SDO Navotas Fil9 Q2 Modyul 1 (Tanka at Haiku) 2021-2022 PDF

Document Details

FluentDenouement

Uploaded by FluentDenouement

Navotas City

2022

Tags

Filipino literature Tanka Haiku Philippine education

Summary

Ang modyul na ito ay isang bahagi ng Filipino 9 para sa ikalawang markahan ng taong 2021-2022. Tinatalakay dito ang Tanka at Haiku, kabilang ang pagsusuri sa tono, istilo ng pagbuo, kahulugan ng mga salita, at pagsulat ng payak na Tanka at Haiku. Nilalayon nitong mapatibay ang kakayahang komunikatibo at mapanuring pag-iisip ng mga estudyante.

Full Transcript

DIVISION OF NAVOTAS CITY 9 FILIPINO Ikalawang Markahan S.Y. 2021-2022 NAVOTAS CITY PHILIPPINES Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan Ikalawang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring mag...

DIVISION OF NAVOTAS CITY 9 FILIPINO Ikalawang Markahan S.Y. 2021-2022 NAVOTAS CITY PHILIPPINES Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan Ikalawang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Cristopher S. Sobremesana, Freobel Mae A. Roguis, at Jayd Reignor D. Pascual Editor: Esmeralda R. Igat, Bartolome C. Alvez, Cristopher S. Sobremesana Tagasuri: Esmeralda R. Igat , Rico C. Tarectecan Tagaguhit: Cristopher S. Sobremesana, Jayd Reignor D. Pascual at Eric De Guia Tagalapat: Carmela Marie A. Dupan Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC-Schools Division Superintendent Isabelle S. Sibayan, OIC-Asst. Schools Division Superintendent Loida O. Balasa, Curriculum Implementation Division Chief Rico C. Tarectecan, EPS in Filipino and MTB-MLE Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS Lorena J. Mutas, ADM Coordinator Vergel Junior C. Eusebio, PDO II – LRMS Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Navotas City Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City ____________________________________________ Telefax: 02-8332-77-64 ____________________________________________ E-mail Address: ____________________________________________ [email protected] Nilalaman Subukin...................................................................................... 1 Modyul 1..................................................................................... 2 Modyul 2..................................................................................... 7 Modyul 3..................................................................................... 13 Modyul 4..................................................................................... 18 Modyul 5..................................................................................... 26 Modyul 6..................................................................................... 33 Module 7..................................................................................... 37 Tayahin....................................................................................... 41 Susi sa Pagwawasto..................................................................... 43 Sanggunian ………………………………………………………………45 I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Sa panahon ng ika-8 siglo at ika-15 siglo ay sumibol ang dalawang tanyag na anyo ng tula na lubos na nagpakilala sa bansang pinagmulan nito, gayundin sa mayamang kultura at tradisyon na mayroon ang bansang ito. Alin sa sumusunod na tula ang tinutukoy ng pahayag? A. dalit at soneto C. oda at tanaga B. tanka at haiku D. malaya at di malayang tula 2. Ang tulang ito na mayroong nakatagong kahulugan upang lubos na maipakita ang kagandahan ng bawat salita. Sa paggawa ng tulang ito, na mayroong 5-7-5 na bilang sa bawat taludtod. Alin sa sumusunod ang tinutukoy ng paglalarawan? A. tanaga B. tanka C. haiku D. dalit 3. Uri ng akdang pampanitikan na nagbibigay ng aral subalit ang mga tauhan sa akdang ito ay mga hayop. A. Alamat B. Kuwento C. Pabula D. Parabula 4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng paghanga? A. Nawa ay makapunta ka C. Yes! Pasado ako! B. Wow! Ang ganda mo! D. Malas naman ngayon. 5. Ayon kay Alejandro Abadilla, ang sanaysay ay _______________ ng isang sanay. A. Pagsasalaysay C. Pag-awit B. Pagbabasa D. Pagkuha ng larawan 6. Ang sumusunod ay nagpapahayag ng opinyon maliban sa isa. A. Ayon sa aklat ni Yan Chen, 78.5% na mataas ang sahod ng mga kalalakihan kaysa kababaihan. B. Sa aking palagay, dapat magkaroon ng pantay na trato sa trabaho ang babae at lalaki lalo na kung pareho naman sila ng kakayahan. C. Para sa akin, dapat na tayong makalaya sa stereotyping na ang babae ay pambahay lamang at lalaki lang ang katanggap-tanggap sa lipunan. D. Masasabi kong malaki talaga ang gampanin at kayang gawin ng kababaihan—hindi lang maging dakilang ina, bagkus ay kaya rin nilang maging mabuting pinuno. 7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kultura ng mga Tsino tungkol sa paggalang sa magulang? A. Kahit patay na ang ina ni Huiqan ay nagpapasalamat pa rin siya rito sa maayos na buhay niya ngayon. B. Pagsunod sa utos ni Hepeng Li C. Paggabay ni Tiya Luo D. Hindi sumuko sa pagtitinda 8. Alin sa mga elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito? A. aktor B. direktor C. iskrip D. manonood 9. Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula, siya ay ang ______. A. aktor B. direktor C. iskrip D. tanghalan 10. Ano ang kadalasang ipinakikita sa isang dula? A. kabayanihan ng mga tauhan C. nagaganap sa buhay ng tao B. pinagmulan ng isang bagay D. kagandahan ng kapaligiran 1 MODYUL 1 Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat bilang paghahanda sa iyong isipan at kapasidad na matuklasan ang iba pang kaalaman. Ito’y tulong upang lubos mong maipamalas ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano. Ang modyul na ito ay mayroong paksa na Tanka at Haiku. Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na ang mag-aaral ay: 1. Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku (F9PN-IIa- b-45) 2. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku (F9PB-IIa-b-45) 3. Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang mahahalagang salitang ginamit sa tanka at haiku (F9PT-IIa-b-45) 4. Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat (F9PU- IIa-b-47) 5. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku (F9WG-IIa-b-47) Katapusan ng Aking Paglalakbay, Aralin Tutubi at iba pang akda 1 (Tanka at Haiku) Natapos tayo na maglakbay sa Timog-Silangang Asya, ngayon ay magtungo naman tayo sa Silangang Asya. Nakatuon sa pamilya ang kulturang mayroon sa mga bansang kabilang sa rehiyong ito. Kasama rin dito ang mga paniniwalang nagbibigay ng pagkakakilanlan ng bawat isa. Kaya naman sa araling ito matutunghayan natin ang kakaibang ganda ng kulturang mayroon ang isang bansang tiinaguriang The Land of Rising Sun – ang Japan. Naging taguri ito sa bansang Japan dahil dito madalas sumisikat ang araw. Ang Aralin 1 ay maglalahad ng mga suprasegmental, mga salitang matatalinghagang pahayag, at pagkakabuo ng tanka at haiku. Kasama rin dito ang ganda ang kulturang mayroon ang bansang Japan na sumasalamin sa kanilang panitikan. Sa unang markahan ay naging mayaman ang pagtalakay natin sa kultura, tradisyon at paraan ng pagkakasulat ng akdang pampanitikan ng mga bansang nasa 2 Timog-Silangang Asya. Ngayon naman ay tuntunin natin ang karatig rehiyon ng Asya – ang Silangang Asya. Mayaman sa kultura ang bansang ito na pinagmulan ng Tanka at Haiku na ating tatalakayin. Ang bansang ito na tinaguriang The Land of Rising Sun at patuloy na yumayabong ang kanilang ekonomiya gayundin ang kanilang pagkahilig sa pagsulat. Ang bansang tulad ng Japan ay isa sa mga tinitingala pagdating sa mayamang kultura. Magagandang tanawin at kakaibang paraan ng pagsulat. Tinatawag itong Tanka at Haiku. Ayon sa salin ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku ni M.O. Jocson (2014) ang tanka at haiku ay mga tulang lubos na pinahahalagahan sa panitikang Hapon. Sumibol ang paraan ng pagsulat ng Tanka noong ika-8 siglo at ang Haiku naman ay noong ika-15 siglo. Layunin ng mga tulang ito na iimpok ang imahen na nabubuo sa mga salitang ginamit. Sa estilo ng pagsulat ng dalawang uri ng tulang ito na mula sa Japan ay mayroong pagkakaiba lalo’t higit sa bilang nito. Ang Tanka ay mayroong limang taludtod na may kabuuang bilang na tatlumpu’t isa at mayroong sukat na 7-7-7-5-5 o 5-7-5-7-7 na maaaring magkapalit-palit subalit ang kabuuang bilang ay dapat na nasa tatlumpu’t isa. Sa kabilang banda, ang Haiku naman ay mayroong kabuuang bilang na labinpito at nahahati sa tatlong taludtod na maaaring sa ganitong anyo; 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din ng bilang sa bawat taludtod ngunit sa kabuuan mayroon pa ring bilang na labinpito. Tumatalakay sa pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa ang Tanka dahil ito ay binubuo ng maiikling awitin at ang Haiku ay pumapaksa naman sa pag-ibig at kalikasan. Masidhi rin ang ipinakikitang damdamin ng Tanka kumpara sa Haiku. Ang mga halimbawa sa ibaba ay mula sa modyul ng baitang 9 na inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon. Haiku ni Bashō Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat Hapon Ingles Filipino ha-tsu shi-gu-re An old silent pond... Matandang sapa sa-ru mo ko-mi-no wo A frog jumps into the Ang palaka’y tumalon pond, ho-shi-ge na-ri splash! Silence again. Lumalagaslas Sa kabilang banda, ang matatalinghagang salita ay mga salitang hindi pangkaraniwang ginagamit natin sa pang-araw-araw at nangangailangan ng masusing pag-unawa sa konteksto ng pagkakagamit nito. Tingnan ang halimbawa na nasa ibaba. Matatalinghagang Salita Kahulugan 1. kapilas ng puso asawa 2. butas ang bulsa walang pera 3. nagbibilang ng poste tambay/ walang trabaho Sa paraan naman ng pagsasalita maging sa pagsulat, nangangailangan ng tamang paghinto, diin, at antala upang lubos na maintindihan ang sinasabi o ang kahulugan ng ipinahihiwatig. Kaya naman, pag-aralan ang nasa ibabang nasa talahanayan. 