GE FIL 3 Kabanata 2 PDF

Summary

This document is a Tagalog lecture or study guide about literary theories, focusing on different approaches to analyzing literary texts in Filipino. Specific theoretical approaches, such as historical, sociological, formalist, and others, alongside examples and relevant literature are mentioned. This guide seems aimed at undergraduate Filipino literature students.

Full Transcript

KABANATA 2 MGA TEORYA PARA SA EPEKTIBONG PAGDALUMAT PAKSA: Kahulugan at Katuturan ng mga Teoryang Pampanitikan TEORYANG PAMPANITIKAN Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-...

KABANATA 2 MGA TEORYA PARA SA EPEKTIBONG PAGDALUMAT PAKSA: Kahulugan at Katuturan ng mga Teoryang Pampanitikan TEORYANG PAMPANITIKAN Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong pampanitikan na ating binabasa. MGA TEORYANG PAMPANITIKAN 1. Historikal 2. Sosyolohikal 3. Formalismo 4. Marxismo 5. Sikolohikal 6. Post-Istrukturalismo 7. Feminismo 8. Kultural 9. Klasismo 10. Romantisismo 11. Moralistiko 12. Realismo 13. Patriyarkal 14. Queer 15. Eksistensiyalismo 16. Bayograpikal 17. Humanismo 5 1. HISTORIKAL  Ang historikal na pananaw ay isang uri ng kritisismong pampanitikan na sumisiyasat sa pinagmulan ng isang sinaunang panitikan o teksto para maunawaan ang “daigdig sa likod” ng tekstong ito.  Ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. brewminate.com 1. HISTORIKAL  Ang Historikal na pananaw ay ginagamit upang siyasatin ang mga pinagmulang historikal ng teksto gaya ng:  Politikal na sitwasyon sa panahong naisulat ang akda  lugar kung saan ito isinulat  mga pangyayaring nakapaligid dito  mga petsa  mga taong sangkot dito  bagay  Kultura  Talambuhay ng awtor brewminate.com 1. HISTORIKAL Mga Halimbawa:  Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal  Bonifacio: Ang Unang Pangulo(2014)  Heneral Luna (2015)  Goyo: Ang Batang Heneral (2018)  Maria Clara at Ibarra (2022-2023) daloydalumat.wordpress.com 9 2. SOSYOLOHIKAL  Ang sosyolohikal na pananaw ay tumitingin sa pangkalahatang pattern sa pag-uugali ng mga indibidwal na kasapi sa lipunan.  Ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon. 2. SOSYOLOHIKAL  Ang panitikan ay hindi hiwalay sa lipunan. Ang panitikan ay hindi basta likhang-isip ng tao, kundi ng isang nasusulat na saksi sa isang tiyak na panahon at lugar at siya ay aktibong nakikibahagi sa komunidad na maaari niyang maimpluwensiyahan o siya ang maimpluwensiyahan ng mga tao. 2. SOSYOLOHIKAL  Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa pagpuksa sa mga katulad na suliranin.  Mga Halimbawa: Impeng Negro ni Rogelio Sikat Tata Selo ni Rogelio Sikat IMPENG NEGRO Ang kwentong ito ay tungkol sa isang batang hinuhusgahan dahil sa kulay ng kaniyang balat. Ngunit sa kabila ng panghuhusgang natanggap, siya ay nanatiling masipag pagdating sa trabaho bilang isang agwador ng kanilang baryo. Siya ay si Impeng, panganay sa apat na magkakapatid pero si Impeng lang ang naiiba sa kaniyang mga nakababatang kapatid na sina Boyet, Dingding, at Kano na mapuputi samantalang si Impeng ay may maitim na balat. Nang isilang si Impeng ay iniwan na sila ng kaniyang ama na sundalo. Dahil dito, ang kanilang pamilya ay naging usap-usapan sa kanilang lugar. IMPENG NEGRO Si Impeng ay palaging inaapi at tinutukso ni Ogor. Si Ogor ang sinasabing hari ng pang-aapi sa gripo. Kung kaya‟y malaki ang galit nito kay Impeng. May taglay siyang lakas at kakayahang gawin kung ano ang gusto niya. Ngunit sa kabila ng pang-aapi ni Ogor kay Impeng ay nagkaroon ng lakas ng loob si Impeng na ipangtanggol ang sarili at lumaban. Nang sa gayon ay matauhan ang mga taong mapang-api. Ang kwentong Tata Selo ay tungkol sa isang matanda TATA SELO na naghangad lamang na makapagsaka sa kaniyang dating lupa na naibenta dahil sa pagkakasakit ng kanyang asawa. Dahil sa kahirapan, hindi na niya ito nabawi kaya nakiusap na lang siya kay Kabesang Tano na siya na lang ang magsaka sa kanyang lupa. Ngunit isang araw, sapilitan siya pinaaalis ni Kabesang Tano dahil may iba nang magsasaka sa kanyang dating lupa. Hindi siya pinakinggan sa kanyang pagsusumamo. Sa halip, sinaktan pa siya nito. Nagdilim ang kanyang paningin at nataga niya si Kabesang Tano na ikinamatay nito. Nakulong si Tata Selo. Sa bandang huli, pinagsamantalahan pa ng alkalde ang anak ni Tata Selo na si Saling. Nanlulumo man ay wala na silang magawa. Nanaig ang hustisya ng mga mayayaman. 