Mga Teorya ng Wika PDF
Document Details
Gng. Shane Dale A. Pama
Tags
Summary
Ang dokumento ay isang presentasyon tungkol sa iba't ibang mga teorya ng wika. Tinatalakay nito ang mga teoryang Bow-wow, Ding-dong, Pooh-pooh, Yo-He-Ho, Yum-yum, Ta-ta, Mama, Ta-ra-ra, Sing-song, at Tore ng Babel. Ipinapaliwanag din ang mga halimbawa at paliwanag sa likod ng bawat teorya.
Full Transcript
Mga Teorya ng Wika Inihanda ni: Gng. Shane Dale A. Pama Teoryang Bow-wow Isang teoryang ginagaya ang mga tunog na nililikha ng mga hayop at ng mga tunog ng kalikasan Halimbawa: tahol ng aso, tilaok ng manok, ihip ng hangin, patak ng ulan, at iba pa. Teoryang Ding-dong Tinutukoy nito ang mga sari...
Mga Teorya ng Wika Inihanda ni: Gng. Shane Dale A. Pama Teoryang Bow-wow Isang teoryang ginagaya ang mga tunog na nililikha ng mga hayop at ng mga tunog ng kalikasan Halimbawa: tahol ng aso, tilaok ng manok, ihip ng hangin, patak ng ulan, at iba pa. Teoryang Ding-dong Tinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran. Halimbawa: tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan Teoryang Pooh-pooh Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na galing sa dala ng emosyon Halimbawa: pagtawa, pag-iyak, pagkabigla, pagtataka at iba pang bulalas ng damdamin. Teoryang Pooh-pooh Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na galing sa dala ng emosyon Halimbawa: pagtawa, pag-iyak, pagkabigla, pagtataka at iba pang bulalas ng damdamin. Teoryang Yo-He-Ho Ayon kay A.S. Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga ng kaniyang puwersang pisikal. Halimbawa: pagbuhat ng mabibigat, pagsuntok, pagkarate, pag-ire Teoryang Yum-yum Ipinalagay sa teoryang ito na ang mga salitang nilikha ng tao ay nagsasaad na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas o aksyon. Pinakikilos dito ang bahagi ng katawan upang makagawa ng aksyon. Halimbawa: pagbabago ng posisyon ng dila ng bibig – dito pinakikilos ang dila. Teoryang Ta-ta Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag ang isang tao ay nagpapaalam, siya ay kumakaway ang kamay nang pataas o pababa. Teoryang Mama Tinutukoy ito sa unang sinabi ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang salitang ina o ang Ingles na mother, sinabi niya ang MAMA kapalit sa mother. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na nilikha sa mga ritwal na nagbabago-bago at binigyan ng ibang kahulugan. Halimbawa: pagluluto at paglilinis ng bahay, pakikidigma at pag-ani Teoryang Sing-song Ipinalalagay sa teoryang ito na ang wika ay buhat sa di masawatang pag-awit ng mga kauna-unahang tao sa daigdig. Teoryang Tore ng Babel Ang teoryang ito ay hango sa Bibliya na makikita sa aklat ng Genesis 11:1-8. Ayon dito, sinasabing may iisang wika lamang ang ginagamit ng mundo, dahilan upang ang lahat ng tao ay magkaintindihan sa isa’t isa. Naging mapangahas at ambisyoso ang tao. Binuo nila ang Tore ng Babel sa paghahangad na maabot ang langit at mahigitan ang kapangyarihan ng Diyos. Maraming Salamat sa Pakikinig