3 Ponemang Suprasegmental Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita. A. Diin – Ang diin, ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik. Mga halimbawa: BU:hay = kapalaran ng tao LA:mang = natatangi bu:HAY = humihinga pa la:MANG = nakahihigit; nangunguna B. Tono / Intonasyon – Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla,makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay- kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa. Nagpalilinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas. Mga halimbawa: Kahapon = 213, pag-aalinlangan Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag talaga = 213, pag-aalinlangan talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag C. Antala/Hinto - Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolo kuwit( , ),dalawang guhit na pahilis (//) o gitling ( - ) Mga halimbawa: a) Hindi/ ako si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y napagkamalan lamang na si Arvyl.) b) Hindi ako, si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Joshua) c) Hindi ako si Joshua. (Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Joshua.) Halaw ang impormasyong nandito sa Modyul ng Baitang 9 ng Kagawaran ng Edukasyon 4 Magtungo na tayo sa ilang gawaing magbibigay sayo nang mas malalim na pag- unawa sa paksa natin. Bigyan ng mas kongkretong sagot ang ilang gawain sa ibaba. Panuto: Suriin at basahin ang tulang Tanka at Haiku. Matapos masuri, tukuyin ang ilang matatalinghagang salita sa mga tula at sagutan ang mga gawain sa ibaba na may kaugnayan sa mga tulang ito. Tanka Haiku Katapusan ng Aking Paglalakbay Tutubi ni Oshikochi Mitsune ni Gonzalo K. Flores Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson Hila mo’y tabak Napakalayo pa nga Ang bulaklak nanginig Wakas ng paglalakbay Sa paglapit mo. Sa ilalim ng puno Tag-init noon Gulo ng isip. Naghihintay Ako Anyaya ni Prinsesa Nukada ni Gonzalo K. Flores Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson Naghintay ako, oo Ulilang damo Nanabik ako sa ‘yo. Sa tahimik na ilog Pikit-mata nga ako Halika, sinta Gulo sa dampi Nitong taglagas Gawain 1: Mula sa Tanka at Haiku na tula, kumuha ng limang salita na talinghaga at gawan ito ng sariling pangungusap. SALITA PANGUNGUSAP 1. 2. 3. 4. 5. 5 Gawain 2: Sa pamamagitan ng mga larawang nasa ibaba, suriin at ipaliwanag ang Tanka at Haiku. Iugnay ang mga larawang ito sa bawat tulang nasa itaas ayon sa mga salitang kaakibat ng larawan. LARAWAN PALIWANAG Maayos mo bang nagawa ang iyong mga gawain? Magaling! Tayo ng magpatuloy sa ating aralin. Mahusay! Nagpamalas ka ng kasipagan at pagiging matiyaga sa mga gawain. Malapit na tayong matapos sa modyul na ito. Konting tiyaga pa. Ngayon ay magtutungo pa tayo sa ilang gawain na kaakibat ng ating mithiin dito sa modyul. Gawain 3: Gumawa ng isang tanka at isang haiku. Tingnan ang pamantayan sa ibaba. 6 Pamantayan sa Pagsulat ng Tula Pinakamahusay Mahusay Malilinang Pamantayan 10 puntos 5 puntos 3 puntos Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang kakulangan sa komprehensibo ang nilalaman ng bawat nilalaman sa bawat nilalaman ng bawat taludtod sa tula. taludtod sa tula. taludtod sa tula. Organisasyon Organisado, simple at Malinaw at maayos Maayos ang presentasyon malinaw ang daloy ng ang presentasyon ng ng mga ideya. May paglalahad ng kaisipan. ideya. May malinaw na bahaging di gaanong May tamang estruktura estruktura ng tanka at kalinaw ang estruktura ng tanka at haiku. haiku. ng tanka at haiku. Malikhain Malikhain ang May maayos na Hindi gaanong pagkakagawa at may pagkakagawa at medyo napaghandaan ang malinis na pamaraan. malinis ang pamaraan. gawain. MODYUL 2 Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat bilang paghahanda sa iyong isipan at kapasidad na matuklasan ang iba pang kaalaman. Ito’y tulong upang lubos mong maipamalas ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano. Ang modyul na ito ay mayroong paksa na Pabula. Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na ang mag-aaral ay: 1. Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan (F9PN-IIc-46); 2. Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos (F9PB-IIc-46); 3. Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tindi ng emosyon o damdamin (F9PT-IIc-46); 4. Naisusulat muli ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan nito (F9PU-IIc-48); 5. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin (F9WG- IIc-48). Aralin Ang Hatol ng Kuneho 2 (Pabula) Narito pa rin tayo sa Silangang Asya na kinabibilangan ng araling ito. Nakatuon sa pamilya ang kulturang mayroon ang mga bansang kabilang sa rehiyong ito. Kasama rin dito ang mga paniniwalang nagbibigay ng pagkakakilanlan ng bawat isa. Ang matutunghayan nating bansa ngayon ay minsan na ring naimpluwensyahan ng mga bansang sumakop sa kanila – ang Korea. Nahahati sa dalawa ang Korea; ang Hilagang Korea at Timog Korea. 7 Ang aralin na ito ay maglalahad ng dalawang pokus: ang ekspresyong nagpapahayag ng damdamin at kabisaan ng paggamit ng hayop bilang tauhan. Kabilang na rin dito ang panitikang mula sa bansang nabanggit na may kaugnayan sa kanilang kultura. Naging mayaman ang pagtalakay natin sa mga gawain kultura ng bawat bansa. Kaya naman, ituloy pa natin. Sa unang modyul ay naging mayaman ang pagtalakay natin sa kultura, tradisyon at paraan ng pagkakasulat ng akdang mula sa Japan. Ngayon naman ay tuntunin natin ang Korea na dating pangalan ay Choson, Koryo. Sa ngayon nahahati ang Korea sa dalawa ang Hilagang Korea at Timog Korea. Naging tanyag ang mga koreano dahil sa mga nakahuhumaling nitong mga itsura at paraan ng pananamit lalo na sa mga Pilipino ngayon. Ang bansang tulad ng Korea ay isa sa mga tinitingala pagdating sa mayamang kultura at paraan ng pamamahala pagdating sa gobyerno lalo’t higit ang Hilagang Korea. May magagandang tanawin ding matatagpuan dito at kakaibang paraan ng pagsulat. Mahalaga ang gampanin ng hayop sa buhay at pamumuhay ng mga Koreano dahil nagsisilbi itong paniniwala ng kanilang pinagmulan. Gayundin naman ang mga hayop na nagsisilbing koneksyon ng bawat isang mamamayan at paniniwala. Ang panitikang Pabula ay kathang-isip man subalit repleksiyon ito ng mayamang kabihasnan ng mga Koreano. Nagbibigay rin ng aral ang pabulang ito. Ang pabulang ito ay bahagi ng maikling kuwento na kinapapalooban ng gintong aral subalit mga hayop ang tauhan na maaaring kumakatawan sa mismong karakter ng mga tao. Sa kabilang banda, ang paraan upang maunawaan ang isang akda ay magbigay o maglahad ng mga salitang nagbibigay ng ekspresyon o maipalabas ang damdaming nakapaloob dito. Tingnan sa ibaba ang ilang salita o pariralang nagpapahayag ng damdamin. PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN Sa paraan ng paglalahad ng nararamdaman mas maayos ang pagbibigay ng diwa nito kung lantad ang pagpapahayag. Tingnan ang sumusunod: 1. Isang paraaan ang paggamit ng padamdam na pangungusap sa pagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamit sa pangungusap na ito ang bantas na padamdam (!), at kung minsa’y ang bantas na patanong (?) tulad ng sumusunod: a) Paghanga: Wow! Perfect ang iskor mo. Naks! Ganda! Bilib ako! b) Pagkagulat: Ha? Nakakahiya. Inay! Naku po! c) Pagkatuwa: Yahoo! Pasado ako, Yehey! Yipee! d) Pag-asa: Harinawa, Sana sumama ka sa group study namin. e) Pagkainis/Pagkagalit: Bagsak ako! Kakainis! Ginagamit din kung minsan ang panandang pananong (?) sa pagpapahayag ng damdamin lalo na kung ito ay may halong pagtataka. Maaaring samahan ang mga ito ng parirala o sugnay na tumitiyak sa emosyong nadarama. Gaya nito: a) Paghanga: Wow, ang ganda n’yan, a! b) Pagkagulat: O, ikaw pala! 8 c) Pagkalungkot: Naku, kawawa naman siya! d) Pagtataka: Siyanga? Totoo bang sinabi mo? e) Pagkatuwa: Yipee! Matutuwa si Mommmy. f) Pagkagalit/ Pagkainis: Hmmpp! Nakaiinis ka! g) Pag-asa: Naku, sana nga’y makapasa ka na! 2. Isa ring paraan ang paggamit ng pahayag na tiyakang nagpadama ng damdamin at/ o saloobin ng nagsasalita. Ngunit mahuhulaang hindi masyadong matindi ang damdaming inihahayag sa ganitong paraan. Pansinin ding ginagamitan ng tuldok ang mga pahayag, bagaman maaari ring gamitan ng padamdam ang bawat isa upang makapaghudyat ng mas matinding damdamin. a) Pagtanggi: Dinaramdam ko, hindi na ako lalahok sa paligsahan. b) Pagkasiya: Mabuti naman at narito na kayo. c) Pagtataka: Hindi ako makapaniwala. Ngayon ko lang narinig ang balitang iyan. d) Pagkainis: Nakabubuwisit talaga ang kinalabasan ng pagsusulit. 3. Maihahayag din ang iba pang emosyon sa tulong ng sumusunod na konstruksiyong gramatikal: Paggamit ng mga padamdam na pahayag na karaniwang binubuo ng pariralang nominal o adjectival. a) Ang ganda ng tulang iyan! b) Nakakapanggigil talaga ang alaga mong aso! c) Ang ilap ng gansa! Paggamit ng mga ekspresiyong karaniwang nagpapahiwatig ng antas ng kasukdulan o kasobrahan. a) Napakakulit ng lalaking mangingibig! b) Sobrang bait ng mag-aaral. c) Ang ganda-ganda niya! d) Talagang gulat na gulat si Arvyl. Halaw ang impormasyong nandito sa Modyul ng Baitang 10 ng Kagawaran ng Edukasyon Matapos maunawaan at malaman ang ilang ekspresyong nagpapahayag ng damdamin. Tumungo na tayo sa ilang gawaing magbibigay sayo nang mas malalim na pag-unawa sa paksa natin. Bigyan ng mas kongkretong sagot ang ilang gawain sa ibaba. Panuto: Suriin at basahin ang pabula ng Ang Hatol ng Kuneho. Matapos sagutan ang mga gawain sa ibaba. Ang Hatol ng Kuneho Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang Tigreng naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kaniyang paglilibot, nahulog siya sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng Tigre ang makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kanya. Kinabukasan, muling sumigaw ang Tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom na gutom at hapong-hapo na ang Tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip 9 niyang ito na ang kaniyang kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad tumayo.“Tulong! Tulong!” muli niyang isinigaw. “Ah! isang Tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay. “Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng Tigre. “Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.” Naawa ang lalaki sa Tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay”, wika ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad. “Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng Tigre. “Huwag kang mag-alala, pangako ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob!” Tila labis na nakakaawa ang tinig ng Tigre kaya bumalik ang lalaki upang tulungan ito. Nakahanap siya ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. “Gumapang ka dito,” sabi ng lalaki. Gumapang ang Tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng Tigre ang lalaking tumulong sa kanya. Naglaway ang Tigre at naglakad paikot sa lalaki. “Sandali!” Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa Tigre. “Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang araw!” tugon ng Tigre. “Sandali! Sandali!” ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo ako.” “Sige,” ang wika ng Tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.” Ipinaliwanag ng Tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari. “Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino. “Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo. Ginagamit ninyo kami sa pagpapatayo ng inyong mga bahay at pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre. Sige pawiin mo ang iyong gutom.” “O, anong masasabi mo doon?” tanong ng Tigre habang nananakam at nginungusuan ang lalaki. Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay! Hintay!” pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang baka sa kaniyang hatol.” Sumang-ayon ang Tigre at ipinaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinyon ng baka. “Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa Tigre. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na... pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya huwag mo na akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.” “Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa iyong kamatayan!” wika ng Tigre habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki. Alam na ng lalaki na ito na nga ang kaniyang katapusan. Nang biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho. “Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki. “Ano na naman!” singhal ng Tigre. “Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon.Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.” “Ah! Walang kuwenta! Alam mong ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng Pino at ng baka.” “Pakiusap, parang awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki. “O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng Tigre. Isinalaysay ng Tigre at ng lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at pinagalaw ang kaniyang mahahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan patungo doon,” wika ng kuneho. Itinuro ng Tigre at ng lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas”, wika ng kuneho sa Tigre at sa lalaki. “ 10 Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.” Tumalon agad ang Tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, Tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang Tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng aking hatol. Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang Tigreng makalabas sa hukay,” paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang Tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang Tigre sa hukay. “Magandang umaga sa inyong dalawa!” wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso. Gawain 1: Naging mabisa ba ang paggamit ng hayop bilang tauhan sa kuwento? Ilahad ang iyong sagot sa pamamagitan ng paggawa ng pahayag sa pamamagitan ng akrostik gamit ang salitang HATOL. H - ________________________________________________________ A - ________________________________________________________ T - ________________________________________________________ O - ________________________________________________________ L - ________________________________________________________ Gawain 2: Ilahad ang antas ng salita batay sa tindi nito. Ayusin ito sa pamamagitan ng klino. Ilagay sa podium ang/mga salita na katapat ng bawat bilang. Mababang antas ang 1 at pinakamataas naman ang 4. A. Suklam, Galit, Inis, Poot B. Naglaway, Nagutom, Natakam, Kumalam 1 2 3 4 Maayos mo bang nagawa ang iyong mga gawain? Magaling! Tayo ng magpatuloy sa ating aralin. 11 Sa bahaging ito ng modyul bigyan natin ng mas masayang gawain. Paano mo hinaharap ang ilang problemang dumarating sa iyo sa araw-araw lalo na sa panahon ngayon? Ilahad ang iyong tugon sa tanong sa pamamagitan ng isang talata. Gumamit ng ekspresyong nagpapahayag ng damdamin (salungguhitan ang mga ito). Sa Panahon ng Pandemya ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________ Ngayon ay natapos mo na ang bahaging ito, alam kong naunawaan mo na ang leksiyon natin. Sundan ang gawaing nasa kabilang pahina upang lubos na maunawaan ang aralin sa modyul na ito. 12 MODYUL 3 Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat bilang paghahanda sa iyong isipan at kapasidad na matuklasan ang iba pang kaalaman. Ito’y tulong upang lubos mong maipamalas ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano. Ang modyul na ito ay mayroong paksa na Sanaysay. Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na ang mag-aaral ay: 1. Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa napakinggan (F9PN-IId-47) 2. Naipaliliwanag ang mga: kaisipan - layunin - paksa; at - paraan ng pagkakabuo ng sanaysay (F9PB-IId-47) 3. Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap (F9PT-IId-47) 4. Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa kanyang mga saloobin o opinyon sa isang talumpati. (F9PD-IId-47) 5. Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag ng matibay na paninindigan (F9PS-IId-49) 6. Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu sa lipunang Asya (F9PU-IId-49) 7. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi (F9WG-IId-49) Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon Aralin at Noong Nakaraang 50 Taon 3 (Sanaysay) Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan sa anyong tuluyan na naglalahad ng mga kaisipan, damdamin, kuro-kuro, reaksyon at iba pa hinggil sa iba’t ibang paksa tulad ng panlipunan, pang-edukayon, paniniwala, pang-araw-araw na gawain at iba pa. Sa wikang Ingles ito ay ‘essay’ na nagmula sa salitang Frances na ‘essayer’ na nangangahulugang ‘sumubok’ (Panday II, 1988:157). Samantala ang salitang sanaysay sa wikang Filipino ay nilikha ni Alejandro G. Abadilla, mula sa salitang ‘sanay’ na nangangahulugang “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” (Pagtuturo at Pagtataya sa Panitikan: 377). Ilan sa halimbawa ng sanaysay ay lathalain, balita, panunuring pampanitikan, blog, at iba pa. Maglakbay tayo sa Silangang Asya at kilalanin ang kanilang panitikan sa pamamagitan ng sanaysay. Alamin natin ang kanilang kultura at panitikan upang higit nating makilala ang kanilang bansa at maiugnay ito sa sarili nating karanasan bilang Asyano. 13 Ang Taiwan ay isa sa maunlad na bansa ngayon sa Asya. Sa katunayan, sa Jiufen, Taiwan hinango ang inspiradong lugar na Bathhouse sa palabas na Spirted Away. Karamihan sa mga Taiwanese ay nagpapahalaga sa Confucian Ethics (kagandahang-asal, karunungan, paggalang sa matatanda at iba), at nahaharap sila sa hamon na mapanatili ang pagpapahalagang ito kasabay ng nagbabagong panahon. Sinasabing kahit industriyalisado na ang bansang Taiwan, hindi pa rin nagkakaroon ng pantay na pagtrato sa babae at lalaki. Patunay nga ang sinasabi sa aklat ni Yan Chen na Women in Taiwan in Socio-cultural Perspective, 78.5% mas mataas ang sahod ng lalaki kaysa babae. Sa sanaysay na “Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakalipas na 50 Taon” na isinalin sa Filipino ni Sheila S. Molina, malalaman natin kung paano nga ba hinaharap ng Taiwan ang pagtugon sa karapatan ng kababaihan kasabay ng nagbabagong panahon. Sa modyul din na ito ating tatalakayin ang kaisipan, layunin, paksa at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay. Basahin ang tsart sa ibaba. 2 Uri ng Pormal na Sanaysay Di-pormal na Sanaysay Sanaysay Paksa Pumapaksa sa seryosong bagay Nagbibigay ng opinyon sa iba’t tulad ng agham, edukasyon, ibang paksa tulad ng pang-araw- politika atbp. araw at personal na bagay. Layunin Magbigay ng tiyak na impormasyon Magbahagi ng opinyon tungkol sa at mahalagang kaisipan. paksa; magbigay lugod sa mambabasa. Mag-iwan ng kakintalan o impresyon sa isipan ng mambabasa. Paraan ng May mga patunay na sumusuporta Magaan at karaniwan ang pagkakabuo sa kaisipan tulad ng istatistika, talakay. Palagay ang loob ng may- survey, pag-aaral at iba pa. akda na parang personal na Nakabase sa katotohanan at nakikipag-usap sa mambabasa. obhetibo ang paglalahad ng ideya. Pamilyar ang mga gamit na salita. Pili ang mga salitang ginagamit. Sa kabilang banda, atin namang aalamin ang mga angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi. Mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi. 1. Para sa akin…. Hal.: Para sa akin, kung dadalaw ka sa isang lugar dapat galangin mo ang kultura roon. 2. Sa aking palagay… Hal. Sa aking palagay, mas malaki ang balik ng pera kung sa negosyo inilaan kaysa itinago lang sa alkansya. 14 3. Ang paniniwala ko ay/naniniwala akong… Hal. Naniniwala akong mas maraming mapagtatagumpayang pagsubok ang nagkakaisang pamilya. 4. Sa tingin ko… Hal. Sa tingin ko, mas huhusay pa siya sa susunod na markahan dahil tinutulungan siya ng kaniyang kapatid. 5. Ayon sa nabasa kong datos… Hal. Ayon sa nabasa kong datos, mas marami ng 69,000 ang lalaking sanggol ang ipinanganak sa Pilipinas noong 2019 kaysa babaeng sanggol. Panuto: Suriin at basahing mabuti ang sanaysay ng Taiwan. Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon (isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina) Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang ng buong mundo ang nakakukuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad ng kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan: una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ikalawa ay ang pag- unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan. Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad ng kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan. Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging kumplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay, ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat. Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kumpanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaeng namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon. At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa mga nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan. Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. 15 Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring kumpanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan. Gawain 1 Panuto: Suriin ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit nito sa sanaysay. Isulat sa papel ang sagot. 1. Parehong pagkakataon ____________________________________ 2. Pantay na karapatan ______________________________________ 3. Naiiba na ang gampanin ___________________________________ 4. Hindi makatarungan ang trato _____________________________ 5. Higit na mapanghamon ____________________________________ Gawain 2 Panuto: Iguhit ang bulaklak at isulat sa mga talutot nito ang mga patunay na nagbago na ang kalagayan ng kababaihan sa Taiwan. Mga patunay na nagbago na ang kalagayan ng kababihan sa Taiwan 1. Nagbago ba ang kalagayan ng kababaihan sa Taiwan noong nakalipas na 50 taon at kasalukuyan? Patunayan ang iyong sagot. 2. Anong kongklusyon ang nabuo ng may-akda sa kaniyang sanaysay? Maayos mo bang nagawa ang iyong mga gawain? Magaling! Tayo ng magpatuloy sa ating aralin. Binabati kita dahil nakarating ka na sa bahaging ito! Tayo nang magpatuloy sa susunod na gawain. Isa ang edukasyon sa karapatan ng kababaihan, lalo na ng kabataan. Ipahayag ang sariling pananaw tungkol sa pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng pandemya. 16 Gawain 3: Sumulat ng argumento hinggil sa kahalagahan ng pagpapatuloy ng edukayon sa panahon ng pandemya. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang pagpapatuloy ng ligtas na pag-aaral sa loob ng tahanan (distance learning) sa kabila nang may umiiral na pandemya? Gumamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi. “_______________________________” ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________. Pamantayan sa Paggawa ng Maikling Salaysay Pinakamahusay Mahusay Malilinang pa Pamantayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos Nilalaman Komprehensibo ang Kumpleto ang May ilang nilalaman ng bawat nilalaman ng bawat kakulangan sa talata at gumamit ng 2 talata at gumamit ng 1 nilalaman at hindi o higit pang mga salitang nagpapahayag gumamit ng salitang nagpapahayag ng opinyon. salitang ng opinyon. nagpapahayag ng opinyon. Organisasyon Direkta at malinaw ang Malinaw at maayos May bahaging di daloy ng paglalahad ng ang presentasyon ng gaanong malinaw opinyon at opinyon. na paglalahad ng paninindigan. kaisipan. Ngayon ay natapos mo na ang bahaging ito, alam kong naunawaan mo na ang leksiyon natin. Sundan ang gawaing nasa kabilang pahina upang lubos na maunawaan ang aralin sa modyul na ito. 17 MODYUL 4 Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat bilang paghahanda sa iyong isipan at kapasidad na matuklasan ang iba pang kaalaman. Ito’y tulong upang lubos mong maipamalas ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano. Ang modyul na ito ay mayroong paksa na Maikling Kuwento Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na ang mag-aaral ay: 1. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay (F9PN-IIe-f-48) 2. Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento (F9PB-IIe-f-48) 3. Nabibigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang kuwento (F9PT- IIe-f-48) 4. Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na bahagi ng teleserye o pelikula (F9PD-IIe-f-48) 5. Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento (F9PS-IIe-f-50) 6. Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring gamitin sa isang pagsasalaysay (F9PU-IIe-f-50) 7. Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento (F9WG-IIe-f-50) Aralin Niyebeng Itim ni Liu Heng 4 (Maikling Kuwento) Tayo namang dumayo sa Silangang Asya at ating aralin ang panitikan ng Tsina. Bago pa man dumating ang mga kastila, nakasasalamuha na ng mga katutubong Pilipino ang mga Tsino dahil sa ‘barter change’ at sa panahon ngayon, isa ang kanilang lahi sa may namamayagpag na negosyo sa ating bansa. Dahil sa matagal na ugnayan ng mga Pinoy at Tsino, naimpluwensyahan na rin tayo ng ilan sa kanilang kultura. Mula sa pagkain—pancit, mami, siomai, siopao; paniniwala sa pamahiin at swerte; paggalang sa nakatatanda, at ang hilig sa panenegosyo. Pagdating sa salapi, nais ng mga Tsino na palaguin ang kanilang salapi sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Nagtutulungan din ang kanilang lahi sa pag-angat at pagnenegosyo. Sa katunayan, ang ideya ng “swerte” ay nakaugat sa “kasipagan”, sa tuloy-tuloy na pagkilos. Tunay ngang dinaratnan ng biyaya ang isang taong masipag, madiskarte at hindi sumusuko. 18 Sa unang bahagi ay nasubukan mong isulat ang pagkakasunod ng pangyayari na ipinakita sa bawat larawan. Ngayon ay tatalakayin natin ang mga salitang tutulong sa iyo upang makapagpahayag ng pagsisimula, pagpapatuloy at pagtatapos ng isang kuwento. Mahalagang salik sa pagkakaunawa sa anomang binabasang teksto ang maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Ilan sa mga ginagamit na hudyat sa pagkakasunod-sunod ng kuwento: 1. Simula – Noong araw, noong unang panahon, sa simula, sa umpisa, una 2. Gitna – makalipas ang ilang araw, isang araw, pagkatapos, sumunod 3. Wakas – at mula noon, simula noon, sa huli, sa wakas, nagtapos ang kwento Ngayong natutuhan natin ang mga hudyat sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari, sagutin natin ang pagsasanay. Panuto: Basahing mabuti ang Maikling Kuwento mula sa Tsina at sagutin ang mga tanong. Niyebeng Itim ni Liu Heng (salin sa Filipino ni Galileo S. Zafra) Paparating na ang bisperas ng Bagong Taon.Nagpakuha ng litrato si Li Huiquan sa Red Palace Photo Studio, isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin, dahil pakiramdam niya, lalo pa siyang pinapapangit ng kamera. Sinabihan na siya ni Tiya Luo na sapat na ang apat na piraso, ngunit nag-order siya ng labinlima. Nagulat ang klerk. “Kinse?” “Kinse nga.” “Hindi kami siguradong maganda pa rin ang litrato kapag ganoon karami.” “Gusto ko sabi ng kinse!” May pagkainis na sa kaniyang boses at iyon lamang ang magagawa niya para mapigilan ang sarili na suntukin ang pangang iyon. Nag-order siya ng kinse para hindi na siya bumalik pa sa susunod at ikinabuwisit niya ang ituring na kahangalan ang ganito. Nang bumalik siya para kunin ang litrato, mas kabado siya kaysa nang kunin niya ang mga abo ng kaniyang ina sa crematorium. Tumalikod siya at lumakad papalayo dala ang balutang papel nang hindi pa muna sinusuri ang litrato, at nang nag-iisa na lamang, dinukot niya ang laman. Labinlimang magkakatulad nalitrato ang hawak niya, bawat isa ay nakatitig sa kaniya nang may pare- parehong hitsura. Sa kabuuan, mas maayos ang kinalabasan kaysa kaniyang inaasahan. Parang mas manipis ang kaniyang labi dahil nakatikom, nakatitig ang mga mataniya. Hindi mo masasabing pangit. Sa katunayan, mas guwapo siya kaysa sa maraming tao. Wala siyang reklamo. Dinala siya ni Tiya Luo sa komite sa kalye kung saan pinagpasa-pasahan sila. Nakipag- usap sila sa iba’t ibang tao hanggang sa isang may katandaang opisyal ang nagbigay rin sa kaniya ng lisensiya para sa kariton. Hindi naaprobahanang kaniyang aplikasyon para sa lisensiya sa pagtitinda ng prutas dahil puno na ang kota. Ang mga kontak ni Tiya Luo ay hindi makatulong o ayaw nang tumulong. Mayroon na lamang lisensiya para sa tindahan ng damit, sombrero,at sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang magawa. Nabalitaan niyang mas madali ang pagtitinda ng prutas, mas mabilis ang kita; mas mabagal naman sa damit, at mas mababa pa ang tubo. Nabalitaan din niyang kailangan niya ng maayos natindahan o koneksiyong black-market para talaga mapatakbo ito. Ngunit handasiyang sumubok. Kailangang palakasin niya ang kaniyang utak, 19 at di matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat. Kahit maliit ang kikitain niya, hindi naman liliit pa iyon sa natatanggap niya bilang ulila, hindi ba? Bahala na. Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang isang matabang mama na tinawag ni Tiya Luo na Hepeng Li. Sabi ni Tiya Luo kay Huiquan na tawagin itong Tiyo Li. Walang ideya si Huiquan kung hepe ito at kaninong tiyo ito, ngunit naaalala niya rito ang matatabang sumo wrestler ng Japan. “Hindi ka ba magpapasalamat kay Tiyo Li sa lahat ng tulong niya?” Magalang na yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya sa kampo. Kailangang yumuko ang mga bilanggo sa lahat ng guwardiya, inspektor, at tagamasid na nakikipag-usap sa kanila o nakatingin man lang sa kanila - iyon angpagsasanay. Ginagawa na niya iyon dahil nakasanayan na. Ngunit halos di siya napansin ng mama—tila ito isang lalaking tumitingin ng kung anong paninda. Pakiramdam ni Huiquan ay isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas. “Ito ba siya?” tanong ng matabang mama kay Tiya Luo. “Mabait siyang bata, tulad ng sabi ko. Tingnan mo’t namumula na siya.” Napatawa ang mama habang itinuon ang tingin kay Huiquan. “Alam mo ba kung paano ka nakakuha ng lisensiya gayong maraming retirado at walang trabaho ang di-makakuha?” “Dahil … dahil kailangan ko ng trabaho?” “Iyon lang ba?” mapanlibak ang ngisi ng mataba. “Dahil isa akong ulila?” “Kinakalinga ka ng pamahalaan; tiyak kong alam mo iyan. Huwag kang manggugulo at huwag kang sakim… nagkamali ka na. Kalimutan mo na iyon, dahil kapag umulit ka, wala nang tutulong sa iyo.” “Gagawin ko anuman ang ipag-utos ng pamahalaan.” Isa na naman sa maraming islogan sa kampo. Nakabilanggo pa rin ang kaniyang isip at damdamin kahit pinalaya na siya sa kampo. Kahit si Tiya Luo ay tumangu-tango. Saanman siya magpunta, laging may nagsasabi sa kaniya kung ano ang dapat at di-dapat gawin; sa pagtingin sa kaniya nang mababa, umaangat ang kanilang sarili. Namalagi siya sa bilangguan. Sila ay hindi, at nararamdaman niya na ang mga babala, panlalait, at paalala ay para lang sa kaniya; gamitin ang ihian, walang dudura, bawal pumasok, limang yuan na multa - lahat ay patungkol sa kaniya at tanging sa kaniya lamang. Habampanahon na may magpapahirap sa kaniyang buhay, magtuturo sa kaibahan niya at ng ibang tao, hihila sa kaniya paibaba. Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas. Kaya magpapanggap siyang tanga, umiiwas sa mga nagmamasid at nagmamatyag. Maraming taon na naman niyang ginagawa ito. Masayang naglakad si Tiya Luo, di-pansin ang tamlay sa mukha ni Huiquan habang nakasunod ito na parang bilanggo. “Halos Bagong Taon na. Puwede kang manatili ngayong bagong taon sa amin.” “Salamat, pero maayos na po ako…” “Sa palagay ko’y matutuwa na ang ina mo. Kung buhay siya, ipapangalandakan niya - negosyante na ang anak ko; maganda ang kinabukasan niya; hindi na siya katulad nang dati. Gusto kong pasalamatan mo ang nanay mo.” “Sige po.” “Bahala ka kung gusto mong mag -isa ngayong Bagong Taon pero hindi ibig sabihin na puwede kang uminom.” “Huwag kayong mag -alala.” “Hindi na maaga para mamili para sa Bagong Taon. Isda, manok – kung ano-ano pa. Kung hindi ka marunong magluto, pumunta ka rito at tuturuan kita. Dapat lang na maayos ang Bagong Taon mo. Pagkatapos, dapat magtrabaho na. Ayusin mo at hahanapan kita ng nobya. Ano sa palagay mo, bata?” “Kayo ang masusunod.” Ngumiti siya ngunit matamlay. Ang isang yari sa kahoy at canvass na ambi ay aabot ng sandaan o mahigit pa; kung may tatlong gulong, dagdag na tatlong daan pa mahigit. Wala nang matitira para sa paninda. Hindi pa nga nagsisimula’y kailangan na niyang humugot sa naipon ng kaniyang ina. Kinabahan siya dahil wala na itong atrasan. Isa o dalawang araw bago ang Bagong Taon, nakakita siya ng kakarag-karag at lumang tatluhang gulong na sasakyan sa East Tsina Gate Consignment Store na 230 yuan ang halaga. Ayos ang presyo pero napakasama ng kondisyon at di-masasakyan. Mukhang maayos ang balangkas - kahit paano’y napanatili ang hugis; walang gulong, pero mapakikinabangan pa rin ang gilid at rayos ng gulong; walang kuliling, walang kadena, at walang tapakan, ngunit may preno at pedal. Hindi siya makapagpasya at pinag-isipan niya sa lahat ng anggulo. Nalibot na niya ang buong bayan. Ang mga bagong sasakyan ay nagsisimula sa apat na raan, wala namang ipinagbibiling umaandar pang segunda 20 mano. Sa isang groseri, nakakita siya ng isang sasakyang yari sa kawayan na mukha namang matibay, ngunit parang may mali rito. Kung magtitinda siya ng damit, kakailanganin niya ang tatluhang gulong – para naman kaaya-ayang tingnan. “Gusto mo nito? Para saan?” Lumapit ang klerk sa kaniya. “Kariton para sa mga damit.” “Tamang-tama. Hindi ka magsisisi. Kung poste ng telepono o kongkreto, o iba pang katulad, hindi ko ‘to irerekomenda. Pero para lamang pala sa ilang tumpok ng damit. Di ka gagastos ng higit sa sandaan sa pag-aayos nito, at puwedeng tumagal pa ng lima, anim na taon.” “Bakit di gumagalaw?” “Matigas ang preno. Aayusin ko.” Ibinigay ni Huiquan ang pera, at kinaladkad ang walang gulong na sasakyan mula East Tsina Gate patungong Dongsi, at mula roon, papuntang Chaoyong Gate. Dahil sa kaniyang natatanging sasakyan, naging sentro siya ng atensyon, bagaman hindi naman nakapipinsala ang mga tingin sa kaniya. Matapos bumili ng ilang parte sa pagawaan ng bisikleta sa labasan ng Chaoyong Gate Boulevard, itinulak niya ang kaniyang sasakyan patungong East Lane ng Kalyeng Spirit Run papasok sa gate ng bilang 18. Ang berdeng bayong na nakasabit sa kalawanging hawakan ng sasakyan ay napuno ng tinimplang baka, dalawang pinakuluang manok, may yelong isda, apat na paa ng manok, at isang bote ng alak – hapunan para sa Bagong Taon. Binili niya at madaling nakuha dahil ayaw na ayaw niyang nakapila at wala naman siya talagang hinahanap para sa kaniyang hapunan. Mas iniintindi niya ang kaniyang sasakyan, ang kaniyang bagong kaibigan, ang kaniyang tahimik na kasama. Inimbitahan siya ni Tiya Luo para maghapunan, bisperas ng Bagong Taon. Dumaan ito habang naglalagare siya ng kahoy, nakalambitin sa kaniyang bibig ang isang pirasong manok. Tumanggi na muna siya. May naamoy ang Tiya at inangat nito ang takip ng palayok. Pinalalambot ang paa ng manok sa kumukulong sabaw. Walang makikitang berde – hindi balanseng pagkain. Sira na ang manggas ng kaniyang panlamig; puno ng kusot ang kaniyang sapatos at laylayan ng pantalon; marumi at mahaba ang kaniyang buhok. Naawa si Tiya Luo sa kaniya, ngunit tumanggi pa rin si Huiquan. Ginagamit pa rin niya ang kahoy na iniwan ni Hobo, desididong gumawa ng magandang patungan para sa kaniyang sasakyan. Bumalik si Tiya Luo para imbitahan siyang manood ng TV – nakatatawang palabas at iba pang kawili-wiling programa. Hindi dapat palampasin. Ngunit umiling siya, hindi man lang tuminag sa kaniyang paglalagare. “Marami pa po akong gagawin.” “Hindi makapaghihintay kahit pagkatapos ng Bagong Taon.” “Mas gugustuhin kong patapusin ninyo ako...” “Marami namang panahon. Huwag mong tapusin agad lahat. Di ka dapat magpagod, Bagong Taon pa naman.” Sa umpisa, panaka-naka ang mga paputok, ngunit dumalas ang ingay at pagsapit ng hatinggabi, akala mo’y sasabog na ang mundo. Ibinaba ni Huiquan ang lagare at nagsalin ng alak. Matagal na pinalambot ang paa ng manok kaya halos matanggal na sa buto ang mga laman nito. Tama naman ang pagkaluto, medyo matabang, marahil, kaya nilagyan niya ng kaunting toyo ang plato at isinawsaw niya ang laman dito, at kumain at uminom siya hanggang sa mamanhid ang kaniyang panlasa. Maaaninag sa kaniyang bintana sa kaniyang likod ang pula at berdeng ilaw paminsan-minsan. Karangyaan kahit saan ka lumingon, mula sa mga taong kuntento sa kanilang buhay. Ano ang balak ng milyong taong ito? Ano ang ipinagsasaya nila? Siguradong hindi siya kabilang sa kanila. Kung buhay si Ina, panahon iyon ng pagbabalot ng dumpling, iyong maliliit na pagkaing pumuputok sa bibig na parang kendi. Gustung-gusto niya iyon. Sa unang Bagong Taon niya sa kampo, pitumpu’t anim ang nakain niya sa isang upuan, hanggang sa mabusog siya nang sobra’t hindi na siya halos makaupo, at ginugol niya ang buong hapon sa paglalakad sa laruan. Gayunman, kahit ang alaalang ito ay hindi nakapagpasaya sa kaniya. Malagkit ang mga kamay niya dahil sa pinalambutang paa ng manok at sapin ng malagkit na baboy, at nahihilo na siya dahil sa alak. Lumabas siya at tumayo sandali sa bakuran. Walang lamig, walang hangin. Makulay ang langit; maraming paputok sa lahat ng dako. Ang bakuran na may mahigit sa pito o walong talampakan ang luwang, ay tulad ng balon sa ilalim ng kumikinang na bughaw na langit. Isang stereo ang bumubuga ng awit, iyong tunog na di-maintindihan. Naiisip niyang mataba at pangit ang mangaawit. Nakapanood na siya ng ganito sa TV – magagandang boses at ngiti ngunit pangit ang hitsura nila. Kumikisay sila sa iskrin, ang mga kilos ay nagpapatingkad lamang sa kanilang kapangitan at ang mga awit nila ay ginagawang mga sigaw at halinghing. Magagandang babae lamang dapat ang ipinakikita sa TV, subalitmaaaring nagkukulang na ng 21 suplay. Bagaman lumalayo na si Huiquan sa mga babae, sumasagi pa rin sa isip niya ang imahen ng magagandang dalaga. Wala sa mga ito ang kilala niya dahil labo-labo na ang mga ito sa kanyang utak – malalabong imahen na ang intensyon ay malinaw at tiyak. May mga panahon, natatanging panahon, kung kailan pinapangarap niyang mapasasayaw niya sa kaniyang isip ang mga imahen. Ngunit sa totoong mundo man o sa mundo ng ilusyon ay hindi niya mapasunod ang mga ito. Walang magawa, napilitan siyang tanggapin ang kaniyang kahinaan. Ang isip ni Huiquan ay nabaling sa malalaswang dingding - dingding ng banyo na ang mga sugat ay hindi mabura, ginulping dingding na halos iguho ng malalaswang pag-atake. Kakaiba, malaswang isip at dumi ay kakatuwang napapagsama nang maayos doon, pinupuwersa siyang harapin ang maruming katawan na pinipilit niyang itago. Mag-isa sa bisperas ng Bagong Taon, idinagdag niya ang sarili niyang mga pantasya sa mga naroon sa maruruming dingding. Hindi pala ang mga babae kundi marahil sa sarili pala niya siya naririmarim. Sa sarili niyang paraan, inalagaan niya ang kaniyang sarili. Magulo, siyempre pa, ngunit gusto niya ang gayon, lihim, ligtas, at di-komplikado. Mas maraming mapagtataguan sa kampo kaysa sa bukid kaya nilang bilangin – taniman, maisan, daluyan ng irigasyon, di pa nabubungkal na bukid – na ang tanging nagmamasid sa kaniya ay ang langit sa itaas at ang lupa sa ibaba. Nang naroon na siya, wala na siyang pagtingin kay Xiaofen, kaya wala nang direksiyon ang kaniyang pagkahumaling. Bahala na. Alam niyang pinaglalaruan siya ng mga demonyo at wala siyang lakas para labanan ito. Pagod na siya. Paubos na ang mga pagputok. Ang madalang nang pagputok ay nagpatingkad sa kalaliman ng gabi. Puno na ang mga tao ng kasiyahan, pagkain,at laro, at oras na para matulog ang lungsod, bago magbukang-liwayway. Wala siyang kasama, at pakiramdam niya’y nawawala siya. Labas sa kaniyang mga pantasya, wala siyang makitang babae na karapat-dapat sa kaniyang pagmamahal. Si Luo Xiaofen, wala na sa kaniyang isip, ay hinding- hindi ang babaeng iyon. Hindi pa niya nakikita ito simula nang lumabas siya. Nagbabakasyon ito sa Harbin kasama ng kaniyang nobyo, isang assistant sa kolehiyong normal, at isang gradwadong mag-aaral sa matematika si Luo – isang tambalang itinadhana ng langit. Ibinalita ni Tiya Luo, masaya at nagmamalaki, na magpapakasal na ang dalawa sa Mayo. Si Luo Xiaofen – kababata ni Hiuquan, sabay silang nag-elementarya hanggang gitnang paaralan, ngunit ngayon, wala na siyang pagkakatulad. Nasa Harbin si Luo, samantalang siya, nasa kalyeng Spirit Run, sa isang madilim na sulok, gumagawa ng hamak na bagay. Ngunit ito ang tadhana. Hinahamak siyang lagi ng tadhana. Sa unang araw ng bagong taon, pinagkaabalahan niya ang kaniyang sasakyan, sa ikalawang araw, inilabas iyon para paandarin. Tuwang-tuwang siya sa mga sisidlang ginawa niya. Nagbisekleta siya para tingnan ang mga pakyawan, para pag-aralan ang mga lokasyon nito. Sa ikalima pa ang takdang pagbubukas ng mga ito, tila pinagkaisahan siya. Walang magagawa hanggang sa araw na ito. Matapos sumulat sa Instruktor Politikal Xue at ipadala ang liham, dumaan si Huiquan sa isang tindahan ng libro at bumili ng mga kopya ng Mga Multo sa Isang Lumang Sementeryo at Mga Babaeng Ahas. Pagbalik sa bahay, humilata siya’t nagbasa habang kinaing isa -isa ang saging. Nitong mga nagdaang araw, nakaubos siya ng isang piling hanggang sa naging madulas ang kaniyang bituka at napapapunta sa inodoro buong araw. Maayos naman ang mga libro; hindi lang siya makaalala ng istorya. Kaya’t binabasa niyang muli, at parang bago at kawili-wili pa rin sa ikalawang pagbasa. Matapos niyang basahing muli ang mga libro, itinabi niya ito at ang mga pader ay tila blangko at maputla. Saging pa. Nakababato. Gayon pa rin bukas, at may pakialam ba siya? Ano ang pagkakaiba ng malaki at maliit na daga? Parehong pangit; parehong patagu-tago. Ibinigay kay Huiquan ang puwesto sa may daanan sa timog ng Silangang tulay. Dito ang mga numero ay nakapinta nang puti sa mga ladrilyo na nasa isang mahabang hanay ng tigdadalawang kwadrado-yardang puwesto; ang iba ay okupado, ang iba ay hindi. Matapos niyang ayusin ang kaniyang tindahan, tinakpan niya iyon ng ambi at inayos ang kaniyang sasakyan para magsilbing harap ng tindahan. Sa bandang kaliwa niya ay ang daanang silangan- kanluran, sa bandang kanan, ang katapat nitong hilaga-timog. Nasa tapat mismo ng paradahan para sa Eastbridge Department Store. Nasa gilid siya ng alimpuyo ng mga tao, parang di humihinto. Wala isa man lang na tumingin sa kaniyang paninda. Pagod pa sa nagdaang okasyon, ang mga dumaraan ay palaiwas o bugnutin. Ang kaniyang designasyong ay Timog 025. Hindi magandang puwesto. Siya ang ika-25 tindero ng damit sa isang mahabang yardang lugar. Ang mga tindahan ng pagkain ay nasa hilagang bahagi ng kalye, na may di kulang sa anim na nagtitinda ng inihaw na kamote at ilan pang matatandang naglalako ng malamig na dalandan at halos bulok nang saging. 22 Napuno ng kulay berde sa kaniyang tindahan – isang bunton ng walong kulay-olibang kasuotang pang-army. Isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang isa. Niloko siya ng matandang lalaki sa pakyawan. Hindi maitinda ang mga kasuotan, panlamig na angora, at sapatos na gawa sa canvass. Ang naitinda lamang niya nang araw na iyon ay mga angora, madaling naubos ang dalawampung piraso. Mangyari pa, iyon ang pain para sa iba pang paninda. Ang pakyawan ay tres-diyes. Ibinenta niya ang una ng apat na yuan at ang huli, saisbeinte. Walang kinailangang magturo sa kaniya. Natuto siya nang iabot sa kaniya ng unang kostumer ang pera; huwag kang matataranta sa pera at kalimutan mo na ang pagiging magalang. Sumigla siya, sa kung anumang dahilan; kumislap ang mata niya, at napanatag siya. Sa wakas, isang bagay itong may kontrol siya. Gusto sana niyang magtago ng isang gora para sa sarili. Para itong Ku Klux Klan na talukbong – mga mata lamang ang makikita – at iyon ang kailangan ng nagtitinda. Pakiramdam ni Huiquan ay makapangyarihan siya, tulad ng misteryosong matanda na naglalako ng minatamisan na nakatayo sa harap ng Eastbridge Department Store, sa dinaraanan mismo ng hangin, ilang oras na walang imik, walang kibot. May mga kostumer siya – hindi marami, kaunti – ngunit hindi na matagalan ni Huiquan na panoorin siya, alam niyang maaari siyang sigawan nito kapag nagpatuloy pa siya. “Sapatos na tatak-Perfection mula sa Shenzhen free economic zone. Sapatos, tatak Perfection, gawa sa Shenzen... ” Nagulat ang mga naglalakad sa sigaw niyang ito. Narinig na niya ang ganitong pagtawag sa Gate ng Silangang China at sa Bukanang Gate, ngunit hindi niya alam kung kaya niya ang ganito. Mahirap, sa isip niya; hindi niya kaya. Ngayon, alam na niyang mali siya sa pagtantya sa sarili. “Mga blusang Batwing! Halikayo rito! Tingnan ninyo!” Sa pagkakataong ito, napakasama ng tunog, ngunit tila walang nagulat. Ilan pang segundo, nasanay na ang mga mamimili sa kaniyang kakaibang sigaw. Maipagkakamaling galing sa aso o sa kotse, at hindi pa rin papansinin ng mga namimili. “Mga blusang Batwing! Seksi, seksi, seksi, mga babae!” Kung makasisigaw lang talaga siya ng kung anong malaswa para mapansin. Buong araw, binantayan niya ang kaniyang tindahan, mula umaga hanggang oras ng hapunan, ngunit wala siyang nabenta, isa man lang panlamig na angora o isang pares ng sapatos kaya - wala maliban sa dalawampung angora. Kahit iyon lang, ang may katandaang babae sa kaniyang kanan ay naiinggit, dahil gayong mas matagal na ito rito, naibenta lamang nito ay pares ng medyas at dalawang panyo. Ang tindahan sa kaliwa ay binabantayan ng isang lalaking dadalawampuin na muntik nang mapaaway sa isang kostumer dahil sa isang jacket na balat. Ang sabi ng kostumer, iyon ay imitasyon; ipinilit ng tindero na tunay iyong balat. Kinusot iyon ng kostumer at iginiit na imitasyon iyon mula sa ibang bansa. Naubos na ang pasensya ng tindero. Alam ni Huiquan na tunay iyong balat, ngunit hindi siya nakihalo sa gulo. Walang dahilan para sumangkot. Nang ang lalaki ay nag-alok sa kaniya ng sigarilyo, tumanggi siya. At siya naman ang nagsindi, di niya pinansin ang lalaki. Wala siyang balak na mapalapit kaninuman. Kailangang mag-ingat kapag sangkot ang ibang tao. Siya ang huli sa hanay ng mga tindahan na nagsara ng araw na iyon. Alas nuwebe na, kalahating oras matapos magsara ang department store. Madilim ang paradahan, halos walang nagawa ang mga ilaw sa kalye; wala nang kostumer sa gabi. Nagsasara na rin ang tindahan sa tapat, na binabantayan ng dalawang lalaki, ngunit kahit gabing-gabi pa, parang ayaw pa nilang tapusin ang araw; may lungkot at panghihinayang sa kanilang tinig. “Medyas na nylon, pasara na! Otsenta sentimos ang isang pares... otsentasentimos isang pares! Paubos na ang medyas na nylon. Huling tawag! Medyas na nylon....” Dumaan ang kanilang sasakyan sa gilid ng kalye patungo sa daan, sa direksiyon ng tore ng pamilyang Hu. Pumedal ang isang tindero samantalang ang isa ay nakaluhod sa sasakyan at iwinawagayway ang isang pares ng medyas na nylon. Sandali lang ang kanilang lungkot na mabilis na pinalitan ng pambihirang tuwa. Ang kanilang mga tinig – isang mataas, isang mahina – ay iginala ng hangin sa gabi. Sa sumunod na araw, nakabenta siya ng muffler. Sa ikatlong araw, wala siyang naitinda. Sa ikaapat na araw, wala pang kalahating oras pagkabukas niya ng tindahan, nakapagbenta siya ng kasuotang pang-army sa apat na karpintero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog. Pagkagaling sa Estasyon ng Beijing, tumungo sila sa hardware sa tore ng pamilyang Hu, at nang marating nila ang Silangang-tulay, nagkulay talong ang kanilang labi dahil sa lamig. Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan, at ang kanilang pera ay mabilis niyang isinilid sa kaniyang bulsa. Bago siya nakapagtinda, matamlay niyang hinarap ang negosyo, ngunit nagbigay ng inspirasyon ang pagbili ng mga karpintero. 23 Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kailan kakatok ang oportunidad. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba? Nag-iisip si Huiquan. Mula sa Raya: Pagbasa at Pagpapahalagang Pampanitikan sa Filipino ni Aurelio S. Agcaoli, 2005 Gawain 1: Suriin ang binasang maikling kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa graphic organizer. Iguhit ang graphic organizer sa sagutang papel at sa loob nito isulat ang sagot. Gabay na tanong: 1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? Sino si Huiqan? Saan siya nagmula bago mapadpad sa palengke bilang tindero ng damit? Ilarawan ang kaniyang kalagayan, kilos, pananaw at paraan ng diskarte sa buhay. 2. “Saanman siya magpunta, laging may nagsasabi ng mga dapat at di-dapat niyang gawin. Sa pagtingin sa kaniya nang mababa, umaangat ang kanilang sarili.” Ano ang ipinahihiwatig ng kapaligiran na ito ni Huiqan? 3. Ilarawan ang tagpuan sa kuwento. Ano-ano ang makikita at maririnig sa paligid? Ano-ano ang pinagkakaabalahan o paraan ng pamumuhay ng mga tao sa lugar na ito? 4. Paano nagsimula ang kuwento? Saan galing ang kaniyang salapi at ano ang naisip niyang paraan upang palaguin ang salaping ito? Sino-sino ang tumulong sa kaniya sa pagsisimula at ano-ano ang tulong na ibinigay sa kaniya? 5. Isalaysay kung paano nagpatuloy ang buhay ni Huiqan sa palengke. Ano-ano ang mga suliranin at paano niya ito hinarap? Ilarawan ang kaniyang pagsisikap. Ano- ano ang hakbang na kaniyang isinagawa at ano ang naging resulta nito? 6. Paano nagwakas ang kuwento? Anong mahalagang kaisipan ang iniwan sa iyo ng maikling kwentong “Niyebeng Itim”? 7. Kung ikaw ang binigyan ng salapi, saan mo ito gagamitin o paano mo ito palalaguin? 8. “Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kailan kakatok ang oportunidad. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba?” Naniniwala ka ba sa pahayag na ito? Bakit? 24 Gawain 3: Isulat sa kanang bahagi kung anong kultura ng mga Tsino ang mahihinuha sa mga piniling pangungusap mula sa akda. Anong kultura ng mga 1.Patay na ang ina ni Tsino partikular sa Huiquan subalit pinayuhan magulang ang siya ng Tiya na pasalamatan mahihinuha sa ang kaniyang ina sa pangungusap na ito? tagumpay niya ngayon. 2.Binigyan ng pera ng pamahalaan Anong kaisipan ng mga Tsino si Huiquan upang maging partikular sa pakikipagkapwa panimula sa paglabas nya sa ang mahihinuha sa bilangguan. Tinulungan siya ni pangungusap na ito? Tiya Luo at Hepe Li. 3. Negosyo ang naisip ipundar ni Huiquan sa ibinigay sa kaniyang Anong kaisipan ng mga Tsino salapi. Nag-isip sya ng iba’t partikular sa pananalapi at ugali ang ibang diskarte sa pagtitinda, mahihinuha sa pangungusap na ito? hindi sumuko hanggang nakabenta sya. Gawain 4: Ilarawan ang iyong obserbasyon sa kabuuang kulturang Pilipino pagdating sa pagtulong sa kapuwa, paggalang sa magulang, kasipagan at kaugalian sa pananalapi. Aking obserbasyon sa kabuuang kulturang Pilipino. Pagtulong Pagmamahal sa kapuwa sa magulang Pagiging Ugali sa masipag pananalapi Sundan ang gawaing nasa kabilang pahina upang lubos na maunawaan ang aralin sa modyul na ito. 25 MODYUL 5 Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat bilang paghahanda sa iyong isipan at kapasidad na matuklasan ang iba pang kaalaman. Ito’y tulong upang lubos mong maipamalas ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano. Ang modyul na ito ay mayroong paksa na Dula Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na ang mag-aaral ay: 1. Nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa napakinggang diyalogo o pag-uusap (F9PN-IIg-h-48) 2. Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento nito (F9PB- IIg-h-48) 3. Napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga katangian at elemento ng bawat isa (F9PD-IIg-h-48) 4. Naisusulat ang isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang pangkat ng tao sa ilang bansa sa Asya (F9PU-IIg-h-51) 5. Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling dula (F9WG- IIg-h-51) Aralin Munting Pagsinta 5 (Dula) Sa pagpapatuloy ng ating paglalakbay sa bandang Silangang Asya. Tuklasin natin ang yaman ng literatura at kung paano ito lubos na nakapagbigay ng timyas sa ating panitikan ngayon. Sa aralin na ito ay maipamamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa dula na may pamagat na “Munting Pagsinta” na hinalaw ni Mary Grace A. Tabora sa pelikula ni Sergei Bordrov na mula sa Mongolia. Matututuhan mo rin ang kahalagahan ng mga cohesive device o kohesiyong gramatikal sa pagbuo ng mga pahayag o diyalogo. Sa bahaging ito ng modyul ay ating aralin ang patungkol sa uri ng akdang pampanitikan na mayroon. Saliksikin mo ang mga katuturan at kahulugan na bumubo sa isang Dula. Simulan na natin! DULA Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Gaya ng ibang panitikan, ang 26 karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip. Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay ang simula, gitna, at wakas. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula Tauhang Bilog- ang pangunahing tauhan ay nag-iiba-iba ang karakter na ginagampanan sa dula Tauhang Lapad- ang pangunahing tauhan ay iisa ang karakter sa kuwento. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood ELEMENTO NG DULA Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang 27 layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood EKSENA AT TAGPO Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula. Source: http://rosiefilipino10.weebly.com/dula.html#/ GRAMATIKA - Ang COHESIVE DEVICE REFERENCE O KOHESIYONG GRAMATIKAL na pagpapatungkol ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita? Mga halimbawa: ito, dito, doon, dito, iyon (Para sa lugar/bagay/hayop) sila, siya, tayo, kanila, kaniya (Para sa tao/hayop). - Nahahati ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa dalawa, ang ANAPORA AT KATAPORA. 1. Anapora - ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan. Mga halimbawa: a) Kung makikita mo si Manoling, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap. b) Si Rita’y nakapagturo sa paaralang-bayan, diyan siya nakilala ng iyong anak. c) Kinausap ko si Manoling, sinabi ko sa kaniya na ang kaniyang ginawa ay pangit. 2. Katapora - ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan. Mga halimbawa: a) Siya’y hindi karapat-dapat na magtaglay ng aking apelyido, si Manoling ay kahiya-hiya! b) Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako, pulaan man ako ng mga tao? - Gumamit din tayo nang mga angkop na Pang-ugnay Sa salitang Ingles ito ay tinatawag na conjunction. Ang mga salitang ito ay inilalagay bago ang isang pangngalan, tulad ng "ang/si", "ng/ni/kay", "ayon sa/kay", "para sa/kay", "hinggil sa/ kay", at iba pa. Mga halimbawa 1. Ayon kay God Kim Woojin, babalik daw siya sa kaniyang grupong "Stray Kids." 2. Nabalitaan ko kay Arnold na magkakansela ng klase. 3. Ang ginawa ni hamster Wendy na biscocho ay para kay sexy dynamite Joy. 4. Ayon kay Choi Seungcheol siya ay babalik ulit sa grupo niyan SEVENTEEN pagkatapos ng hiatus niya. Source: https://tl.wikibooks.org/wiki/Tagalog/Pang-ugnay 28 Panuto: Basahing mabuti ang dula at sagutin ang mga tanong. Munting Pagsinta mula sa pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Khan ni Sergei Bordrov Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora Mga Tauhan: Temüjin - anak ni Yesügei na mula sa Tribong Borjigin Yesügei - ama ni Temüjin Borte - isang dalaginding na taga - ibang tribo Tagpuan: Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng magiting na mandirigmang naninimdim sa takbo ng kapalarang sinapit na nakatalungko sa isang sulok ng makipot at karima-rimarim na piitan. Temüjin: Anong saklap na mapiit sa kulungang malupit? Ito ay silid ng kalungkutan. Tila kailan lamang nang kasa-kasama ko si Ama.... Yesügei: Temüjin, bilisan mo na riyan. Kailangan nating magmadali? Temüjin: Bakit Ama? Yesügei: Malayo ang ating lalakbayin. Kailangang huwag tayong magpatay- patay. Mahalaga ang ating sasadyain. Temüjin: Naguguluhan ako sa iyo Ama. Kanina ka pa nagmamadali at sinasabing mahalaga ang ating sadya sa ating pupuntahan? Ano ba iyon? Yesügei: Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong iyan Temüjin ay dapat ka nang pumili ng iyong mapapangasawa. Temüjin: Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay sa matatanda lamang. Yesügei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag nakapili ka na ng babaeng pakakasalan mo ay magsasama na kayo. Isang simpleng pamimili lamang ng babae ang gagawin mo at pangakong siya’y iyong pakakasalan. Temüjin: Ganoon po ba iyon? Yesügei: Oo, anak. Tayo’y nabibilang sa Tribong Borjigin kaya’t ikaw ay pipili ng babaeng mapapangasawa sa Tribong Merit. Temüjin: Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman iyon ang ating tribo. Yesügei: Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya’t sa ganitong paraan ako’y makababawi sa kanila. Temüjin: Sa tingin mo ba Ama sa ating gagawin ay kalilimutan na nila ‘yon nang ganoon na lamang? 29 Yesügei: Hindi ko alam. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Mas mabuting may gawin akong paraan kaysa sa wala. Temüjin: Kung iyan po ang sa tingin ninyo’y tama. Tagpo: Sa maliit na nayong liblib na kinatatayuan ng ilang kabahayan. Yesügei: Temüjin, magpahinga muna tayo. Temüjin: Mabuti ‘yan Ama. Napagod na rin ako. Gagalugarin ko lamang ang paligid. Yesügei: Huwag kang lalayo at mag-iingat ka. Tagpo: Mapapadpad si Temüjin sa isang dampa kung saan nakatira ang dalaginding na si Borte. Mabibigla siya sa di inaasahang pagbagsak ng pinto ng kanilang kusina na likha ng aksidenteng pagkabuwal ni Temüjin. Borte: Aaay! May magnanakaw! Temüjin: Shhh (Tatakpan ang bibig ni Borte). ‘Wag kang sumigaw, wala akong gagawing masama. Borte: (Pipiliting magsalita kahit nakatakip ang bibig.) Temüjin: Tatanggalin ko ang pagkakatakip ng bibig mo kung mangangako kang hindi ka na mag-iingay. Magtiwala ka sa akin hindi ako masama (Habang dahan-dahang inaalis ang kamay sa bibig ni Borte.) Borte: (Sa isang mahinang tinig) Bakit kita paniniwalaan? Di naman kita kilala. Temüjin: Kahit di mo ako kilala, kaya kong patunayan sa iyo na ako’y mabuti. Borte: (Mariing pagmamasdan si Temüjin) Aber paano mo patutunayan ‘yang sinasabi mo? Sige nga! (Taas noo) Temüjin: Basta ba di mo ako pagtatawanan sa sasabihin ko sa iyong patunay. Borte: Tingnan natin. Temüjin: (Tila seryosong nag-iisip na may ngiti sa labi) Borte: Anong nginingiti mo riyan? Sabi mo ‘wag akong tatawa, ikaw lang pala ang tatawa. Temüjin: Heto na, handa ka na ba? Borte: Kanina pa, ang bagal mo naman. Temüjin: Nais ko sanaaaannnng (magkakandautal) sa…sanang ikaw ang babaeng mapangasawa ko. (Mababa ang tono) Borte: Siraulo ka ba? Niloloko mo ako no? Kabata-bata pa natin. Temüjin: Seryoso ako. Ano payag ka ba? Borte: Ganon-ganon lamang ba iyon? Temüjin: Alam kong mahirap akong paniwalaan, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo. Kasama ko si Itay, kami’y papunta sa tribo ng mga Merit upang pumili ako ng aking mapapangasawa. Ngunit ikaw ang ibig ko, ikaw ang pinipili ko. Borte: Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo? 30 Temüjin: Di ko rin alam. Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng pagkakataon sa akin. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman pagbigyan mo na ako. Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay pakakasal na tayo. Borte: (Di pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari) Di ko malaman kung ano ang dapat kong sabihin sa iyo. (Nag-aalangan) Pero… sige na nga. Temüjin: Salamat sa iyo, ako’y labis mong pinaligaya. Asahan mong hindi ka magsisi sa iyong desisyon. Borte: (Nahihiya at halos di makapagsalita) Paano na ngayon? Temüjin: Siyempre tuloy pa rin ang buhay natin. (Masuyo ang pagkakatingin kay Borte) Pero darating ang panahon na tayo’y mamumuhay sa iisang bubong. Magkatuwang na aarugain ang ating mabubuting anak. Borte: Matagal pa iyon. Temüjin: Oo, pangako babalikan kita pagkatapos ng limang taon. Halika puntahan natin si Ama. (Kukunin ang kamay ni Borte.) Tagpo: Magkahawak kamay na naglalakad sina Temüjin at Borte sa paghahanap sa ama kay Yesügei na kanilang makikita na nakatunghay sa ilog. Temüjin: Ama! Yesügeii: (Mapapaharap at magpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa pati sa kanilang kamay) Anong…Sino siya…Bakit? Temüjin: Ama, siya po ang babaing napili ko. Si Borte. Borte: Magandang hapon po. Kumusta po kayo? Yesügei: Pero… Temüjin: (Agarang magsasalita) Paumanhin po sa pagdedesisyon ko nang di nagpapaalam sa inyo pero buo po ang loob ko sa aking ginawa. Sana’y maunawaan n’yo po ako. Yesügei: Ganang desidido ka na, sino ba ako para di-sumang-ayon sa iyong kagustuhan. Ang iyong buhay naman ang nakataya rito. (Matiim na titingnan si Borte) Okay lang ba sa iyo? Borte: Opo! Yesügei: Kung gayon, halina kayong dalawa at kausapin natin ang mga magulang mo Borte. Matapos makipagkasundo sa mga magulang ni Borte, ang mag-ama ay naglakbay pauwi sa kanilang dampa sa malayong nayon ng Mongolia. (Si Temüjin ay si Genghis Khan.) Gawain 1: Ano-ano ang mga bagay na napagtanto mo mula sa bahagi ng akdang Muling Pagsinta? Ito ba ay may kaugnayan sa iyong pang-araw-araw na buhay? Ihayag ang iyong sagot sa pamamagitan ng paglalagay nito sa patlang. Gumamit ng ibang papel. 31 Gawain 2: Tukuyin mo! Piliin ang mga pahayag o diyalogo sa dulang “Munting Pagsinta” na ginamitan ng kohesiyong gramatikal. Gayahin ang pormat sa kasunod na graphic organizer at gawin ito sa sagutang papel. Pahayag/Diyalogo Kohesiyong Gramatikal (Katapora/Anapora) Gawain 3: Panuto: Magsaliksik ng iba pang dula. Paghambingin ang dalawang dulang nabasa o napanood ukol sa elemento at sangkap ng isang dula. Pamagat ng NABASA o ELEMENTO NG DULA Muling Pagsinta DULANG NAPANOOD: AKTOR TANGHALAN MGA EKSENA AT TAGPO BISA SA MANONOOD PAMANTAYAN SA PAGSASALIKSIK/ PAGSUSURI MAS DI GAANONG WALANG PAMANTAYAN PINAKAMAHUSAY MAHUSAY MAHUSAY KAHUSAYAN (10 PUNTOS) (5 PUNTOS) (3 PUNTOS) (2 PUNTOS) (1 PUNTOS) NILALAMAN Naangkop at Naibigay ang Nakapagbigay Walang detalyado ang mga ng maayos na nilalaman ukol sa impormasyon impormasyon impormasyon nabasa at ng may ngunit hindi ang nailahad napanood na dula. kaayusan. kongkreto ang sa nabasa at nabuong napanood. nilalaman. PAGSUSURI Nahihimay nang May May Walang husto ang bawat kahusayan kakulangan sa pagsusuri sa detalye ng sinuring ang nabuong mga detalyeng mga video at nabasang pagsusuri nailahad sa impormasyong dula. bagamat may pagsusuri ng nailahad ayon mga detalyeng dula. sa dulang nakaligtaan. nabasa at napanood. Kabuoan: 32 MODYUL 6 Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat bilang paghahanda sa iyong isipan at kapasidad na matuklasan ang iba pang kaalaman. Ito’y tulong upang lubos mong maipamalas ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano. Ang modyul na ito ay mayroong paksa na Parabula. Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na ang mag-aaral ay: 1. Naipahahayag ang damdamin at pag-unawa sa napakinggang akdang orihinal (F9PN-Iii-j-49). 2. Naipaliliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling kaisipan at damdamin (F9PB-Iii-j-49). 3. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto ng pangungusap; ang matatalinghagang pahayag sa parabula; ang mga salitang may natatagong kahulugan; ang mga salita batay sa kontekstong pinaggamitan; ang mahihirap na salita batay sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan (F9PT-IIij-49) Ang Talinghaga tungkol Aralin sa May-ari ng Ubasan 6 (Parabula) Sa pagpapatuloy ng ating paglalakbay sa bandang Kanlurang Asya. Tuklasin natin ang yaman ng literatura at kung paano ito lubos na nakapagbigay ng timyas sa ating panitikan ngayon. Sa aralin na ito ay maipamamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa Parabula ng Kanlurang Asya. Ito rin ay tutulong sa iyo upang buksan ang iyong kaisipan at kakalabitin ang iyong puso lalo na ang mga paksa nito na may kaugnayan sa totoong buhay at sa mga isyu sa kasalukuyan. Di gaanong lantad ang kahulugan o mensahe nito pero kung magiging matiyaga, mapanuri at pursigidong matuto, ang karunungang taglay ng mga tekstong ito ay iyong maaangkin. Tara na! baunin mo ang iyong determinasyon na matuto upang lalo pang mapagyaman ang mga kakayahang taglay. 33 Sa bahaging ito, maraming bisa ang hatid sa iyo dahil nakapaloob dito ang mga kaalaman ukol sa mga pinakakompitensi na dapat mong malinang at matandaan. TATLONG BISA NG PANITIKAN 1. BISANG PANDAMDAMIN Tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda. Sinasabing ang bisang ito ang siyang pinakamahalagang katangian ng isang akdang pampanitikanm Ginigising ng isang akda ang damdamin ng mambabasa kung ang damdamin din ng mga tauhan o ng may-akda ay malinaw na naipahahayag sa mga pandamdam, sa guniguni at sa puso ng mambabasa. 2. BISANG KAASALAN Tungkol naman ito sa pagbabago sa isang kaisipan dahilan sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa. Ang akda ay hindi lamang nilikha upang magbigay ng dunong sa mambabasa. Nilikha rin ito upang magbigay-aral at humubog ng katauhan. 3. BISANG PANGKAISIPAN May kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa. Ito ang unang dapat taglayin ng isang akda. Katangian itong taglay na nagbubunsod sa mambabasa na mag-isip upang yumaman at umunlad ang kanyang diwa o isipan. Alam mo ba na ang PARABULA O TALINHAGA ay may malakas na epekto sa mambabasa; sa iyong damdamin, sa iyong pagkatao at ang huli ay ang pangkaisipan. Ang tatlong ito ay magkakaroon lang ng bisa kung ang mga natutunan sa bawat teksto ay iyong isasapuso, isasaisip at isasagawa at iyan ang tatlong tuon ng parabula para sa mambabasa. May napansin ka bang kakaiba sa mga salita o pahayag na ginagamit sa pagbuo ng isang parabula? Pag-usapan natin, basahin mo ang kasunod na impormasyon upang maging lubusan ang pag-unawa sa kabuuan ng mga parabula iyong nababasa. Dito ay papasok na tayo sa kaalaman panggramatika. Matalinghagang Salita o Pahayag Ang wikang Filipino ay puno ng mga matatalinghagang pahayag. Ang matatalinghagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino. Ito ay ang mga pahayag na may malalim o hindi tiyak na kahulugan, dahil hindi literal ang kahulugan ng salita kung hindi naglalarawan lamang ng makasagisag. Sinasalamin nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng mga Pilipino sa paggamit ng sariling wika sa pamamaraang pasulat o pasalita. 34 Sa usaping pamapanitikan napakahalaga ng mga ito lalo na sa paghahayag ng ideya sa matalinghagang kaparaanan sapagkat mas binibigyan nito ng kahusayan ang isang akda kaya’t ito ay masasabing isang sining. Naging buo na ang ating impormasyon ukol sa ating aralin, nais ko na ika’y bigyan ng panibagong Gawain upang maging malalim ang pang-unawa sa iba’t ibang anyo ng parabula, basahin mo ang makabagong parabula ng ating panahon bago mo himayin ang bawat bilang ng ating gawain. Panuto: Basahing mabuti ang Parabula at sagutin ang mga gawain pagkatapos. Ang Talinghaga tungkol sa May-ari ng Ubasan Mula sa Bibliya Mateo 20:1-16 “Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang- maaga upang kumuha ng manggagawa para sa kanyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-aalas nuwebe ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.’ At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-aalas dose ng tanghali at nang mag-aalas tres ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-aalas singko na ng hapon, siya'y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon?’ ‘Wala po kasing magbigay sa amin ng trabaho,’ sagot nila. Kaya't sinabi niya, ‘Kung gayon, pumunta rin kayo sa aking ubasan.’ “Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.’ Ang

Use Quizgecko on...
Browser
Browser