Renaissance Tagalog Notes PDF

Summary

These notes discuss the Renaissance period, covering various aspects like intelligence, architecture, reformation, literature, philosophy, medicine, universities, and maritime, through the lens of Tagalog. The document appears to be study notes or lecture materials, rather than a traditional exam paper.

Full Transcript

Intelektwal (intelligence) – kakayahan ng isang tao na mag-isip, maglikom ng mga kaalaman at magsuri ng mga impormasyon at kontrolado ng utak. Arkitektura (architect) – pamamaraan at produkto ng pagpapa plano, pagdidisenyo at pagtatayo ng mga gusali o ng ibang mga pisikal na istraktura. Repormasyo...

Intelektwal (intelligence) – kakayahan ng isang tao na mag-isip, maglikom ng mga kaalaman at magsuri ng mga impormasyon at kontrolado ng utak. Arkitektura (architect) – pamamaraan at produkto ng pagpapa plano, pagdidisenyo at pagtatayo ng mga gusali o ng ibang mga pisikal na istraktura. Repormasyom (reformation) – ang pagbabago ng isang tao o grupo/kilusan. Literatura (literature) – ang mga panitikan o panulat gaya ng tula, nobela at libro. 1 Pilosopiya (philosophy) – pagmamahal sa karunungan, pag-aaral sa mga pinakamalalim na katarunungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Medesina (medicine) – sangay ng agham pangkalusugan na tungkol sa panunumbalik at pagpapatuloy ng kalusugan at kagalingan. Unibersidad (universities) – isang institusyon na mas mataas na edukasyon at pananaliksik na nagbibigay ng mga sertipikong akademiko sa iba’t ibang larangan. Maritima (maritime) – ito ay may kaugnayan sa dagat lalo na sa sa komersiyong pandagat or aktitibad sa military. 2 QUARTER 3 – Modyul 1 Ang renaissance Renaissance * hango sa salitang latin na “renovatio‘’. * Panahon pa ni Kristo nabigyan na ng kahulugan ang salitang ito, nangangahulugan itong “Spiritual Rebirth”. * Sa salitang Pranses, ito ay nangangahulugang: muling pagsilang o rebirth, muling pagkamulat, muling pagkabuhay at pagpapanibago o revival. 4 Mga kaganapan: *Hindi isang kagyat na rebolusyon ang pagpasok ng Renaissance sa Europe, kundi ito ay isang unti-unting transisyon o repormasyon para matamo ang kanilang pagbabago. *Nanatili at pinanumbalik ang mga sinaunang kulturang klasikal ng Gresya at Roma, na nagdulot ng sigla sa kaisipan ng Europa at nagbigay daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura at eskultura. *Naging inspirasyon sa mga mangangalakal dahil naging maunlad ang ekonomiya at sa larangan ng eksplorasyon, binigyang sigla ang mga manlalakbay na galugarin ang mundo. 5 *Nabuhay na muli ang interes ng mga mamamayan sa kalikasan ng tao. *Naglabasan ang mga taong may taglay na kakayahan, kumbaga, “all the talented people came, for its their time to shine”. *Nabuksan ang isipan ng mga tao na gamitin ang kanyang abilidad at talent sa pagtuklas ng mga bagay-bagay at nagesulta ng mga am ag na napakinabangan ng lipunan. Simbahan – ang institusyong hindi natitinag ng Panahon. Iniugnay ito sa paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa Panahon ng Karimlan. 6 Mga salik sa pagsibol ng renaissance sa italya -Nagsimula sa Italya ang Renaissance sa kadahilanang itinuturing ng mga Italyano sa dugo at wika, na sila ang may kaugnayan sa mga Romano kaysa alinmang bansa sa Europa 8 Mga mahahalagang salik ✣ Pinakamahalagang salik ang kinaroonang pangheograpiya ng Italya. ✣ Sa mapa ng daigdig, matatagpuan ang Italya sa pagitan o dakong gitna ng Kanlurang Europa at Kanlurang Asya. ✣ Dahil sa magandang lokasyon nito, nagkaroon ng bentahe ang mga lungsod-estado ng Italya na noong panahon yaon. ✣ Nakatulong din ang kinaroonang sentral ng Italya sa pagtanggap ng iba’t- ibang, kaisipan mula sa Kanluran at Silangan. ✣ Sa pagkakaroon ng malayang pag-aaral sa unibersidad, naging praktikal ang mga tao sa kanilang pananaw sa buhay at mas naging malaya sa paglinang ng kanyang mga kakayahan at kagustuhan. ✣ Higit na hinangad ng mga tao ang lubos na kasiyahan sa kasalukuyang buhay kaysa sa pag-aalala sa kanilang kamatayan. 9 Paglaganap ng humanismong renaissance 10 *Itinaguyod ng pilosopiya ni ROGER BACON, na lahat ng kaalaman ay napasailalim ng lalong mahigpit na pagsusuri sa pamamagitan ng eksperimento at katibayan. Cicero – ayon sa kanya ang “lahat ng tao’y tinatawag na tao, ngunit maari lamang tawaging makatao ay yaong naging sibilisado dahil sa pag-aaral na angkop sa kultura. Humanismo – ang pag-uusisa at hilig sa kaisipang klasikal ang nagtatag ng tuntungan sa kilusan. - isang kilusang kultura na ang saloobin sa buhay ay ang panunumbalik at pagbibigay-halaga sa kulturang klasikal ng Griyego at Romano. 11 Maps our office 12 Kontribusyon at epekto ng renaissance * Hindi matutumbasang pamana ng Renaissance sa sangkatauhan ang mga kahanga-hangang likha sa iba’t ibang larangan ng sining at panitikan. Kilalanin natin ang mga taong kinilala sa mga pambihirang nagawa nila sa panahon ng Renaissance. 13 Sa larangan ng sining at panitikan Francisco Petrarch (1304-1374) Ang “Ama ng Humanismo’. Pinakamahalagang sinulta niya sa Italyano ang “Songbook”, isang koleksyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakakamhal niyang si Laura. 14 Sa larangan ng sining at panitikan Goivanni Boccacio (1313-1375) Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kanyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron” , isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang (100) nakatatawang salaysay. 15 Sa larangan ng sining at panitikan William Shakespeare (1564-1616) Ang “Makata ng mga makata”. Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: Julius Caesar, Romeo at Juliet, Hamlet, Anthony at Cleopatra at Scarlet. 16 Sa larangan ng sining at panitikan Desidarious Erasmus (1466-1536) "Prinsipe ng mga Humanista”. May-akda ng “In Praise of Folly” kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao. 17 Sa larangan ng sining at panitikan Nicollo Machievelli (1469-1527) Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italia. May-akda ng “The Prince”, napapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo: Ang layunin ay nagbibigay tuwid sa pamamaraan, at wasto ang nilikha ng lakas. 18 Sa larangan ng sining at panitikan Miguel de Cervantes Sa larangan ng panitikan, sinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha”, aklat na kumukutya at ginawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period. 19 Sa larangan ng pagpintaat iskultura Michelangelo Bounarotti (1475-1564) Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, ang una niyang obra maestra ay ang estatwa ni David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral Batikano ang kwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang estatwa pagkatapos ng Kanyang Krusupiksyon. 20 Sa larangan ng pagpinta at iskultura Leonardo da Vinci (1452-1519) Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang “Huling Hapunan” (The Last Supper). Na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang Kanyang labindalawang disipulo. Isang henyong mararaming nalalaman sa iba’t-ibang larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosoper. 21 Sa larangan ng pagpinta at iskultura Raphael Santi (1483-1520) “Ganap na Pintor’, “Perpektong Pintor”. Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balance o proporsyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kanyang tanyag na gawa ang obra maestrang “Sistine Madonna”, “Madonna and the Child” at “Alba Madonna”. 22 Sa larangan ng agham Nicolas Copernicus (1473-1543) Inilahad ni Nicolas ang teoryang Copernican na ‘sa pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta, umiikot ito sa paligid ng araw’. Pinasinungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal din tinangkilik ng simbahan. 23 Sa larangan ng agham Galileo Galilei (1564-1642) Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang naitulong ng kanyang na imbentong teleskopyo para mapatotohanan ang teoryang Copernican. 24 Sa larangan ng agham Isaac Newton (1642-1727) Ang higante ng siyentipikong Renaissance. Sang-ayon sa kanyang “Batas ng Universal Gravitation”. Ang bawat planeta ay may kanya- kanyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag- inog. Inipaliwanag niya na ang grabitasyon ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas. 25 Sa panahon ng Renaissance ay nagbigay daan sa pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng malawak at maunlad na mga pag- aaral, pagmamasid at pananaliksik. Ang transisyong ito ay nagbigay- daan rin sa pag-usbong. 26

Use Quizgecko on...
Browser
Browser