G7 AP Q2 - Sinaunang Kabihasnan sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya PDF
Document Details
Uploaded by GoldSplendor6531
St. Paul University at San Miguel
Tags
Related
- Unit 1 - Historical Antecedents in the Course of Science and Technology PDF
- Prelims Overview: World History and Geopolitical Evolution PDF
- Prelims Overview: World History and Geopolitical Evolution PDF
- STS Prelim Notes PDF
- LEA-4-prelim-Coverage-1 Lesson 1: History of Law Enforcement PDF
- Araling Panlipunan Reviewer PDF
Summary
This document is a unit from a Grade 7 social studies course, focusing on the ancient civilizations of the Philippines and Southeast Asia. It explores different theories regarding their origins and development.
Full Transcript
Baitang 7 Yunit 3: Sinaunang Kabihasnan sa Pilipinas at Timog- Silangang Asya Aralin 1 Lesson x.y Mga Teorya sa Pinagmulan ng Lesson ng Kalinangan Title Pilipinas at Timog Silangang Asya Panimula Ang paglipat at naging ugnayan ng mga sinaunang tao ang pundasyon ng ating pinangg...
Baitang 7 Yunit 3: Sinaunang Kabihasnan sa Pilipinas at Timog- Silangang Asya Aralin 1 Lesson x.y Mga Teorya sa Pinagmulan ng Lesson ng Kalinangan Title Pilipinas at Timog Silangang Asya Panimula Ang paglipat at naging ugnayan ng mga sinaunang tao ang pundasyon ng ating pinanggalingang kultura. Teoryang “Out of Taiwan” Nagmula ang mga Austronesyano sa Formosa (Taiwan) at kumalat sa Timog-Silangang Asya sa pagitan ng 3000 at 1500 BCE. Ayon sa pag-aaral ni Bellwood, isang kilalang arkeologo at antropologo, ang mga Austronesyano ay nagmula sa Taiwan at kumalat sa iba’t ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya. Ipinagpalagay ni Bellwood na naglakbay ang mga ito mula sa Taiwan patungong Batanes at Luzon. 4 Teoryang “Out of Taiwan” Mula roon ay patuloy na kumalat ang mga Austronesyano sa buong arkipelago ng Pilipinas, Borneo, Sulawesi, at sa iba pang bahagi ng pangkapuluang Timog-Silangang Asya. Kalaunan, naabot din nila pati ang Malagasy sa Madagascar, Polynesia, at Micronesia. Nangyari ito sa pagitan ng 3000 BCE at 1500 BCE. 5 Teoryang “Out of Taiwan” Mga Patunay Pagiging pinakamatandang uri ng wikang Austronesyano ang wika ng katutubong Taiwanese Pagkakahawig ng natuklasang mga kasangkapang bato, seramika, at iba pang artepakto Pagdadala at paglaganap ng uri ng palay at hayop mula sa isang lugar patungo sa iba pa 6 Teorya ng Kalakalan at Komunikasyon ng mga Nusantao Pangunahing Ideya Mayroon nang umiiral na maritime trading network ang mga taong mandaragat o “Nusantao” bago pa ang malawakang migrasyon ng mga Austronesyano Nagmula sa bahagi ng Dagat Sulu at Dagat Celebes Umiral ang network na ito sa pagitan ng 5000 BCE at 500 CE. 7 Teorya ng Kalakalan at Komunikasyon ng mga Nusantao Pangunahing Ideya Isa ang Amerikanong arkeologong si Solheim sa mga nagmungkahi ng alternatibong teorya tungkol sa pinagmulan ng mga Austronesyano at kanilang migrasyon patungo sa iba’t ibang lugar. 8 Teorya ng Kalakalan at Komunikasyon ng mga Nusantao Ayon kay Solheim, bago pa man magkaroon ng malawakang migrasyon mula sa Taiwan (tulad ng ipinanukala ni Bellwood), mayroon nang umiiral na maritime trading network na binuo ng mga mga taong mandaragat o seafaring people. Tinawag niya ang mga taong ito na Nusantao. 9 Teorya ng Kalakalan at Komunikasyon ng mga Nusantao Ipinagpalagay niya na naglayag ang mga Nusantao mula sa bahagi ng Dagat Celebes at Dagat Sulu at sa mga katabing lugar nito patungo sa iba’t ibang lugar sa Timog-Silangang Asya. Maaaring nangyari ito sa pagitan ng 5000 BCE at 500 CE. 10 Teorya ng Kalakalan at Komunikasyon ng mga Nusantao Dagdag pa ni Solheim, maaaring ang network na ito ang naging paraan sa paglaganap ng kulturang Austronesyano at teknolohiyang pandagat sa buong rehiyon. Ang kaniyang teorya ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng interaksiyon sa pagitan ng mga kultura sa pamamagitan ng kalakalan at komunikasyon bago pa man ang pagdating ng mga Tsino, Indian, at mga mananakop na Europeo. 11 Teorya ng Kalakalan at Komunikasyon ng mga Nusantao Mga Patunay Maunlad na teknolohiyang maritimo bago pa ang migrasyon ng mga Austronesyano Pagkakapareho ng kultura at teknolohiya sa lubos na magkakalayong lugar Pagkakahawig ng ritwal, tradisyon, at iba pang kultural na aspekto 12 Teorya ng Kalakalan at Komunikasyon ng mga Nusantao Ang teorya ni Solheim ay nagbibigay-diin sa ideyang ang Timog-Silangang Asya ay may matagal nang kasaysayan ng interaksiyon, ugnayan, at kalakalan bago pa man ang Austronesyanong migrasyon mula sa Taiwan. Bagaman ito ay kontrobersiyal at hindi pa ganap na tinatanggap ng lahat ng eksperto, nagbibigay ito ng ibang perspektiba sa pag-unawa sa maagang kasaysayan ng ating bansa at rehiyon. 13 Mga Teorya ng Migrasyon sa Pangkontinenteng Timog-Silangang Asya Multiple-wave Migration Pangunahing Ideya Nangyari ang migrasyon sa iba’t ibang yugto at nagmula sa iba’t ibang lugar 15 Single-wave Migration Pangunahing Ideya Nagmula ang mga Austronesyano sa Formosa (Taiwan) at kumalat sa Timog-Silangang Asya sa pagitan ng 3000 at 1500 BCE. 16 Implikasyon ng mga Teorya ng Pinagmulan ng Kalinangan Inilalarawan ang paggalaw ng mga sinaunang tao sa mundo Nagbibigay ng perspektiba sa komun na pinagmulan at inililinaw ang dahilan ng pagkakapare-pareho at pagkakaiba-iba ng mga kultura Ipinaliliwanag ang pagbabago at pag-unlad ng lipunan mula sa simpleng pamayanan tungo sa komplikadong kabihasnan 17 Paglalapat Pagbubuo ng Pagkakakilanlan ng Migranteng Pilipino May samahang kultural na tumutulong sa mga kabataang Filipino-Americans na nagnanais na panatilihin ang kanilang ugnayan sa kanilang “lupang pinagmulan” Nagsasagawa sila ng talakayan sa kasaysayan, cultural workshops, pag- aaral sa mga tradisyonal na awit at sayaw, at iba pa. Dapat Tandaan Mahalaga ang pag-unawa sa pinagmulan at ugnayan ng ating lipunan, kultura, at kasaysayan para sa mas mabuting pagpapasiya sa hinaharap. May dalawang teorya tungkol sa pinagmulan ng tao at kalinangan sa pangkalupuang Timog-Silangang Asya. ○ Sa Teoryang "Out of Taiwan" ni Bellwood, pinaniniwalaang ang mga Austronesyano ay nagmula sa Taiwan at nakarating sa Timog-Silangang Asya mula 3000 BCE hanggang 1500 BCE. ○ Sa Teorya ng "Nusantao" ni Solheim, mayroon nang umiiral na maritime trading network o malawak na ugnayan ng mga mandaragat bago pa ang malawakang migrasyon mula sa Taiwan. 19 Dapat Tandaan May dalawang pangunahing teorya sa pinagmulan ng tao at kalinangan sa pangkontinenteng Timog-Silangang Asya. ○ Sa teorya ng Single-wave Migration o "Out of Africa," ang mga modernong tao ay nagmula sa Africa at nakarating sa iba't ibang panig ng mundo 60,000 hanggang 70,000 taon na ang nakararaan. ○ Sa Teorya ng Multiple-wave Migration, ang mga tao ay nandayuhan sa iba't ibang panahon at mga ruta, na may iba't ibang yugto ng migrasyon. 20 Dapat Tandaan Sinisikap ng mga teoryang ito na maglinaw tungkol sa ating pinagmulan at paraan ng paglaganap ng tao at kultura sa Timog-Silangang Asya. May mahahalagang implikasyon ito sa pag-unawa sa kalinangan at kasaysayan ng sinaunang Pilipinas. 21 Inaasahang Pag-unawa Ang mga teorya hinggil sa pinagmulan ng tao at kalinangan sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya ay nagbibigay-daan sa mas malalim na pag-unawa sa ating pinagmulan at sa makulay na kasaysayan ng ating rehiyon. Ang ganitong kaalaman ay nagpapalawak sa ating pananaw, nagpapatibay ng ating pagkakakilanlan, at nagpapalalim sa ating pagmamahal sa ating bansa at rehiyon. Bilang mga mamamayang Pilipino sa Timog-Silangang Asya, ito ay nag-uudyok sa atin na maging mas mapanagutan, maging bukas sa pagtanggap sa pagkakaiba-iba, at aktibong makilahok sa pagpapaunlad ng ating komunidad at rehiyon. 22 Aralin 2 Lesson x.y Ang Kalinangang Austronesyano Lesson Title Kalinangan Ang kabuuan ng tradisyon, sining, paniniwala, at kaugalian na hugis sa pamumuhay ng lipunan, kasama ang pag-unlad at pagpapahayag ng ideya at kasanayan para sa umunlad na eksistensya. Panimula Alam ba ninyong nagmula ang ating kultura sa isang kahanga-hangang pangkat ng mga taong may angking husay sa paglalayag? Walang katulad at hindi mapapantayan ang kanilang mga nagawa at naabot noong kanilang panahon. Pagtuklas na Gawain wika barangay pagkain paniniwala sa espiritu ng tradisyong pasalaysay kalikasan Pag-aralan Natin Ano ang maipagmamalaki natin sa ating kulturang pinagmulan? Ang Kalinangang Austronesyano Kahulugan tumutukoy sa kultura, kaugalian, at tradisyon ng mga tao mula sa pamilya ng wikang lumaganap sa pangkapuluang Timog-Silangang Asya, Micronesia, Melanesia, at Polynesia 28 Ang Kalinangang Austronesyano Kahulugan Mayroong mahigit sa 1,200 wika ang nabibilang sa pamilyang ito. Kung kaya, ang mga Austronesyano ay isa sa pinakamalaki at pinakamalawak na pangkat- etnolingguwistiko sa mundo. 29 Ang Kalinangang Austronesyano Batay sa arkeolohikal at lingguwistikong ebidensiya, ang kalinangang Austronesyano ay nagmula sa Formosa (Taiwan) at kalaunan ay kumalat hanggang sa maging pangunahing kultura sa pangkapuluang Timog-Silangang Asya at Pasipiko. 30 Ang Kalinangang Austronesyano Makikita ang bakas ng kanilang impluwensiya hanggang sa Madagascar sa Aprika. Pinaniniwalaan ng mga eskperto na nangyari ang paglaganap ng kalinangang Austronesyano sa mga lugar na ito sa pagitan ng 3000 BCE at 1000 CE. 31 Ang Kalinangang Austronesyano Paglawak ng Kalinangang Austronesyano 3000–1000 BCE Taiwan patungong Pilipinas, Borneo, Sulawesi, at Maluku 1500–500 BCE Malaya at Sumatra, Java at Bali, Palawan at Mindanao 1500–1300 BCE Pasipiko (Melanesia, Micronesia, at Polynesia) 500–1000 CE Madagascar Maaaring ipagmalaki na sa panahong iyon, walang ibang kabihasnan sa mundo ang makapapantay sa kaalaman, kakayahan, at teknolohiya sa paglalayag ng mga Austronesyano. 32 Mga Bakas ng Kalinangang Austronesyano Wika pinakatampok na bakas ng kalinangang Austronesyano kinabibilangan ito ng higit sa 1,200 wika ○ Tagalog, Sebwano, at iba pang wika sa Pilipinas ○ Malay, Javanese, Malagasy, Hawaiian, Maori, at marami pang iba 33 Mga Bakas ng Kalinangang Austronesyano Politika ang barangay ay nagmula sa konsepto ng balangay, isang bangkang may katig na ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang mga balangay ay: ○ may sariling pinuno ○ may mga miyembro ○ kinikilala ng kaugnay o kalapit na balangay 34 Mga Bakas ng Kalinangang Austronesyano Paraan ng Pamumuhay Iba’t ibang paraan ng pangingisda tulad ng: Pamumukot o paggamit ng uri ng lambat pamamana Panggugulat o paggamit ng sanga upang gulatin ang mga isda 35 Mga Bakas ng Kalinangang Austronesyano Paraan ng Pamumuhay Pagtatanim batay sa kalagayan ng lupa: ○ palay sa matatabang lupain ○ halamang-ugat (kamote at ube) sa mga lugar na hindi mainam ang lupa ○ pagpapatubo ng saging Paggamit ng sistema ng kaingin upang mapagtaniman ang 36 Mga Bakas ng Kalinangang Austronesyano Paraan ng Pamumuhay pangangaso pangunguha ng likas na yaman tulad ng kawayan at rattan upang magamit sa paggawa ng bahay, kagamitan, at iba pa 37 Mga Bakas ng Kalinangang Austronesyano Sining at Musika pagsasagawa ng tradisyong pasalaysay o oral tradition upang ipasa ang kasaysayan, paniniwala, at tradisyon sa pamamagitan ng mga kuwento, alamat, epiko, awit, at ritwal 38 Mga Bakas ng Kalinangang Austronesyano Sining at Musika pagpapakita ng pagpapahalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng sining: mga guhit sa kuweba pagtatato paghahabi paglililok ng kahoy 39 Mga Bakas ng Kalinangang Austronesyano Sining at Musika paggamit ng mga instrumentong yari sa materyales na makukuha sa kapaligiran tulad ng kawayan 40 Mga Bakas ng Kalinangang Austronesyano Paniniwala at Tradisyon pagsamba sa mga ninuno paggamit ng hugis o imahe ng bangka sa paglilibing ng yumao animismo at paniniwala sa mga espiritu ng kalikasan 41 Kahalagahan ng Pag-aaral sa Kalinangang Austronesyano Pag-unawa sa pinagmulan ng mga Pilipino Pagpapahalaga at pagmamalaki sa ating pinagmulan Pagpapahalaga sa kultura ng katutubong Pilipino Pagtukoy sa kultural na ugnayan 42 Paglalapat Ang Panganib ng Pagkawala ng Katutubong Tradisyon at Kultura Maraming pangkat etniko ang nagsisikap na ipagpatuloy ang mga tradisyong tanda ng kanilang kasaysayan at pagkakakilanlan. Hinaharap nila ang mga mababang pagtingin ng ilang kapwa Pilipino at ang mga nagsusubok na pagkakitaan ang kanilang kultura Inaasahang Pag-unawa Ang pag-unawa sa mga pagkakatulad, pagkakaiba, at ugnayan ng kalinangang Austronesyano ay tulay sa pagkilala at pagmamahal natin sa ating sariling kultura bilang mga Pilipino. Sa bawat aspekto ng kalinangang Austronesyano na ating natutuklasan, nauunawaan natin ang ating pinagmulan, kasaysayan, at tradisyon, pati na rin ang ating koneksiyon sa iba’t ibang bansa sa Timog- Silangang Asya. Nabubuo sa ating kamalayan ang yaman ng ating pagkakakilanlan. Ang ganitong pag-unawa ay nagbibigay-daan sa mas malalim na pagpapahalaga sa ating pagka-Pilipino at sa ating papel sa mas malawak na komunidad ng Timog-Silangang Asya. 44 Dapat Tandaan Ang kalinangang Austronesyano ay nagmula sa Formosa (Taiwan) at kumalat sa Timog-Silangang Asya, Micronesia, Melanesia, Polynesia hanggang sa Madagascar. Nasa 1,200 wika ang kasapi sa pamilyang Austronesyano. Ang mga Austronesyano ay may mataas na kaalaman sa paglalayag. Nauna sila nang ilang daang taon kaysa mga Europeo sa pagtawid sa malalayong karagatan. 45 Dapat Tandaan Ang mga Austronesyano ay mahusay sa pag-aangkop sa iba’t ibang pisikal na kapaligiran. Napaunlad nila ang iba’t ibang paraan ng pagtatanim, pangingisda, pangangaso, at paggamit ng likas na yaman. Mahalaga ang tradisyong pasalaysay sa kultura ng mga Austronesyano. Ang kanilang sining ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kalikasan at sa kanilang pamumuhay malapit sa dagat. 46 Dapat Tandaan Karaniwan sa mga Austronesyano ang pagsamba sa mga ninuno at paniniwala sa animismo. Ilan sa mga tradisyong may bakas ng kanilang kalinangan ang paggamit ng bangka sa paglilibing ng yumao at pagsamba sa mga espiritu ng kalikasan. Ang pagkilala sa kalinangang Austronesyano ay mahalaga upang maunawaan ang kasaysayan at pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ito rin ay nagpapahalaga sa kultura ng mga katutubong Pilipino. 47 Aralin 3 Lesson x.y Ang Imperyong Maritima Lesson Title Imperyong Maritima isang pampolitika, pang- ekonomiya, at pangkulturang kapangyarihang umiral batay sa pagkontrol sa mga teritoryo at rutang pangkalakalan sa karagatan gumampan ng papel sa paghubog ng pagkakakilanlan at ugnayan ng mga bansa 49 Agusan Image nahukay sa Agusan del Sur makikita sa artepakto ang elementong Budista pinaniniwalaang patunay ito ng maunlad na ugnayan sa pagitan ng kabihasnan sa Butuan at mga imperyong maritima 50 Ang Imperyong Srivijaya Saklaw umiral noong ika-7 hanggang ika-13 siglo matatagpuan ang sentro sa Sumatra, Indonesia naging makapangyarihan dahil sa kontrol sa Kipot ng Melaka at Kipot ng Sunda kung saan dumadaan ang ruta ng kalakalan sa mula sa Tsina at India 51 Ang Imperyong Srivijaya Kultura at Impluwensiya mauugat ang kulturang Austronesyano niyakap ang pananampalatayang Budismo na dinala ng mga misyonero mula India naging sentro ng pagpapalitan ng ideya, teknolohiya, kultura, at paniniwala sa rehiyon 52 Ang Imperyong Srivijaya Pagbagsak Mga dahilan: pag-atake ng Imperyong Chola (India) noong ika-10 at ika-11 siglo pagbabago ng ruta ng kalakalan panloob na hidwaan at kaguluhan 53 Ang Dinastiyang Sailendra Saklaw umiral noong ika-8 hanggang ika-9 siglo matatagpuan ang sentro sa Java, Indonesia nagkaroon ng ugnayan at alyansa sa Imperyong Srivijaya 54 Ang Dinastiyang Sailendra Kultura at Impluwensiya nagmula rin sa mga Austronesyano niyakap ang pananampalatayang Budismo ipinatayo ang templo ng Borobudur, isa sa pinakadakilang Budistang templo sa mundo 55 Ang Imperyong Majapahit Saklaw umiral noong ika-13 hanggang ika-16 siglo matapos bumagsak ang Srivijaya matatagpuan ang sentro sa Java, Indonesia saklaw ng kapangyarihan ang lupain ng kasalukuyang Indonesia, Brunei, Singapore, at ilang bahagi ng Pilipinas 56 Ang Imperyong Majapahit Kultura at Impluwensiya naging dominante ang relihiyong Hinduismo na galing din ng India ang kombinasyon ng kulturang Hindu at Budista ang nagbigay ng natatanging katangian sa kultura nito 57 Ang Imperyong Majapahit Kultura at Impluwensiya Laguna Copperplate Inscription: ebidensiyang nagpapakita ng maunlad na ugnayang pangkalakalan sa pagitan ng sinaunang kabihasnan sa Pilipinas at Majapahit 58 Ang Imperyong Majapahit Pagbagsak Mga dahilan pag-aagawan ng kapangyarihan pag-atake ng iba’t ibang kaharian mula sa Sumatra paglakas ng Sultanato ng Melaka 59 Ang Sultanato ng Melaka Saklaw umusbong noong ika-15 siglo matatagpuan sa kasalukuyang Malaysia itinatag ni Parameswara, isang prinsipeng itiniwalag mula sa Sumatra naging makapangyarihan dahil sa estratehikong lokasyon at kontrol sa Kipot ng Melaka 60 Ang Sultanato ng Melaka Kultura at Impluwensiya nagbigay-daan sa malawak na pagpapalitan ng kultura, kalakal, at kaalaman naging susi sa paglaganap ng Islam sa Timog-Silangang Asya pagsusulat ng Sejarah Melayu o Malay Annals, isang epikong talaan ng kanilang kasaysayan 61 Ang Sultanato ng Melaka Pagbagsak pagdating at pananakop ng mga Portuges noong 1511 na siyang magbubukas ng panahon ng kolonyalismo sa Timog-Silangang Asya 62 Paglalapat “Maritime Silk Road” karaniwang tawag sa ruta ng kalakalang tumatawid sa Tsina, Timog-Silangang Asya, India, Arabia, hanggang Europa mas madalas na pinaaangat ang papel ng kabihasnan ng Tsina, India, Arabia, at Venice habang hindi sapat na kinikilala ang malaking papel ng mga imperyong maritima Inaasahang Pag-unawa Mahalaga ang papel ng imperyong maritima tulad ng Srivijaya at Majapahit, gayundin ang kabihasnan sa Sailendra at Melaka, upang maitaguyod ang malawakang pandaigdigang kalakalan. Dahil dito, nagkaroon ng mas malalim na koneksiyon at ugnayan ang bawat kabihasnan sa isa’t isa. Ito ang nagbigay- daan sa mga pag-unlad at pagbabago. 64 Dapat Tandaan Umiral sa pangkapuluang Timog-Silangang Asya ang mga imperyong maritima na nakabatay ang kapangyarihan sa kontrol sa mga teritoryo at rutang pangkalakalan sa dagat. Mula ika-7 hanggang ika-13 siglo, umiral ang makapangyarihang imperyong maritimang Srivijaya sa Sumatra, Indonesia. Naging mahalaga ito sa paglaganap ng Budismo sa rehiyon. Ang Butuan sa Mindanao ay may malalim na ugnayan sa Srivijaya. Ang dalawang pamayanan ay nagkaroon ng palitan ng kultura, teknolohiya, at pananampalataya. 65 Dapat Tandaan Sa Java, Indonesia, umiral ang Dinastiyang Sailendra na kilala sa pagtatayo ng Borobudur, isa sa mga pinakadakilang templo ng Budismo sa mundo. Matapos ang pagbagsak ng Srivijaya, umusbong ang Imperyong Majapahit sa Java mula ika-13 hanggang ika-16 siglo. Ang kanilang lakas at impluwensiyang pang-ekonomiya ay bunga ng kanilang kontrol sa mga rutang pangkalakalan at mahusay na administrasyon. 66 Dapat Tandaan Noong ika-15 siglo, umusbong naman ang Sultanato ng Melaka na naging sentro rin ng kalakalan sa Timog-Silangang Asya. Dito rin naganap ang malawakang pagpapalitan ng kultura at ang paglakas ng Islam bilang isang pangunahing relihiyon sa rehiyon. 67 ANG KONSEPTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO Ano ang Kolonyalismo? Ang salitang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonia na ang ibig sabihin ay “pananahan sa isang pook” o “settlement”. Ano ang Kolonyalismo? Ito ay tumutukoy sa proseso kung saan ang isang bansa o teritoryo ay nagkakaroon ng pormal na okupasyon o aktuwal na kontrol o pag-aari sa iba pang bansa o teritoryo. Ano ang Kolonyalismo? Pangunahing layon nito ang pagtatatag at pagkontrol sa pampolitika, pang-ekonomiya, at pangkulturang kaayusan ng isang bansa. Karaniwang nagaganap ang kolonisasyon sa sumusunod na paraan: Pagpapadala ng mga kolonyalistang bansa ng pangkat ng mga maninirahan sa inokupahang teritoryo. Pagsasamantala ng mga kolonyalista sa yamang likas ng bansang inokupahan. Karaniwang nagaganap ang kolonisasyon sa sumusunod na paraan: Sapilitang pagpapatanggap ng mga kolonyalista ng kanilang kultura, wika, at pamantayang panlipunan sa mga katutubong populasyon o asimilasyon. Tuwirang pagkontrol sa mga kolonya. EPEKTO NG KOLONYALISMO Pagsasamantalang pang- ekonomiya Karaniwan ang pagsasamantala sa mga likas na yaman, lakas manggagawa, at produktong agrikultural ng mga bansang kolonya. EPEKTO NG KOLONYALISMO Sapilitang pagpapatrabaho at pang- aalipin Dahil sa natuklasang yamang likas ng mga kolonya, puwersahang pinagtrabaho ng mga kolonyalista ang mga katutubo at kadalasan ay ginawa pang mga alipin upang maisulong ang hinahangad na yaman mula sa kolonya. EPEKTO NG KOLONYALISMO Pagkagambala ng panlipunan bunga ng pagpapasunod ng kulturang dayuhan Marami sa mga tradisyonal na gawi, wika, at relihiyon ng mga katutubo ang pinalitan o pinigilan ng mga pabor sa pagpapalaganap ng kultura at paniniwala ng mga kolonyalista. EPEKTO NG KOLONYALISMO Panunupil sa kapangyarihang politikal ng mga katutubo Kinontrol ng mga kolonyalista ang sistema ng pangangasiwa ng pamahalaan ng bansang kolonya upang maging pabor sa kanilang interes. EPEKTO NG KOLONYALISMO Hindi matatawarang epektong pangkalusugan Ang dala nilang mga sakit na nakahahawa at nagkaroon ng matinding epekto sa mga katutubong populasyon na wala pang kaligtasan sa sakit (immunity). EPEKTO NG KOLONYALISMO Pagpapaunlad ng impraestruktura Bagama’t namuhunan ang mga kolonyalista sa pagpapagawa ng mga impraestruktura, ang mga proyektong ito ay isinagawa naman hindi para sa katutubo. Ito ay upang maisakatuparan ang hangarin na mailipat nang madalian ang mga produkto at yamang likas ng kolonya sa lupain ng kolonyalista. Tuwirang Kolonyalismo Ang kolonyalismong tuwiran ay kilala ring pormal o kolonyalismong teritoryal. Ito ay tumutukoy sa tuwirang pagkontrol ng isang kolonyalistang bansa sa teritoryo at estrukturang administratibo o pamahalaan ng sinasakop na teritoryo. Tuwirang Kolonyalismo Sa paraang ito, ang mga kolonyalista ay nagtatatag ng mga panirahan, pamahalaan, at administratibong estruktura sa teritoryong sinakop. Tuwirang Kolonyalismo Halimbawa nito ay ang tuwirang kolonisasyon ng mga Espanyol sa Pilipinas kung saan ang mga katutubo ay pinagbagong pananalig at napasailalim sa kontrol ng mga gobernador na Espanyol at pagpapalaganap ng impluwensiya ng mga paring Espanyol. Hindi Tuwirang Kolonyalismo Tinatawag itong impormal o kolonyalismong pang-ekonomiya. Hindi Tuwirang Kolonyalismo Minamanipula ng kolonyalistang bansa ang ekonomiya, politika, at kultura ng kolonya upang mapakinabangan ang yamang likas nito at tiyak na makuha ang hinahangad na interes. Hindi Tuwirang Kolonyalismo Ang makapangyarihang bansa ay maaaring hindi magpadala ng malaking bilang ng maninirahan o mga opisyal sa kolonya. Ano ang Imperyalismo? Ito ay tumutukoy sa alituntunin o ideolohiya ng pagpapalawak ng kapangyarihan at impluwensiya ng isang bansa sa iba pang teritoryo o bansa. Ano ang Imperyalismo? Ito ay tumutukoy rin sa paglikha ng isang imperyo na binubuo ng ilang teritoryo o mga bansa sa labas ng hangganan ng isang bansang makapangyarihan at pagpapalawak ng pangingibabaw nito. Ano ang Imperyalismo? Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng diplomasya, pagpapadala ng puwersang militar, pagpapalaganap ng impluwensiyang kultural, at pagdomina sa ekonomiya ng isang mahina o umuunlad pa lamang na bansa. Katangian ng Imperyalismo Pangingibabaw sa ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng kalakalan, pamumuhunan, o pagpapautang; paggamit ng militar sa pakikialam o pagkontrol sa isang estratehikong lokasyon; at pag-impluwensiyang kultural gamit ang media, edukasyon, at ideolohiya. Katangian ng Imperyalismo Tulad ng kolonyalismo, ang imperyalismo ay napatatakbo nang tuwiran ngunit sa banayad na pag-impluwensiya nang hindi tahasang kinokolonisa ang isang bansa. Katangian ng Imperyalismo Karaniwang sangkot ang pagiging makapangyarihan ng isang bansa sa imperyalismo. Ibig sabihin, karaniwan ang pagpapalawak ng isang makapangyarihang bansa sa higit na mahina o umuunlad pa lamang na bansa. Ano ang Imperyalismo? Sa kasalukuyan, ang imperyalismo ay kinakatawan ng konseptong neokolonyalismo. Ito ay tumutukoy sa pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa ekonomiya at politikal na alituntunin ng isa pang bansa nang hindi nagaganap ang direktang pananakop dito. Isang halimbawa ay ang nagaganap na pagpapalawak ng impluwensiya ng China sa daigdig sa pamamagitan ng programang pang- ekonomiya nitong Belt and Road Initiative. Ang China ay patuloy na namumuhunan ng malaking salapi sa pagpapaunlad ng impraestruktura sa mga bansang umuunlad. Mahalagang maunawaan na ang layunin ng bansang nagkakaloob ng puhunan para sa mga ganitong proyekto ay para sa sarili nitong kapakinabangan. KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO Sa pangkalahatan, ang imperyalismo ay tumutukoy sa sapilitang panghihimasok ng mga makapangyarihang bansa sa ekonomiya, politikal, at buhay-panlipunan ng umuunlad na bansa nang hindi ito tuluyang pinamamahalaan. Ibig sabihin, ang kolonyalismo ang gawing pananakop, samantalang ang imperyalismo ang ideyang nagbubunsod sa pananakop ng mga makapangyarihang bansa o kolonyalista. MGA URI NG IMPERYALISMO Kolonya - Ang kolonya ang pinakatuwirang uri ng pagkontrol ng imperyalismo. Protectorate - Ang protectorate ay tumutugon sa isang bansang may sariling pamahalaan ngunit kontrolado ng isang panlabas na kapangyarihan. MGA URI NG IMPERYALISMO Sphere of Influence - Ito ay tumutugon sa pag- angkin ng isang panlabas na kapangyarihan ng pribilehiyong pamumuhunan at pangangalakal sa isang lugar o rehiyon. Mga Dahilan ng Kolonyalismong Kanluranin Pang-ekonomiya Pampolitika Pangmilitar Kolonyalismong Kanluranin sa Timog- Silangang Asya Ang kolonyalismong Kanluranin ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Timog-Silangang Asya. Ito ay nagdulot ng malaking pagbabago sa rehiyon, na nagdala ng mga bagong ideya, teknolohiya, at pamamaraan ng pamamahala. Ang prosesong ito ay may dalawang pangunahing yugto at iba't ibang dahilan na humubog sa kasaysayan ng rehiyon. Sa susunod na mga bahagi, ating tatalakayin ang mga dahilan ng kolonyalismo, ang dalawang yugto nito, at kung paano ito nakaapekto sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Titingnan din natin ang natatanging kaso ng Thailand at kung paano nito naiwasan ang kolonisasyon. preencoded.png M g a D ahilan ng K o lo nyalism o ng Pang - ekonom iya Pampolitika Pang m ilitar Ang Rebolusyong Industriyal ay Hinangad ng mga Ang mga kolonya ay nagsilbing nag-udyok sa mga Europeo na makapangyarihang bansa na estasyon ng gasolina para sa maghanap ng mga kolonya. manguna bilang bansang mga barko at lugar para sa Kinailangan nila ng mga hilaw imperyalista at makilala bilang pagsasanay ng mga katutubo na materyales para sa pinakamakapangyarihan sa upang maging bahagi ng produksiyon at mga pamilihan daigdig. Ang kapangyarihan ng kanilang hukbo sa panahon ng para sa kanilang mga produkto. isang bansa ay nakabatay sa pakikidigma. Dahil dito, nag-unahan ang mga dami ng kanilang kolonya. Europeo sa pag-angkin ng mga kolonya. preencoded.png Estratehikong Kahalagahan ng Timog-Silangang Asya S ilang ang A sya 1 L o kasyo n 2 K lim a 3 K ayam anan Ang Timog-Silangang Asya ay Ang klimang tropikal ng Ang mga produktong ito ay may estratehikong lokasyon sa rehiyon ay mainam para sa nagkaloob ng tunay na baybay-dagat ng Pacific, na mga plantasyon ng asukal, kayamanang maipagmamalaki mainam na daungan at ruta sa kape, cocoa, goma, niyog, ng mga kolonyalista. pakikipagkalakalan. saging, pinya, at mga panahog. preencoded.png Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin 1 Panahon Ikalabinlima hanggang ikalabimpitong siglo, kilala rin bilang Age of Discovery. 2 Mga Pangunahing Bansa Espanya, Portugal, Dutch Republic, France, at England. 3 Mga Pangunahing Pangyayari Pagsakop ng Portugal sa Malacca (1511), pagsakop ng British sa Kingdom of Kandy (1815), at pagtatatag ng kolonya ng Singapore (1819). preencoded.png Ep ekto ng U nang Yug to ng Im p eryalism o Pagkakaugnay ng mga Bansa Pag tatatag ng m g a Im p eryo Naglatag ng pundasyon para sa pagkakaugnay ng mga Naglatag ng batayan sa pagtatatag ng malalawak na bansa sa pamamagitan ng pagtuklas ng bagong ruta imperyo sa daigdig. patungong Asya, Africa, at Amerika. Pagpapalaganap ng Kulturang Europeo G eo p o litical na Ep ekto Nakatulong sa pagpapalaganap ng wika, relihiyon, at Ang komplikadong pamanang iniwan nito ang humubog kulturang Europeo sa buong daigdig. sa kasalukuyang kaayusang geopolitics sa daigdig. preencoded.png Ikalawang Yugto ng Imperyalismo 1 Panahon Huling kalahating bahagi ng ikalabinsiyam na siglo hanggang sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914. 2 Mga Bagong Imperyalistang Bansa Germany, Estados Unidos, Japan, Italy, at Russia. 3 Pangunahing Katangian Tinaguriang panahon ng "high imperialism" o kasagsagan ng imperyalismo. preencoded.png K o lo nisasyo n ng Tim o g - S ilang ang A sya Bansa Kolonyal na Kapangyarihan Burma (Myanmar) Britain Vietnam, Laos, Cambodia France Indonesia Netherlands Pilipinas Espanya, pagkatapos ay Estados Unidos Malaysia Britain Timor-Leste Portugal preencoded.png Kaso ng Thailand: Malayang Bansa sa sa Panahon ng Imperyalismo Kawalan ng Interes ng mga Europeo Ang lokasyon ng Thailand bilang buffer zone sa pagitan ng mga kolonya ng Britain at France ay hindi naging kaakit-akit para sa direktang kolonisasyon. Modernisasyon ni Haring Chulalongkorn Ipinatupad ni Haring Chulalongkorn ang mga reporma sa bansa, kasama ang pagsasamoderno ng sistemang legal, administratibo, at militar. Konsentrasyon ng Kapangyarihan Nagtatag si Haring Chulalongkorn ng propesyonal na hukbong militar at kinontrol ang mga lokal na pamunuan. Pagpapatibay ng Nasyonalismo Ginamit ng pamahalaan ang historyograpiya at wikang Thai upang mapagtibay ang kamalayang pagkabansa. preencoded.png Ep ekto ng K o lo nyalism o sa Tim o g - A sya Ekonomiya Po litika Kultura Ed ukasyo n Pagbabago sa sistema Pagpapakilala ng mga Pagpapalaganap ng Pagpapakilala ng mga ng produksyon at bagong sistema ng mga bagong relihiyon, bagong sistema ng pangangalakal, pamamahala at wika, at kaugaliang edukasyon at pagtatatag ng mga pagbabago sa mga Kanluranin. pagbabago sa plantasyon at tradisyonal na tradisyonal na pagmimina. istruktura ng kaalaman. kapangyarihan. preencoded.png Pamana ng Kolonyalismong Kanluranin sa Kanluranin sa Timog-Silangang Asya Mga Hangganan ng Bansa Ang kasalukuyang mga hangganan ng maraming bansa sa Timog-Silangang Asya ay resulta ng kolonyal na pamamahagi. Sistemang Pampolitika Maraming bansa ang nagpapatuloy na gumagamit ng mga sistemang pampolitika at legal na ipinakilala ng mga kolonyal na kapangyarihan. Wika at Edukasyon Ang impluwensya ng mga kolonyal na wika at sistema ng edukasyon ay patuloy na mararamdaman sa maraming bansa. Ekonomiya Ang mga ugnayan sa kalakalan at ekonomiya na naitatag noong panahon ng kolonyalismo ay patuloy na may epekto sa kasalukuyang ekonomiya ng rehiyon. preencoded.png