Aralin 8: Sinaunang Akdang Pampanitikan (G7)

Summary

Ang dokumento ay binubuo ng mga tanong at impormasyon tungkol sa mga sinaunang akdang pampanitikan sa Pilipinas, partikular ang kuwentong-bayan at alamat. Inaasahan na ang mga gumagamit ay kikilala ng mga kahalagahang elemento ng mga kuwentong ito at matutukoy ang mga aral nito.

Full Transcript

Aralin 8 - Sinaunang Akdang Pampanitikan Layunin Nakikilala ang akdang tuluyan tulad ng kuwentong- bayan Natutukoy ang mahahalagang elemento (tauhan, tagpuan, banghay, at tunggalian) ng tuluyan (alamat) Nasusuri ang kaugalian, pagpapahalaga, at aral sa babasahing teksto Pa...

Aralin 8 - Sinaunang Akdang Pampanitikan Layunin Nakikilala ang akdang tuluyan tulad ng kuwentong- bayan Natutukoy ang mahahalagang elemento (tauhan, tagpuan, banghay, at tunggalian) ng tuluyan (alamat) Nasusuri ang kaugalian, pagpapahalaga, at aral sa babasahing teksto Paghahabi ng Kaalaman Bago magsimula magbasa, sagutin ang dalawang katanungan upang maiugnay ang naunang kaalaman sa inyong babasahin. 1. Sa iyong palagay, ano ang maganda at hindi magandang dulot ng paghahangad? 2. Importante ba ang pagkakaroon ng kapangyarihan sa’yo? Paghahabi ng Kaalaman Ang babasahing teksto ay tungkol sa isang alamat na naglalaman ng paglikha ng mundo at ng lahi ng tao ayon sa paniniwala ng mga sinaunang Pilipino. Kuwentong-bayan Panitikang karaniwang hindi na matukoy ang may-akda Naipasa lamang din sa salinlahi sa pamamagitan ng bibig Hindi tiyak kung ito ba ay totoo o gawa-gawa lamang ngunit wala itong siyentipikong batayan. Ito ay literal na kuwento ng ating bayan na hinubog sa isang pook o rehiyon ng bansa(Wagan, 2019) pampalipas oras lamang Kapupulutan ng aral at maging gabay sa tamang asal at ugali Mayroong iba’t ibang uri tulad ng alamat, pabula, at kuwentong pusong Pagtatagpi ng Talino Sagutin ang mga tanong batay sa araling tinalakay. Kaligirang Kasaysayan 1. Mayroon na bang sariling panitikan ang mga katutubong Pilipino bago pa man dumating ang mga dayuhan? Ipaliwanag. 2. Sino ang gumawa ng mga kuwentong-bayan? 3. Ano ang kahalagahan ng isang akdang tuluyan na may maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? Pagtatagpi ng Talino 4. Para sa iyo, maituturing pa rin bang buhay ang mga tinalakay na mga panitikan? 5. Ano-ano ang kapakinabangang naibibigay ng kuwentong-bayan sa mga bumabasa nito? 6. Sa iyong palagay, bakit hilig gawing pampalipas oras ng mga nakatatanda ang kuwentong-bayan? Pagtatagpi ng Talino Susi sa Pagwawasto (Mga posibleng sagot) 1. Oo, mayroon nang sariling panitikan ang mga katutubong Pilipino bago pa man dumating ang mga dayuhan. Ang panitikan ng mga katutubo ay binubuo ng mga kuwentong-bayan, alamat, at iba pang oral na tradisyon na naipasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. 2. Ang mga kuwentong bayan ay karaniwang gawa ng hindi kilalang mga may-akda o ng kolektibong kamalayan ng isang komunidad, at naipapasa sa pamamagitan ng tradisyonal na pagsasalaysay. 3. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang akdang tuluyan ay mahalaga dahil ito ang nagbibigay ng kalinawan at organisasyon sa kuwento, na tumutulong sa mga mambabasa na mas maunawaan at ma-appreciate ang takbo ng mga pangyayari. 4. Oo, maituturing pa ring buhay ang mga panitikang tinalakay dahil patuloy itong naipapasa at nakakaimpluwensya sa kasalukuyang henerasyon, at nagbibigay ito ng mahalagang koneksyon sa ating kultura at kasaysayan. 5. Ang mga kapakinabangan ng kuwentong bayan sa mga bumabasa nito ay kinabibilangan ng pagpapalaganap ng kultura at tradisyon, pagbibigay ng aral at gabay sa asal at ugali, at pagpapayaman sa imahinasyon. 6. Ang hilig ng mga nakatatanda sa kuwentong bayan bilang pampalipas oras ay dahil sa ang mga ito ay hindi lamang nagbibigay aliw, kundi nagbibigay rin ng pagkakataon para maipasa ang mga aral, kultura, at tradisyon sa mga mas batang henerasyon. Paghahabi ng Kaalaman Ang babasahing teksto ay tungkol sa isang alamat na naglalaman ng paglikha ng mundo at ng lahi ng tao ayon sa paniniwala ng mga sinaunang Pilipino. (Basahin sa aklat pahina 70-72) Pagtatagpi ng Talino B. Alamat – Kung Papaano Nabuo ang Mundo 1. Sino ang apat na magkakapatid sa binasang alamat? 2. Ano ang higit na hinahangad ni Licalibutan? 3. Sino sa magkakapatid ang nabuo gamit ang ginto at palaging masaya? 4. Sino ang nag-iisang babae sa apat na magkakapatid? 5. Nang bigyan sila ng mahihiwagang ilaw, sino sa magkakapatid ang naging buwan? Pagtatagpi ng Talino B. Alamat – Kung Papaano Nabuo ang Mundo 6. Ano ang nangyari sa katawan ni Lisuga nang bigyan ng mahiwagang ilaw? 7. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ni Licalibutan? Bakit? 8. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ni Captan sa kaniyang mga apo? Bakit? 9. Anong ugali ni Licalibutan na hindi maganda? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot. Pagtatagpi ng Talino Susi sa Pagwawasto (Mga posibleng sagot) 1. Ang apat na magkakapatid ay sina Licalibutan, Liadlao, Libulan, at Lisuga. 2. Hinahangad ni Licalibutan ang higit pang pamamahala o kapangyarihan. 3. Si Liadlao na binuo gamit ang ginto ang palaging masaya. 4. Ang nag-iisang babae sa apat na magkakapatid ay si Lisuga. 5. Si Libulan ang naging buwan. 6. Ang asawa ni Captan ay si Maguayan. 7. Si Lisuga ay naging mga bituin sa kalangitan nang bigyan ng mahiwagang ilaw. 8. Hindi tama ang ginawa ni Licalibutan dahil ito ay nagpakita ng kanyang labis na paghahangad sa kapangyarihan na nagdulot ng kaguluhan at sakit sa iba. 9. Hindi tama ang ginawa ni Captan sa kaniyang mga apo dahil ang kaniyang galit ay humantong sa marahas na pagkilos na nagdulot ng kamatayan at pagkawasak. 10. Ang hindi magandang ugali ni Licalibutan ay ang kanyang labis na paghahangad sa kapangyarihan na nagpakita ng kanyang pagiging mapagmataas at hindi pagrespeto sa awtoridad Paglilinaw sa mga Kaalaman ALAMAT Ang alamat ay mga kuwentong Nagsasalaysay na pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo. Ito rin ay kuwentong kathang-isip lamang na kung minsan ay may aspekto ng kababalaghan o di-pangkaraniwang pangyayari. Paglilinaw sa mga Kaalaman ELEMENTO NG ISANG TULUYAN Tagpuan Tauhan Tunggalian Banghay - Panimula - Saglit na Kasiglahan - Kasukdulan - Kakalasan - Kalutasan Paglilinaw sa mga Kaalaman Uri ng tunggalian: 1. Tao laban sa tao Ito ay laban ng pangunahing tauhan at iba pang kapwa niya tauhan. 2. Tao laban sa sarili Ang primaryang kalaban nito ay ang kanyang sarili at mga problemang nasa loob niya Paglilinaw sa mga Kaalaman 3. Tao laban sa kalikasan Ang pangunahing tauhan ay nalagay sa panganib nang dahil sa puwersa ng kalikasan gaya ng lindol, baha, o malakas na hangin 4. Tao laban sa lipunan Ito ay sa pagitan ng pangunahing tauhan at lipunan Paglilinaw sa mga Kaalaman Pagpapalalim Tukuyin ang mga elemento ng alamat na binasa sa tulong ng talahanayan at grapikong pantulong na nakalatag sa ibaba. Gawin ito sa magkakabukod na papel. Pagpapalalim Pagpapalalim Paglatag ng Kasanayan Magpangkatan ang klase. Batay sa iyong mga binasang akda, mahusay na suriin ang kaugalian, pagpapahalaga, at aral na lumilitaw sa kuwento. Iangkla ang iyong sagot sa konteksto ng panahon ng nasabing akda. Salamat sa Pakikinig! Paglilinaw sa mga Kaalaman KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG ALAMAT Ang mga alamat sa bansa at ang mga rituwal na kasama nito ay hindigaanong naging tampok dahil sa pagkukulang sa interes o pag-unawa sa mgaalamat at iba pang mga kuwentong-bayan. Masasabing mayroong alamat na nananatili sa kasaysayan ng iba’t ibangprobinsiya sa bansa, ngunit karamihan sa kanila ay nawala o nakalimutan na. AngKristiyanismo ay hindi nagtagumpay na tanggalin sa kasaysayan ng mga tao angmga alamat at iba pang mga kuwentong-bayan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser