Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya PDF

Document Details

AbundantMulberryTree747

Uploaded by AbundantMulberryTree747

Maria Montessori Children's School

Ruth Torre Develos

Tags

relihiyon pilosopiya Asya

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba't ibang relihiyon sa Asya, kabilang ang Kristiyanismo, Islam, Hinduismo, Judaismo, at Budismo. Mga pangunahing ideya, tagapagtatag, at pananaw, na ipinapaliwanag sa isang maikling paraan.

Full Transcript

Mga RelihiyoN sa Asya Teacher Ruth Torre Develos Relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad. KRISTIYANISMO Ang kasaysayan ng relihiyo...

Mga RelihiyoN sa Asya Teacher Ruth Torre Develos Relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad. KRISTIYANISMO Ang kasaysayan ng relihiyong ito ay batay sa Bibliya. Itinatag ni Hesus na isang Jew Bibliya – banal na aklat ng mga Kristiyano.Nahahati ito sa dalawa: Lumang Tipan Bagong Tipan KRISTIYANISMO Dalawang aral at utos: Una, mahalin ang Diyos nang buong puso, lakas, at kaluluwa. Pangalawa, mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili. ISLAM Ang nagtatag, nagturo, at nagpalaganap ng relihiyong ito ay si Muhammad na isinilang sa Mecca noong 571 CE Islam = kapayapaan. Ang tawag sa mga taga-sunod ng Islam ay Moslem o Muslim. ISLAM Allah – tawag sa Diyos ng mga Muslim. Qur’an o Koran – banal na aklat ng Islam ISLAM Limang Haligi o Five Pillars 1. Shahada – si Allah lamang ang tanging Diyos at si Mohammad ang kaniyang propeta. 2. Salat – Pagdarasal paggising sa umaga, sa tanghali, sa hapon, paglubog ng araw, at bago matulog sa gabi. ISLAM Limang Haligi o Five Pillars 3. Zakat – itinakda na ang nananampalataya ay palaging bukas-palad sa mga nangangailangan. 4. Sawm – Ang paggunita sa banal na Ramadan. Ito ay isang buwan na pag-aayuno mula madaling araw hanggang sa paglubog ng araw. 5. Hajj – ito ang paglalakbay sa Mecca minsan sa buong buhay ng isang Muslim. HINDUISM Hindu – tawag sa mga naniniwala at sumusunod sa Hinduism Tatlong Pangunahing Diyos: 1. Brahma – tagapaglikha 2. Vishnu – tagapangalaga 3. Shiva – taga-wasak Naniniwala ang mga Hindu sa reengkarnasyon o pag-ikot ng kapanangakan at kamatayan. HINDUISM Sa kanila nagsimula ang konsepto ng KARMA Sistemang Caste 1. Pinakamataas: Brahmin – mga pari at iskolar sa lipunang Hindu 2. Kshatriyas – namumuno at mandirigma 3. Vaishya – mga magsasaka, artisan, at mangangalakal 4. Sudra – mga mangagawa at alipin. HINDUISM Libo-libong Hindus ag nagsasagawa ng pilgrimage sa Ganges River kada taon. Judaism Ang STAR OF DAVID o SHIELD OF DAVID bilang simbolo ng relihiyong ito. Ang JUDAISM ay relihiyon ng mga ISRAELITA o mga taong nasa bansang Israel. tawag sa mga taong sumusunod sa relihiyong ito ay mga JEW o HUDYO YAHWEH - tagalikha ng lahat ng bagay Judaism TORAH - ibig sabihin ay “batas o “aral” na naglalman ng limang aklat ni Moses: Genesis Exodus Leviticus Numbers Deuteronomy Judaism Adan at Eba ABRAHAM - ama ng Judaism Judaism 10 Utos ni Yahweh I. Ibigin mo ang Diyos nang higit sa lahat. II. Huwag sasamba sa mga diyos-diyosan III. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath IV. Igalang mo ang iyong ama at ina V. Huwag kang papatay Judaism 10 Utos ni Yahweh VI. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa. VII. Huwag kang magnanakaw. VIII. Huwag kang magbibintang at magsisinungaling IX. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari X. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa. BUDDHISM Itinatag ni Siddharta Gautama Buddha Siya ay isang mayamang anak ng pinuno ng kaharian ng Kapilavastu sa Nepal. Mahalaga sa kanya ang katiwasayan ng isipan at kaluluwa. BUDDHISM Sa pamamagitan ng pagmemeditasyon sa loob ng maraming araw natamo niya ang kaliwanagan (enlightenment) BUDDHISM Ang salitang BUDDHA ay nangangahuligang “Ang Naliwanagan” Dharma Wheel - ang simbolo ng Budismo BUDDHISM Apat na Katotohanan (Four Noble Truths) 1. Ang buhay at paghihirap ay hindi mapaghihiwalay. 2. Ang sanhi ng paghihirap ay pagnanasa sa kapangyarihan, kasiyahan, at patuloy na pamumuhay. 3. Maaring maalis ang paghihirap kung aalisin ang pagnanasa. 4. Maalis ang pagnanasa kung susundin ang Walong Landasin. BUDDHISM Walong Landasin (Eight Fold Path) 1. Tamang pag-iisip 5. Tamang pagkilos 2. Tamang pananaw 6. Tamang paghahanapbuhay 3. Tamang intensiyon 7. Tamang pag-unawa 4. Tamang pagsasalita 8. Tamang konsentrasyon Thank you!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser