatibong Presentasyon 3. Mas mahabang panahon ng pananaliksik upang ng Dalawang Pag-aaral sa Ponemik/Ponetik. matukoy naman ang ponemang segmental, tulad https://www.academia.edu.2193102/ ng pagdiskubre ng iba pang salitang may Komparatibong_Presentasyon_ng_Dalawang_Pag- diptonggong ow at mga kambal katinig nito na aaral_sa_Ponemik/Ponetik Nakuha noong August 16, maipagmamalaki sa buong bansa; 2018. Benosa, S. (2012). An Ilokano Orthography for 4. Hinihikayat na pag-aralan naman ang heograpikal MTB-MLE. https://www.mlephil.wordpress. na varayti ng wikang Taubuid. com/2012/07/31/ an-ilokano-orthography-for-mtb- mle. Nakuha noong February 25, 2019. Talasanggunian Bollas, A. (2013). Comparative Morphology Pronouns of Tagalog Cebuano and Itawis. Adriano, D. (n.d). Investigating Selected Kinaray-a https://www.academia.edu./4739622/Comparative_ Sounds: A Comparative Approach. Morphology_Pronouns_of_Tagalog_ Cebuano_and_ https://www.academia.edu/6688036/ Itawis Nakuha noong August 16, 2018. Investigating_Selected_Kinaray-a Sounds:_A_ Comparative_Approach. Nakuha noong August 16, Bollas, A. (w.p.). Fonoloji Kinaray-a. https://www. 2018. academia.edu/4427521/ Phonology_of_kinaray-a Nakuha noong August 16, 2018. Cebrero, J. (2014). Dayalektal na Diversidad ng Laurente A. (2018). Problems and Efforts Wikang Subanen sa Zamboanga Peninsula. www. Towards Cultural Preservation of Tau-Buid apjeas.apjmr.com Nakuha noong August 16, 2018. Mangyans In Pinamalayan.https://www.academia. Danganan O. (2017). The Creation of ‘Batang edu/36743050/journal_21_no._2_Final.pdf. Nakuha noong August 16, 2018. Tekno’: A Mission Organization’s “Boarding House” Approach and The Assimilation of Iraya Lobel J. (2013). Philippine And North Bornean Mangyan Children and Their Families in Abra de Languages: Issues In Description, Subgrouping, Ilog, Occidental Mindoro. http://xsite.dlsu.edu.ph/ And Reconstruction. http://www.ling.hawaii. conferences/arts_congress/2017/_pdf/paper-24.pdf edu/graduate/Dissertations/JasonLobelFinal.pdf. Nakuha noong August 16, 2018. Nakuha noong August 16, 2018. Epo, Y. (2014). Discourse Analysis Of Suyot: A Macatabon, R. Calibayan, M. (2016). Varayti at Hanunuo-Mangyan Folk Narrative. Suyot_A_ Varyasyon ng Wikang B’laan sa Bacong, Tulunan, Hanunuo_Mangyan_Folk_Narrative Nakuha noong Hilagang Cotabato at Lampitak, Tampakan, August 16, 2018. Timog Cotabato, Philippines. http://www.apjmr.com/wp-content/uploads/ Evaliza L., et al. (2017) Construal of Selected Gaddang Lexicon and their Cultural 2016/07/APJMR-2016.4.3.15.pdf. Nakuha noong August 16, 2018. Implications. http://www.rroij.com/open- access/pdfdownload. Mahilom A. (2013). Dalawang Uri ng Ponema. php?download=open-access/construal-of-selected- https://teksbok.blogspot.com/2013/01/ dalawang- gaddang-lexicon-and-their-cultural-implications-. uri-ng-ponema.html. Nakuha noong August 16, 2018. pdf&aid=85833 Nakuha noong August 16, 2018. Nordquist R. (2018). Definition of Phoneme. Geronimo, J. (2015). Wikang Katutubo: Wika ng http://www.thoughtco.com/phoneme-word- Kapayapaan. www.rappler.com/nation/102379- sounds-1691621 Nakuha noong August 16, 2018. wikang-katutubo-kapayapaan. Nakuha noong Parojinog, M. (2010) Traditions and Customs of August 16, 2018. Mangyans. Educator‘s Magazine. 72,261-278. Nakuha Hicana, M. (2017) Pasalitang Diskurso ng Tagalog noong August 16, 2018 Varayti sa Taguig Spoken Discourse Tagalog Pasana (2015). Sharing the Joy of Learning with Variety in Taguig. https://www.researchgate.net/ Iraya-Mangyans. http://ati.da.gov.ph/mimaropa/ publication/318528549. Nakuha noong August 16, news/2015/sharing-joy-learning-iraya-mangyans 2018. Nakuha noong August 16, 2018. Simons, (2018) et.al Western Tawbuid. https:// Pasion, R. (2015) Yang Pagbul’lók-bul’lok: www.ethnologue.com/language/bnj Nakuha noong Varyasyon ng Wikang Mandaya sa Ilang August 16, 2018. Munisipalidad ng Davao Oriental. http://www. Lah, S. (2014). Ethnic Tourism: A Case Study of apjmr.com/wp-content/uploads/2015/05/APJMR- Language and Culture Preservation of Bateq 2015-3-2-006-Yang-Pagbullok-bullok...By_.-Dr.- Indigenous Group of Orang Asli in Peninsular Pasion.pdf. Nakuha noong August 16, 2018. Malaysia.www.shs-conference.org/articles/ shsconf/abs/2014/09/ shsconf_41ictr2014_01071 Nakuha noong August 16, 2018. Revisiting Cultures through History and Religion Santos J. (2012). The Culture and Art of the Yenbehold, (2012). Mga Ponemang Mangyan. Nasa http://www.artesdelasfilipinas. Suprasegmental. http://siningngfilipino.blogspot. com/archives/139/the-culture-and-art-of-the- com/2012/09/mga-ponemang-suprasegmental. mangyan Nakuha noong August 16, 2018.. html. Nakuha noong August 16, 2018. Sebastian, A., et al. (2013). Phase II Documentation Zimmerman M.(2017) The Importance of 74 of Philippine Traditional Knowledge and Preserving and Promoting Languages: A Practices on Health and Development of Liberal Arts Perspective. 2017. https://www. Traditional Knowledge Digital Library on huffingtonpost.com/michael-zimmerman/the- Selected Ethnolinguistic Groups: The TAU-BUID importance-of-preserv_b_12088728. Nakuha noong MANGYAN people of Sitio Safa, Barangay Sabang, August 16, 2018. Pinamalayan, Oriental Mindoro. Nakuha noong August 16, 2018 Spring(2011). Distinctive Features. https://msu. edu›course›asc›DistinctiveFeatures Nakuha noong August 16, 2018. Tatham, M. (1999). Distinctive Feature Theory. https://msu.edu›course›asc›df-theory Nakuha noong August 16, 2018. Templanza, M. (2015).A study on the documentation and archival practices of the Mangyan Heritage Ceneter for Mindoro studies. A dissertation. University of the Philippines Diliman. Nakuha noong August 16, 2018 The Augustinian Mirror (2009).https://issuu.com/ usa-pub/docs/mirror_march2009/8. Nakuha noong August 16, 2018. Thompson, I. (2016). Javanese., http:// aboutworldlanguages.com/category/austronesian Nakuha noong August 16, 2018. Virata, J. et al. (2011). The preservation of the culture of Mangyan tribes by the Tugdaan School of Mangyans: A case study. A thesis. Polythecnic University of the Philippines. Nakuha noong August 16, 2018 Yann, G. (2017), A journey with Mindoro’s Taw’Buid Mangyan. https://wwf.exposure.co/ philippines. Nakuha noong August 16, 2018.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser