Summary

Ang dokumentong ito ay naglalahad ng mga konsepto ng pagbasa. Tinatalakay nito ang mga kahulugan at uri ng pagbasa. Nagbibigay ito ng iba't ibang pananaw tungkol sa proseso ng pagbasa at iba't ibang antas nito.

Full Transcript

KONSEPTO TUNGKOL SA PAGBASA Kahulugan ng Pagbasa Ayon kina Anderson et.al. (1985) sa kanyang aklat na Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasy...

KONSEPTO TUNGKOL SA PAGBASA Kahulugan ng Pagbasa Ayon kina Anderson et.al. (1985) sa kanyang aklat na Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t ibang at magkakaugnay na pinagmulan ng impormasyon. Kahulugan ng Pagbasa Tiniyak nina Wixon et al. (1987) sa artikulong “New Directions in Statewide Reading Assessment” na nailathala sa pahayagang The Reading Teacher ang mga pinagmulan ng kaalaman ng pagabsa. Sa kanilang pagpapakahulugan sa pagbasa, tinukoy nila ito bilang isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng: 1. imbak o umiiral na kaalaman ng mambabasa 2. impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at Konteksto ng kaagayan o sitwasyon. Kahulugan ng Pagbasa Ayon kina Urquhart at Weir (1998), ang pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at pagpapakahulugan sa mga nakakodang impormasyon sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum. Kahulugan ng Pagbasa Ayon naman kay William S. Gray, may apat na hakbang ang proseso ng pagbasa. 1. Perserpsiyon o pagkilala sa mga salitang nakalimbag. 2. Komprehensiyon o pag-unawa sa mga nabuong konsepto mula sa mga nakalimbag na salita. 3. Aplikasyon o realisasyon, paghuhusga, at emosyonal na pagtugon. 4. Integrasyon ng bagong ideya sa personal na karanasan. Intensibo at Ekstensibong Pagbasa Intensibong Pagbasa Pagbasang may kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto. May kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales. Ipinaiwanag naman ni Douglas Brown (1994) sa kanyang aklat na Teaching by Principles: An Interactive Approach to Language Pedagogy, na ang intensibong pagbasa ay pagsusuri sa kaanyuang gramatika, panandang diskurso at iba pang detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda. Intensibo at Ekstensibong Pagbasa Ekstensibong Pagbasa Ayon kay Brown (1994), ito ay isinasagawa upang makakuha ng pagkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto. Scanning at Skimming na Pagbasa Ang scanning at skimming ay madalas na tinatawag na uri ng pagbasa ngunit maari din itong ikategorya bilang kakayahan sa pagbasa. Ayon kay Brown (1994) sa aklat ni Sicat et. Al (2016) ang dalawang ito ang pinakamahalagang estratehiya sa ekstensibong pagbasa. Scanning Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon. Skimming Mabilisang pagbasa na ang layunin ay aamin ang kahulugan ng kabuuang teksto kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat. Mas kompleks ito dahil nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang kabuuang teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon sa loob nito. Apat na Antas ng Pagbas 1. Primarya Ito ay antas ng pagbasa na tumutukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting o lugar at mga tauhan sa isang teksto. 2. Mapagsiyasat Sa antas na ito, nauunawaan na ang mambabasa ang kabuuang teksto at nagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Nagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto ng mas malalim. 3. Analitikal Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunaawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at kung katotohanan o opinion ang nilalaman ng teksto. 4. Sintopikal Tumutukoy ito sa pagsusuri ng kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda na kadaasang magkakaunay. Nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na paksa.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser