Aralin 1: Pahalagahan ang Buhay, Biyaya ng Maykapal - Filipino 9

Summary

Ang Aralin 1 sa Filipino 9 ay naglalahad ng mga konsepto ukol sa buhay at paksa ng sugal. Binibigyang-diin ang kahalagahan ng buhay at pagpapahalaga sa mga biyaya ng Maykapal, kasama ang mga kaalaman hinggil sa mga tiket sa loterya. Lalo pang pinapaliwanag ang panitikan at wika.

Full Transcript

Aralin 1 Pahalagahan ang Buhay, Biyaya ng Maykapal Ang mga Tiket sa Loterya ni Haji Zakaira Mahalagang Kaalaman Panitikan Wika Makikilala ang tunay na Mapagsunod-sunod nang maayos kaibigann sa oras ng kagipitan at ang mga...

Aralin 1 Pahalagahan ang Buhay, Biyaya ng Maykapal Ang mga Tiket sa Loterya ni Haji Zakaira Mahalagang Kaalaman Panitikan Wika Makikilala ang tunay na Mapagsunod-sunod nang maayos kaibigann sa oras ng kagipitan at ang mga pangyayari sa mga pagsubok. pamamagitan ng wastong pang- ugnay Mahalagang Pag-uugnay Halagang Pag-uugnay sa Ibang Pangkatauhan Larang Pagmamahal sa Pamilya Araling Panlipunan Pagmamalasakit sa Kapuwa Pagbasa ng Akda Maraming paraan ng pagsusugal, kabilang dito ang bingo, slot machines, paglalaro sa kasino, mahjong, at loterya. Libangan para sa iba ang sugal. Masamang bisyo naman para sa iba. May nagsasabi ring katuwaan lamang, pampalipas ng oras tulad ng bingo, mahjong, o tong-its. May mga iba naman na naging bahagi na ng buhay nila ang sugal. Unti-unti, hindi nila namamalayang nalulong na sila sa sugal tulad ng pagtaya sa loterya. Pinahihintulutan ng gobyerno ang sugal na ito upang makalikom ng pondo para sa mga programang pampubliko. Malaki ang napapanalunan sa sugal na ito. Lalo na itong lumalaki kung walang nananalo. Nadaragdagan ang halaga ng mapapanalunan. At habang lumalaki ang maaaring mapapanalunan, nahihikayat ang mga taong tumaya sa loterya. Hindi naman kaila na may mga sinusuwerte o yumaman dahil sa sugal na ito. Idagdag pa kung naranasan ng tumataya ang muntikan nang pagkapanalo. Isang numero na lamang at panalo na. Lalo na silang nauudyukang tumaya. Pagpapaunlad ng Talasalitaan Denotasyon - ang salita ay konseptuwal na nag-uugnay sa isang bagay, lugar, tao, o pangyayari. Literal ang pagpapakahulugan sa mga salita at ito ang kahulugang matatagpuan sa mga diksyunaryo. Mahalagang Kaalaman Mayaman ang kultura ng Indonesia. Ang kanilang sining at kultura ang kinakikitaan ng relihiyon at lumang tradisyon. Hinuhubog ng pangkat-etniko ang sining at kultura ng Indonesia at pinayaman ng mga taga-kanlurang Portuguese na mangangalakal. Indonesia o Bahasa Indonesia ang wika sa Indonesia. Itinuturo ito sa mga paaralan at ginagamit ng halos lahat ng mga politiko, mangangalakal, media, at sa edukasyon. Gawain Magsaliksik tungkol sa bisyo partikular ang sugal. Gamiting patnubay ang sumusunod na mga tanong: 1. Ano ang sugal? 2. Ano-ano ang mga sugal na kinahuhumalingan dito sa Pilipinas? 3. Anong batas ang nakasasaklaw sa sugal? Magsaliksik at ibahagi ito sa klase. 4. Ilahad ang epekto ng pagsusugal ng isang miyembro ng pamilya at sa kanilang kabuhayan. 5. Paano maaaring umiwas sa sugal? Pangkatang Gawain Pagsasagawa ng Mini Task Magpangkat sa tatlo ang klase at sundin ang gawain ng bawat pangkat mula sa pahina 25 - 27

Use Quizgecko on...
Browser
Browser