Pilipinong Sosyolohiya: Isang Panimula PDF

Summary

Ang presentasyong ito ay nagpapakilala ng konsepto ng Pilipinong Sosyolohiya. Tinalakay ang pangangailangan para sa isang tatak-Pilipinong sosyolohiya at ang mga mahahalagang salik sa pagbuo nito. Nagbigay din ito ng iba't ibang pananaw hinggil sa paksa.

Full Transcript

P I L I P I N ON G S OS Y O L O H I Y A C. SUNIO, IAN JAY ANO ANG IDENTIDAD NG ISANG TATAK- PILIPINO? IPAKILALA MO! SOCIOLOGY Sociology is the study of social life, social change, and the social causes and consequences of human behavior. Sociologi...

P I L I P I N ON G S OS Y O L O H I Y A C. SUNIO, IAN JAY ANO ANG IDENTIDAD NG ISANG TATAK- PILIPINO? IPAKILALA MO! SOCIOLOGY Sociology is the study of social life, social change, and the social causes and consequences of human behavior. Sociologists investigate the structure of groups, organizations, and societies and how people interact within these contexts. SOSYOLOHIYA Ang agham na nag-aaral ng pag-unlad, istruktura at gawi ng mga pangkat ng tao sa lipunan. Ito ang sumusuri kung bakit gayon ang asal at gawi ng tao batay sa kultura ng mga ito. SOSYOLOHIYA Ang sosyolohiya ay isang larangan na pang-akademiko na nakatuon sa pakikipag-ugnayan ng tao, istrukturang panlipunan, at samahang panlipunan. Ang mga lugar tulad ng pag-unlad, istruktura, organisasyon, yunit, institusyon at mga tungkulin sa lipunan ng mga indibidwal, atbp ay pinag-aralan sa ilalim ng larangan na ito. Ang paksa ng sosyolohiya ay saklaw mula sa mga antas ng micro tulad ng indibidwal at pamilya hanggang sa antas ng macro ng mga sistema at istrukturang panlipunan. Sa araling ito, tatalakayin ang masalimuot na usapin na nagsasangkot sa pagpapasinaya sa isang sosyolohiyang maka-Pilipino. Sa kasalukuyan, ipinagpapalagay ang pag-iral ng isang pambansang sosyolohiya. Subalit mayroon nga bang isang lokal na sosyolohiya na umiiral sa Pilipinas? Bakit kailangang angkinin ang pag-aaral nito ngayon sa bansa? Ito ang katanungang babagtasin ng araling ito. Upang tiyakin ang pag-iral ng isang tatak-Pilipinong Sosyolohiya, ilalatag ang pagkakakilanlang katangian ng isang Pilipinong Sosyolohiya na binubuo ng tatlong sangkap: ang udyok ng pananaliksik (ethos of research), ang kapookan ng usapin (niche of issues), at ang inog ng talastasan (ambit of discourse). Unang bahagi: Sino ang Pilipino sa Pilipinong Sosyolohiya? Sino nga ba ang Pilipino? Sang-ayon sa tatlong intelektuwal (Virgilio G. Enriquez, Prospero Covar, Zeus A. Salazar), Sapagkat hindi nila tahasang sinagot ang katanungang ito, gagamitin natin ang palagay ni Dennis Erasga sa mga kapuwa buod ng Sikolohiyang Pilipino, Pantayong Pananaw, at Pilipinolohiya bilang pahiwatig ng kanilang konseptuwalisasyon. Sa punto-de-bista ni Enriquez, ang pagiging isang Pilipino ay nauugat sa diwang makabayan, sapagkat nakatutok ito sa kalidad ng kamalayan. Aniya: Given the colonial background of the Philippine psychology, and considering the great cultural divide as east meets west in the development of psychological thought in the Philippines, a psychology movement has evolved in the country emphasizing: 1. Identity and national consciousness, specifically looking at the social sciences as the study of (hu)man and diwa (consciousness and meaning), or the indigenous conception and definition of the psyche as a focus of psychological research; 2. Social awareness and involvement as dictated by an objective analysis of social issues and problem 3. National and ethic cultures and languages, including the study of early or traditional psychology called kinagisnang sikolohiya…; 4. Bases and application of indigenous psychology… but also including the psychology of behavior and human abilities demonstrated in western psychology and found applicable to the Philippine setting. (Enriquez 1992:24) Ano ang tatak- Pilipinong Sosyolohiya? Ang sosyolohiyang may Pilipinong tatak, kung gayon ay kakakakitaan ng talaban ng disiplina at kultura. Ang sosyolohiyang namomook sa lipunang Pilipino ay hindi umiiral sa makipot na mundo ng pananaliksik o pag- aaral lamang katulad ng kalakaran. Bagkus, ito ay magiging isang pagpapatibay sa paglinang ng ating kultura, at pag-unawa ng kaniyang realidad. Kung gayon, ang ating kasaysayan, kultura at karanasan ang magiging padron ng paghuhulma ng Sosyohiyang inaasam. Sasalungat ito sa kagawian ng paggamit ng disiplinang Sosyolohiya