Lingguhang Pag-aaral sa Batayang Kaalaman sa Wika at Mga Teorya - PDF

Document Details

SuperbRomanesque5448

Uploaded by SuperbRomanesque5448

Mater Dei College

Tags

wika Teorya ng wika pinagmulan ng wika linggguhang pag-aaral

Summary

Ang dokumentong ito ay isang gabay sa mga teorya ng pinagmulan ng wika ayon sa ilang mga dalubhasa. Ito ay isang pangkalahatang pagtalakay sa mga teoryang biblikal at siyentipiko ng pinagmulan ng wika.

Full Transcript

Aralin 1 Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Wika Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natatalakay ang iba’t ibang teorya ng wika at mga pinagmulan ng bawat isa. Ang wika ay isang makapangyarihang kasangkapan sa komunikasyon. Ginagamit ito ng mga...

Aralin 1 Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Wika Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natatalakay ang iba’t ibang teorya ng wika at mga pinagmulan ng bawat isa. Ang wika ay isang makapangyarihang kasangkapan sa komunikasyon. Ginagamit ito ng mga tao sa napakatagal nang panahon para maipahayag ang kanilang mga sarili. Ngunit saan nga ba nagmula ang wika at paano nabuo ang mga ito? Ang mga dalubwika ay may sagot sa mga tanong na ito. Bunga ng maingat at matagal na pananaliksik ay nakapaglatag sila ng mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mga wika sa daigdig. Pag-aralan Natin Ang teorya ay sistematikong pagpapaliwanag Alamin Natin tungkol sa kung paanong ang dalawa o higit Tandaan at gawing gabay ang pang penomenon ay nagkakaugnay sa bawat kahulugan ng sumusunod na isa. Ang mga teorya ay haka-haka rin ng mga salita: indibiduwal na nagtangkang magpaliwanag ng penomenon – pangyayari anumang bagay na naitala sa kasaysayan. haka-haka – palagay, hinuha, o Tinatayang may 3,000 taon na ang nakalipas paniniwala nang magkaroon ng interes ang tao na pag- napuspos – napuno aralan ang pinagmulan ng wika (Pena, 2015). lagaslas – tunog ng malakas na daloy ng tubig onomatopeia – pagkabuo ng Ang teorya ay bunga mga salita na batay sa tunog na ng pagnanais ng tao na ipaliwanag ang ginagawa ng isang bagay mga pangyayari o nakabubulalas – biglang penomenon sa kanilang nakapagsasabi o napasisigaw paligid. Ayon sa ilang dalubwika, nahahati sa dalawang pangkat ang mga teorya ng pinagmulan ng wika ng tao: (1) ang Teoryang Biblikal at (2) ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham. Mga Teoryang Biblikal Ang mga teoryang biblikal ay batay sa mga kuwentong mababasa sa Bibliya. Malaking impluwensiya sa mga paniniwala at paliwanag na ito ang relihiyon. Mayroong dalawang tala mula sa Bibliya ang tumatalakay tungkol sa paglaganap ng iba't ibang wika sa panig ng mundo. Ito ay ang kasaysayan ng Tore ng Babel na binanggit sa Lumang Tipan, at ang Pentecostes na nasa Bagong Tipan naman. Tore ng Babel Ang teorya tungkol sa Tore ng Babel ay kilala rin sa tawag na “Teorya ng Kalituhan.” Mababasa ito sa aklat ng Genesis, ang unang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Sa kuwentong ito, iisa lamang ang wika ng mga tao sa buong daigdig—ang wikang “Adamic” o “Noahic.” Dahil nagkakaintindihan, napagkasunduan ng mga tao na magtayo ng isang mataas na tore sa kapatagan ng Shinar. Nais ng mga tao na marating ang langit at magsisilbi itong palatandaan ng kanilang lugar. Hindi nagustuhan ng Diyos ang binabalak ng mga tao at ang pananatili sa iisang lugar sa Tore ng Babel kabila ng utos sa kanila na kalatan ang napakalawak na mundo. Dahil dito, napagpasyahan niya na lituhin ang mga tao kaya binigyan niya ang mga ito ng iba’t ibang wika para hindi na sila magkaintindihan. Dahil sa kalituhan at hindi pagkakaintindihan, naghiwa-hiwalay ang mga taong may magkakaibang wika at hindi na natapos ang pagpapatayo ng tore. Kung gayon, sa Diyos nanggaling ang iba’t ibang wika sa daigdig. Pentecostes Ang kuwento naman ng Pentecostes ay mababasa sa aklat ng Mga Gawa, kapitulo dalawa, bersikulo isa hanggang 12. Ito ay tungkol sa pagsapit ng banal na espiritu sa mga apostol ni Hesus. Sa kuwentong ito, nagtipon ang mga apostol sa isang lugar upang magpulong nang bigla silang nakarinig ng malakas na ugong mula sa langit. Mayroong tila dilang apoy na lumapit sa bawat apostol at napuspos sila ng banal na espiritu. Nang mawala ang liwanag, nagsimula nang magsalita ng iba’t ibang wika ang mga apostol at Pagbaba ng banal na espiritu sa mga apostol. naghiwa-hiwalay. Kung gayon, sa Diyos nagmula ang iba’t ibang wika sa daigdig. Mga Teoryang Siyentipiko o Makaagham Ang mga teoryang siyentipiko ay nagsimulang umusbong noong ika-12 siglo. Pinag-aralan ng dalubhasa kung paano nakalikha ng wika ang mga tao mula sa mga tunog sa kanilang paligid. Ang mga ito ay batay sa pag-aaral ng mga siyentipiko at dalubwika. Mayroon tayong limang teoryang siyentipiko na taalakayin sa araling ito: Teoryang Bow-wow, Teoryang Ding-dong, Teoryang Pooh-pooh, Teoryang Yo-he-ho, at Teoryang Ta-ra-ra-boom- de-ay. Teoryang Bow-wow Ang Teoryang Bow-wow ay naniniwala na ang wika ay nagmula sa panggagaya o panggagagad ng tao sa mga tunog na nagmumula sa kalikasan. Halimbawa, may mga tunog o salitang nabuo batay sa tahol ng aso o sa lagaslas ng tubig sa ilog. Asong Tumatahol Agos ng Tubig na Lumilikha ng Lagaslas Teoryang Ding-dong Ang Teoryang Ding-dong ay kilala rin sa tawag na “Teoryang Natibistiko.” Naniniwala ito na ang wika ay nabuo dahil sa pagbibigay-ngalan ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid batay sa tunog na maririnig mula rito. Kung gayon, ang salitang nabuo bilang katumbas ng isang bagay ay batay sa onomatopeia na maikakabit dito. Halimbawa, ang kampana ay tinawag na “dingdong” samantalang ang orasan ay tinawag na “tika-tak.” Kampana Teoryang Pooh-pooh Ang Teoryang Pooh-pooh naman ay naniniwala na dahil sa matinding emosyon, nakabubulalas ang tao ng tunog. Dahil dito, natuto ang tao na makipag-usap sa kagustuhan niyang maipahatid ang kaniyang mga nararamdaman. Halimbawa, nakabubulalas tayo ng “Aray!” kung tayo ay nasaktan. Napasasabi rin tayo ng “Wow!” dahil sa pagkamangha. Teoryang Yo-he-ho Ang Teoryang Yo-he-ho ay naniniwala na ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang at magkakasama sa kanilang paggawa gaya ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay. Kung gayon, nakatuon ito sa mga tunog na nalilikha ng tao na mula sa mga puwersang pisikal. Halimbawa nito ang tunog na nalilikha kapag nagbubuhat ng mabibigat na bagay. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay Batay sa Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sinaunang tao sa sinaunang sibilisasyon, sa kanilang mga ritwal at dasal. Halimbawa nito ang tunog na nalilikha habang nagsasagawa ng isang ritwal na sayaw ang mga katutubong Pilipino. Aralin 2 Mga Antas ng Wika Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang iba’t ibang antas ng wika. Bukod sa mga kalikasan, ang wika ay mayroon ding iba’t ibang antas. Ang mga ito ay batay sa kung kailan at kung paano ito ginagamit ng tao. Ipinakikita rin nito ang ganda at pagiging dinamiko ng mga wika sa daigdig, kabilang na ang ating wikang Filipino. Makapagbibigay ka ba ng isang antas ng wika? Pag-aralan Natin Ang antas ng wika ay nahahati sa dalawang kategorya: ang di-pormal at pormal. Nakapaloob sa bawat kategorya ang iba pang uri o antas ng Alamin Natin wika, ayon sa gamit nito. Sa di-pormal, ang wika ay maaaring kolokyal, balbal, o panlalawigan. Tandaan at gawing gabay ang Samantala, sa kategoryang pormal, ang wika ay kahulugan ng sumusunod na maaaring pampanitikan o pambansa. Talakayin salita: natin ang bawat isa. lundayan – sentro ng isang Di-Pormal na Wika lugar o sibilisasyon marikit – maganda Ang wikang nasa kategoryang di-pormal ay sinisinta –iniibig, hinahangaan wikang madalas nating ginagamit. Di-pormal ang wika kapag ito ay ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Mayroon itong tatlong antas: kolokyal, balbal, at panlalawigan. Kolokyal Ang unang antas nito ay tinatawag na kolokyal. Ito ay wikang ginagamit natin sa araw-araw na pakikipag-usap. Hindi rin ito kinakailangang nakasunod sa estruktura at mga alituntunin ng balarila. Ilang halimbawa nito ang mga salitang “Tara!” at “Musta?” Balbal Ikalawang antas naman ng di-pormal na wika ang balbal. Ito ay mga salitang nagbabago ang kahulugan sa paglipas ng panahon. Madalas din itong naririnig na ginagamit sa lansangan. Halimbawa ng wikang balbal ang “lapang” (para sa pagkain), “erpat” (para sa tatay) at baduy!” (para sa nagsusuot ng damit na hindi na uso). Panlalawigan Ikatlo at huling antas ng di-pormal na wika ang panlalawigan. Ito ay kilala rin sa tawag na diyalekto, o wikang ginagamit sa isang tiyak na pook o lugar. Bawat diyalekto ay may sariling tono at pagpapakahulugan sa mga salitang nakapaloob sa wika. Halimbawa, ang wikang Tagalog ay may iba’t ibang diyalekto. Ang mga nakatira sa mga lalawigan ng Zambales, Bulacan, Mindoro, Batangas, Aurora, Quezon, Cavite, Laguna, Rizal, Marinduque, gayundin sa Kamaynilaan, ay may iba’t ibang paraan at estilo ng paggamit ng Tagalog. Dahil may magkakaibang tono at pagpapakahulugan ng mga salita, maaaring magkaiba ang maging pag-unawa sa isang pangungusap o pahayag. Halimbawa, kapag sinabing “Nakain ka ba ng isda?” Ano ang naiisip mong pakahulugan? Isang taong kumakain ng isda? O isang taong kinakain ng isda? Pormal na Wika Ang wika naman na nasa kategoryang pormal ay ginagamit at kinikilala ng marami o mas malaking pangkat ng tao. Mayroon itong dalawang antas: wikang pambansa at wikang pampanitikan. Pampanitikan Ang unang antas nito ay tinatawag na pampanitikan. Ito ay wikang ginagamit natin sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng tula, kuwento, at sanaysay. Dahil dito, ang mga salitang gagamitin ay dapat na piliing mabuti at ang pagsasaayos ng mga ito ay batay sa tamang estruktura at balarila. Ilang halimbawa nito ang mga salitang “lundayan,” “marikit,” at “sinisinta.” Pambansa Ang ikalawang antas ng wikang pormal ay tinatawag namang pambansa. Itinituring itong pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ang wikang ito sa pamahalaan, paaralan, at sa pakikipagtalastasan. Gaya ng wikang pampanitikan, ang wikang pambansa ay mayroon ding estruktura at nakabatay sa mga alituntunin ng balarila. Bahagi ng wikang ito ang mga salitang “kalayaan,” “edukasyon,” “pulitika,” at “ekonomiya.” Subukan nating gumamit ng mga salitang may magkakaparehong kahulugan ngunit nasa iba’t ibang antas ng wika. Halimbawa ay nakasalubong mo ang isang kaibigan sa daan, paano mo siya babatiin gamit ang iba’t ibang antas ng wika? 1. Sa kolokyal na antas, maaari nating sabihin na “Uy, musta?” 2. Sa balbal na antas, karaniwang sinasabi na “Bro, balita?” 3. Sa panlalawigang antas, sinasabi natin na “Hi! Kumusta?” 4. Sa antas naman na pampanitikan, sasabihin natin na “Ano nang nagbago sa ’yo?” 5. At sa antas na pambansa, may pormal at mahaba ang magiging pagbati natin. “Kumusta ka na? Matagal na tayong hindi nakita ah.”

Use Quizgecko on...
Browser
Browser