Aralin 4: Edukasyon ni Rizal (Rizal's Education) - PDF

Document Details

WellRunScandium

Uploaded by WellRunScandium

Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela

Tags

Rizal's education Philippine history Rizal's early life Education

Summary

This document details Rizal's education, focusing on his early years and teachers, starting at home and in Biñan, the characteristics of education during that time, and other experiences. It also includes excerpts from letters.

Full Transcript

Pamantasan ng lungsod ng Valenzuela Department of Social Studies Riz1 – Life and Works of Rizal Aralin 4: Edukasyon ng Dakilang Bayani Katangian ng Edukasyon sa Panahon ni Riz...

Pamantasan ng lungsod ng Valenzuela Department of Social Studies Riz1 – Life and Works of Rizal Aralin 4: Edukasyon ng Dakilang Bayani Katangian ng Edukasyon sa Panahon ni Rizal ✼ mataas na antas sa lipunan – pagbasa, pagsulat, aritmetika at relihiyon ✼ mahigpit, strikto, ipinipilit ang walang katapusang pagmememorya ng mga aralin (Perennialism) ✼ may kasamang hagupit kapag nagkamali I. Unang Yugto ng Edukasyon Mga Unang naging Guro 1. Doña Teodora Alonzo - unang naging guro 2. Tiyo Manuel - sa edad na anim ay tinuruan siya tungkol sa isports at mga gawaing pampalakas ng katawan (pangangabayo, paglangoy, ehersisyo, regular na ensayo, kahit ang madalas na paglalakad) 3. Tiyo Gregorio – nagturo ng hilig sa pagbasa 4. Tiyo Jose - ang nagturo sa kanya ng pagpipinta, sketch at pagmomodelo ng kley *karamihan sa mga batis ay ito ang nakalahad subalit ayon kay Joaquin (2021), ang kanyang Tiyo Gregorio ang nagturo sa sining, samantalang si Tiyo Jose ang nagturo ng hilig sa pagbasa. Mga Pribadong Guro *ang pagiging pribadong guro o tutor ay itinuturing na isang kilalang propesyon sa panahon nila Dr. Jose Rizal, kung kaya’t sila ay tinatawag na mga maestro. Sila ay itinuturing na mga beterano sa pagtuturo ng Espanyol, Latin, pagbasa, pagsulat, relihiyon at aritmetika. Higit silang mataas kaysa sa mga nagtuturo sa mga paaralan noon (Joaquin, 2021) 5. Maestro Celestino – unang tutor 6. Maestro Lucas Padua – ikalawang tutor 7. Leon Monroy - (habitista – sinanay sa seminaryo) dating kaklase at kaibigan ng kanyang ama, nagturo ng Latin at Espanyol; namatay pagkaraan ng 5 buwan *ang dahilan ng pagpapalit ng mga tutor ni Rizal ay (1) alam na ni Pepe ang itinuturo ng guro at; (2) palatanong si Pepe, na tila ba nangangailangan ng detalyadong sagot, may mga ilang tanong na di na masagot (Joaquin, 2021) ✼ Tahanan sa Calamba, una niyang paaralan ✼ magdasal, natutuhan ang alpabeto (edad 3) ✼ napagsasabihan siya ni Don Francisco na waring nagpapakita siya ng kayabangan sa pagsasabing nalalaman na niya (Pepe) ang mga itinuturo, subalit ipinagtatanggol siya ng kanyang ina na nagsasabi lamang daw si Pepe ng totoo ✼ 7 taon ng ipadala siya ng mga magulang sa eskwela ng Calamba II. Pag-aaral sa Biñan ✼ Hunyo, 1869 - nagtungo sa Biñan, sinamahan siya ni Paciano ✼ 9 na taong gulang ✼ Sumakay ng karomata at nakarating ng isa’t kalahating oras ✼ Nangupahan sa kanyang tiyahin - Tiya Tomasa Mercado (Joaquin, 2021), 30 km mula sa kubo ng Maestro ✼ Maestro Justiniano Aquino Cruz – guro ni Pepe sa Biñan “Matangkad siya, payat, mahaba ang leeg, matangos ang ilong, at ang katawan ay medyo pakuba. Suot niya ang kamisang yari sa sinamay, na hinabi nang mahuhusay na kamay ng mga kababaihan ng Batangas. Kabisado niya ang gamatika nina Nebrija at Gainza. Mabagsik siya bagaman maaaring labis lamang ang aking paghusga sa kanya at ito ang paglalarawan ko sa kanya kahit may kalabuan.” ✼ Ang paaralan ni Maestro Justiano ay nasa tahanan, isang kubo ✼ Naranasang ma-bully at makipag-away ni Rizal Pedro – anak ng maestro, nakaaway Andres Salandanan, nakabunuang braso ✼ Nakakuha ng libreng pag-aaral sa pagguhit at pagpipinta mula kay Tandang Juancho (biyenan ng kanyang guro), na kasama ang kanyang kaklase na si Juancho Guevarra naging katulong sila ng pintor ✼ Tinatalo ang ibang mga kaklase sa araling pang-akademiko ✼ May kaklaseng naiinggit at lagi siyang sinusumbong “kahit mabait na bata ang reputasyon ko, bibihira ang araw na hindi ako mabibigyan ng lima o anim na palo” “Ito ang aking buhay dito. Nakikinig ako ng misa tuwing alas kwatro ng umaga, kung mayroon o nag-aaral ako ng aking aralin sa oras na iyon at saka ako makikinig ng misa. Uuwi ako ng bahay at pupunta sa hardin para maghanap ng mabolong makakain. Pagkatapos ay mag-aagahan ako ng kadalasa’y kanin at dalawang tuyo. Saka ako papasok ng paaralan hanggang alas diyes. Umuuwi ako kaagad. Kapag may espesyal na putahe, nagdadala kami ni Leandro sa bahay ng kanyang mga anak (na hindi ko ginagawa kung nasa bahay ako ni hindi ko gagawin kailanman), at babalik ako nang walang anomang sinasabi. Babalik ako sa paaralan ng alas dos at lalabas ng alas singko. Magdadasal ako sandali, kasama ang ilang pinsan, bago ako uuwi. Mag-aaral ako ng aking aralin. Guguhit nang kaunti, at pagkatapos ay maghahapunan ng isa o dalawang silbihang kanin at ayungin. Magdarasal kami, at kung may buwan, inaaanyayahan ako ng aking mga pamangkin na makipaglaro sa ibang bata sa kalsada. Salamat sa Diyos at hindi ako nagkasakit habang malayo ang aking mga magulang.” (OneHundred Letters of Jose Rizal to hisParents, Brothers, Sisters and Relatives nasa Zaide, 2015 p. 29) ✼ Bago mag-Pasko nang 1870, nang makatanggap ng liham kay Saturnina, ipinaalam ang pagdating ng barkong Talim sa Biñan na siyang mag-uuwi sa kanya, isang premonisyong hindi na siya babalik ng Biñan ✼ Nagdasal siya sa simbahan, nangolekta ng mga bato sa ilog bilang alaala at nagpaalam sa kanyang mga guro at kaklase ✼ Umalis siya sa Biñan, Sabado ng hapon ng Disyembre 17, 1870 ✼ Kauna-unahang pagkakataon na nakasakay siya barko, na lulan din si Arturo Camps, isang Pranses na kaibigan ng kanyang ama na nag-alaga sa kanya habang siya ay nasa barko III. Edukasyon sa Ateneo Municipal Ateneo Municipal o Athenaeum – templo ni Athena; lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga mananalaysay, mananalumpati at makata upang magpalitan ng ideya o Mahigpit na karibal ng Kolehiyo ng San Juan de Letran ng mga Dominiko o Dating Escuela Pia (Paaralan ng Kawanggawa) paaralan para sa mga kalalakihansa Maynila na itinatag ng Ayuntamiento (City Council) noong 1817 o Pampublikong paaralan Pag-aaral sa Ateneo ✼ Hunyo 10, 1872 nang magpunta ng Maynila at sinamahan ni Paciano ✼ Kumuha ng eksamen – doktrinang Kristiyano, aritmetika at pagbasa upang makapasok sa Kolehiyo de San Juan de Letran ✼ Siya ay 11 taong gulang noon ✼ Sa muling pagbabalik sa Maynila ay nagpatala sa Ateneo Municipal dahil ito ang nais ng kanyang ama ✼ Ayaw tanggapin ni Padre Magin Ferrando (Registrar ng Ateneo Municipal) dahil huli na itong nagpatala; maliit si Pepe at payat ✼ Sa tulong ni Manuel Jerez (Xerez) Burgos, pamangkin ni Padre Burgos ay tinanggap siya ✼ Namumukod tanging si Pepe ang gumamit ng apelyidong “Rizal” sa kanilang magkakapatid upang maitago ang kanyang pagkakakilanlan sa kanyang kuyang si Paciano na kaibigan at mag-aaral ni Padre Jose Burgos na nang mga panahong iyon ay pinaghahanap ang mga naging tagasunod nito ✼ Sinasanay ng mga Heswita ang mga estudyante sa pamamagitan ng disiplina at instruksyong panrelihiyon ✼ Itinataguyod ang kulturang pisikal, humanidad at siyentipikong pag-aaral ✼ Digri sa Ateneo - Batsilyer ng Sining ✼ Kursong bokasyonal na inaalok ng Ateneo Municipal - (agrikultura, komersiyo, pagmemenikaniko at pasasarbey (surveyor ng lupa) ✼ Nahahati ang klase sa 2 pangkat: 1. Imperyo Romano – Internos – Pulang bandila 2. Imperyo Carthagena – Externos – Asul na bandila Emperador – pinakamahusay na estudyante sa bawat imperyo Tribuna – pangalawang pinakamahusay Dekuryon – pangatlo Senturyon – pang-apat Tagapagdala ng bandila – panlima ✼ Kurikulum o Wika– (Espanyol, Latin, Griyego, Pranses) o Kasaysayan o Heograpiya– (nakasentro sa Espanya at Pilipinas) o Matematika– (aritmetika, algebra, geometry, trigonmetry o Agham- (minerolohiya, kemistri, pisika, botani, zoolohiya) o Cultural Studies (Classes de Adorno)- (musika, pagpipinta, eskultura) *Walang klase kapag Huwebes at Linggo – para sa Pisikal na Edukasyon Mga Karanasan sa Ateneo Municipal Unang Taon (1872-1873) ✼ Nagsimba sa kapilya ng kolehiyo bago pumasok ✼ Padre Jose Bech – Unang propesor ni Rizal sa Ateneo; guro sa Espanyol Matangkad at payat na lalaki, medyo nakukuba,matulin maglakad, mukhang asetiko, seryoso at inspirado, maliliit at malalalim ang kanyang mga mata, matangos ang ilong na parang sa Griyego, at manipis ang labing hugis arkong pababa sa baba.” - Mga Alaala ng Isang Mag-aaral sa Maynila ✼ Di mahusay sa Espanyol kaya inilagay sa dulo ng klase, dahil di agad nakakitaan ng galing at baguhan ✼ Sa una ay mula sa pangkat ng Carthagena dahil isa siyang externo, at sa pagtatapos ng buwan, siya ay naging “emperador” ✼ Binondo – lugar sa labas ng Intramuros kung saan tumira si Rizal; may masamang reputasyon noon dahil lugar kung saan nakatira ang asawa at anak ng mga prayle ✼ Doña Titay – may-ari ng dormitoryong tinirhan ni Rizal sa Binondo na may pagkakautang sa pamilya ni Rizal ✼ Pastor Millena – kamag-aral na kasabay niya sa pagpasok na mula rin sa Binondo ✼ Pinakamatalinong mag-aaral si Rizal na laging may gantimpala “Tuwang-tuwa ako nang mapanalunan ko ang una kong premyo, isang larawang relihiyoso” - Mga Alaala ng Isang Mag-aaral sa Maynila ✼ Upang humusay sa Espanyol, kumuha siya ng pribadong aralin sa Kolehiyo ng Santa Isabel na halos kalapit lamang ng Ateneo kapag bakanteng oras sa tanghali na binabayaran niya ng P3.00 ✼ Sa ikalawang semestre hindi masyadong nagpursige para mapanatili ang pangunguna sa klase dahil sa di magandang puna ng kanyang propesor, subalit nanatili paring may marka na “Pinakamahusay” ✼ Gonzalo Marzano – emperador sa kanyang pagpasok ✼ Tag-araw ng Marso, 1873 – umuwi sa Calamba para magbakasyon, subalit hindi nagsaya dahil nakapiit ang kanyang ina ✼ Para maaliw isinama sa Tanauan ni Saturnina, subalit pa rin nalunasan ang kalungkutan ✼ Hindi nagpaalam sa ama, dinalaw ang ina sa Santa Cruz Ikalawang Taon (1873-1874) ❊ Nangasera sa loob ng Intramuros sa #6 Kalye Magallanes – Doña Pepay de Ampuero at Encarnacion, biyudang may anak na 4 na lalaki ❊ Walang matingkad na nangyari, liban sa pinagsisihan ang pagpapabaya ❊ Muli siyang naging emperador ❊ Naging bagong kamag-aral ang mga 3 batang kaklase sa Biñan mula sa paaralan ni Maestro Justiniano: Justiano Jaojecco, magkapatid na Angel at Santiago Carillo ❊ Nabigyan ng gintong medalya sa pagtatapos ❊ Nahulaan niya ang nalalapit na Pagpapalaya sa kanyang ina nang dahil sa kanyang panaginip ❊ Bakasyon, 1874, nahilig sa nobelang romantiko gaya ng ibang kabataan noong mga panahong iyon ❊ The Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas – unang paboritong nobela ni Rizal ❊ Napakiusapan ang ama na ibili siya ng kumpletong tomo ng Universal History ni Cesar Cantu (isang popular na encyclopedia noon) bagamat may kamahalan ❊ Binasa ang Travels in the Philippines ni Dr. Feodor Jagor, isang Alemang siyentipikong manlalakbay na bumisita sa Pilipinas noong 1859-1860; hinulaan rin niya na makakarating Pilipinas ang mga Amerikano; makikilala ni Rizal ng personal sa pagpunta niya sa Europa Ikatlong Taon (1874-1875) ❊ Nagkatotoo ang hula niya na makakalaya ang kanyang ina ❊ Hindi naging maganda ang ipinakita sa pag-aaral kumpara nang nagdaang taon bagamat nanatiling mataas pa rin ang grado sa lahat ng asignatura ❊ Hindi nanalo ng medalya sa Espanyol subalit nagwagi sa Latin ❊ Sa pagtatapos ng taon ay hindi siya natuwa sa ipinamalas niya nang nagdaang taon Ikaapat na Taon (1875-1876) ❊ Hunyo 16, 1875, naging interno sa Ateneo ❊ Naging propesor si Padre Francisco de Paula Sanchez, mahusay na edukador at iskolar – naging inspirasyon ni Rizal para mag-aral nang mabuti at sumulat ng tula; paboritong guro ni Rizal; tinawag ni Rizal na “Itim na Espiritu” (Dark Spirit) at “paniki” naman ng kanyang mga kamag- aral; siya ang pinakamahusay na propesor sa Ateneo para kay Rizal; inspirasyon sa panibagong sigla sa pag-aaral “Huwaran ng pagkamakatwiran,pagkamaagap, at pagmamahal para sa pag-unlad ng kanyang mag-aaral.” - The Rizal – Blumentritt Correspondence Huling Taon (1875-1876) ❊ Si Rizal ang pinakamahusay at may pinakamataas na grado (sobresaliente) sa lahat ng asignatura ❊ “ipinagmamalaki ng mga Heswita” ❊ Nagtapos na nangunguna sa klase ❊ Araw ng Pagtatapos, Marso 23, 1877 nagkamit ng digri ng Batsilyer ng Sining na may pinakamataas na karangalan Iba pang Naging Gawain sa Ateneo Municipal ❊ Lider sa loob at labas ng paaralan ❊ Aktibong kasapi na kinalauna’y naging kalihim ng Kongregasyon ni Maria bilang debosyon sa Immaculada Concepcion, ang Patron ng Kolehiyo. ❊ Kasapi ng Akademya ng Literaturang Espanyol at Akademya ng Likas na Agham -isang samahang eksklusibong samahan sa Ateneo na tanging may talino lamang ang maaaring maging kasapi ❊ Hinasa ang talino sa panitikan sa patnubay ni Padre Sanchez ❊ Padre Jose Vilaclara – nagpayong tumigil nang makipag-usap sa mga musa (nangangahulugan itong masyadong nakapokus sa Sining) at magpokus sa asignaturang praktikal ❊ Nag-aaral ng pagpipinta kay Agustin Saez (kilalang pintor nang panahong iyon) at sa eskultura kay Romualdo de Jesus (kilalang eskultor) ❊ Ipinagpatuloy ang mga gawaing pampalakasan na (Gymnastics, Eskrima o Fencing) na impluwensiya ng kanyang Tiyo Manuel ❊ Inukit ang imahen ng Birheng Maria mula sa kahoy na batikuling ❊ Sagradong Puso ni Hesus – Hiniling ni Padre Lleonarte ❊ Mi Primera Inspiracion (Aking Unang Inspirasyon) –unang tula na maaaring naisulat nang nasa Ateneo (bago mag-edad 14) na inihandog niya sa kanyang ina ❊ Dula – Pagsasalaysay sa buhay ni San Eustacio, Martir ❊ Segunda Katigbak sa edad na 16 – unang pag-ibig ni Rizal subalit bigo Mga Huling Sandali ni Rizal sa Ateneo Municipal Sa aking huling gabi, pauwi sa dormitory at iniisip na huling gabi ko na itong ititigil sa aking mapayapang sulok, dahil, ayon sa sabi nila, naghihintay ang mundo sa akin, nagkaroon ako ng isang malupit na salagimsim… Mapanglaw ang sinag ng buwan, iniilawan ang parola at ang dagat, naglalatag ng isang matahimik at dakilang tanawing tila nagsasabi sa aking sa susunod na araw may ibang buhay na naghihintay. Hindi ako nakatulog hanggang ala-una ng umaga. (Ocampo, 2011 p.65) IV. Edukasyon sa Universidad ng Santo Tomas Universidad ng Santo Tomas Itinatag noong 1611 nina Fray Miguel de Benavides O.P, arsobispo noon ng Maynila kasama sina Domingo de Nieva at si Bernardo de Santa Catalina Unang nakilala bilang Colegio Nuestra Señora del Santísimo Rosario, pagkaraan ay naging Colegio de Santo Tomas 1645 nang iangat sa antas na pamantasan ni Papa Inocencio X ✼ Kapwa nais ng kanyang ama at ni Paciano na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Pamantasan subalit tutol ang kanyang ina. Ayon kay Doña Lolay: Huwag nyo siyang ipadala pa sa Maynila; marami na siyang alam. Kung mas marami pa ang kanyang malalaman, tiyak mapupugutan na siya ng ulo.” ✼ Maglalabing-anim na taong gulang noon si Rizal nang mag-aral sa UST ✼ Hindi sigurado sa kursong nais kuhanin ✼ Sumulat at humingi ng payo kay Padre Pablo Ramon, Rektor ng Ateneo subalit hindi agad nakatugon ✼ Nagdesisyong kumuha ng Kursong Pilosopiya at Sulat ✼ Sa unang taon ay nag-aral ng Kosmolohiya, Metapisika, Teodisiya at Kasaysayan ng Pilosopiya ✼ Ikalawang Taon ay iminungkahi ni Padre Pablo Ramon na kumuha siya ng medisina (subalit ayon kay Joaquin (2021), agrikultura ang unang iminungkahi), magkagayunman, ay itinuloy ang medisina sa layuning matulungan ang kanyang inang may sakit na katarata. ✼ Nag-aaral din ng kursong bokasyonal sa Ateneo Municipal habang nasa kanyang unang taon sa UST ✼ Nanguna sa lahat ng asignatura ng pagsasarbey at kinalauna’y kinilala bilang Perito Agrimensor (Dalubhasang Agrimensor); nakapasa ang eksamen sa kursong pagsasarbey sa edad na 17 subalit Nobyembre 25, 1881 lamang niya nakuha ang titulo dahil wala sa legal na edad nang makapasa ✼ Nagkamit ng gintong medalya sa agrikultura at topograpiya ✼ Patuloy na naging aktibo sa mga gawain sa Ateneo - Pangulo ng Akademya ng Literaturang Espanyol - Kalihim ng Akademya ng mga Likas na Agham - Patuloy na naging kasapi ng Kongregasyon ni Maria Iba Pang Karanasan ni Dr. Jose Rizal sa UST 1. Karanasan sa Paglalakbay ✼ Pagbisita sa Pakil at Pagsanjan, Laguna – Dambana ng Birhen ng Maria Delos Dolores (Birhen ng Turumba) 2. Makulay at masalimuot na Buhay-Pag-ibig ✼ Pag-ibig kay “Binibining L” – napaibig sa kanyang maganda at may kahali-halinang mata ✼ Pag-ibig kay Leonor Valenzuela – anak ni Kapitan Juan at Kapitana Sanday Velenzuela ng Pagsanjan, Laguna ✼ Pag-ibig kay Leonor Rivera – pinsang taga Camiling, ang kanyang totoong pag-ibig ✼ Pag-ibig kay Vicenta Ybardolaza – taga-Pakil ba mahilig tumugtog ng alpa 3. Diskriminasyon ✼ Nakaranas ng mga pangungutya mula sa mga mayayabang na estudyanteng Espanyol – “indio,chongo” 4. Pagtatag ng Samahan ✼ Itinatag ang Compañerismo (Pagsasamahan) – itinatag na lihim na samahan ni Rizal sa UST ng mga estudyanteng Pilipino, tinawag ang mga kasapi na “Kasama ni Jehu” (sunod sa ngalan ng isang heneral na Hebreo na nakipaglaban sa Arminiano at namuno sa Kaharian ng Israel sa loob ng 28 taon -843-816BCE) ✼ Kasama niya sa ang pinsang taga-Batangas si Galicano Apacible na siyang kalihim 5. Karanasan sa Pakikipag-away ✼ Nakaranas ng labanan sa pagitan ng mga estudyanteng Pilipino at Espanyol – nasugatan sa ulo; nilinis at ginamot ni Leonor Rivera sa Casa Tomasina 6. Hindi masaya sa atmospera sa Institusyong Dominiko 1. hindi maganda ang pagtingin sa kanya ng mga dominikong propesor; 2. mababa ang pagtingin ng mga estudyanteng Pilipino at 3. tradisyonal at mapang-api ang sistema ng pagtuturo (ang mga kagamitang pang- eksperimento ay pang-“display” lamang) ✼ Sa pagtatapos ay hindi siya nagkamit ng mataas na karangalan Mga Kilalang Akdang Pampanitikan ni Rizal habang nasa UST 1. A La Juventud Filipina (Para sa Kabataang Pilipino) ✼ Isinumite ni Rizal sa paligsahan sa panitikan ang Liceo Artistico-Literario ng Maynila – naglaan ito ng gantimpala para sa pinakamagandang tulang isinulat ng isang katutubo o mestizo (1879) ✼ Siya ay 18 taong gulang ✼ Hinangaan ng inampalan ang tula ni Rizal na pawang binubuo ng mga Espanyol ✼ Iginawad ang sa kanya ang unang gantimpala – isang pilak na panulat (hugis pakpak at may dekosrasyon na gintong laso) ✼ Tulang nagbibigay ng inspirasyon, sa pamamagitan ng magagandang berso, hiniling ni Rizal sa kabataang Pilipino na imulat na ang mga mata sa nangyayari sa kanilang paligid, at hayaang pumailanlang ang talino sa sining at agham at putulin ang tanikalang pumupigil sa diwa bilang tao. 2. El Consejo de Los Dioses (Ang Konseho ng mga Diyos) ✼ Dulang alegorikal na isinumite ni Rizal nang nagkaroon muli ng panibagong paligsahan ang Liceo Artistico-Literario para sa ikaapat na sentenaryo ni Cervantes, ang awtor ng Don Quixote de la Mancha taong 1881 ✼ Muli ang mga inampalan ay mga Espanyol ✼ Umani ng matigas na pagtutol sa pangunguna ng pahayagang Espanyol, dahil ang nagwaging awtor ay isang Indio ✼ Sa kabila ng pagtutol ay iginawad pa rin ang unang gantimpala kay Rizal – gintong singsing na may nakaukit na mukha ni Cervantes ✼ Siya ay 19 taong gulang ✼ Ang alegorya ng tungkol sa pagkakatulad nina Homer, Virgil at Cervantes (mga dakila at klasikong manunulat); tinalakay ng mga Diyos ang mga merito ng mga dakilang manunulat na ito ✼ Sa bandang huli ay nagpasyang igawad ang trumpeta kay Homer, ang lira kay Virgil at Laurel kay Cervantes ✼ Nagtapos nang masaya sa pamamagitan ng pagsasayaw ng mga ada, diwa at iba pang tauhang mitolohikal Iba Pang Akdang Pampanitikan ni Dr. Jose Rizal habang nasa UST ✼ Junto al Pasig (Sa Tabi ng Pasig) – itinanghal ng mga Atenista noong Disyembre 8,1880 ; isinulat habang Pangulo ng Akademya ng Literaturang Espanyol sa Ateneo ✼ A Filipinas – Sonata para sa album ng Samahan ng mga Iskultor ✼ Abd-el Azis y Mahoma – tulang binigkas ni Manuel Fernandez, Disyembre 8,1879 para sa patrona ng Ateneo ✼ Al M.R.P. Pablo Ramon –tula ng pagmamahal sa rektor ng Ateneo Desisyong Mag-aral sa Ibang Bansa ✼ Hindi niya nakayanan ang malawakang panlalait, diskriminasyon at pagkapoot sa mga mag- aaral na Indio at mestizo ✼ Sinang-ayunan ang pasya nina Paciano, Saturnina at Lucia, Antonio Rivera at ilang kaibigan ✼ Hindi humingi ng permiso at basbas mula sa mga magulang at subalit nagpadala ng liham ng pamamaalam sa kanyang mga magulang at kay Leonor Rivera Sanggunian: 1. Zaide et al.(1997). JOSE RIZAL: Buhay, Mga Ginawa at mga sinulat ng isang Henyo, Manunulat, Siyentipiko, at Pambansang Bayani.All Nations Publishing Co. 2. Ocampo, N.S. (2011). Austin Coates’s Rizal: Makabayan at Martir. UP Press 3. Joaquin, N. (2021). Rizal in saga: A life for student fans. 2nd ed. Milflores Publishing Inc. 4. Ariola, M. (2013). Life, works and writings of Dr. Jose Rizal. Purely Books Trading and Publishing Corp. 5. Craig, Austin (2005). Lineage, Life and Labors of Jose Rizal: Philippine Patriot [eBook edition]. Project Gutenberg. http://www.gutenberg. net 6. https://thelifeandworksofrizal.blogspot.com/ 7. https://www.gutenberg.org/files/48438/48438-h/48438-h.htm 8. https://www.ateneo.edu/libraries/rizal 9. https://www.philstar.com/headlines

Use Quizgecko on...
Browser
Browser