bilang lente sa pag- aaral at pag-unawa ng ating pagiging Filipino. Ikalawang Bahagi: Pag-usabong ng Malayang Sosyolohiya Ang katangian ng Pilipinong Sosyolohiya na bahagyang isinasalarawan sa itaas ay katawang nasasangkot sa kasalukuyang pandaigdigang talakayan tungkol sa pagsusulputan ng maliit na Sosyolohiya mula sa umuusbong na Silangan (emerging South) (Brawoy 2004). Sa isang malakihang pagtanaw, ang kaganapang ito bunsod ng mga naiipon at lumalaking pagbatikos sa nosyon ng modernismo na kalimitang pinaghihinalaan bilang maka-Kanluran. Ayon sa pananaw na ito, lahat ng uri ng pag-iisip at repleksyon sa loob ng bakuran ng modernismo ay may pagkiling sa diskurso ng Kanluran (Seth 2016). Samaktuwid, lahat ng karunungang malilikha at lilikhain ay nakakulong sa mga pagpapahalaga ng Kanluran (Connell, Collyer, Maia, at Morrell 2017); at sa kabilang banda, lahat ng pag-iisip at pagkilos sa labas ng modernisasyon ay palaging may kudlit ng paghihinala (de Sousa Santos 2014; bhambra 2014; Chakrabarty 2002). Ikatlong Bahagi: Lakbayin ng Sosyolohiya sa Pilipinas: Isang Kritikal na Pagbabalik-Suri Sa pagrerepaso ni Dennis Eraga ng mga susing publikasyon hinggil sa naging takbo ng Sosyolohiya sa bansa mula sa pagpasok nito sa Pilipinas noong 1896 hanggang sa kasalukuyan, isang tema ang higit na kumintal sa kaniyang pagninilay, Ito ay ang tila pagkalibang ang atensiyon ng mga Pilipinong tagapagtaguyod ng disiplina sa usapin ng kaunlaran (modernization) at sa ang pambasang pakinabang ng nasabing kaunlaran (national development). Nagsimula ang oryentasyong ito sa suhestiyon ni Benicio Catapusan. Sa kaniyang seminal na artikulo noong 1957 na pinamagatang “The Development of Sociology in the Philippines, ganito ang kanyang pagtataya sa pagpupunyagi ng sosyolohiya na kapapasok pa lang sa mga pinto ng akademya sa Pilipinas. “In 1939, Macaraig’s Introduction to Sociology appeared in response to a long-felt need for a local approach to sociology. The treatise revolved around the Filipino culture and it’s belief; it’s further elaborated on the general sociological principles of the Occident as applied in the Philippines. “ Dahil sa kawalan ng lokal na saligang aklat sa Sosyolohiya, napilitang mag-angkat ng mga aklat na isinulat sa kanluran. Lihis sa kanilang kamalayan, hindi lamang mga literal na aklat ang kanilang inangkat; kinupkop din nila pati ang bias at pagpapahalaga ng mga nagsulat ng aklat. Sa pagtatapos iginigiit ni Catapusan ang pagbubuo ng isang pilosopikal na pagmumuni para sa Sosyolohiya na magiging matatag na gabay sa paghahanda sa kinabukasan at susi sa pagbubuo ng bansa (Catausan 1957). Ikaapat na Bahagi: Isang Kritikal na Pag- uungkat-suri sa Praktis ng Sosyolohiya sa Pilipinas. Sa Talahanayan 1, inisa-isa ni Dr. Erasga ang tatlong anyo ng kasalukuyang praktis o tangka ng paggamit sa Sosyolohiya. Tinatawag niya itong: (i) linang na paggamit (asimilasyon), (ii) taal na pagtatapat (indigenization), at (iii) usbong na pagtataya (emergence). Ang katangian ng bawat isang tangka ay sumasalamin sa tatlong anyo ng pagtuturing sa Sosyolohiya: Bilang isang disiplina, pananaw, at karanasan. Isinama rin ang aspekto ng pagtuturing sa Sosyolohiya ang deskripsiyon ng tangka na sumasalamin sa bawat isa. Talahanayan 1. Pagtuturing sa Sosyolohiya, Tangka sa Pagpapalawig, at tanging Gawi Pagtuturing sa Tipo ng Sosyolohiya Tangka sa Katangiang Gawi Paglilinang Sosyolohiya Ang Sosyolohiyang Pilipino Ang Sosyolohiyang Linang na paggamit Pagtangkilik umiiral Tapat na pag-aangkat sa mga susing Sosyolohiya konsepto, prinsipyo, at kategorisasyon na ay disiplina bantog sa Sosyolohiya bilang isang unibersal na Agham Panlipunan Aang Pilipinong Sosyolohiya Ang Sosyolohiyang Taal na paglalapat Pagsasa-katutubo maaari Masugid na pagtatapat ng mga lokal na Sosyolohiya konsepto, prinsipyo, at kategorisasyon sa ay Pananaw linang na epistemolohiya ng Sosyolohiya sa pag-usisa sa mga usapin at alimuom ng lipunang Pilipino Ang Pilipinong Sosyolohiya Ang Sosyolohiyang Usbong na Pag-aangkop Kailangan Pagtataya Mapagnilay na paghamon hindi lamang Sosyolohiya sa kaangkupan / kasapatan ng mga ay Karanasan panuntunang konsepto, pinsipyo, at kategorisayon sa kontekstong Pilipino. Kalakip din ang paghamon sa simplistiko at mekanikal na paglalapat ng mga nauna sa usapin ng relasyon at kaayusan ng kulturang Pilipino

Use Quizgecko on...
Browser
Browser