FILIPINO Literary Forms and Elements PDF
Document Details
Tags
Summary
This document provides an overview of different Filipino literary forms, including short stories, novels, and poems. It details the elements and structural devices of these literary genres. Examples of elements are also included. Aimed at a secondary school level.
Full Transcript
## FILIPINO ### 1.) Maikling Kuwento - Ang Ama * Isinalin sa Filipino: Mauro R. Avena * Kwento galing sa bansang Singapore * Uri ng maikling kuwento: may maayos na pagkaka-sunod ng simula, gitna at wakas. **Additional Info:** * Ama ng Maikling Kuwento sa Pilipinas: Deogracias A. Rosario * Ama ng...
## FILIPINO ### 1.) Maikling Kuwento - Ang Ama * Isinalin sa Filipino: Mauro R. Avena * Kwento galing sa bansang Singapore * Uri ng maikling kuwento: may maayos na pagkaka-sunod ng simula, gitna at wakas. **Additional Info:** * Ama ng Maikling Kuwento sa Pilipinas: Deogracias A. Rosario * Ama ng Maikling Kuwento sa Mundo: Edgar Allan Poe ### Transitional Devices * Ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap. * **Subalit, Datapwat, Ngunit** - Ginagamit sa unahan ng kuwento. * **Samantala, Saka** - Ginagamit na pantuwang. * **Kaya, Dahil sa** - Ginagamit sa pananhi. * **Sa wakas, Sa lahat ng ito** - Ginagamit sa dulo ng kuwento. * **Kung gayon** - Ginagamit na panlinaw. ### II.) Nobela - Timawa * Nagawa noong 1953 * Isinulat ni Agustin Caralde Fabian, isang Pilipino * **Timwa**: Ipinapaliwanag ang buhay ng isang tao, na si Andres Talon, kung saan siya'y sumikap kaya't naman ang kanyang buhay ay gumanda. * **Nobela**: Mahabang kuwento na binubuo sa 60,000-200,000 na salita o 300-1,300 na pahina. ### Pahayag na ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon * Pang-araw-araw na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon sa mga pangyayari. * **Pagbibigay ng Neutral na Opinyon** * Kung hindi ako nagkakamali... * Kung ano ang tatanungin... * Sa aking pagsusuri... * Sa totoo lang... * Sa tingin ko... * **Pagbibigay ng Matatag na Opinyon** * Buong puso kong sinusuportahan ang... * Labis akong naninindigan na... * Lubos kong pinaniniwalaan... ### Uri ng Tunggalian sa Nobela * Ito ay laban sa pagitan ng dalawang magkasalungat na puwersa, o kaya't naman ito'y problem o conflict. * Pisikal, tao laban sa elemento at puwersa ng kalikasan (man vs. natural disaster) * Panlipunan, tao laban sa kapwa tao (man vs. man) * Sikolohikal, tao laban sa kanyang sarili (man vs. himself) ### III.) Talasalitaan * Ang Talasalitaan ay pangkat ng mga salita na nasa loob ng isang wika na pamilyar sa isang tao. ### IV.) Tula * Pamagat ng Tula: Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo na Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan * Isinulat ni Patrocinio V. Villafuerte ### Mga Uri ng Tula * Sa bawat uri (4), sila'y may kanya-kanyang bahagi * **Tulang Liriko o Tulang Damdamin** * Awit, isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod (may lalabindalawahing pantig) ang bawat saknong, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan. Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig (sad love songs). * Soneto, isang tula na karaniwang may 14 linya. Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. * Oda, may karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda. * Elehiya, ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan. * Dalit, isang uri ng tula na may karaniwang pang relihiyon. * **Tulang Pasalaysay** * Epiko, isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa. * Awit at kurido, isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong Adarna. * Karaniwang Tulang Pasalaysay, ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay. * **Tulang Patnigan** * Balagtasan, tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito'y sa karangalan ni Francisco "Balagtas" Baltazar. * Karagatan, ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na "libangang itinatanghal" na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat. * Duplo, ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan. * **Tulang Pantanghalan o Padula.** * Karaniwang itinatanghal sa theatro.lto ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin. ### Iba't ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin * Upang maipahayag ang emosyon o damdamin ng isang tao. * Padamdam at maikling sambitla, ito'y ginagamitan ng bantas na tandang padamdam (!). * Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o emosyon ng isang tao, ipinapahayag nito ang mga damdamin tulad ng galit, tuwa, lungkot, inis, o gigil. * Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi diretsahang paraan, bawat salita ay may tinatagong pangungusap. ### V.) Sanaysay * Isinalin ni Elynia Ruth S. Mabanglo * Kwento mula sa bansang Indonesia * Pamagat ng Kuwento: Kay Estela Zeehandelaar (Liham ng Prinsesang Javanese, Raden Adjeng Kortini) * Sanaysay: Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, pook, pangyayari, bagay, at guni-guni. ### Mga Uri ng Pang-ugnay * Mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap. * **Pang-angkop (ligature)**, ginagamit pang panuring at pang tinuturingan * Mabait na bata, matapang na sundalo * Bagong sapatos, bayang payapa * **Pang-ukol (preposition)**, ginagamit sa isang pangngalan sa iba pang salita * Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol kay/kina * **Pangatnig (conjunction)**, ginagamit sa pag-ugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay * Pangatnig na pandagdag: at, pati * Pangatnig na pamukod: o, ni, maging * Pangatnig na nagbibigay dahilan: dahil, sapagkat, palibhasa * Pangatnig na nagsasaad ng resulta: bunga, kay, kaya naman * Pangatnig na nagbibigay kondisyon: pag, basta, kapag, kung, upang * Pangatnig na nagsasaad ng pagsalungat: subalit, ngunit, datapwat, bagamat