Pagsusulat ng Palarawang Sanaysay PDF
Document Details
Uploaded by PromisingAgate6772
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa pagsusulat ng palarawang sanaysay sa Tagalog. Tinatalakay ang mga katangian, layunin at iba pang detalye upang matuto ang mambabasa sa pagsusulat ng palarawang sanaysay. Ang dokumento ay nagbibigay ng impormasyon sa iba't-ibang detalye tungkol sa paksa.
Full Transcript
“A photograph shouldn’t be just a picture, it should be a philosophy.” -Amit Kalantri PAGSULAT NG PALARAWANG SANAYSAY PALARAWANG SANAYSAY Ang palarawang sanaysay ay kilala sa Ingles bilang picto- essay, picture essay, o photo essay. Ito ay isang uri ng akademikong sulatin na gum...
“A photograph shouldn’t be just a picture, it should be a philosophy.” -Amit Kalantri PAGSULAT NG PALARAWANG SANAYSAY PALARAWANG SANAYSAY Ang palarawang sanaysay ay kilala sa Ingles bilang picto- essay, picture essay, o photo essay. Ito ay isang uri ng akademikong sulatin na gumagamit ng mga larawan sa paglalahad ng isang paksa o kaya naman ay naglalahad sa mga pangyayaring magkakasunod na naganap. Ang palarawang sanaysay ay itinuturing din bilang isang paraan ng pagpapahayag ng impormasyon, saloobin, at pananaw ng manunulat hinggil sa isang paksa. Ginagamit ang mga larawan upang magsilbing gabay sa pagbuo ng isang sanaysay, at upang mapaigting ang kabuluhan ng paksa ng sulatin. ANYO NG PALARAWANG SANAYSAY ANYO NG PALARAWANG SANAYSAY Ang palarawang sanaysay ay nakabatay sa nakuhang larawan, ito ay maaaring isulat sa paraang pasalaysay at palarawan o maaaring naaayon sa tema ng imahen. Ang pagbuo ng sulatin gamit ang pasalaysay ay naglalayon na ipabatid ang kuwento o mga pangyayaring naganap sa likod ng mga larawan. Maaaring isulat sa magkakasunod- sunod na paraan o aksiyon batay na rin sa makikita sa larawan. Samantala, ang pagbuo ng sulatin ayon sa tema ay may pinagbatayang partikular na tema o paksa tulad ng kahirapan, edukasyon, at iba pa na may kinalaman sa isyung panlipunan KATANGIAN NG PALARAWANG SANAYSAY KATANGIAN NG PALARAWANG SANAYSAY Katulad ng isang karaniwang sanaysay, isa sa mga maituturing na dahilan ng pagsulat ng manunulat ng palarawang sanaysay ay upang magpabatid ng impormasyon, magbigay-kamalayan, magpahayag ng kanilang sariling pananaw at saloobin tungkol sa isang isyu o paksa sa kanilang mga mambabasa na may kaugnayan sa larawang kalakip nito. KATANGIAN NG PALARAWANG SANAYSAY Nagpapahayag ito ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga larawan - Isa sa mga pamukaw ng pansin ng palarawang sanaysay ay ang imahen na kalakip Ang mga larawan ang pangunahing nagkukuwento - Sa isang karaniwang sanaysay ang pamagat ang karaniwang sentro ng paksa ngunit sa palarawang sanaysay ang larawan ang sentro ng paksa na kaakibat ng mga salita ng sanaysay. Mahusay ang paggamit ng wika ng imahen at wika ng teksto -Mahalaga na mapalutang ng isang manunulat ang paksa ng larawan sa kaniyang sanaysay. ALALAHANIN Ang palarawang sanaysay ay tulad rin ng iba pang sanaysay. Ang kaibahan lamang ay paglalakip ng mga larawan upang mas maging epektibo ang isang sanaysay. Maaari itong gamitin sa akademiko at malikhaing pagsulat. LAYUNIN AT GAMIT NG PALARAWANG SANAYSAY LAYUNIN AT GAMIT Ang palarawang sanaysay ay may layuning maglahad ng kuwento o mga pangyayari (Greenwood, 2013). Ito ay maituturing na koleksyon ng mga larawan na sinusundan ng mga deskripsyon. Katulad sa ibang mga akademikong sulatin, mayroon ding mga tiyak na layunin sa pagbuo nito. Nailalahad ang paksa sa pamamagitan ng larawan at teksto nito. Nabibigyang-kahulugan ang mga termino na may kaugnayan sa palarawang sanaysay. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at makatotohanang sulatin. Nakabubuo ng sanaysay batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika na may kaugnayan sa larawan. Naisasaalang-alang ang etika sa paglakip ng larawan at pagsulat ng talata. Manunulat - Maaaring makita ang kanilang sinulat sa pahayagan, telebisyon, magasin, at artikulo. Mas nagiging epektibo ang kanilang pagbabalita at pag-uulat ng mga pangyayari sa bansa kung tunay na nailalahad sa mga mambabasa at mga manonood ang nagaganap sa likod ng mga larawan. Guro - Ang mga guro ay gumagamit ng mga biswal na kagamitan sa pagtuturo na nagiging daan upang lubos na maipaunawa sa mga mag-aaral ang paksang aralin. Karaniwang makikita ang mga palarawang sanaysay sa mga textbook at magasin na pampaaralan. Doktor - Sa ngayon, ang mga doktor ay gumagamit ng mga larawan upang maipaliwanag ang mga sakit at ilang mga impormasyong pansiyentipiko na kailangang ipaabot sa mga mamamayan. Mananaliksik - Ginagamit ng mga mananaliksik ang palarawang sanaysay upang mailahad ang mga empirikong na datos mula sa kaniyang naging pag-aaral. Mas maunawaan ng mga mambabasa ang mga datos sa pamamagitan ng mga larawang makikita sa mga konseptuwal na balangkas, pigura, at iba pang mga ilustrasyon. Blogger at nagsusulat sa social media - Hindi lamang mga emoticons at ilang maiikling pahayag ang makikita sa social media, marami na rin ang gumagamit ng mga palarawang sanaysay na nagsisilbing pang-akit sa mga mambabasa. Kadalasan, makikita ito sa mga blog, Instagram post, Facebook, at ilan pang mga social media sites. Ang palarawang sanaysay ay isang uri ng akademikong sulatin na gumagamit ng mga larawan sa paglalahad ng isang paksa o kaya naman ay naglalahad sa mga pangyayaring magkakasunod na naganap. Ang mga larawan ang pangunahing nagkukuwento sa palarawang sanaysay habang ang mga nakasulat na teksto ay nagsisilbing pansuportang impormasyon. Ang palarawang sanaysay ay kadalasang ginagamit ng mga manunulat, guro doktor, mananaliksik, blogger, at nagsusulat sa social media. 1. Ano ang palarawang sanaysay? 2. Ano ang layunin sa pagsulat ng palarawang sanaysay? 3. Paano nagkakatulad ang palarawang sanaysay sa karaniwang sanaysay? 4. Paano nagkakaiba ang palarawang sanaysay sa karaniwang sanaysay? 5. Bakit mahalaga ang palarawang sanaysay? Ibigay ang sagot batay sa mga hinihingi ng katanungan. 1. Ito ay isang uri ng akademikong sulatin na gumagamit ng mga larawan sa paglalahad ng isang paksa. 2. Sa anong paraan maaring isulat ang palarawang sanaysay? 3. Katangian ng palarawang sanaysay na kung saan katangian nito na pumukaw ng pansin ng palarawang sanaysay ay ang imahen na kalakip nito. 4. Magbigay ng isang layunin na palarawang sanaysay. 5. Sino ang mga kadalasang gumagamit o ginagamit ang palarawang sanaysay? Magbigay ng tatlo. Pagmasdan at suriin nang mabuti ang larawan. Lagyan ng palarawang sanaysay na naaayon sa diwang ipinahahayag. MGA BAHAGI NG PALARAWANG SANAYSAY Bagaman, halos pareho ang palarawang sanaysay sa iba pang tradisyonal na sanaysay sa layunin ay hindi nito sinusunod ang kumbensiyonal na mga bahagi ng sanaysay tulad ng panimula, katawan, at wakas. Ang palarawang sanaysay ay maaaring mabuo mula sa maikling impormasyon. Maaari itong maging isang maikling pagpapakilala o kaya naman ay ginagamitan ng mga subheadings. Kakaunti lamang ang bilang ng mga salita kung kaya limitado lamang ito sa pangunahing talata na may kaugnayan sa mga larawan. Maiikli lamang ang mga nakakabit na teksto dahil nakabatay na rin sa larawan ang inihahatid ng mensahe. Paksa - Ito ang tuon ng larawan at ng sanaysay. Ito ang sentral na ideya ng isang palarawang sanaysay. Pamagat - Ito ay nagsisilbing-daan upang maunawaan ang kabuuan ng palarawang sanaysay. Madalas na maikli lamang ito, maaaring salita o isang parirala. Pangalan ng awtor at kumuha ng mga larawan - Ito ay paglalagay ng kredito sa bumuo ng palarawang sanaysay at may-ari ng mga larawan. Larawan - Ito ang pinakapuso ng palarawang sanaysay dahil dito mararamdaman ng mga mambabasa ang sitwasyong ipinakikita sa mga larawan, gayundin ang layunin ng bumuo ng palarawang sanaysay. Kapsyon - ito ang nagpapaliwanag sa larawang nakapaloob sa palarawang sanaysay. MGA DAPAT ISAALANG- ALANG SA PAGSULAT NG PALARAWANG SANAYSAY Organisadong daloy ng sulatin- Ang pagiging organisado ay tumutukoy sa maayos na pagkakasulat ng isang sulatin katulad ng palarawang sanaysay. Nagdudulot ito ng malinaw na ideya. Makabuluhan at napapanahong paksa- Maraming paksa sa paligid, ngunit hindi lahat ay makabuluhan dahil may mga paksang hindi kaugnay ng katotohanan o kaya ay hindi kakikitaan ng paglinang ng kasanayang mabuhay. Nakaayos ang mga larawan ayon sa pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari -Ang pagkakasunod-sunod ng larawan ay kailangang batay sa pinakaunang pangyayari, o kaya sa simple patungo sa komplikado, mula sa hindi gaanong mahalaga patungo sa pinakaimportante, depende sa layunin ng sumusulat. Ang layunin ay magsalaysay, maglahad, at maglarawan - Tandaan na ang palarawang sanaysay ay isang sulatin na kailangang magkuwento ng buong pangyayari, magbigay ng impormasyon, at magamit ng mga mambabasa ang kaniyang imahinasyon sa paglalarawan gamit ang mga salita at larawan. Isa-isahin ang mga hakbang sa pagsulat o pagbuo ng palarawang sanaysay. Talakayin ang kahalagahan ng bawat isa ayon sa iyong sariling pag-unawa. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG PALARAWANG SANAYSAY Ang palarawang sanaysay ay isang uri ng akademikong sulatin na gumagamit ng mga larawan sa paglalahad ng isang paksa. Kadalasang ginagamit ito upang mas maging epektibo ang paglalahad ng impormasyon sa mga mambabasa. Photographer o litratista - Ang mga litratista ay ang mga taong kumukuha ng larawan. Ang kanilang nakuhanan ng larawan ay madalas nilang ipinapaskil sa kanilang mga social media o blog site sa layuning maipakita ang sining na mababakas sa larawan, nagiging daan din ito upang sila ay mas makilala pa. Manunulat at mamamahayag- Maaari ding magsulat ang mga propesyonal na manunulat ng isang palarawang sanaysay. Ang mga mamamahayag ay kadalasang bumubuo ng palarawang sanaysay upang makapaghatid ng tunay na balita sa mga mambabasa. Mag-aaral- Maging ang mga mag-aaral ay may pagkakataon ding sumulat ng palarawang sanaysay bilang awtput sa isang kurso, libangan, o pagiging kasapi ng journalism sa kanilang paaralan. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG PALARAWANG SANAYSAY MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG PALARAWANG SANAYSAY Mahalagang may sapat na kaalaman ang litratista, manunulat, mamamahayag, at mag-aaral sa pagbuo ng isang palarawang sanaysay. Magmula sa pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng palarawang sanaysay patungo sa mga hakbang kung paano ito isasagawa. Mababasa sa ibaba ang mga hakbang na dapat sundin ng mga manunulat sa pagsulat ng palarawang sanaysay ayon sa anyo nito (Babol, Arvic. AMA Online Education, 2019). PASALAYSAY Magsaliksik ng isang kuwento at salaysayin. Bigyang-pansin ang sekwensiyal na ayos ng larawan at ng teksto. Pumili ng mga larawang tumutukoy sa nilalaman ng sanaysay. Siguraduhin ang kaisahan at kaugnayan ng mga larawan, komposisyon, at dating ng larawan. AYON SA TEMA Pumili ng paksang nais o nagbibigay sa iyo ng interes. Magsaliksik tungkol sa paksang tatalakayin. Magsulat ng sanaysay batay sa mga sinaliksik. Gawin ito sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag, lalong-lalo na sa paraang paglalahad, paglalarawan, pangungumbinsi na naaayon sa paksang tatalakayin. Mag-isip ng isang larawang may kinalaman sa iyong sanaysay at kakatawan sa pinaka-ideya ng iyong sulatin. Panatilihin palagi ang kaugnayan ng larawan at ng teksto. LUMIKHA NG PANANALIKSIK SA PAKSANG NAPILI Matapos malaman ang layunin ng pagsulat at mapili ang paksang nais sulatin, magsagawa ng pananaliksik. LUMIKHA NG LISTAHAN NG MGA LARAWANG NAIS GAMITIN SA SANAYSAY Gamitin ang damdaming nakapaloob sa larawan - Kinakailangang magamit nang husto ng manunulat ang mensaheng nakapaloob sa larawan. Hanapin ang mga larawang nagpapakita ng tunay na kuwento upang mas madaling lagyan ng sanaysay - Siguraduhing tunay at may natatanging dating ang gagamiting larawan upang mas makatawag-pansin ang susulating palarawang sanaysay. Ang paggamit ng tunay na larawan ay mas nararamdaman ng mga mambabasa. PANGKALAHATANG HAKBANG SA PAGSULAT NG PALARAWANG SANAYSAY Unawain ang layunin at kahalagahan ng gawain. Bakit mo ito kailangang gawin? Alamin at unawain ang kaligiran ng nakatakdang gawain. Maging pamilyar sa mga pamantayan at dapat isaalang-alang sa pagbuo nito. Maghanap ng paksa na ayon sa iyong interes at sa kalakaran (trend). Mas madaling makapagsusulat ng sanaysay kung ito ay naaayon sa iyong interes. Kung ang iyong mga hilig ay tungkol sa mga halaman, mainam na pagtuunan ng pansin ang pagbuo ng palarawang sanaysay tungkol sa paksang iyon. MGA TEKNIK SA PAGSULAT NG PALARAWANG SANAYSAY MGA TEKNIK Kilalanin kung sino ang mambabasa - Makatutulong na malaman ang target na awdyens upang maiangkop ang iyong isusulat gayundin upang maiangkop ang interes nila. Malinaw ang mga mga larawang gagamitin - Ang isang mahusay na manunulat ay isinasaalang-alang ang mga larawang gagamitin—ang linaw at ang pixel nito upang lumutang ang ganda ng sulatin. MGA TEKNIK Nakadepende sa manunulat ang haba o ikli ng palarawang sanaysay - Wala sa haba ang ganda ng sulatin, depende ito sa layunin at bisa ng salita na ginamit ng mga manunulat. May kaisahan ang larawan at sanaysay - Ang larawan at ang sanaysay ay kailangang magpakita ng koordinasyon o ugnayan sa isa’t isa upang maging makabuluhan ang sulatin.