16 3. FORMALISMO  Ayon sa aklat ni Villafuerte (2000), ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anumang anyo ng akda ang siyang layunin ng teoryang ito at ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ang minamahalaga ay ang (1) nilalaman, (2) kaanyuan o kayarian, (3) paraan ng pagkakasulat.  Sa sining na ito, mahalaga ang teksto para masuri ang tema o paksa sa akda, ang sensibilidad ng mga tauhan, pag- uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora, imahen, at iba pang elemento ng akda. Halimbawa: “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla 3. FORMALISMO 19 4. MARXISMO Apat na uri ng tunggalian:  Ang Marxistang pananaw ay nakabatay sa mga naisulat ng mga pilosopo, Tao laban sa sarili ekonomista na sina Karl Marx at Friedrich Engels. Tao laban sa ibang tao  Ang Marxismo ay itinuturing na isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng Tao laban sa lipunan lipunan na nakasentro sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan. Tao laban sa kalikasan 4. MARXISMO  Ayon kay Reyes (1992), makabuluhan ang akda na may epekto sa nakararami – ang siyang tumatanggap ng akda.  Sa Marxismong pananaw, mananalo ang taong nasa laylayan ng lipunan, magkakapuwang sa bayan ang mga dustang mamamayan, maiaangat ang mga aping sambayanan at magkakaboses ang mga binusalang bibig upang muling umalingawngaw sa lipunang nakasandig sa tama na sinisimpatya ng nakararami. Walang Panginoon ni Deogracias A. Rosario Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos na si Anita ay anak naman ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos, ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao. Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito ay kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Walang Panginoon ni Deogracias A. Rosario Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag- aari. Iyan ang dahilan nang pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang dahilan ng pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang ikinamatay nito. Walang Panginoon ni Deogracias A. Rosario Sa dami ng mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi kataka-takang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti rito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid ang matanda ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa- awang si Don Teong. 25 5. SIKOLOHIKAL  Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.  Halimbawa: Moses, Moses ni Rogelio Sikat MOSES, MOSES Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana. Napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida ngayon ay hindi pa rin makapasok sa paaralan dahil siya‟y na-trauma at wala siyang maiharap na mukha sa kanyang mga kaklase. Kaya‟t kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo upang mabantayan si Aida. Biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasama ang isang konsehal. Naparoon sila upang humingi ng dispensa sa nagawa ng anak ng Alkalde at ninanais nila na iurong na lamang ni Regina ang pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag si Regina dahil akala niya‟y hustisya ang mananaig. Nang umalis na ang Alkalde at konsehal, nag- usap si Tony at Regina. Gusto ni Tony na iurong na ang pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay hindi na nananaig. Ang nais na lamang ni Tony ay mapatay ang anak ng Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, ipinagpilitan pa rin ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng kaso. MOSES, MOSES Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumpong na naman si Aida, kailangan nito ng tranquilizer upang siya ay kumalma. Kaya‟t nagpabili ng gamot si Regina kay Tony. Nung nakaalis na si Tony, nasabi ni Regina kay Ana na malaki na ang pinagbago ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis na ba si Tony. Tumugon si Regina. Inamin ni Ben sa ina na may dalang baril si Tony dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilinan ni Tony si Ben na huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben. Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa kabinet at naghahanap ng gamot ngunit natabig niya ang isang bote ng gamot at ito‟y nabasag. Nagising mula sa pagkakaidlip si Regina. Sinabi ni Aida sa ina na hinahanap niya ang gamot. Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang matanong ni Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng umaga. Sinabi ni Aida na hindi siya makatulog, kaya‟t tinimplahan siya ni Regina ng gatas. MOSES, MOSES Naikuwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainom daw ng mga alagad ng anak ng Alkalde ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na humingi ng tawad ay patuloy pa rin pinapainom ng lason si Tony, ang masaklap pa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang lason. Takot na takot na kinuwento ni Aida ang kaniyang panaginip. Matapos ikuwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde, ngayo‟y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinabing huwag silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina si Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan niya. 30 6. POST-ISTRUKTURALISMO  Post-structuralists reject the idea of an underlying structure upon which meaning can rest secure and guaranteed. Meaning is always in process.  Ang Post-istrukturalismo ay nagmula sa teoryang istrukturalismo. 6. POST-ISTRUKTURALISMO  Ito ay batay sa teoryang istrukturalismo na ipinalaganap ni Ferdinand de Saussure kung saan itinanghal niya na ang bisa ng pangangahulugan sa wika ay bunga ng kumbensyong dulot ng tumbasan ng pagkakaiba.  Halimbawa: Ang lalake ay lalake dahil hindi babae, ang umaga ay umaga dahil hindi gabi.  Dahil sa pamamayani ng Post-istrukturalismo sa Europa at yaong naging malakas na kilusan sa Estados Unidos, nabuo ang pagdulog na dekonstruksiyon.  Ang dekonstruksiyon ay isang paraan ng pag-aanalisa ng teksto na ipinakilala ni Jacques Derrida ng France noong dekada „60.  Batay sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang isang teksto dahil ang wika ay di-matatag at nagbabago. Dahil dito ang kahulugan ng isang akda ay wala sa akda kundi nasa isipan ng mambabasa.  Ayon sa akda ni Roland Barthes na “The Death of the Author” noong 1968 kung saan kinuha niya sa author ang karapatang maging awtoridad ng kahulugan at inilipat sa mambabasa. Kaya naisulat niya na “the death of the author is the birth of the reader.” 6. POST-ISTRUKTURALISMO  May dalawang uri ng teksto ayon kay Barthes: ang “readerly” at “writerly” text.  Ang “readerly” ay tumutukoy sa tekstong “buo na” at hindi na nangangailangan ng partisipasyon ng mambabasa sa proseso ng paglikha ng kahulugan.  Ang “writerly” naman ay humihingi ng aktibong partisipasyon sa pagbuo ng akda at gayundin ng paglikha ng kahulugan. 36 FEMINISMO  Pinagtuunan ng pananaw Feminismo ang kalagayan o representasyon ng kababaihan sa isang akda. Layunin nito na baguhin ang mga de-kahong imahen o paglalarawan sa kababaihan sa anumang uri ng panitikan. ar.pinterest.com FEMINISMO  Isang halimbawa ng feministang manunulat si Maria Milagros Geremia-Lachica.  Ang kanyang mga tula ay palagiang nakahulma sa kalagayan ng kababaihan. FEMINISMO  Karamihan sa mga paksa ng kaniyang akda ay tungkol sa pagtuligsa sa patriyarkal na lipunan, paglaganap ng Feminismo, maling pagtrato sa mga kababaihan, pagkukulang sa karapatan ng babae, diskriminasyon, “stereotypes” ng mga kababaihan.  Ang pagkakaakda ni Lachica sa kanyang mga tula ay palagiang tema ang pagiging isang babae, nanay, asawa, at taong may puso‟t utak. Katulad ng tula niyang “When Eyes Meet Eyes”. When Eyes Meet Eyes… I never thought that eyes could convey, what the heart feels – much more than words can say; but sometimes man is a fool – he likes to hear everything, as in a grammar school: “I love you…” it sounds so empty and hollow; then say it with expression and zest, and one would tell you that you jest; but let the eyes meet eyes and nature takes care of ensuing sighs. -Ma. Milagros Geremia - Lachica Ano ang pagpapakahulugan niya sa salitang feminista? Siya ang babaeng aakyat sa silya sa pagpalit ng pundidong bombilya sa kanyang kusina, hindi dahil sa kaya niya itong gawin ngunit dahil kailangang palitan upang hindi siya magluluto sa dilim. Kung sakaling may lalaking mag-alok ng tulong sa pagpalit ng sinabing bombilya, ang feminista ay hindi tatanggi. Magpapasalamat siya sabay ang isang matamis na ngiti. FEMINISMO  Ayon kay de Beauvoir “walang esensyal na kalikasan na tutukoy sa kababaihan. Ibig sabihin, “ang babae ay hindi ipinanganak na babae, siya ay nagiging babae.” “Diwata ako ng bawat pakikibaka Paraluman ng himagsikan Lakambini ng katipunan Musa ng insureksiyon Mutya ng digmaang bayan Sa kandungan ko umahon ang mga sugatan Ngunit ako’y walang kasaysayan” -Sa Ngalan ng Ina, ng Anak, ng Diwata’t Paraluman Lilia Quindoza Santiago 43 Sinubukan ka nilang pilayin Sinubukan ka nilang patahimikin Akala ba nila, hahayaan mo sila? Hindi na Sinubukan nga akong sirain Katotohana'y sinubukang baliktarin Akala ba nila, hahayaan ko sila? Hindi na Sabel 'Di ka nila pag-aari Sabel Nariyan na ang bahaghari 44 45 8. KULTURAL  Ang kultura ay salamin ng lipunan at mabilis itong sumasabay sa pagbabago dahil sa globalisasyon. Nagsulputan ang mga gawaing may makabagong dulog at napalitan ang dating nakasanayan. Nakapaloob sa kulturang ito ang musika, panoorin, kasuotan, inumin, at gadgets.  Ayon sa mga pag-aaral, ang wika ay daynamiko/nagbabago. Sa pagdaan ng mga panahon kung ano ang uso sumusunod din sa paggamit ng wika. Nariyan ang jejemon, bekimon, at iba pang balbal na salita na naiimbento sa kasalukuyan. 8. KULTURAL  Sa isang pag-aaral ni Tylor (1990), na ama ng Antropolohiya winika niya na “ang kultura ay isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang dito ang kaalaman, paniniwala, sining, balyu, at kaugalian ng tao bilang miyembro ng isang lipunan.” en.wikipedia.org  Ayon kay Bakhtin, itinampok niya ang karnabal bilang isang pagtatanghal kung saan nakapaloob ang iba’t ibang uri ng kultura. Ito ay isang daigdig na pinagbabali-baligtad subalit punong-puno ng sigla, buhay, kabastusan na kung saan lahat ay nagkakahalu-halo, at paulit- ulit na pinupukol ng putik, pinarurumi, at binabato, at lahat ng batas ay nilalabag. KULTURAL 9. KLASISMO  Layunin nito na maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag- iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. 9. KLASISMO  Ito ay ang mga sinulat ng mga dakilang manunulat.  Pinapahalagahan ang kaisipan kaysa damdamin.  Ipinapahayag ng teoryang ito na ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos. KLASISMO Mga Halimbawa: 54 ROMANTISISMO  Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni.  Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba‟t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag- aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. ROMANTISISMO Romantiko – tawag sa pamamaraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Romantisismo. Inspirasyon + Imahinasyon = natatanging instrumento ng mga romantiko para matuklasan ang nakakubling katotohanan, ang kabutihan at ang kagandahan. HALIMBAWA NG ROMANTISISMO: PAG-IBIG ni Jose Corazon de Jesus Sipi mula sa tula: Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais, Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid, Kapag kayo'y umiibig na, hahanapin ang panganib, At pakpak ninyo'y masusunog sa pag-ibig! 11. MORALISTIKO  Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba‟t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan.  Halimbawa: “Urbana at Feliza” ni Modesto de Castro URBANA AT FELIZA Sa Piging Ang sulat na ito ni Urbana kay Feliza ay mga bilin niya sa kanyang dalawang nakababatang kapatid tungkol sa karapat-dapat na asal nila kapag sila‟y naanyaya sa isang piging sapagkat maaari makasira sa imahe ang maling gawain. Pagdating sa bahay:  Bumati ng magandang gabi o magandang araw sa may bahay, saka isusunod ang mga kaharap.  Huwag magpapatuloy sa kabahayan hanggang di inaanyayahan.  Bago lumuklok ay hintayin muna na pagsabihan at huwag pipili ng mahal na luklukan. goodreads.com  Iwasan ang mamintas, itago na lamang sa sarili. URBANA AT FELIZA Sa lamesa:  Huwag makikiluklok sa matatanda.  Sa pagkain, ay iwasan ang pag-ubo, pagsinga o pagbahing.  Iwasan kumaing namumuno ang bibig, dalas-dalas at malalaki ang subo.  Masama ang mahalatang maibigan sa alak.  Huwag magpahuli sa lahat sa pagkain at huwag namang magpapa-una ng pagtindig. Sa pag-alis:  Bago umalis sa dulang ay magpasalamat sa Diyos, ang dapat mamuno ay ang may-bahay. goodreads.com  Magpasalamat sa may-bahay. 12. REALISMO  Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.  Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang- alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.  Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. MGA PAKSA: Kahirapan Bisyo Karahasan Katiwalian Krimen Prostitusyon Kawalan ng katarungan Kamangmangan  Ang pananaig ng isang patriyarkal na lipunan (patriarchal society).  Isang lipunan kung saan mas kinikilala ang kakayahan ng kalalakihan kaysa sa kababaihan. 66  Kalalakihan lamang ang may lakas at kapangyarihan – ang higit na lumulutang sa mga akda.  Ito ay may sistema na kung saan ang mga lalaki ay nagtataglay ng pangunahing kapangyarihan at namamayani sa mga tungkulin ng pamumuno pampulitika, moral na awtoridad, pribilehiyo ng lipunan at pagkontrol ng ari-arian. stereotype Ang mga stereotype ay mga katangiang ipinataw sa mga grupo ng mga tao dahil sa kanilang lahi, nasyonalidad, at oryentasyong sekswal. Lalaki – nagtatrabaho (abogado, doktor, inhinyero, arkitekto, atbp.) Babae – nag-aalaga ng anak at nag-aasikaso ng gawaing bahay.  Dahil sa pagdomina ng kalalakihan sa lipunan...  Nagkaroon ng pagkakahon sa kababaihan sa kung ano lamang ang kanilang papel at gampanin sa lipunan.  Dahil sa pagdomina ng kalalakihan sa lipunan...  Nagkaroon ng pagkakahon sa kababaihan sa kung ano lamang ang kanilang papel at gampanin sa lipunan. Layunin ng teoryang ito….  Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang mga homosekswal.  Isang lipunan kung saan hindi sukatan ang kasarian ng isang tao. 72 Masasalamin ang katotohanan tungkol sa diskriminasyon sa ating lipunan sa mga LGBTQIA (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual). Binubuksan ang isipan ng mambabasa na isulong ang pagkakapantay-pantay ng karapatan. 74 75 EKSISTENSYALISMO  Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kaniyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). Mga halimbawa: 1. “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla 2. “Si Ama” ni Edgardo M. Reyes SI AMA Ang "Si Ama” ni Edgardo M. Reyes ay tungkol sa isang tatay na kakaiba. Kakaiba dahil malayong-malayo ang ugali niya sa mga karaniwang tatay. Siya ay isang Ama na may sariling paninindigan sa buhay gaya ng hindi pangungutang sa ibang tao, hindi paghingi ng pera o tulong sa kanyang pamilya at hindi siya nakikialam sa buhay ng kanyang mga anak lalo na ang buhay pag-ibig ng mga ito. Ikinuwento rin dito ang naging ligawan ng Ama at ng kanyang asawa, kung paanong hindi nagkunwari ang Ama na makuha ang loob ng tatay ng mapapangasawa. Ito rin ay tungkol sa isang Ama na may magandang kaugalian gaya ng pagiging responsable at pagiging masipag. 78 BAYOGRAPIKAL Ito ay tumutukoy sa buhay ng may akda. Mahalagang matuklasan at maunawaan ang katauhan at personalidad ng sumulat at maibahagi sa mga mambabasa ang kamalayan ukol sa manunulat para matugunan ang mga katanungang nauugnay sa sumulat at sinulat. Halimbawa: Reseta at Letra: Sa Daigdig ng Isang Doktor-Manunulat ni Dr. Luis Gatmaitan facebook.com 80 17. HUMANISMO  Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang- tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. HUMANISMO  Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya‟t mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya.  Dinadakila rin ang mga katangi-tanging indibidwal, kaya nagiging mataas ang pagpapahalaga sa indibidwalismo. HUMANISMO Mga Halimbawa:  Ang nobelang Titser ni Liwayway A. Arceo  Si Pinkaw ni Isabelo S. Sobrevega Titser ni Liwayway A. Arceo Ang nobelang Titser ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsang-ayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may “titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na suweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa siAling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isa ring guro sa pampublikong paaralan. Titser ni Liwayway A. Arceo Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nakipag-isang dibdib si Amelita kayMauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon din ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ding pinagmalasakitan ng gurong si Mauro. Titser ni Liwayway A. Arceo Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro. Lumipas ang ilang taon, lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na manliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya. Titser ni Liwayway A. Arceo Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik din ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag- asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali. MARAMING SALAMAT!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser