MGA TEORYA NG WIKA Ayon sa mga antropologo, kasabay na sumibol sa mundo ang wika at lahi. Masasabing ang kanilang wika noon ay kasing kahulugan ng ginagamit ng mga hayop. Subalit s... MGA TEORYA NG WIKA Ayon sa mga antropologo, kasabay na sumibol sa mundo ang wika at lahi. Masasabing ang kanilang wika noon ay kasing kahulugan ng ginagamit ng mga hayop. Subalit sa paglipas ng panahon, kasabay sa pag-unlad ng kultura ng tao ay umunlad din ang wika. Bago pa man dumating ang panahong ito, may ilang teorya na ang nalathala o nagpalipat-lipat sa pamamagitan ng bibig na maaaring gawing batayan ng pinagmulan ng wika sa daigdig. 1. TEORYANG BOW-WOW – ayon sa teoryang ito, ginagawa ng tao ang mga tunog na likha ng kalikasan. Ikinakabit nila ang mga tunog na ito upang sabihin ang pinagmulan o tukuyin ang pinanggalingan. HALIMBAWA: langitngit ng puno ng kawayan, dagundong ng kulog, ihip ng hangin, hampas ng alon sa malaking bato, ungol at huni ng mga hayop, lagaslas ng tubig sa batis. 2. TEORYANG DING-DONG – ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. HALIMBAWA: tunog ng kampana, relo/orasan, tren 3. TEORYANG POOH-POOH – unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito ng hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin. Ipinalagay rin na ang tao ang siyang lumilikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan dito. HALIMBAWA: pagtawa, pag-iyak, pagkabigla, pagtataka, pagdaing at iba pang bulalas ng damdamin 4. TEORYANG YUM-YUM – ipinalagay ng teoryang ito na ang mga salitang nilikha ng tao ay nagsasaad na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas o aksyon. Pinakikilos dito ang bahagi ng katawan upang makagawa ng aksyon. HALIMBAWA: pagbabago ng posisyon ng dila ng bibig – ditto pinakikilos ang dila 5. TEORYANG YO-HE-HO - ang teoryang ito ay ang pagbuo ng salita bunga ng puwersang pisikal. HALIMBAWA: Pagbuhat ng mabibigat, pagsuntok, pagkarate, paag-ire 6. TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY – ayon sa teoryang ito, ang wika ay nag-ugat sa mga tunog na nililikha sa nga ritwalat sa kalaunan ay nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t-ibang kahulugan. Ang ritwal ay sinasabayan ng mga awit, sayaw, incantations o bulong at pagsigaw. HALIMBAWA: pagluluto at paglilinis ng bahay, pakikidigma at pag-aani

Understand the Problem

Ang tanong ay naghahanap ng impormasyon tungkol sa mga teorya ng wika na ipinapaliwanag kung paano umusbong ang wika at ang kaugnayan nito sa kultura at damdamin ng tao. Ang mga teoryang binanggit ay nagbibigay ng iba't ibang pananaw sa pinagmulan ng wika.

Answer

Mga teorya ng wika: Bow-Wow, Ding-Dong, Pooh-Pooh, Yum-Yum, Yo-He-Ho, Ta-Ra-Ra-Boom-De-Ay.

Ang mga teorya ng pinagmulan ng wika ay nagpapaliwanag kung paano nabuo at umunlad ang wika. Kabilang dito ang mga teoryang Bow-Wow, Ding-Dong, Pooh-Pooh, Yum-Yum, Yo-He-Ho, at Ta-Ra-Ra-Boom-De-Ay.

Answer for screen readers

Ang mga teorya ng pinagmulan ng wika ay nagpapaliwanag kung paano nabuo at umunlad ang wika. Kabilang dito ang mga teoryang Bow-Wow, Ding-Dong, Pooh-Pooh, Yum-Yum, Yo-He-Ho, at Ta-Ra-Ra-Boom-De-Ay.

More Information

Ang bawat teorya ay may iba't ibang pananaw sa paano nagsimula ang wika mula sa simpleng tunog hanggang sa mas kumplikadong anyo, tulad ng ritwal at pisikal na aksyon.

Sources

AI-generated content may contain errors. Please verify critical information

Thank you for voting!
Use Quizgecko on...
Browser
Browser