Kontekstong Walisado ng Komunikasyon sa Filipino PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
G. John Dave B. Roque
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa Kontekstong Walisado ng Komunikasyon sa Filipino, na sumasaklaw sa mga konsepto ng komunikasyon, etimolohiya ng salita, dahilan ng komunikasyon, mga anyo ng komunikasyon, kultura, at mga ekspresyong lokal. Ito ay naglalaman ng mga impormasyon mula sa iba't ibang pinagmulan at mga halimbawa.
Full Transcript
KONTEKST WALISADO NG KOMUNIK ASYON SA FILIPINO KABANATA II: MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO A. BALIK-ARAL: ANG KOMUNIKASYON 3 1. KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON Komunikasyon Ito ay isang gawaing kinakaharap araw-araw ng bawat isa. Magmu...
KONTEKST WALISADO NG KOMUNIK ASYON SA FILIPINO KABANATA II: MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO A. BALIK-ARAL: ANG KOMUNIKASYON 3 1. KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON Komunikasyon Ito ay isang gawaing kinakaharap araw-araw ng bawat isa. Magmula sa pagsilang hanggang sa pananatili sa mundo ay naisasakatuparan ang pakikipagkomunikasyon. ETIMOLOHIYA NG SALITA Louis Allen (1958) Ang komunikasyon ay kabuuang ginagawa ng tao kung nais niyang lumikha ng unawaan sa isip ng iba na kinasasangkutan ng patuloy na pakikipag-usap, pakikinig at pag-unawa. Keith Davis (1967) Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa at pag-unawa sa impormasyon mula sa isang tao patungo sa kanyang kapwa. Newman at Summer (1977) Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng impormasyon, ideya, opinyon, o maging opinyon ng mga kalahok sa proseso. Birvenu (1987) Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa ng nararamdaman, ugali, kaalaman, paniniwala at ideya sa pagitan ng mga nabubuhay na nilalang. Keyton (2011) Ang komunikasyon ay isang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kalahok sa prosesong ito. Bakit ka nakikipagkomunikasyon ? sarili kapwa Praktikal DAHILAN NG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG TAO a. Pangangailangan upang makilala ang sarili – malaking tulong upang mahubog ang pagkatao. b. Pangangailangang makisalamuha o makihalubilo - bukod pa sa daan ang komunikasyon upang ganap na makilala ang sarili ng isang tao, nagsisilbi rin itong daluyan upang matagpuan nito ang mga bagay na may kaugnayan sa kanyang buhay sa hinaharap. c. Pangangailangang praktikal - maaaring hindi magawa o maisakatuparan ang iba’t ibang bagay kung walang komunikasyon gaya lamang ng simpleng paghahanap sa isang lugar na hindi mo pa napuntahan at iba pa. B. MGA ANYO, ELEMENTO, AT ANTAS NG KOMUNIKASYON 1. ANYO NG KOMUNIKASYON a. Pormal at impormal na komunikasyon Ang pormalidad at impormalidad ng komunikasyon ay maaaring tayain batay sa ekspektasyon sa magaganap na proseso at sa kung sinu- sino at paano maisasagawa ang prosesong ito. Pormal – depinido o tiyak ang balangkas, direkta at seryoso ang tono ng pagpapahayag. Impormal – may laya 1. ANYO NG KOMUNIKASYON b. Berbal at ‘di-berbal na komunikasyon Berbal – ginagamitan ng salita. Hal. sa mga rally – mga sinisigaw at nakasulat sa banner. ‘Di-berbal – ‘di ginagamitan ng salita. Hal. senyas, ng pagtaas ng kamao, pagkakapit-bisig atbp.. ELEMENTO NG KOMUNIKASYON Mga sangkap o elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon; a. Nagpapadala (sender/encoder) 1. mensaheng pangnilalaman o berbal 2. mensaheng relasyunal o ‘di-berbal b. Mensahe c. Daluyan d. Tagatanggap (receiver/decoder) 1. Semantikong sagabal e. Sagabal 2. Pisyolohikal na sagabal 3. Pisikal na sagabal 4. Teknolohikal na sagabal 5. Kultural na sagabal 6. Sikolohikal na sagabal f. Tugon MODELO NI DAVID BERLO 3. ANTAS NG KOMUNIKASYON a. Intrapersonal na komunikasyon b. Interpersonal na komunikasyon c. Pangkatang komunikasyon d. Pampublikong komunikasyon e. Pangmadlang komunikasyon C. ANG KULTURA KAHULUGAN NG KULTURA Kultura Ito at tumutukoy sa sining, batas, moral, mga kaugalian at iba pang mga karunungan, mga paniniwala, at iba pang mga kakayahan at mga ugaling nakamit ng tao bilang miyembro ng lipunan. DALAWANG KATEGORYA NG KULTURA BATAY SA PAGPAPADALA NG MENSAHE ( EDWARD HALL, 1959) 1. Low-context culture – ginagamit ng direkta ang wika upang ihayag ang ideya, nararamdaman, saloobin at opinyon ng isang indibidwal na kabilang sa ganitong kultura. 2. High-context-culture – ang pagpapakahulugan sa mga salita ay hindi lamang nakabatay sa salitang ginagamit ng isang indibidwal. Bagkus, malaki rin ang papel ng mga ‘di-berbal na palatandaan(clues), pamantayan, kasaysayan ng relasyon, ugnayan at ng konteksto ng komunikasyon upang maiwasang masaktan ang damdamin ng kausap at mapanatili ang relasyon sa kapwa. URI NG KULTURA AYON SA MGA IBANG SOSYOLOHISTA AT ANTROPOLOHISTA 1. Indibidwalistikong Kultura -Amerika, Australia, Canada – maituturing na indibidwalistikong mga bansa. 2. Kolektibong Kultura - Latin Amerika, Asya, Gran Britanya – kolektibismo ang namamayani F D. ‘DI-BERBAL NA KOMUNIKASYONG PILIPINO ‘DI BERBAL NA KOMUNIKASYONG PILIPINO Bukod sa komunikasyong berbal, ang mga Pilipino ay may iba’t ibang paraan din ng pagpapahayag ng damdamin gamit ang komunikasyong di-berbal tulad ng ibang lahi: 1. kinesika (kinesics) 6. iconics 2. proksemika (proxemics) 7. olfactorics 3. chronemics 8. colorics 4. haptics (sense of touch) 9. pictics 5. oculesics 10. vocalics 11. objectics ‘DI BERBAL NA KOMUNIKASYONG PILIPINO Samantala, sa nakagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay naipapakita gamit ang kilos o galaw ng katawan gaya ng mga sumusunod: a. Pagtatampo (tampo) – ito ay damdaming dala ng pagkabigo sa isang bagay na inaasahan sa isang malapit na tao gaya ng kapatid, magulang, kamag-anak, kasintahan o kaibigan. b. Pagmumukmok (mukmok) – ito ay komunikasyong naipaparating sa pamamagitan ng pagsasawalang-kibo. c. Pagmamaktol (maktol) – akto ng pagpapahayag na ang layunin ay ipakita ang pagrereklamo, paghihimagsik o pagtutol sa paggawa ng isang bagay na labag sa kalooban. d. Pagdadabog (dabog) - ito ay ‘di-berbal na komunikasyon na likas sa kulturang Pilipino na ang pinakamalaking elemento ay paglikha ng ingay. F E. GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO 21 GAWING PANGKOMUNIKASYON KOMUNIKASYON I NG MGA PILIPINO 1. TSISMISAN Batay sa etimolohiya nito, galing sa salitang kastila na “chismes” na tumutukoy sa kaswal na kumbersasyon tungkol sa buhay ng ibang tao na ang impormasyon ay maaaring totoo o madalas ay hindi. Ayon kay Dr. Frank McAndrew (2008) ng Know College, nilinaw niya na ang tsismis ay hindi palaging negatibo. Ito ay positibo rin. Katunayan, binanggit niyang hindi talaga maiiwasan ang ganitong gawain sapagkat batay sa mga pag-aaral, ito ay likas at normal na bahagi ng buhay ng tao. GAWING PANGKOMUNIKASYON KOMUNIKASYON I NG MGA PILIPINO 2. UMPUKAN Isang gawaing pangkomunikasyon na kinabibilangan ng dalawa o higit pang kalahok kung saan ang bawat isa ay nagbabahaginan ng impormasyon. Nagaganap sa umpukan ang kumustahan ng mga Pilipino ukol sa mga buhay-buhay magmula sa usapin ng kani-kanilang pamilya, trabaho, kaibigan, kalusugan, pangyayari sa barangay o bayan, usaping politika, hanggang sa pagpaplano ng mga bagay-bagay. Isa sa mga kilalang umpukan sa bansa ay ang salamyaan sa Lungsod ng Marikina. Prop. Jayson Petras (2010), ipinaliwanag nito ang kasaysayan ng salamyaan bilang bahagi ng kalinangang Marikenyo at ipinaliwanag ang bisa nito bilang talastasang bayan. 3. TALAKAYAN Tumutukoy sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga kalahok sa nasabing usapan na binubuo ng tatlo o higit pang katao. Kalimitang tinatalakay ang mga problema na layuning bigyang solusyon o kaya ay mga patakarang nais ipatupad. Mga Halimbawa ng Pormal na Talakayan: a. panel discussion b. simposyum c. lecture-forum GAWING PANGKOMUNIKASYON KOMUNIKASYON I NG MGA PILIPINO 4. PAGBABAHAY-BAHAY Kalimitan itong ginagawa sa mga sitwasyong nangangailangan ng impormasyon ang isang indibidwal o organisasyon ukol sa kalagayan o sitwasyon ng komunidad gamit ang pagtatanong-tanong bilang metodo. 5. PULONG-BAYAN Isinasagawa ng publiko at mga kinauukulan. Sa Kulturang Pilipino, ang pulong-bayan ay isang pangkomunikasyong Pilipino na isinasagawa kung may nais ipabatid ang mga kinauukulan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng komunidad. GAWING PANGKOMUNIKASYON KOMUNIKASYON I NG MGA PILIPINO 6. MGA EKSPRESYONG LOKAL Ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin gaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak. May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapaalam sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas - San Juan, et al. (2018) Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya. Mga Halimbawa ng Ekspresyong Lokal: Susmaryosep! Ano ba ‘yan! Manigas ka! Bahala na Ina ko po! Hay naku! A. Paliwanag Sa Mga Ekspresyong Lokal Batay I Sa Kontekstong Pilipino (San Juan, Et Al., 2019) “Susmaryosep!” (pinaikling Hesus, Maria at Hosep) Ang ekspresyong ito ay malimit na marinig sa mga nakatatanda (lola,nanay, tiyahin) na kanilang nasasambit kapag sila ay nagulat o nag-aalala. Sa kasaysayan, may kaugnayan ito sa Katolisismong dala ng mga Espanyol sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng ekspresyong ito, malalaman na ang mga Pilipino ay humihingi ng tulong sa Diyos (Hesus) gayundin sa Kanyang mga magulang (Maria at Hosep) “Bahala na” ( mula sa Bathala na) Nagpapahiwatig ng katapangan sa panig ng nagsasalita. May pagka-negatibo ngunit mararamdaman ang positibong kung susuriin ang lalim nito dahil hindi ito sasabihin ng isang Pilipino kung wala itong plano o kahandaan. Sa ekpresyong ito, mararamdaman din na ipinapaubaya sa Diyos kung anuman ang magiging resulta ng pangyayari. B. Ilang Ekspresyong Lokal Mula Sa Ibang Wika I Sa Pilipinas (San Juan, Et Al., 2018) Timog Katagalugan “Ewan ko!” (Ginagamit kung walang masabing tiyak na sagot o umiiwas magsabi ng salitang maaaring makapanakit) “Tanga!” (depende sa pagkakasabi na maaaring pag-uyam o pagbibiro) Kabikulan “Diyos mabalos!” (Diyos na ang bahalang magbabalik sa iyong kabutihang loob) “Inda ko saimo!” ( nagpapahayag ng pagkadismaya) “Alla!” (pagkagulat, pagkamangha) Bisaya “Ay ambot!” ( ewan ko sa ‘yo) “Samok ka!” (naguguluhan sa isang tao) “Ay tsada!” ( pagkalugod sa isang bagay) Batanes (pagbati ng mga Ivatan) “Capian ka pa nu Dios!” ( pagpalain ka ng Diyos) “Dios mamajes!” (Diyos na ang magbabalik sa ‘yo) “Dios maapu!” (katumbas ng D’yos ko!) Ang mga ganitong ekspresyong lokal ng mga Pilipino ay hindi nawawala. Katunayan, nagkakaroon din ng ebolusyon o pag-unlad ang mga ito bunga ng pagiging dinamiko at malikhain ng wika. Ang mga ekpresyong Diyos ko day at Juice ko Lord na mula sa D’yos ko po! ay ilan sa mga patunay nito. Sa kasalukuyan, karaniwan na ring maririnig sa kabataan lalo na sa mga milenyal ang mga ekpresyong gaya ng mga sumusunod: Charot; echos; charing; E di wow!; Ikaw na!; na kung saan bawat isa ay may sariling kahulugan, paraan ng pagbigkas, gamit at konteksto sa lipunan kung saan sila umiiral (San Juan, et al., 2019). C. Mga Naiambag Ng Ekspresyong Lokal Sa Pag- unlad Ng Mga Pilipino Sa Larangan Ng I Komunikasyon 1. Naging dinamiko ang wikang Filipino Ang pagbabago ng wika ay isa sa mga katangian ng wikang buhay. At sa patuloy na pagdagdag ng mga salita o pagbibigay ng bagong kahulugan nito, ay lalong lumalago ang wikang Filipino. 2. Pagyaman ng bokabularyong Filipino Ang mga nabubuong ekspresyon ay nakatutulong sa malawak na pagpipilian ng mga tao sa salitang nais nilang magamit sa pakikipagpahayagan. 3. Nagaganap ang modernisasyon ng wikang Filipino Sa kasalukuyan patuloy ang pag-unlad ng wikang Filipino dahil may mga bagong sibol na mga ekspresyon na nagmumula sa mga milenyal o kabataang Pilipino. F F. Mga Salitang May Kaugnayan sa “Pahiwatig” Bilang Pangkagawiang Kultura ng mga Pilipino 31 1. PAHAGING – isang mensaheng sinasadyang sumala o magmintis, kumbaga parang isang balang dumaan ng palihis sa tainga at umalingawngaw sa hangin. Halimbawa: “paumanhin po sa matatamaan at alam kong masakit kaya sana wag ka nalang magpumilit” 2. Padaplis – isang mensaheng lihis dahil sadyang nilalayon lamang na makanti o masanggi nang bahagya ang kinauukulan, gaya ng isang palaso na sumagi at nag-iwan lamang ng kaunting galos. Halimbawa: “butas na naman ang bulsa ko” 3. Parinig – isang malawak na instrumentong berbal para sa pagpapabatid ng niloloob ng nagsasalita na nakatuon hindi lamang sa kaharap kundi sa sino mang nakikinig sa paligid. Halimbawa: “sana naman may sapatos ako sa birthday ko” parinig ko sa mama ko. 4. Pasaring – tumutukoy ito sa mga berbal na ‘di tuwirang pahayag ng puna, paratang at iba pang mensaheng nakakasakit na sadyang iniuukol sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan. Halimbawa: “ nag-away kami ni con dahil sa maling balita na pinakinggan sa iba” 5. Paramdam – isang mensaheng pinaabot ng tao o sinasabing gumagalang espiritu, sa pamamagitan ng manipestasyon na nahihinuha sa pakiramdam. Halimbawa: “ yung bestfriend ko na biglang nawala pero ngayon kinakamusta ako bigla” 6. Papansin – tumutukoy ito sa mga mensaheng humihingi ng atensyon , kadalasang ginagawa kapag pakiramdam ng nagmemensahe ay kulang siya sa sapat na pansin. Halimbawa:“noong nasa grade 12 palang ako ugali na naming mag- review ng sabay sabay ng kaklase ko pero minsan may sarili silang 7. Paandaran – isang mekanismo ng pagpapahiwatig na karaniwang nakatuon at umiikot sa isang paksa o tema na hindi mailahad nang tahasan at paulit-ulit na binabanggit sa sandaling may pagkakataon. Halimbawa: “ si Mel na pauilit-ulit na sinasabe na mas mataas daw si jam sa test kesa sakin kaya sa sabi ko na wag nya kong inisin G. ANTAS NG WIKA 1. Pambansa *Ito ay isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang lahi o bansa. *Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilisasyon at kalakalan. *Ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla. Halimbawa: Ama, Ina 2. Pampanitikan *Ito ang pinakamayamang uri. *Kadalasa'y ginagamit ang mgasalita sa ibang pang kahulugan. *Mayaman ang wikang pampanitikan sa paggamit ng tayutay, idioma, eskima at ibat ibangtono, tema at punto. Halimbawa: Haligi ng tahanan, ilaw ng tahanan 3. Panlalawiganin *Mga salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita. *Ang mga Cebuano,Iloko, Batangueno at iba pa ay may temang lalawiganin sa kani-kaniyang dila. *Isang matibay na indikasyon nglalawiganing tema ay ang punto. Halimbawa: Tagalog-Kaibigan/Bikolano-Amiga, Tagalog-Halik/Bikolano- Hadok 4. Kolokyal *Ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao. * Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw *Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang-alang dito ang salitang madaling maintindihan. 5. Balbal * salitang kalye, kanto o panlansangan * pinakamababang uri wikang ginagamit ng tao, nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan *Tinatawag itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita. *Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga beki na nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap. Halimbawa: Chaka Presentasyon ni: G. John Dave B. Roque WAKAS.