Karunungang-Bayan - Epiko Written Report PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

Mariano Marcos State University

Tags

Philippine proverbs Filipino oral traditions Pre-colonial Philippines Philippine culture

Summary

This document discusses Karunungang-Bayan, the traditional knowledge of the Philippines. It highlights the different types of Karunungang-bayan, including proverbs, sayings, riddles, and poems, and explains their significance in preserving Filipino culture.

Full Transcript

**[KARUNUNGANG BAYAN]** **Ang Pilipinas noong Panahon ng Pre-Kolonyal** - **Panahong Paleotiko** - dakong 2500000-10000 BCE. - **Neolitiko -** dakong 10000-4000 BCE - **Metal -** 4000 BCE **Tatlong antas ng tao sa Lipunan** ![](media/image6.png) - **Pre-Kolonyal**\ -binubuo ng unl...

**[KARUNUNGANG BAYAN]** **Ang Pilipinas noong Panahon ng Pre-Kolonyal** - **Panahong Paleotiko** - dakong 2500000-10000 BCE. - **Neolitiko -** dakong 10000-4000 BCE - **Metal -** 4000 BCE **Tatlong antas ng tao sa Lipunan** ![](media/image6.png) - **Pre-Kolonyal**\ -binubuo ng unlaping "pre"(bago-mag) at salitang "kolonyal"(panahon ng eksplorasyon ng makakapangyarihang bansa ng europa noong ika 15-17 siglo. -tinutukoy ito sa panahon noong bago tayo sakupin ng mga Kastila noong 1500s. **Eupemistikong Pahayag/ Talinghaga** \- isang pagpapahayag kung saan ang isang salita o parirala na may negatibong konotasyon o masakit na kahulugan ay pinalitan ng isang mas magaan o mas magalang na salita. \- Ginagamit upang mabawasan ang tindi ng isang mensahe, upang hindi maging masyadong direkta o mapanakit. - \"Pumanaw na\" imbis na \"namatay.\" - \"Nagpahinga na\" imbis na \"namatay.\" - \"Malayo sa katotohanan\" imbis na \"nagsisinungaling.\" - \"May pinagdadaanan\" imbis na \"depresyon\" o \"problema.\" - \"Hindi naging tapat\" imbis na \"nagsinungaling.\" **Karunungang Bayan** - Ang karunungang bayan ay mga salawikain, kasabihan, bugtong, at iba pang uri ng pahayag na naglalaman ng mga aral, payo, o mga paniniwala ng ating mga ninuno. Ito ay bahagi ng oral na tradisyon ng mga Pilipino at nagpapahayag ng kultura, pananaw, at mga pagpapahalaga ng ating lipunan. Sa pamamagitan ng karunungang bayan, naipapasa ang mga aral at kasanayan mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. **Salawikain** - \"Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan." - Nagbibigay ito ng aral tungkol sa kahalagahan ng pagkilala sa ating pinagmulan at pagtanaw ng utang na loob. **Kasabihan** - \"Pag may tiyaga, may nilaga.\" - Nagpapahayag ito ng kahalagahan ng pagtitiyaga sa pag-abot ng mga mithiin. **Bugtong** - Palaisipang nilikha upang libangin ang isa't isa - Pagpapahula ng kongkretong bagay o gamit na nakikita sa paligid sa pamamgitan ng paggamit ng talinghaga o pahayag - Ito ay maikli lamang dahil noon ay hindi pa ito gaanong isinusulat - Nagtataglay ng dalawang taludtod at nagtutugma ang tunog sa huling pantig ng mga huling salita - Nagpapadali sa pagbigkas at pagmemorya - Gumagagamit ng imaheng nagtataglay ng katangian ng pinahuhulaan Hindi hari, hindi reyna, ngunit may korona. Inaayawan, nilalayuan at kinatatakutan. Nang ang kamera ay kumislap, hindi nangiti ang lahat, bagkus ay nasindak. Sagot: KIDLAT **Sawikain** - \"Balat-sibuyas\" - Tumutukoy ito sa isang taong sensitibo o madaling masaktan. Ano ang mayroon sa tao, na mayroon din sa hayop at tatlo pa sa halaman, na wala sa Diyos? Sagot: Titik A May limang magkakapatid. Si Ana ay naglalaba. Si Petra ay nagluluto. Si Juan ay naglalaro ng chess. Habang si Jose ay nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang anak o kapatid? Sagot: Naglalaro ng chess kasama si Juan Ang nanay ni Emma ay may apat na anak; sina Ran, Ren, Rin Ron. Sino ang ikalimang anak? Sagot: Si Emma Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong na piramido ang hugis. Nagtatalo-talo ang mga kapitbahay kung saan babagsak ang itlog ng tandang. Saan babagsak ang itlog ng tandang? Sagot: Wala dahil hindi naman nangingitlog ang tandang **Tulang de-gulong** - Huwag kalimutang pumara nang makauwi sa pamilya. - Aanhin pa ang gasolina kung ang jeep ay sira na. - Magbayad nang tama dahil mahal ang presyo ng gasolina. May binubuhay kaming pamilya. - Estudyanteng may diskwento, siguraduhing sa school ang hinto. - Kahit sino ka man, huwag mong kalilimutang ika'y pasahero lamang. - Face mask at face shield ay gamitin, upang COVID-19 ay hindi sapitin. **Mga Halimbawa ng Tulang Panudyo** ![](media/image8.png) - Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo. \... - Kung ano ang puno, siya ang bunga. \... - Kung walang tiyaga, walang nilaga. \... - Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy. \... - Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Mga Halimbawa - butas ang bulsa - walang pera - ilaw ng tahanan - ina, nanay - bukas ang palad - matulungin - ibaon sa hukay - kalimutan - amoy pinipig - mabango - kabiyak ng dibdib - asawa - lantang gulay - sobrang pagod - nagsusunog ng kilay - masipag mag-aral - pag-iisang dibdib - kasal - makapal ang palad -- masipag - kilos pagong -- mabagal - anak-dalita -- mahirap - bukal sa loob - mabait - kilos pagong - mabagal - anak-dalita - mahirap - bukal sa loob - mabait - usad-pagong - mabagal - alog na ang baba - matanda na - mahigpit na pamamalakad - malupit - sariwa sa alaala - hindi makalimutan - bakas ng kahapon - nakaraan, alaala ng kahapon - hinahabol ng karayom -- may sira ang damit - parehong kaliwa ang paa -- hindi marunong sumayaw - parang suman -- masikip ang damit - isip bata - walang muwang - huling baraha -- natitirang pag-asa ![](media/image10.png) **Mga Halimbawa** - Ang anak na magalang, ay kayamanan ng magulang - Huwag mong hatulan ang isang aklat, sa pamamagitan ng kanyang pabalat. - Walang tunay na kalayaan, kung nabubuhay sa kahirapan. - Titingkad ang iyong kagandahan, kung maganda rin ang iyong kalooban. - Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat. - Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan. - Ang pagsintang labis na makapangyarihan, pag ikaw ay pumasok sa puso ninuman,hahamakin ang lahat masunod ka lamang. - Walang matimtimang birhen, sa matiyagang manalangin. - Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan. - Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala. - Mabisa ang pakiusap na malumanay, kaysa utos na pabulyaw. - Ang magtahi-tahi ng hindi tutoong kuwento, mabubuko rin sa bandang dulo. - Ang masipag sa buhay, umaani ng tagumpay. - Walang lihim na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag. - Ang talagang matapang, nag-iisip muna bago lumaba. - Ang **paghahambing** ay isang paraan ng pagpapahayag na naglalarawan at nagkukumpara ng mga bagay/ o alitang magkatulad ang anyo at katangian. - Maaaring ang paghahambing ay magkatulad o hindi magkatulad.\ May mga tuntunin sa pagsulat ng sariling karunungang-bayan. - Kailangang pukawin ang guniguni habang nagsusulat ng sariling\ bugtong at salawikain. **[ARALIN 2]** **Matatalinghagang Payahag** -Ito ay anyo ng wikang may malalim na mga kahulugan -Halos walang tiyak o kasiguraduhang ibig-ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito. -Ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, personipikasyon, simile at iba pang uri ng mabubulaklak at nakalilitong mga salita. -Francisco "Balagtas" Baltazar ay isa sa mga makata at manunulat na mahusay sa paggamit ng mga talinghaga. -Isa sa kilala niyang obra ang "Florante at Laura" **Halimbawa ng Matalinhagang Pahayag** bugtong na anak - kaisa-isang ilista sa tubig - kalimutan na lakad-pagong -- mabagal kabiyak ng dibdib - asawa balitang kutsero - hindi totoo nagsusunog ng kilay - nag-aaral nang mabuti mababa ang luha - iyakin nagtataingang kawali - nagbibingi-bingihan tulog mantika - mahabang oras ng pagtulog pinagbiyak na bunga - magkamukha balat sibuyas - madaling umiyak; sensitibo amoy tsiko - nakainom patay gutom - mahilig kumain mapaglubid sa buhangin - sinungaling luha ng buwaya - di totoong pag-iyak tulak ng bibig - salita lamang, di tunay sa loob haligi ng tahanan - tatay pusong-bato -- matigas ang puso pusong-mamon - mabait lumaki ang ulo - yumabang makapal ang bulsa - maraming pera **Ang Guryon\ ni Ildefonso Santos** Tanggapin mo anak, itong munting guryon Na yari sa patpat at "papel de Hapon" Magandang laruan pula, puti, asul Na may pangalan mong sa gitna naroon. Ang hiling ko lamang, bago paliparin, Ang guryon mong ito ay pakatimbangin; Ang solo't paulo'y sukating magaling Nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling. Saka, pag umihip ang hangin, ilabas At sa papawiri'y bayaang lumipad; Datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak, At baka lagutin ng hanging malakas. Ibigin ma't hindi, balang araw, ikaw Ay mapapabuyong makipagdagitan; Makipaglaban ka, subalit tandaan Na ang nagwawagi'y ang pusong marangal. At kung ang guryon mo'y sakaling madaig Matangay ng iba o kaya'y mapatid; Kung saka-sakaling dina mapabalik Maawaing kamay nawa ang magkamit! Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, Dagiti'y dumagit saan man sumuot... O, piliparinmo't ihalik sa Diyos, Bago patuluyang sa lupa:'y sumubsob! **Pag-unawa sa Tula** - **Guryon**- ito ay saranggola - **Ama**- ang nagsasalita sa tula Ang ikalawang saknong ay nagpapahiwatig na tayo ay magsikap at maging handa sa mga hamon o pagsubok sa ating buhay. Inihambing ang guryon sa buhay ng tao na mayroong mga kakaharaping suliranin o pagsubok ngunit nagagawa natin itong solusyonan at ito ang nagpapatatag sa ating buhay. Ang mga salitang may salungguhit sa tula ay mga matatalinghagang salita. **Ibigay ang kahulugan** **Bayaang lumipad** - (kapag may oportunidad ay sumubok) **Lagutin ng hanging malakas** - (matalo sa pagsubok) **Ihalik sa Diyos** - (Idulog sa Maykapal gumawa ng ikalulugod ng Poong Lumikha) **Sa lupa'y sumubsob** - (mabigo) **Eupemistikong Pahayag/ Talinghaga** \- Isang pagpapahayag kung saan ang isang salita o parirala na may negatibong konotasyon o masakit na kahulugan. \- Pinapalitan ng isang mas magaan o mas magalang na salita. \- Ginagamit upang mabawasan ang tindi ng isang mensahe, upang hindi maging masyadong direkta o mapanakit. **HALIMBAWA** \"Pumanaw na\" imbis na \"namatay.\" \"Nagpahinga na\" imbis na \"namatay.\" \"Malayo sa katotohanan\" imbis na \"nagsisinungaling.\" \"May pinagdadaanan\" imbis na \"depresyon\" o \"problema.\" \"Hindi naging tapat\" imbis na \"nagsinungaling.\" **SITWASYON** Kapag gagamit ng palikuran - tinatawag po ako ng kalikasan Baliw - wala sa katinuan Bulag, Pilay o Bingi - may kapansanan sa mata, paa o tainga Mabaho - simpleng paraan tulad ng may naamoy ka na di kanais-nais sa paligid,maaaring magpalit ng damit Walang pera - o butas ang bulsa **[ARALIN 3:PAGHAHAMBING]** Sa paggamit ng talinghaga ay pinaghahambing ang dalawang bagay na tila walang natatanging pagkakatulad. Halimbawa na lamang sa bugtong na: "Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis." Kung susuriin ang kaliskis ay tila kahugis ng buto ng sili na matatagpuan sa loob nito na inihambing sa isang baboy. Walang pagkakatulad ang baboy at sili ngunit dahil sa talinghaga napaghahambing ito at nasagot ang palaisipan. Maging ang salawikain at sawikain ay gumagamit ng paghahambing. "kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot" Inihalintulad ang pagtitiis sa mahirap na sitwasyon. Gayundin ang eupemistikong pahayag ay may paghahambing. Sa halip na sabihing patay ay tinutumbasan ng sumakabilang buhay. - Sa pagbuo ng karunungang bayan ay gumagamit tayo ng paghahambing. - Ang paghahambing ay paglalarawan ng antas o lebel ng katangian ng bagay, hayop, ideya, pangyayari, at tao. - Ang layunin nito ay magbigay ng malinaw na paglalahad ukol sa pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawang bagay na inihahambing. **DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING** - Ang **[paghahambing na magkatulad]** ay ginagamit sa tuwing ang inihahambing ay may parehong antas o katangian. Ito ay karaniwang ginagamitan ng mga katagang kasing, sing, kapwa, at magkapareho. **5 halimbawa:** 1. Ang buhok ni Ana ay kasing haba ng buhok ni Elsa. 2. Ang magpinsang sina Amado at Alfredo ay kapwa mahilig maglaro ng basketball. 3. Magkasing edad ang magkaklaseng sina Jaime at Juliana. 4. Magkapareho ang gusali na pinagtatrabahuhan nina Amanda at Sophia. 5. Ang mga bansang Thailand at Singapore ay kapwa kabilang sa mga bansang makikita sa Asya. - Ang **[paghahambing na di - magkatulad]** ay ginagamit sa tuwing ang inihahambing ay may magkaibang antas o katangian. **Dalawang Uri ng Di - Magkatulad na Paghahambing:** - Ang **paghahambing na pasahol** ay uri ng di - magkatulad na paghahambing na ginagamit kapag ang inihahambing ay mas maliit kaysa sa pinaghahambingan. Ito ay karaniwang ginagamitan ng mga katagang lalo, di - gaano, di - gasino, di - lubha, at di - totoo. - Ang **paghahambing na palamang** ay uri ng di - magkatulad na paghahambing na ginagamit kapag ang inihahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan. Ito ay karaniwang ginagamitan ng mga katagang di - hamak, higit, at labis. **5 halimbawa:** 1. Di-hamak na magagaling mag-Ingles ang mga Pilipino kaysa sa mga Amerikano. 2. Higit na maunlad ang bansang China kaysa sa India. 3. Di-totoong mahirap ang Matematika kaysa sa Siyensya. 4. Labis ang pagiging malambing ng mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan. 5. Lubhang nakalilibang ang panonood ng sine kaysa sa pakikinig ng musika. **[Mga matatalinghagang salita sa tulang "Ang Guryon"]** - Guryon -- Saranggola - Patpat -- Manipis na kahoy/kawayan - Papel de hapon -- creepe paper - Pakatimbangin -- Pagsukat/Pagtutumbas - Mag-ikiy -- umikot - Sumuot -- tumagos - Papawiri'y -- langit - Lagutin -- dalhin - Magpapabuyong -- mahikayat na makipaglaban - Makipagdagitan -- mahuli/makuha - Paulo'y -- pagbuga ng hangin - Umihip -- pagbuga ng hangin - Pisi -- lubid/tali - Mapatid -- maputol - Dumagit -- pagtangay sa isang bagay ng isang nilalang - Sumubsob -- nahulog **[Ilang Bokabularyo]** Hagdan - \[pangngalan\] isang serye ng mga baytang o paanan, yari sa kahoy, metal, o plastik, na ginagamit sa pag-akyat at pagbaba sa iba\'t ibang antas ng lugar o estruktura. Banig - \[pangngalan\] isang higaan o sapin sa sahig na hinabi mula sa pinatuyong dahon ng niyog o kawayan, ginagamit para sa kaginhawaan sa pagtulog, karaniwan sa mga probinsya. Pinya - isang uri ng [[prutas]](https://tl.wikipedia.org/wiki/Prutas) na mayaman sa [bitamina] Bayabas - \[pangngalan\] isang bilugang prutas na berde ang balat na nagiging dilaw kapag hinog, may pink o puting laman na may maliit na buto, at mataas sa bitamina C. Suso - \[pangngalan\] isang maliit na hayop na may matigas na bahay sa likod, kilala sa mabagal na paggalaw at protektadong katawan. Saranggola - \[pangngalan\] isang laruan na lumilipad sa hangin, gawa sa manipis na papel o plastik at balangkas ng kawayan, may iba\'t-ibang hugis at kulay, at kinokontrol gamit ang mahabang tali. Taksil - \[pangngalan/pang-uri\] isang taong sumira sa tiwala o nagpakita ng kawalan ng katapatan, maaaring sa bansa, grupo, o mahal sa buhay, at sa mga prinsipyong pinaniniwalaan. Bungbong - \[pangngalan\] istruktura na nagsisilbing harang o proteksyon sa isang lugar, gawa sa kahoy o ibang materyales, at naghihiwalay ng mga kuwarto o espasyo. Tagusan - \[pandiwa\] ang proseso ng paglikha ng butas o daanan sa isang materyal, mula sa isang gilid patungo sa kabilang gilid, sa pamamagitan ng pagtusok o pagdaan sa kabuuan nito. Tadyang - Sa anatomiya ng mga bertebrado, ang mga tadyang (Ingles: mga rib, Latin: costae) ay ang mahahabang nakabaluktot na mga butong bumubuo sa kulungang tadyang. Sari-sari - Ang salitang sari-sari ay Tagalog na nangangahulugang \"iba\'t-ibang\" o \"sari-sari\"\', dahil tinutukoy nito ang mga iba\'t-ibang bilihin na itinitinda sa naturang sari-sari store. Napaglalamangan - Naisahan o naloko sa isang bagay. Tangay - \[pang-uri\] nawalan ng kontrol o napadala nang labis sa damdamin o interes sa isang bagay o pangyayari. Nag-iibayo - kapag ang isang nilalang ay lalong nasasaktan,mas umiibabaw ang tapang na magpatuloy na lumaban ang kanyang kalaban at kaaway. Mailap - \[pang-uri\] mahirap lapitan, makasalamuha, o matagpuan dahil sa likas na pag-iwas at pagiging parang hangin na mahirap hulihin. Nagmistula - naging katulad o kawangis ng isang bagay Tinalupan - gulo o rambulan Himas - \[pangngalan\] banayad at maingat na paghaplos o pagdampi sa balat o ibabaw, bilang tanda ng pagmamahal o pag-aalaga, na nagdudulot ng kasiyahan at ginhawa. Malubha - \[pang-uri\] tumutukoy sa matinding kalagayan, sitwasyon, o damdamin na maaaring magdulot ng malaking problema o panganib at nangangailangan ng agarang atensyon o aksyon. Barat - \[pangngalan\] ang gawain o proseso ng pakikipagtawaran upang mabili ang isang produkto o serbisyo sa mas mababang halaga sa pamamagitan ng pag-uusap. Kalaunan - \[pang-uri\] ang paglipas ng ilang panahon o sandali, o sa pagtakbo ng oras matapos ang isang tiyak na tagal. Madiskaril - \[pandiwa\] lumihis o mawala sa tamang landas, ruta, o plano, hindi natutuloy sa orihinal na layunin o adhikain.  Mapusok - \[pang-uri\] kumikilos o nagpapakita ng matinding damdamin nang padalus-dalos at walang pagpipigil, kadalasang hindi muna nag-iisip. Halang - may matalim, malakas, masalimuot na lasa.  Tagak - \[pangngalan\] isang uri ng ibon na maputi o abuhin, mahaba ang leeg, binti, at tuka, mahusay manghuli ng isda, at karaniwang makikita sa mga basang lugar. Biyas - \[pangngalan\] bahagi ng katawan na koneksyon ng dalawang mas malalaking bahagi, nagtatagpo ang dalawang elemento at nagpapahintulot ng paggalaw. Salakay - \[pangngalan\] isang biglaan, marahas na pagsugod o pagpasok ng grupo sa isang lugar upang magdulot ng pinsala, sakupin, o kontrolin ito sa pamamagitan ng puwersa. Prusisyon - \[pangngalan\] isang organisadong paglalakad ng grupo ng tao, karaniwan para sa relihiyosong layunin, kung saan may kasamang pag-awit o pagdarasal habang lumilipat ng lugar. Paggasta - \[pangngalan\] aksyon o proseso ng paglalabas o paggamit ng salapi para sa pagbili o pagbayad ng mga produkto, serbisyo, kailangan, o naisin. Alamid - pusang ligaw sa kabundukan na nahahawig sa tigre. **[Talakayan sa Araling Epiko]** - Ang epiko ay pumapaksa sa mga matatagumpay na bayani na siyang karaniwang nagtataglay ng mga mahiwaga o di kapani-paniwalang pangyayari ng tauhan. - Ang epiko rin ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba\'t-ibang grupong etniko dahil ito ay isang karaniwang kuwento ng paglalakbay at pakikipag-digma. ![](media/image12.png) - Isa sa mga mahahalagang katangian ng epiko ay napapanatili nito ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino tungkol sa tradisyon na nagbibigay-liwanag sa nakaraan ng isang bayan o lahi. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan sa isang kultura o lahi, na nag-uugnay sa mga tao sa kanilang mga ugat at tradisyon. - Ang epiko rin ay naglalaman ng mga aral at prinsipyo na nagpapalawak ng pananaw sa buhay, tulad ng katapatan, katapangan, at pagkakaisa. Dahil dito, nagsilbi ang epiko hindi bilang pang-aliw o kagamitan sa mga ritwal, kundi sanggunian ng ating malayong nakaraan. ![](media/image14.png) - Sa Pilipinas, may iba\'t ibang epiko mula sa iba\'t ibang rehiyon tulad ng \"Biag ni Lam-ang\" ng Ilocos, \"Ibalon\" ng Bicol, at \"Hinilawod\" ng Panay. Ang mga epikong ito ay bahagi ng ating kulturang bayan at nagsasalaysay ng mga sinaunang paniniwala, tradisyon, at kabayanihan ng ating mga ninuno. ***Buod ng Biag ni Lam-Ang*** Sa Lambak ng Nalbuan sa La Union, ![](media/image16.jpeg) payapang naninirahan ang tribong pinamumunuan ni Don Juan at ang kanyang nagdadalang tao na asawa na si Namongan. Subalit ang matiwasay na pamumuhay ng tribo ay nabalot ng panganib at problema nang lusubin sila ng mga Igorot. ![](media/image18.jpeg) Nais maghiganti ni Don Juan dahil sa namatay niyang tauhan kung kaya't mag-isa siyang sumugod sa nayon ng mga Igorot ngunit, sa kasamaang palad ay hindi na nakabalik si Don Juan. ![](media/image20.png)Noong dumating ang malagim na balitang pinugutan ng ulo si Don Juan ay ang panganganak ni Namongan sa sanggol na bukod tangi dahil ito ay nakapagsasalita na at pinangalanan niya itong Lam-Ang. Anim na buwan lamang ang lumipas ay malakas na si Lam-Ang at handa nang maglakbay upang hanapin o ipaghiganti ang kanyang ama. Hindi nag-alala si Namongan dahil bitbit ni Lam-Ang ang kanyang agimat mula sa puso ng saging at may kasamang mga nilalang na may kapangyarihan at ito ang mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Sa paglalakabay ay dinaanan ni Lam-Ang ang kabundukan at kaparangan at habang nagpapahinga ay napanaginipan niya ang mga Igorot na nagsasayaw sa pugot na ulo ng kanyang ama. ![](media/image22.png) Tumuloy siya sa paglalakbay at nakita niya ang nakatuhog na ulo ng ama sa sarukang. ![](media/image24.jpeg) Nakita siya ng mga Igorot at pinayuhang umuwi na lamang upang hindi matulad sa ama ngunit naghiganti pa rin siya at nagtagumpay siya sa tungkulin bilang anak. Naligo siya sa Ilog Amburayan at sa kanyang pagbabanlaw ay namatay ang mga isda at nagsialisan ang mga igat at alimasag. Sa Kalanutian, nabihag siya ni Ines Kannoyan ![](media/image26.jpeg) ngunit bago makapanligaw ay hinarap niya ang higanteng Sumarang. Sa tulong ng hangin, naitaboy niya ito. Sa bahay ni Ines Kannoyan, nagiba ang tahanan nang kumahol ang aso at agad namang naayos nang tumilaok ang tandang. ![](media/image28.jpeg) Papayag lamang ang mga magulang ni Ines kung mamamanhikan si Lam-Ang kung kaya't nagbigay ito ng isang barkong puno ng ginto. Nagpakasal ang dalawa at bilang kaugalian ay kailangang makapaghuli si Lam-Ang ng mga isdang Rarang sa dagat. ![](media/image30.jpeg) Ito ang pinakamapanganib na pagsubok ni Lam-Ang at nakita niya ang kanyang kamatayan sa bunganga ng pating berbakan. ![](media/image32.png) ![](media/image34.png) - Ang epikong Biag ni Lam-ang ay naisaaklat pa noong 1640 at ang awtor ay si Pedro Bukaneg. - Kung gayon, si Pedro Bukaneg ay isang ama ng panitikang Ilokano at siya ay mahusay na orador. Ito'y isang mahabang tulang pasalaysay ng mga Ilokano mula sa rehiyon ng Ilokano sa Pilipinas. Ang epikong ito ay nakasentro sa kabayanihan ni Lam-ang. ![](media/image36.png) - Ang pangatnig na pananhi ay ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang salita, paririala, sugnay at pinagsusunod-sunod na pangungusap. Tumutulong ito bilang tugon sa tanong na *"Bakit"* na nagbibigay kasagutan sa isang pangyayari. - Mayroon tayong tinatawag na sanhi na kung saan ito'y isang ugat na pangyayari at gumagamit ng mga panandang na dahil rason, dahilan, kapag, sanhi sa, sapagkat, mangyari pa. - Ang bunga naman ay pangyayaring naging resulta o epekto at gumagamit ng panandang na kaya, upang o bunga nito. ![](media/image38.png) **PAGTATAYA** **I. Panuto:** Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang sagot bago ang bilang. 1\. Ano ang ibig sabihin ng paglangoy ni Lam-ang sa dagat kahit alam niyang delikado ito? a. Nais niyang ipagyabang ang kaniyang kalakasan. b. Ginagalang niya ang mga tradisyon nina Ines. c. Naiinitan siya at gusto niyang maligo. d. Nagugutom sng bayan at kailangan nila ng isdang makakain. 2\. Bakit nais ni Lam-ang maghiganti sa mga Igorot? a. Dahil pinugutan ng mga Igorot ang kaniyang ama b. Dahil binihag ng mga Igorot ang kaniyang ina c. Dahil ninakawan sila ng mga manok d. Dahil binastos ng mga Igorot ang kaniyang asawa 3\. Ano ang mga ginawa ni Lam-ang upang mapasagot si Ines? a. Pagkahol ng aso na nagdulot sa pagkagiba ng bahay b. Pagtilaok ng manok na nagdulot sa pagkakaayos ng bahay c. Paghahandog ng isang barko na puno ng ginto d. Lahat ng nabanggit 4\. Bakit nais ni Don Juan maghiganti sa mga Igorot? a. Dahil dinukot ng mga Igorot si Lam-ang b. Dahil pinugutan ng mga Igorot si Namongan c. Dahil nilusob ng mga Igorot ang bayan ng Nalbuan d. Dahil ninakawan sila ng mga Igorot ng ginto 5\. Ito ay isang panitikan na naglalaman ng mga bayani na may iba't ibang kapangyarihan. a. Alamat b. Maikling Kuwento c. Epiko d. Tula **II. Panuto:** Basahin ng mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Bilugan ( ) ang sanhi ng pangyayari at ikahon ( ) naman ang bunga nito. 1\. Napag-alaman ni Lam-ang ang kagandahan ni Ines kaya niligawan niya ito. 2\. Umalis si Lam-ang sa kanilang bayan dahil gusto niyang hanapin ang kanyang ama. 3\. Tumilaok ang manok kaya nabuhay ulit si Lam-ang. 4\. Ang kalungkutan ni Ines ang naging rason kaya niya ipinahanap ang buto ni Lam-ang. 5\. Umuwi sa Nalbuan si Lam-ang upang imbitahin ang lahat sa kaniyang kasal.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser