TALAKAYAN-IKALAWANG-LINGGO-2 (1) PDF

Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...

Summary

This document discusses different types of Filipino writing, including academic writing, literary techniques, and various writing styles. It explores the importance of using these techniques to convey information, ideas, and emotions effectively, and connects them to the context of Filipino culture and literary traditions.

Full Transcript

PAG SULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN Ikalawang Linggo ng Talakayan PANALANGIN MGA INAASAHANG PAGKATUTO Pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling larangan Nauunawaan ang kalikasa...

PAG SULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN Ikalawang Linggo ng Talakayan PANALANGIN MGA INAASAHANG PAGKATUTO Pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling larangan Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan (Akademik) Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating akademik ayon sa format at teknik TEKSTONG HUMANIDADES TEKSTONG HUMANIDADES Ito ay mula sa salitang Humanus na ang ibig sabihin ay tumulong sa tao. Ang Humanidades ay isang disiplina sa pag-aaral na tumutukoy sa mga sining na biswal tulad ng musika, arkitektura, pintura, sayaw, dula at panitikan. Sa pamamagitan ng tekstong ito, naipapahayag ng sumulat ang kanyang nadarama, adhikain, pangarap,pag-asa o pangamba. Sangay ng karunungan ang Humanidades na may kinalaman sa kaisipan, damdamin at pakikipag-ugnayan ng tao. Sa tatlong pangunahing kategorya ng mga disiplina, ang humanidades ay maaaring magkaroon ng pormal at impormal na wika. Gawa ito ng pagiging malikhain, simbolikal at metaporikal ng isang teksto, tulad ng panitikan. Maaring ring maging paktuwal o hindi ang mga impormasyong laman ng teksto. Paktuwal ang mga tekstong panghumanidades kabilang sa mga disiplinang wika, pagpipinta, pagdidisensyo, arkitektura, sayaw at isports. Produkto naman ng malikot na guniguni ng manunulat ang mga impormasyon sa isang akdang pampanitikan (tulad ng mga kuwentong pantasya), kaya masasabing hindi paktuwal ang mga impormasyong ito. Ngunit may mga akdang pampanitikan naman na hango sa mga totoong kaganapan sa lipunan, gaya na lamang ng mga historikal na nobela at maikling kwento. LITERATURA O PANITIKAN Ayon kay Azarias: ang panitikan ay pagpapahalaga ng mga damdamin ng tao higit sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha Ilang mga dahilan kung bakit dapat nating pag-aralan ang Panitikang Pilipino 1. Upang makilala ang sariling kalinangan. 2. Upang matalos na katulad ng ibang lahi, tayo ay mayroon ding dakila at marangal na tradisyong ginagamit na puhunag-salalayan sa pang-hihiram ng mga bagong kalinangan at kabihasnan. 3. Upang matanto ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasan at 4. Upang makilala ang kagalingang pampanitikan. 5. Higit sa lahat, sapagkat tayo'y mga Pilipino at dapat maging katutubo sa atin ang magkaroon ng pagmamalasakit sa sariling panitikan. Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik NARRATIV Ang narativ o naratibo ay mahusay na pagkukwento. Layunin nito ang magsalaysay o magkwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o TEKSTONG DESKRIPTIBO Sinasabing ang teksto ay deskriptibo kung ito ay uri ng tekstong naglalarawan. Naglalaman ito ng impormasyong ginagamitan ng mga salitang pantukoy sa katangian ng isang tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Mayaman sa mga salitang pang-uri o pang-abay ang mga tekstong deskriptibo. Nakatutulong kasi ito TEKSTONG IMPORMATIBO Layunin nitong magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. Kilala rin ito bilang paglalahad sa apat TEKSTONG EKSPRESIB Ito naman ang pagsulat na naglalayong maghayag ng sariling opinyon, paniniwala, ideya at iba pa hinggil sa isang tiyak na TEKSTONG ARGUMENTATIB makapanghikayat o makapangumbinsi ang pamaraang ito sapagkat kadalasang naglalahad ito ng argumento at ANOTASYON Ang anotasyon ay naglalaman ng maikling deskripsyon sa anyo at nilalaman ng isang akda. Ginagamitan ng pagsasalungguhit, paggawa ng komento, pagsulat ng mga katanungan,paggawa ng balangkas. PAGBASA Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito. PAKINGGAN ANG KANTANG "UPUAN"NI GLOC 9 PANGKAT I Role Playing: Gumawa ng maliit na role play o skrip na naka-base sa mga pangyayari o karakter sa kanta. Ito ay maaaring magsilbing interpretasyon o pagsasalaysay ng mga mensahe ng kanta sa pamamagitan ng pagganap mga sagisag na nakalimbag PANGKAT II Magplano ng isang dula-dulaan ukol sa kantang na pakinggan. Bumuo ng isang iskrip ukol dito at pumili ng mga gaganap sa dulaang isasagawa. PANGKAT III Magbahagian ng ilang karanasan na may kaugnayan sa kanta. Magplano kung paano ito mabibigyan ng solusyon o malulutas. Magsagawa ng pag-uulat ang pangkat sa harap ng buong klase. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser