Pagsulat PDF
Document Details
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga detalye tungkol sa pagsulat, kabilang ang mga uri nito gaya ng pormal, di-pormal, akademiko, teknikal, at iba pa. May mga impormasyon din tungkol sa mga elemento tulad ng introduksyon, katawan, at konklusyon ng isang sulatin. May mga halimbawa rin ng mga aspekto ng pagsulat gaya ng abstrak, talambuhay, at sintesis.
Full Transcript
PAGSULAT- artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag Ayon naman kay Badayos (1999), ang pagsusulat ay isang sistema ng interpersonal na komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay maukit o masulat sa makinis na bagay tulad ng papel, tel...
PAGSULAT- artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag Ayon naman kay Badayos (1999), ang pagsusulat ay isang sistema ng interpersonal na komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay maukit o masulat sa makinis na bagay tulad ng papel, tela, maging sa malapad at makapal na tipak ng bato. Tekstuwal- pamamaraan sa pagsulat ang nagbibigay daan para maipahayag ng mga tao ang kanilang mga saloobin Introduksiyon- Dito binabanggit ang pagpapaliwanag ng konteksto ng usapin at pagbanggit ng pangkalahatang paninindigan Katawan- bahagi ng pagsulat ang makapag-iwan ng makabuluhang pag-iisip at repleksiyon sa mambabasa Wakas o Kongklusyon- Dito mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito. Pagpapakahulugan sa Pagsulat Pormal. Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa. May sinusunod na proseso ang pagsulat at laging ginagamit dito ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng teksto. Di-Pormal. Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita, masaya at may pagkapersonal na parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa. Kumbinasyon. Malayo na rin ang narating ng malikhain at akademikong pagsulat sa bansa lalo na sa hanay ng mga kabataang manunulat na nagsasagawa ng eksperimento ng estilo, nilalaman at pormat ng pagsulat. May mga iskolarling papel na gumagamit ng tala o istilo ng pagsulat ng journal, liham at iba pang personal na sulatin kaya posibleng URI NG PAGSULAT Akademik. Itinuturing na isang intelektuwal na pagsulat dahil sa layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. Teknikal- Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitib at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay- solusyon sa isang komplikadong suliranin Journalistic- Journalistic. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Referensyal- Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa. Profesyonal- Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon. Malikhain- pinupukaw ang damdamin ng mga mambabasa at pinagagana ang imahinasyon ng manunulat ABSTRAK Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon. Mabisang basahin muli hanggang maunawaan ang isang papel-pananaliksik bago gumawa ng abstrak Ito ay maikli lamang at binubuo ng 100-300 salita BIONOTE tawag sa maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang manunulat binubuo ng dalawa hanggang tatlong talata lamang Gumamit ng ikatlong panauhang pananaw kahit ito pa ay tungkol sa sarili. TALAMBUHAY Akademikong sulatin na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng tao BUOD Siksik at pinaikling bersyon ito ng teksto. Ang teksto ay maaring nakasulat, pinanood, o pinakinggan. SINTESIS ang sintesis ay pagsasama-sama ng mga idea tungo sa isang pangkalahatang kabuoan na nangangailangan ng analisis sa simula (kabuoang datos, idea at paksa). Kabaliktaran ng analisis ang sintesis. Ang analisis ay paghihiwa-hiwalay o paghihimay ng mga idea Gayunpaman, magkaugnay at bahagi ng isa ang isa pa sa proseso ng mapanuring pag-aaral at pagsulat. Mula sa paghihimay ng mga idea (analisis) tutungo sa isang pagbubuo (sintesis). Mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga idea dahil nanggagaling ang mga ito sa iba’t ibang batis ng impormasyon. TALUMPATI Isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig. Iba’t Ibang uri ng Talumpati ayon sa Paghahanda 1. Impromptu – Biglaan at walang ganap na paghahanda. Karaniwang makikita sa job interview, question and answer at pagkakataong pagpapakilala. 2. Extempore – Nabibigyan ng sandaling panahon bago ang pagbigkas. Maaari pang maghanda ang mananalumpati upang hindi ito paligoy-ligoy. 3. Isinaulong Talumpati – Isinulat muna bago isinaulo ng mananalumpati. Masusukat dito ang mahusay na pagbabalangkas ng mga kaisipan. 4. Binabasang Talumpati sa Kumperensiya – Mas kaunti ang aalalahanin ng mananalumpati sapagkat ito ay mahusay nang naisulat at babasahin na lamang sa mga tagapakinig. Ngunit isaalang-alang pa rin ang bisa ng tinig at bigat ng pagbanggit. Katangiang Dapat Taglayin ng Paksa ng Talumpati 1. Napapanahon 2. Kapaki-pakinabang sa publiko 3. Katugon ng layon ng talumpati Uri ng Kumpas 1. Palad na itinataas habang nakalahad – dakilang damdamin. 2. Nakataob na palad at biglang ibababa – marahas na damdamin 3. Palad na bukas at marahang ibinababa – mababang uri ng kaisipan o damdamin. 4. Kumpas na pasuntok o kuyom ang palad – pagkapoot o galit at pakikipaglaban. 5. Paturong kumpas – panduduro, pagkagalit at panghahamak. 6. Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting ikinukuyom – matimping damdamin. 7. Ang palad ay bukas, paharap sa nagsasalita – pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi ng katawan ng nagsasalita. 8. Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad – pagtanggi, pagkabahala at pagkatakot. 9. Kumpas na pahawi o pasaklaw – pagsaklaw ng isang diwa, tao o pook 10. Marahang pagbababa ng dalawang kamay- pagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan ng lakas. POSISYONG PAPEL Ang Posisyong Papel ay isang sulating nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibiduwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu Dagdag pa dito, naglalaman din ang nasabing uri ng pagsulat ng mga katuwiran o ebidensiya para suportahan ang paninindigan. Bukod sa paninindigan at mga katuwiran ng sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga katuwiran ng kataliwas o katunggaling panig. Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel, isa o dalawang pahina lamang, upang mas madali itong mabasa at maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat silang pumanig sa paninindigan ng sumulat ng posisyong papel. REPLEKTIBONG SANAYSAY Layunin ng akademikong sulating ito na iparating ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik Nararapat itong mag-iwan ng kakintalan sa mga mambabasa kailangang pagnilayan ang mga pangyayari sa buhay sa pagsulat ng replektibong sanaysay upang matukoy ang humuhubog ng pagkatao ng sumusulat Nais iparating ng replektibong sanaysay ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik. Naglalayon din itong maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian. Mahalagang magkaroon ng: 1. Pananaliksik 2. Pamamaraan upang makuha ang atensyon ng mambabasa gaya ng mga sumusunod: a. anekdota b. flashback c. sipi 3. Makabuluhan, tiyak at konkretong bokabularyo Mga Paraan sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay 1. Magbulay-bulay at balikan ang mga pangyayari sa buhay na humubog sa iyong pagkatao. 2. Alamin ang mga karanasan na nakaapekto o nagkaroon ng kabuluhan sa buhay. 3. Ipaliwanag kung paano nakaapekto ang iyong sariling karanasan at pilosopiya upang mahubog ang sarili sa positibong aspeto. 4. Talakayin sa kongklusyon ang kinahinatnan ng repleksyon.