Kasaysayan ng Retorika PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalahad ng isang maikling kasaysayan ng retorika, simula sa mga sinaunang Griyego hanggang sa makabagong panahon. Binibigyang-diin nito ang pag-unlad ng retorika at ang mga mahahalagang palaisip na nag-ambag sa pag-aaral nito.

Full Transcript

Sa bahaging ito ay alamin naman natin ang pahapyaw na kasaysayan ng retorika. Ano ang pinagmulan o saan nagsimula ang retorika? KASAYSAYAN NG RETORIKA Ang retorika ay kasintanda ng wika at inorganisa ang mga ideya nito mula pa noong sa kapanahunan ng Matandang Gresya....

Sa bahaging ito ay alamin naman natin ang pahapyaw na kasaysayan ng retorika. Ano ang pinagmulan o saan nagsimula ang retorika? KASAYSAYAN NG RETORIKA Ang retorika ay kasintanda ng wika at inorganisa ang mga ideya nito mula pa noong sa kapanahunan ng Matandang Gresya. Pinaniniwalaang nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa Syracuse, isang maliit na isla sa Sicily noong ikalimang siglo bago dumating si Kristo. Ang mga unang naisulat ay ipinagpalagay na nagmula kina Corax at Tisias. Corax - isang taga Sicily, ang tumayong tagapaglahad ng mga argumento na nagsabing ang maayos at sistematikong paraan ng pagpapahayag ng katuwiran ang magiging daan upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig. Tisias – naging estudyante ni Corax sa Syracuse na nagiging guro din sa retorika. Noon pa man pinag-aralan na ng mga tao ang retorika at ito'y kanila na ring ginamit sa pagsasalita man o pagsusulat. Ayon sa kasaysayan, ang mga taga-Mesopotamia at Taga- Ehipto ay kapwang nagpapahalaga sa kakayahang magsalita taglay ang elokwens at dunong. Nang maglaon, naging matayog na sining ang pag-aaral ng retorika at masistemang nalinang nang sumilang ang demokrasya sa Griyego. Ayon nina Bret & McKay (2010), nahahati sa apat na makabuluhang kapanahunan ang pag-unlad ng retorika: Retorika sa Matandang Gresya: Mga Sophist, Plato, Aristotle Maraming alagad ng kasaysayan ang nagbigay ng pagkilala sa matandang lungsod ng Athens bilang lugar ng kapanganakan ng klasikal na retorika. Bawat lalaki ay kinakailangang nakahandang tumayo sa isang asamblea at magsalita upang hikayatin ang kaniyang kababayan para bumoto pabor o laban sa isang partikular na lehislasyon. Ang tagumpay at impluwensiya sa matandang Athens ay nakadepende sa kaniyang kakayahang retorikal. Mula rin doon, nabuo ang maliliit na paaralang may dedikasyon sa pagtuturo ng retorika. Sophist – mga guro sa retorika, ang tawag sa matatalino at dalubhasa sa pananalita, ang nagbigay pakahulugan sa retorika bilang isang pagtatamo ng kapangyarihang politikal sa pamamagitan lamang ng pagpapahalaga sa paksang pinaglalabanan at estilo ng pagbigkas. Protagoras - Kauna-unahang sophist, isa sa mga kilalang namumuno sa pinakabantog na mga paaralang sophists. Isocrates - ang dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo, na nagpapalawak sa sining ng retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at isang pilosopiya na may layuning praktikal. Ang kurikulum ng sophist ay binubuo ng pagsusuri ng panulaan, pagbibigay- kahulugan ng mga bahagi ng pananalita at pag-aaral sa mga istilo ng argumentasyon. Tinuruan nila ang mga mag-aaral paano mapalakas ang mahihinang argumento at mapahina ang malalakas na argumento. Subalit, para sa mga matandang Griyego ang sophist ay isang taong nagmamanipula ng katotohanan para lamang kumita. Kinondena nina Plato at Aristotle ang mga sophists dahil emosyon ang tanging bataya nila sa panghihikayat at hindi sa katotohanan. Plato - tanyag na historyador na mahigpit na katunggali ng kilusang sophistic. Naniniwala siya na ang mga sophist ay nangangalaga hindi lamang sa pakikipagtalo sa katotohanan bagkus ito lamang ang isang daan upang maipakita ang pagkapanalo nito. Isinulat niya ang Gorgias at Phaedrus na nagbibigay diin sa pagtatalo ng sophist. Ayon sa kaniya, ang pilosopiya at retorika ay magkaugnay sa paraan ng medisina at kosmetiko; kung saan, ang medisina (tulad ng pilosopiya) ay may malasakit sa kung ano ang totoong mainam sa isang bagay, ngunit Sanggunian:https://ccsearch.creativecommons.org/ ang kosmetiko (gaya ng retorika) ay may malasakit photos/ea2333fe-63ba-4b53-8779-beabe045ec26 lamang sa anyo. Aristotle – naitatag ang sistema ng pag-unawa at pagtuturo ng retorika. Sa kaniyang ―The Art of Rhetoric‖, binigyang kahulugan niya ang retorika bilang kasangkapan sa pagmamasid ng anumang kaso na magagamit bilang panghihikayat. Pinaboran niya ang panghihikayat sa pamamagitan ng dahilan subalit isinaalang-alang din niya ang tagapakinig na makaiwas sa masalimuot na pagsunod ng argumentong batay lamang sa isang makaagham at lohikal na prinsipyo. Idiniin din ni Aristotle na ang retorika ay kapangyarihang makapagpuna sa kahit anong pagkakataon upang makapanghikayat. Binanggit niya ang tatlong mahahalagang sangkap ng mabisang pagpapahayag: 1. Logos – binubuo ng wastong paggamit ng wika sa pagbuo ng pagpapaliwanag. 2. Pathos - nakatuon sa ipinapahayag ng damdamin. 3. Ethos - nakasentro sa pamamaraang gagawin ng tagapagsalita kung paano niya mahihikayat/mapapaniwala ang mga tagapakinig. Upang maging epektibo ang isang retorisyan, kailangan niyang magkaroon ng kamalayan sa mga elementong nabanggit: Kairos - ang nilalaman bilang nagpapatibay sa ipinapahayag Audience - manonood na isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangkaisipian at pandamdamin Prepon - ang pamamaraan sa kaniyang kasuotan Retorika sa Matandang Roma: Cicero at Quintilian Makalipas ang 2,000 taon at kamangha-manghang impluwensiya ng Art of Rhetoric ni Aristotle ay lumitaw ang mga Romanong retorisyan na sina Cicero at Quintilian. Nabatid na mahina ang pagkalinang ng retorika sa matandang Roma, subalit nagsimula itong yumabong nang pangibabawan ng emperyo ang Gresya at maimpluwensiyahan ng sarili nitong mga tradisyon. Isinali ng matandang Romano ang maraming elementong retorikal na naitatag ng mga Griyego; gayundin ang maraming kaparaanan sa tradisyong Gresya. Dito nagsimula ang mga orador at manunulat ng Roma sa iba-ibang estilo, kasama ang pagrebisa ng kuwento at paggamit ng mga metapora ngunit mas kakaunti ang pagtuon sa lohikal na pangangatuwiran. Cicero - ang unang maestrong retorisyan sa Roma at kilalang mahusay na estadista. Sumulat siya ng maraming akda sa mga paksang kinapapalooban ng On Invention, On Oration, at Topics. Ang kaniyang mga naisulat tungkol sa retorika ay nagbigay-gabay sa mga paaralan sa panahon ng Renasimyento. Ang kaniyang lapit sa retorika ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng edukasyong liberal. Ayon sa kaniya, upang maging mapanghikayat, ang tao ay kailangang may sapat na kaalaman sa kasaysayan, politika, sining, panitikan, etika, batas, at medisina. Naniniwala siyang sa pamamagitan ng edukasyong liberal, ang isang tao ay madaling nakakaugnay sa kahit sinumang tagapakinig. Quintilian – ang ikalawang Romanong retorisyan na nag-iwan ng kaniyang pag-aaral sa retorika. Matapos niyang linangin ang kasanayan sa retorika sa loob ng maraming taon sa korte ng Romano, nagtayo siya ng pampublikong paaralan sa retorika. Pinaunlad niya ang sistema ng pag-aaral na kumukupkop ng mag-aaral at isinasalang sa iba’t iba at matinding antas ng pagsasanay sa retorika. Sa ika-95 AD, binuhay niya ang kaniyang sistemang edukasyonal sa retorika sa labindalawang bolyum na aklat na pinamagatang Institutio Oratoria. Ito ay naglalaman ng lahat ng mga aspekto ng sining ng retorika. Mga aspektong teknikal ang pokus niya para sa epektibong retorika. Gayunpaman, naglaan din siya ng panahon para mapaunlad niya ang isang kurikulum na pinaniniwalaan niyang maging pundasyon sa bawat edukasyon ng bawat tao. Retorika sa Kalagitnaan/Medyibal at Renasimyentong Panahon Sa kalagitnaang panahon, ang retorika ay naging diksursong relihiyoso mula sa pagiging politikal. Sa halip na maging kasangkapan para mamuno ng estado, ang retorika ay nakitang isang daan upang iligtas ang mga kaluluwa. St. Augustine – ang nanguna sa paggalugad kung paano magamit ang paganong sining ng retorika upang mas lalong mapalaganap ang ebanghelyo doon sa mga ’di pa nabago at ang semon naman para roon sa mga naniniwala. Sa huling bahagi ng kalagitnaang panahon nagsimulang mabuo’t magsulputan ang mga unibersidad sa Pransya, Italya at Inglatera kung saan ang mga mag-aaral ay kumukuha ng mga asignaturang gramatika, lohika at retorika. Ginamit ng mga mag-aaral sa medyibal na panahon ang mga tekstong sinulat ni Aristotle upang matutunan ang mga teorya ng retorika. Naglaan din ng oras upang ulit-ulitin ang mga rutina ng pagsasanay sa Griyego at Latin upang mapaunlad ang kasanayang retorikal. Gaya ng mga sining at agham, ang pag-aaral ng retorika ay muling sumigla sa panahon ng renasimyento. Ang mga teksto nina Cicero at Quintilian ay muling nadiskobre at nagamit sa mga kurso. Ang De Inventione ni Quintilian ay mabilis na naging istandard na aklat sa mga unibersidad ng Europa. Ang mga iskolar sa panahon ng renasimyento ay nagsimulang maglathala ng mga bagong akda at aklat sa retorika, marami rin sa kanila ang nagbigay-din sa kasanayan sa paggamit ng bernakular bilang pagsalungat sa Latin at matandang Griyego. Retorika sa Modernong Panahon Ang pagbabago sa retorika ay nagpatuloy sa pamamagitan ng pagsunod sa kalinangan. Habang ang demokrasya ay lumaganap sa kalakhang Europa at sa mga kolonya ng Amerika, ang retorika ay muling bumalik sa pagiging diskursong politikal. Ang mga pilosopong politikal at rebolusyonaryo ay gumamit ng retorika bilang sandata sa kanilang kampanya sa pagpapalaganap ng kasarinlan at kalayaan. Sa ika-18 hanggang ika-19 na siglo, ang mga departamento sa mga unibersidad sa Europa at Amerika ay nagsimulang magpokus sa pag-aaral ng retorika. Isa sa mga maimpluwensiyang aklat ng retorika sa panahong ito ang kay Hugh Blair na Lectures on Rhetoric and Belles-Lettres na nailimbag sa taong 1783 at nanatiling istandard na aklat sa retorika sa mga unibersidad sa loob ng mahigit isang daang taon sa Europa at Amerika. Ang pagsibol at paglaganap ng mass media sa ika-20 siglo ay naging dahilan upang ang ibang mag-aaral ay lumipat sa pag-aaral ng retorika. Ang mga imahen ng potograpiya, pelikula at telebisyon ay naging makapangayarihang kasangkapan ng panghihikayat. Bilang tugon, ang mga retorisyan ay nagpalawak ng kanilang talatanghalan na naglalaman hindi lamang sa pasulat at pasalitang masteri; kundi maging sa paghawak ng mga sining biswal.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser